CHAPTER 42

3206 Words

Chapter 42 Ilang minuto pa akong nanatili sa ganoong posisyon bago ko napagpasyahan na damputin at isalansan na ang mga gamit ko na nakakalat sa daanan. Nararamdaman ko ang paghapdi ng mga mata ko ngunit mas pinili kong huwag nang indahin ‘yon. Pasinghot-singhot din ako habang dinadampot ang mga damit at ibang gamit ko dahil nagkaroon ako ng sipon. Napapatingin sa ‘kin ang mga kapit-bahay na napapadaan ngunit ni isa sa kanila ay walang nagtangkang kausapin ako. Minsan ay napapahinto sila sa kanilang paglalakad ngunit hindi para kumustahin o kausapin ako, kung hindi para pag-usapan ako sa harapan ko. Inilagay ko sa mga eco bag ang mga damit at ibang gamit ko na nadampot ko. Ang iba naman ay pinagkasya ko na lang sa ilang mga plastik na nakuha ko rin kasama ng mga gamit ko. Ang banig na s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD