Kinabukasan, nagising ako sa banayad na sikat ng araw na sumisilip mula sa kurtina ng hotel room. Nakasiksik pa rin ako sa dibdib ni Aiden, at ramdam ko ang mahinhing pagtaas-baba ng kanyang dibdib habang mahimbing siyang natutulog. Saglit akong napatingin sa kanya. Ang mukha niyang laging seryoso, ngayon ay mukhang payapa. Hindi ko maiwasang mapangiti. Pero kasabay ng saya, dumapo rin ang kaba. Paano kung malaman ng parents ko? Paano kung may mangyari sa akin? Para bang naramdaman niya ang paggalaw ko, dahil dumilat siya at agad akong nginitian. “Good morning, love,” paos niyang bati, sabay haplos sa buhok ko. “Good morning…” mahina kong sagot, nakayakap pa rin sa kanya. Sandaling katahimikan ang sumunod bago siya muling nagsalita. “Lyka… wag mong isipin na nagkamali tayo. Mahal kit

