Isang umaga, nagpaalam ako. “Pa, kailangan ko pong pumunta sa school. May dapat akong ayusin sa registrar tungkol sa subjects ko sa susunod na sem.” Naningkit ang mga mata ni Papa, parang sinusuri ang bawat galaw ko. “Pwede mo namang ipa-asikaso sa kaklase mo. Bakit kailangan ikaw pa?” Kinabahan ako, pero pinilit kong maging matatag. “Requirement po ‘yun, Papa. Kailangan personal na magpirma. Saglit lang ako, pagkatapos diretso uwi.” Mabigat ang tingin niya sa akin. “Lyka, tandaan mo ang sinabi ko. Huwag na huwag kang makikipagkita sa Cruzano na ‘yon. Kapag nalaman kong sinuway mo ako…” hindi na niya tinapos, pero sapat na ang banta para manginig ako. Tumango na lang ako, kahit alam kong kabaligtaran ang balak ko. Pagdating ko sa unibersidad, halos nanginginig ang tuhod ko habang nagl

