Chapter 31 Gus "Why is this happening?" Nasa loob kami ng silid ni Mommy Anita. Hindi siya mapakali nang marinig mula kay Chan na hindi ito papayag at ang mga magulang ko na pumunta ako sa Pilipinas. He told her that I am prohibited in that country. Hindi ko rin maintindihan ang ibig niyang sabihin. Ang akala ko noon, kaya ayaw nila akong payagan ay dahil sa wala na kaming uuwian roon. But now, bakit para yatang iba ang dahilan nila? "I will call Lance right now. Maybe he will consider your situation when I tell him." Tango lang iginanti ko kay Mommy Anita. I was too preoccupied by Chan's reaction earlier. Bigla itong nagalit nang ipagpaalam ni Mommy Anita ang susunod na shoot namin na gaganapin sa Pilipinas. He suddenly burst out at matigas ang pagtanggi niya. Kahit na ba ipinaliwana

