Chapter Twenty-seven: Love Making Ellaine May Frias' Point of View Gabi na nang makauwi kami galing sa rest house nila Theo. Umuwi din kami kaagad dahil kinabukasan ay may client akong ka-meet kaya no choice kung hindi ang bumalik kaagad. Nagmaktol pa nga si Ethan but I promise na sa susunod na weekends ay babalik kami doon. He even want to bring Jackie home pero hindi pumayag si Theo dahil baka mastress bigla ang aso dahil sa new environment. Binuhat ni Theo si Ethan dahil tulog na tulog na ang anak namin at dinala na niya sa kuwarto nito. Ako naman ay kinuha ang mga gamit namin na nasa kotse saka ako pumasok. Pagpasok ko sa kuwarto namin ay agad akong naligo. Sobrang init kasi at nanlalagkit ang pakiramdam ko dahil

