Makalipas ang tatlong buwan. “Aiden, inaanyayahan tayo ni Daddy na doon mag-dinner sa bahay namin,” nag-aalangan na sabi ni Lyka. Napatingin si Aiden at natigilan. Ang huling pagkikita niya sa mga magulang ni Lyka ay noong lumuhod ang mga ito sa kanya at humingi ng tawad. Pinatawad naman niya sila, pero simula noon ay hindi na siya nagpakita, kahit ilang beses pa siyang sinubukang kausapin ng mga ito. “Sige,” nakangiting sagot ni Aiden. “Pero gusto ko munang dumalaw sa puntod ng mga magulang ko.” Tumango si Lyka at ngumiti. “Salamat, Aden,” bulong niya bago siya hinalikan. Pagdating ng hapon, nagtungo muna ang magkasintahan sa sementeryo. Pero natigilan sila nang makita na may mga bulaklak doon, bago pa at mukhang kakalagay lang. Nagkatinginan sila. “Sino kaya ang naglalagay ng bula

