Pagdating nila sa bahay ni Aiden, masaya silang sabay na humiga sa kama. Ilang sandali pa, tumayo si Lyka para mag-shower. Paglabas niya mula sa banyo, lumapit si Aiden na may pilyong ngiti. “Wait for me… mamaya ka sa’kin,” biro nito, sabay kindat. Napatawa si Lyka sa kalokohan ng asawa bago bumalik sa kama. Sa sobrang pagod, hindi na niya namalayan na nakatulog na siya. Paglabas ni Aiden mula sa banyo, napangiti siya nang makita ang asawa niyang mahimbing na natutulog. Dahan-dahan siyang lumapit, hinalikan ito sa noo at hinaplos ang buhok nito. “Mahal na mahal kita, Lyka… Thank God binigay ka Niya sa akin,” mahinang bulong niya. Humiga siya sa tabi nito, pinatay ang ilaw, at niyakap ang asawa bago siya tuluyang nakatulog. Sa kanyang pagtulog, bahagyang gumalaw si Lyka, para bang n

