Malakas ang sampal na ibinigay ni Senator Fernan kay Ashanti. “Gusto lang kitang ipagtanggol, Ashanti, laban sa lalaking ’yan!” galit na sigaw nito, sabay turo kay Aiden. “Pero ano ang ginawa mo? Iniwan mo ako sa ere dahil lang sa kanya! Hindi ako papayag na ikaw lang ang babagsak, Ashanti.” Sapo ang pisngi, umiiyak si Ashanti. “Pero, Dad, please... mahal ko si Aiden. Tama na...” pagsusumamo nito, nanginginig ang boses. “Senator,” mariing sabi ni Aiden, bakas ang galit at lungkot sa mukha, “mataas ang pagtingin ko sa inyo, para na kitang pangalawang ama. Iniidolo kita dahil akala ko patas kang lumaban. Pero hindi ko inakalang ganito pala ang paraan mo.” Mariing sumagot si Senator Fernan, halos manginig sa galit. “Bakit, Aiden? Sino ba ang nauna? Tinuring kitang anak, pero anong gina

