Mabilis na sumugod si Aiden sa condo unit ni Ashanti, kasama ang kanyang kanang kamay na si Noel. Naiwan naman sa bahay si Lyka, na siya ring tumawag ng ambulansya upang masigurong madadala agad sa ospital ang dalaga. Pagdating nila sa condo, agad na binitbit ni Aiden ang walang malay na si Ashanti at mabilis na isinakay sa ambulansya. Si Noel naman ay sumunod sakay ng sasakyan ni Aiden. Habang nasa biyahe, mahigpit na hawak ni Aiden ang malamig na kamay ni Ashanti, luhaan at nanginginig. “Ash, patawarin mo ako,” bulong niya habang hinihimas ang buhok ng dalaga. “Hindi ko akalaing hahantong ka sa ganito… dahil lang sa akin.” Buti na lang at mabilis tumawag ang katulong nito, kung hindi ay baka huli na ang lahat. Nakita niya ang pulso ni Ashanti na may sugat at agad itong binigyan ng un

