Chapter 44 Habang abala ako sa pagkuha ng mga order ay biglang pumasok si Onyx sa isipan ko. Hindi na kami nakapag-usap muli dahil wala naman kaming ibang kominikasyon kun’ ‘di ang mag-usap nang harapan. Hindi ko matukoy kung ano ang bumabagabag sa ‘kin ngayon. Nasabi ko naman na kay Onyx ang tungkol sa nangyari sa ‘min dito sa loob ng club kaya wala na dapat akong iniisip ngayon ngunit iba ang nagiging takbo ng isip ko. Parang may hindi tama sa mga sinabi ko. Hindi ko lang matukoy kung alin sa mga ‘yon ang mali. “Miss!” sita ng isang customer sa ‘kin. Napakurap-kurap ako nang matauhan. “A-Ah… O-Opo, opo. Ano nga po ulit ang order ninyo?” pagpapaulit ko sa sinabi nila. Ano ka ba naman, Elle? Hindi ito ang tamang oras para isipin mo ang mga bagay na wala namang kinalaman sa trabaho mo!

