Dumating na rin ang araw na pinakakaasam-asam ni Lyka, ang kasal nila ni Aiden. Sa wakas, magiging Mrs. Lyka De Vera Cruzano na siya. Punong-puno ng saya ang kanyang puso habang nakatayo sa harap ng altar, suot ang kanyang eleganteng gown na para bang nilikha para sa kanya. Maraming mabibigat na personalidad ang dumalo, mga kilalang pulitiko, business tycoons, at pati na rin mga sikat na celebrity. Ang buong simbahan ay tila isang engrandeng eksena sa pelikula. Sa gilid niya, nakatayo ang matalik niyang kaibigan na si Almira bilang bridesmaid , at kapatid pa ng kanyang asawa na si Alden, kaya parang kapatid na rin ang turing niya rito. Hindi maitago ni Almira ang kilig habang ka-partner niya sa aisle ang kanilang best man na si Calix Li Salazar — ang guwapo at malamig na pinsan ni Lyka s

