POV ni Aiden Pagkalabas nila ng safehouse, sumakay sina Aiden at Lyka sa SUV kasama ang dalawang bodyguards. Tahimik ang biyahe, pero halatang iniisip pa rin ni Lyka ang mga sinabi ng witness. “Lyka,” mahinang sabi ni Aiden habang nasa daan sila, “hindi ka dapat maapektuhan agad sa narinig natin. Hindi ako kumbinsido—” Hindi na niya natapos ang sasabihin nang biglang may humabol na motorsiklo sa gilid. Dalawa, tatlo… apat na motor. “Gov, may sumusunod!” sigaw ng driver. “Ayan na,” mabilis na utos ni Aiden. “I-lock niyo ang pinto!” Biglang pumutok ang unang bala, tumama sa likod ng SUV. Napasigaw si Lyka at awtomatikong yumuko si Aiden para protektahan siya. “Bilis! Harurot!” sigaw ng isang bodyguard. Umandar nang mabilis ang sasakyan, halos sumayad sa kalsada ang gulong. Ngunit pat

