Sa Gabi Sa ilalim ng bituin, nakaupo si Lyka sa kubo nila sa likod-bahay. Tahimik. Payapa. Pero sa puso niya, naroon pa rin ang kirot. Hindi niya alam kung kailan siya magiging okay. Pero sa ngayon, sapat na ang katahimikan. Isang gabi matapos mabalitaan ni Lyka na magkasama si Aiden at Ashanti sa isang event, muling nabalot ng katahimikan ang kwarto niya. Pinagmamasdan niya ang cellphone sa kamay, nanginginig ang daliri habang tinitipa ang mensahe. Lyka: Hi Aiden, okay ka lang ba? Pwede ba tayo mag-usap kahit sandali lang? Pinindot niya ang send at mahigpit na niyakap ang cellphone, tila inaasahang babalik agad ang sagot ng binata — gaya ng dati. Pero… wala. Oras ang lumipas, pero nanatiling “Seen” lang ang kanyang mensahe. Kinabukasan Pagkababa niya ng almusal, tila lutang si

