Chapter 43 Araw ng Lunes, may pasok ako mamayang gabi. Hindi pa alam ng mga bata na maiiwan ko na naman sila mamaya dahil papasok ako sa club. Hindi ko pa nababanggit sa kanila kung anong oras ang pasok ko. Alam naman nila na nagtatrabaho ako ngunit wala silang ideya kung ano ang uri ng trabaho ko. “Mama Elle, may anak ka na po ba?” tanong ni Rose. Pinupulbusan ko ang leeg niya ngayon dahil kapapaligo ko pa lang sa kaniya. Nakaupo siya sa kawayan na upuan habang nakaupo naman ako sa sahig, sa harapan niya. Ngumuso siya. “Gusto ko po siyang makilala.” Gulat akong napatitig sa kaniya. “B-Bakit naman?” gulat na tanong ko. Nagkibit siya ng kaniyang balikat. “Wala naman po. Gusto ko lang po kasi siyang makalaro.” Isinara ko ang bote ng pulbos bago ko kinuha ang pink na sando na nasa kandun

