Chapter 50

1237 Words

Makalipas ang tatlong araw, nabalitaan na lang nina Aiden at Lyka na nakalabas na pala si Ashanti sa hospital at siya na mismo ang nagpakulong sa sarili niya. Naisipan ni Aiden na puntahan ito sa kulungan. “Musta?” bati ni Aiden nang makita niya si Ashanti. Ngumiti si Ashanti. “Okay lang… mas magaan na ‘yung loob ko ngayon kaysa dati.” Tumango si Aiden. “Kung may kailangan ka, just tell me.” “Salamat,” tipid na ngiti ni Ashanti. “Pakisabi kay Lyka… salamat, at sana mapatawad niya na ako.” Tumango lang si Aiden at bahagyang ngumiti. Habang papalayo siya, ramdam niya ang bigat na unti-unting nababawasan sa dibdib niya. Kahit paano, gumaan ang konsensya niya nang makita niyang seryoso si Ashanti sa pagbabago. Hindi na niya isinama si Lyka, ayaw niyang pareho silang masaktan ng dalawang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD