Chapter Twenty-six: Family Day Ellaine May Frias' Point of View "Since Saturday naman ngayon, why don't we have a family day?" Pareho kaming napalingon ni Ethan kay Theo. Kasalukuyan kaming nag-aalmusal ngayon. Simula noong nagluto sila ng pancakes for breakfast, naging routine na sila ang nakatoka sa pagpe-preapare ng almusal. Well most of the time si Theo dahil minsan hindi niya magising-gising si Ethan. "Family day?" tanong ko. Ang alam ko Sunday is family day pero sabagay, kahit anong araw naman puwede ang family day. "Yup. You see, hindi pa tayo nakakapamasyal ng sama-sama. Hindi pa tayo nakakapagtravel. Kahit noon Ellaine, hindi pa tayo nakakapagdate." Natahimik ako sa sinabi niya. Bakit ba kailangan pa niyang ipaa

