Chapter Twenty-five: Breakfast Ellaine May Frias' Point of View Nagising ako dahil sa mabangong amoy na nanggagaling sa kusina. Umupo ako at pinagmasdan ang kuwarto. Maaliwalas tingnan ang paligid, napatingin ako sa bintana at nakita kong maganda anf panahon ngayon. Another day in Theo's house. Tatayo na sana ako para mag-asikaso dahil pupunta ako sa shop ko nang makita ko ang isang bungkos ng pulang rosas na may kalakip na isang pirasong papel. Kinuha ko ito at binasa. For my beautiful and gorgeous wife, Have a great day ahead! Alam kong mapapasaakin ka ulit. I love you. Love, Theo the pogi Aaminin ko, kinikilig ako. Oo na medyo may pagkapokmaru ako but I can't help it. Napangiti na lang a

