Dumating ang araw ng rally. Maaga pa lang, gising na si Lyka at Aiden. Tahimik silang kumakain ng agahan, walang nagsasalita, pero pareho nilang ramdam ang kaba. Pagdating nila sa plaza ng Sta. Lucia, halos sumikip ang dibdib ni Lyka nang makita ang paligid. Ilang tao lang ang nandoon, karamihan ay mga kaibigan lang nila Jean at Paolo. Kakaunti lang ang sumipot, at ang iba pang dumaan ay tinitingnan lang sila mula sa malayo. Ramdam ni Lyka ang lungkot. Ito na ba ’yon? Ito na ba ang rally na pinagpuyatan at pinagpaguran ko? Lumapit siya kay Aiden. “Pasensya ka na… akala ko mas marami ang darating,” mahina niyang sabi, halos maiyak. Ngumiti si Aiden, kalmado ang tinig. “Lyka, hindi mo kailangan humingi ng pasensya. Ang mahalaga, may dumating. Kahit lima lang sila, mahalaga sila.” Doon

