Galit na galit si Senator Fernan habang nanonood ng balita sa TV. Lalo siyang nag-init ng makita kung gaano kamahal at sinusuportahan ng mga tao si Governor Aiden. "Dad, tama na po..." humahagulhol na sabi ni Ashanti habang pinipigil ang luha. "Susuko na ako. Ayoko na pong madamay kayo sa gulo na 'to. Wala namang kasalanan si Aiden, ako po ang may kasalanan sa lahat." Napalingon sa kanya ang senador, namumula ang mukha sa galit. "Tanga ka ba talaga, Ashanti?" sigaw nito, halos mabasag ang boses sa inis. "Bakit ba ganyan lagi pag-iisip mo pagdating kay Aiden? Ginamit ka lang niya, ginamit tayo, para maabot ang pangarap niya!" Tumango lang si Ashanti, pero patuloy ang pag-iyak. "Mahal ko siya, Dad..." mahinang bulong niya, na lalong ikinainit ng ulo ng senador. .Biglang pinatay ni Senat

