"San ka galing kagabi?" tanong ni Mama pagkagising ko.
Kinusot ko ang mata ko dahil kakagising ko lang. Nagtimpla ako ng kape para magising ang utak ko.
"Sumama ako kay Kirt, Ma, pero umuwi kaagad ako..." sagot ko.
Tumango siya. Kilala niya naman si Kirt, e. Nagpunta na'yun dito noon nung halos itakwil ko na ang buhay ko.
"May part time ka ngayon?" tanong ni Mama.
"Oo, ma. Uuwi rin ako kaagad pagkatapos..." sagot ko at sumimsim sa kapeng tinimpla ko.
"Ang akala ko may lakad kayo ni Dreena?" tanong ni Mama.
Nanlaki ang mata ko nang mapatingin sa kaniya. Anong Dreena? Kumunot ang noo ko, "Ha?" tanong ko kay Mama.
"Ay! Ni Jett pala. Naalala ko lang si Dreena. Nabalitaan 'kong dumating na ang mga Guzman." sagot ni Mama habang nagpupunas ng gamit.
Ngumuso ako, "Hindi ko po alam na may lakad kami ni Jett, mabuti pa nga kayo alam niyo..." sagot ko at sumimsim ulit ng kape.
"Oo, sa convention daw?" sagot ni Mama.
Napatingin ako kay Mama,"Ma? Bakit alam mo?" nagtatakang tanong ko.
"Nililigawan kaya ako ni Jett," sagot ni Mama at ngumiti sakin.
Halos maibuga ko ang kapeng ininom ko sa isinagot niya. Ano daw!? Nililigawan siya ni Jett?
Tumawa si Mama ng malakas, "Syempre diba? Mama muna bago ang anak," panunukso ni Mama.
Mas namilog ang mata ko, "Mama naman! Hindi po ako gusto ni Jett," sagot ko at umiwas ng tingin.
"Hindi pa niya inaamin, yun lang naman ang naiisip ko. Alam mo namang suportado ako sayo, diba?" patanong na sabi ni Mama.
Nangalumbaba ako sa lamesa at tinignan ang pandesal, "Ayoko muna mag-boyfriend," sagot ko na nakanguso.
Natawa si Mama, "Sana yan yung inisip mo nung bata ka pa nung nagka-boyfriend ka. Ngayon, dalaga kana sa mga susunod na buwan," sabi ni Mama.
Napanguso ulit ako at tumingin kay Mama. Ang cool lang pala talaga ng Mama ko. Isipin niyo yun? Hindi siya galit. Naisip ko tuloy ang Mommy ni Kram. Hindi niya ako tanggap. Sobrang strikto.
Siguro ay si Dreena lang talaga ang gusto niya para sa anak niya? Ano nga ba ang wala kay Dreena? Nasa kaniya na ang yaman, talino, ganda...si Kram.
Napailing ako at kumuha nalang ng pandesal at kinagat yun para kunin ko naman ang kape ko.
Pumasok ko sa kwarto at binuksan ang laptop ko. Chineck ko ang cellphone ko at may text doon si Jett.
Jett: Punta ako diyan. Dala ko laptop ko.
Umirap ako. Wala naman kaming wifi pero dito siya tumatambay kapag magsusulat siya.
Ako: Bahala ka sa bubay mo. Wala kaming pagkain dito. Gugutumin ka.
Jett: Edi magdadala ng pagkain. Ano ba gusto mo?
Napaawang ang bibig ko. Omy? Di nga? Magdadala ba talaga siya ng pagkain? Tinatanong ba talaga niya ako kung anong gusto kong kainin?
Ako: Weeeeh di nga?
Napailing nalang ako. Ginutom tuloy ako. Asa namang magdadala yun ng matinong pagkain. Nagreply naman siya kaagad.
Jett: Bahala ka. Ngayon na nga lang manlilibre.
Nako! Napikon siguro. Asa naman kasing mangdadala siya ng pagkain dito diba? Habang nagsusulat ako ng story ay bigla akong tinawag ni Khrisa.
"Ate, labas ka daw sabi ni Mama. May bisita ka..." sabi ni Khrisa.
Sumimangot ako. "Papasukin mo lang kaya dito. Si Jett lang naman yan, masyadong pa-important," sagot ko sa kaniya na hindi siya tinitignan.
"Bahala ka nga," sagot niya naman at naramdaman kong sinara niya ang pinto.
Patuloy lang ako sa pagtitipa sa laptop ko ng marinig kong bumukas ang pintuan.
"Uy, Jett, give me another meaning nga nang patawad sa tagalog." utos ko kay Jett kahit di pa siya tinitignan dahil tutok ako sa pagsusulat.
Naramdaman ko ang hakbang niya, "Paumanhin?" sagot nito.
Kumunot ang noo ko. T-teka? Bakit biglang naging babae ang boses ni Jett? At hindi lang 'yun basta boses lang ng babae kasi hanggang ngayon kahit isang taon na, natatandaan ko pa ang boses niya.
Nilingon ko ang babaeng nagsalita noon. Naroon siya nakatayo di kalayuan sa b****a ng pintuan. Nakatingin siya sakin at halos malaglag ang panga ko nang makita siya.
Biglang may humaplos sa puso ko. Napuno ng pananabik at lungkot. Gusto kong tumakbo para yakapin siya pero may pumipigil sakin. Bakas sa mga mata niya na ganoon rin siya.
"Kyona..." medyo pumiyok na tawag niya sakin at humakbang palapit sakin kaya napatayo ako.
"Dreena..." sabi ko kaya niyakap niya ako ng mahigpit.
Ewan ko pero pagkayakap niya sakin bigla nalang bumalik lahat ng masasakit na alaala, pero mas nanaig ang pagka-miss ko sa kaniya. Niyakap ko din siya pabalik. Nag-iyakan kami sa loob ng kwarto ko.
"Miss na miss na kita, Kyo!" sabi ni Dreena nang kumalas siya sa pagkakayakap sakin at hinarap ako.
Pinunasan ko ang mga luha niya at ganun din siya sakin, "Miss na miss narin kita!" naiiyak na sagot ko.
"Sorry! Sorry...sorry..." paulit-ulit na sabi niya at niyakap niya ako ulit.
"Sorry din, Dreena...sorry...sorry!" sabi ko at niyakap ko din siya pabalik ng mahigpit.
Nang mahimasmasan kaming dalawa ay umupo kami sa kama ko. Nagkwentuhan kaming dalawa. Sinabi ko sa kaniyang di ako nakaabot sa airport nung umalis siya pero ang totoo niyan ay naabuan ko talaga siya pero napaatras ako ng halikan siya ni Kram at nakita ako ni Kram. Hindi pala sinabi ni Kram sa kaniya na nakita niya ako sa aiport.
"Marami akong pasalubong sa labas. I miss you so much!" sabi niya at kinurot pa ang pisnge ko. "Di ka man lang tumaba! I gained weight nga, eh!" sabi niya.
Ngumuso ako, "Ang sexy mo na nga! Ang ganda ganda mo na talaga sobra!" sabi ko at hinawakan ang buhok niyang color blonde.
Marami pa kaming pinag-usapan hanggang sa lumabas na kami sa kwarto ko para tignan ang pasalubong niya. Nagulat ako na isang malaking box talaga ang naroon sa lamesa at kasalukuyang binubungkal ni Mama.
Tumingin si Mama samin at ngumiti, "Salamat dito, hija." sabi ni Mama kay Dreena.
"Your welcome po," sagot ni Dreena.
"Owh," biglang sulpot ni Jett galing sa kusina.
Napairap nalang ako dahil tinitignan ni Jett si Dreena. "Dreena, si Jett nga pala. Jett si Dreena, bestfriend ko..." pagpapakilala ko.
Tumango siya kay Dreena at ngumiti lang si Dreena sa kaniya. "Siya pala si Jett?" sabi ni Dreena at ngumiti sakin ng nakakaloko. Kumunot ang noo ko sa reaksyon niya pero napailing nalang ako.
Teka paano niya nakilala si Jett?
"Nagdala ako ng lechon manok, alam ko namang gutom na gutom kana kaya kumain na kayo doon," sabi ni Jett at tinuro ang kusina.
Natawa ako, "Talaga lang, ha?" paghahamon ko at hihilahin na sana si Dreena sa kusina ng pigilan ako ni Dreena.
"I can't stay too long, Kyona. May...may pupuntahan pa ako...." malungkot na sabi ni Dreena.
Nanlumo ako, "San ka naman pupunta?" tanong ko.
Napakagat labi siya, "Ahmm...just..." naiilang na sabi niya.
Mukhang alam ko na kung saan siya pupunta kaya hindi niya masabi kung saan siya pupunta. Napakagat labi ako, "Ah! Sige na. Bukas nalang tayo ulit mag-usap. Marami pa tayong pag-uusapan," sagot ko at ngumiti sa kaniya.
Ngumiti naman siya, "Okay, aalis na ako." sagot niya.
Nang makaalis si Dreena ay bigla akong inakbayan ni Jett, "Ganda ng bestfriend mo, a?" patanong na sabi niya.
Tinignan ko siya at pinanliitan ng mata at saka ko siya siniko sa dibdib. Dumaing siya sa sakit at napalayo sakin. Alam kong maganda si Dreena pero kapag si Jett na ang nagsabi bakit nainis ako bigla? "Mas pretty ako," sabi ko at nagmartsya na papunta sa kusina.
Narinig ko ang tawa niya na sumusunod sakin, "Mas pretty ka? Saan banda?" di makapaniwalang tanong niya.
Inirapan ko lang siya at hinanap ang lechon manok na sinasabi niya kasi nagugutom nako. Kumain nalang ako at hindi siya pinansin kahit tawa parin siya ng tawa na parang iniinsulto ako.
"Nakita ko na yung libro mo sa Pandayan..." sabi niya sabay hagis ng isang paper bag.
Nanlaki ang mata ko, "Agad-agad?" di makapaniwalang tanong ko at binuksan ang paper bag. Nagkibit balikat lang siya. "Omyyyy!" sabi ko nang makitang napakaganda talaga ng cover nang book.
Bigla niya akong inakbayan kaya napatingin ako sa kaniya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa lapit niya sakin, "Congratulations, Reccess," sabi niya sakin nang nakangiti. Ngumiti din ako sa kaniya pero medyo naiilang pa ako dahil yung mga titig niya sakin parang ako na'yung pinakamaganda sa lahat kahit sinasabi niya kanina na di naman ako pretty.
"Ipapakita ko lang kay Mama," sabi ko at umalis sa pwesto namin.
Bumalik ang tamang paghinga ko ng makalayo ako. s**t, ano to? Bakit ganito? Wala naman akong nararamdaman para sa kaniya, diba? Siguro kinakabahan lang ako. Hindi na ako sanay nang may ganoon ka lapit sa akin.
Kinabukasan ay niyaya ako ni Dreena magkita sa café na lagi naming pinupuntahan kasama si Kirt. May pag-uusapan lang kaming importante. Nagyaya din si Kirt na mag-mall kami dahil sale, pero nagmamadali si Dreena kasi may pupuntahan pa sila ng Mommy niya kaya dalawa nalang kami ang nagkita. Bukas nalang kami magbonding.
"Kahapon we really didn't talk about...the past." pag-uumpisa ni Dreena habang nakaupo kami sa tabi ng glass window ng café.
Bumuntong hininga ako, "Yeah..." sagot ko.
"But, I want to congratulate you. I bought your book yesterday! And someone I know wants to have your autograph!" sabi niya at pinakita ang dalawang librong na-publish na. Una yung naipasa kong manuscript, pangalawa ang napansin ng mga publisher sa writers corner.
Nanlaki ang mata ko, "Talaga?? Omygosh! Sino!? Siya ang unang magpapa-autograph sakin!" di makapaniwalang tanong ko sabay kuha ng libro at tinanggap ang pentlepen na inabot niya.
Pinirmahan ko ang first page nito. Sobrang saya lang sa feeling na may magpapa-autograph sayo.
"Siguradong magiging masaya siya, Kyona. She's from California, and she's my only filipino friend there. I know you wrote story sa writers corner so I recommended your story. Btw, I'm missbestie in twitter and in writers corner. And I like Jett's story also." dirediretsyong sabi niya.
Nagulat ako sa sinabi niya, "Ano!? Your missbestie?!" tanong ko.
Tumango siya at ngumiti. Nilagay ng waiter ang order namin sa lamesa kaya naputol ang idudugtong ko. Kinuha ko kaagad ang frappe na order ko.
"Yes, at bagay talaga kayo ni Jett. You two are both trending nung gumawa kayo ng combine story." sagot niya. "You know what? Try mo kayang i-translate sa english yung mga stories mo? My friends in Cali want to read it to you know. Inggit sila samin nung friend kong nagbabasa din." sabi niya.
Natawa ako sa rebelasyon sinabi niya. Sobrang saya sa feeling na maramig nakaka-apppreciate ng mga gawa mo. Tama si, Jett noon, e. Pinilit niya akong magsulat para magka-pera pero iba ang gusto ko nang mangyari ngayon. Nagsusulat ako kasi gusto kong ipahayag ang gusto kong sabihin. Gusto kong ipakita.
Masaya maging isang writer. Pwede mong paglaruan ang daloy ng story. Kaya mong gumawa ng forever. Kaya mong gumawa ng isang disenteng tao at kung anu-ano pa and that's maybe I was just fine a year ago. I had fun writing with Jett.
"Magkaibigan lang kami ni Jett," sabi ko sabay higop sa frappe ko.
Binigyan niya ako ng di makapaniwalang tingin, "Weeeh? You two are both bagay. Parehong writer! You know? I have the feeling na siya na..." sabi niya.
Umiwas ako ng tingin. Gusto kong maniwalang siya si Dreena na pinupush ako sa isang tao, gaya nang pag-lilink ko sa kanila ni Migs noon, pero ngayon...ang naiisip ko lang ay ginagawa niya ito para makalimutan ko na ng tuloyan si Kram.
"Kung kami man, tatanggapin ko siya. Kung gusto niya ako, gugustuhin ko siya. Matagal naring nanahimik ang puso ko..." medyo tumawa ako sa sinagot ko.
Totoo ngang kapag nawala ang tiwala mo sa isang tao. Mahirap ibalik, pero susubukan ko. Alam kong totoo si Dreena...
Pumalakpak siya, "Really!? That's good! You know I'm writing a short story abot you two! Kaya lang di ko matapos-tapos. I don't know how to!" tatawa-tawang sabi niya kaya napatawa narin ako.
"Na-realize ko na...masyado na'kong naging tanga. Na-realize ko kung paano mo ko tinulongan para kalimutan si Kram. Halos galit kana nga kung nagpapakatanga ako...yun pala, kayo na..." iniwasan kong maging bitter ang sinabi ko at nagawa ko naman pero nawala ang ngiti sa labi ni Dreena.
Tipid akong ngumiti, "Para pala talaga akong tanga. Sobrang tanga. Pinagpalit ko ang pagkakaibigan natn kay Kram, Dre. I'm really sorry..." naiiyak ko ng sabi kahit nakangiti ako.
Tumayo si Dreena para yakapin ako, "I'm so sorry kung tinago namin sayo. Hindi ko kayang masaktan ka pa. Ang akala ko kasi makaka-move on kana. At kapag naka-move on kana pwede ko ng sabihin sayo ang totoo para hindi na ganoon ka sakit," sabi niya na naiiyak narin.
"Okay na...okay na, Dreena..." sabi ko sabay himas sa kamay niya. Kumalas siya sa pagkayakapa at bumalik sa upuan niya. Tinignan namin ang mga taong nanonood samin.
Tumawa kami kahit nagpupunas kami pareho ng mukha dahil sa iyak. Para kamig mga baliw. Pagkatapos naming kumain diretsyo na ako sa lakad namin ni Kirt. Sinusulit lang ang bakasyon, e.
Kinabukasan naman ay nagyaya si Dreena na kumain kami sa labas ni Kirt. Hindi na ako nakakapag-sulat sa ginagawa nila. Araw-araw kaming gumagala. Pera ko ang ginagastos ko.
Pagdating ni Kort ay saktong paglapag ng mga pagkain sa lamesa namin. Busog na busog nako pero pagkakita ko ng pagkain bigla akong nagutom ulit.
Umorder din kami ng drinks. Hindi gaano nakakalasing. Tsyaka wala pa kami sa edad. Nadala nalang kami kay Dreena kasi nasa right age na siya at mukhang ganoon narin naman kami ni Kirt kasi mag-e-18 narin naman kami this year. Mauuna nga lang ako.
"Pass ako sa lasingan. Hatid ko pa kayo mamaya tsyaka photoshoot pa bukas." sabi ni Dreena sabay subo ng french fries.
Ngumiti lang ako sa kaniya at tinignan ang kopitang nasa lamesa. Ayokong uminom kasi ayokong malasing. Pupunta pa kami bukas sa convention ni Jett dahil di na tuloy nung nakaraan.
Tinignan ko ang pamilyar na lalakeng umakyat sa stage na may dalang gitara. Ito yung pogi sa 7/11 nung nakaraan na sinupladohan si Kirt.
"Good evening, everyone. I hope you enjoy this song..." mahinahong sabi niya at tipid na ngumiti. Nag-umpisa na siyang mag-strum ng gitara.
"I'm broken, do you hear me?"
"I'm blinded, 'cause you are everything I see..."
"I'm dancin' alone, I'm praying...."
"That your heart will just turn around...."
Naramdaman ko kaagad ang lungkot sa boses niya. Maganda ang boses niya at talaga namang mapapahinto ka sa ginagawa mo para pakinggan ang boses niya. Mukhang may dinadala din siya, katulad ko.
"And as I walk up to your door...."
"My head turns to face the floor...."
''Cause I can't look you in the eyes and say..."
"When he opens his arms and holds you close tonight..."
"It just won't feel right, Cause I can love you more than this..."
Napapikit siya habang kumakanta. Yung iba napapapalakpak na kahit hindi pa natatapos 'yung kanta. Pakiramdam ko damang dama naming lahat dito ang kanta niya.
"When he lays you down...I might just die inside...."
"It just don't feel right..."
''Cause I can love you more than this, can love you more than this..."
Kinalabit ko si Kirt, "Kirt, diba siya 'yung lalake na sinungitan ka?" natatawang tanong ko.
Napatingin samin si Dreena na nanonood din, "Really? You encounter a guy like that?" di makapaniwalang tanong ni Dreena at muling bumaling kay Heero.
Nakita kong lumagok si Dreena ng isang kopitang alak. At naparami na ito. Mukhang may nakita siya sa cellphone niyang nakakainis. Bakit? Nag-away ba sila?
Parang may mga problema tong mga kasama ko ngayon. Haaay. Ako na nga lang ang bahala sa kanila kapag malasing sila. Sunod-sunod ang palagok nila ng ng isang kopitang alak. Napangiwi nalang ako sa ginawa nila, pero sumubok narin ako.
"If I we're to choose? I choose not to even meet that guy." iritadong sabi ni Kirt.
Napatingin ako kay Kirt na biglang napa-english. Tumawa ako, "Magnet ata si Kirt ng masusungit na lalake." sabi ko at ininom ang isang kopita.
"Umeenglish accent kana ngayon, Kirt kirt ha." sabi ni Dreena.
Umirap si Kirt at ngumiti. "Because, I'm drunk! Hihihi! The monster told me that I am hard to handle when I'm drunk. Can you both handle me?" tumatawa niyang sabi. Lasing na lasing na talaga siya.
Nagkatinginan kami ni Dreena, "You know what. She's right, Kyo. Lasing na siya. You know what to do..." sabi ni Dreena.
Nakuha ko naman ang senyas kaya tumango ako para kjnin ang cellphone ko sa bag. Buti nalang may number ako ni Dewlon para may contact daw siya sa whereabouts ni Kirt.
Patuloy parin sa pag-inom si Kirt hanggang sa pinigilan ko na nga siya sa kabaliwan niya. Si Dreena naman tumutulong pero isa din tong tumba na maya-maya.
"Asshole! Dewlon! Asshole!" paulit-ulit na sinasabi ni Kirt hanggang sa dumating na si Dewlon para i-pick up siya.
"Iuwi mo na siya, Dewlon." sabi ko habang tinutulongan siya kay Kirt.
Tumangos siya, "How about you two?" tanong niya sabay nguso kay Dreena na panay ang inom at may binubulong bulong.
Medyo napangiti ako kasi parang ang baliw lang ni Dreena. "You should call someone to pick her up...umuwi na kayo. Delikado na. Sige mauna na kami..." supladong dugtong niya. Kahit suplado si Dewlon alam mong nag-aalala din siya sa mga kaibigan ng taong mahal. How sweet naman.
Pero teka? Paano nga ba kami uuwi ni Dreena? Sino naman kaya ang tatawagan ko para sunduin siya? s**t. Hindi ko ini-expect na ako pa ang mismong magtetext kay Kram na sunduin niya ang girlfriend niya. s**t!
Nang makaalis na sila ay bumaling ako kay Dreena. Pinigilan ko siyang lumagok ulit ng alak. "Let me drink this, Kyo! Damn! f**k! I hate my goddamn life! I just so hate it!" singhal niya kaya hinayaan ko siyang inumin yun.
Kumunot ang noo ko, "Dreena, ano ba yang pinagsasabi mo? May number kaba ni Kram? Ako na ang magtetext sa kaniya para sunduin ka..." sabi ko at kinuha ang bag niya sa tabi niya.
"Ayoko...kaya kong mag-isa..." lasing na lasing na sabi niya.
Kita mo tong babaeng to. Ang sabi niya kanina hindi daw siya maglalasing kasi ganito ganyan, tapos ang ending boom lasing. Tsk. Tsk.
Pagkakuha ko ng iphone 6 niya sa bag ay tinanong ko ang password pero kahit di niya sabihin, nahulaan ko parin. Syempre, bestfriend ako ni Dreena ng ilang taon nu! Syempre alam kong 1234 lang ang password niya. Sus!
Pagka-open ko sa iphone niya tumambad kaagad sakin ang f*******: account ni Miguel Juan. Maraming naka-tagged sa kaniyang mga pictures na marami siyang kasamang babae. Tapos may kahalikan, may kasayawan. Marami talaga at di mo aakalaing si Miguel Juan pa 'yun.
Bakit naman kaya napadpad si Dreena sa sss account ni Migs? Namiss niya ba si Migs? Aba, baka mag-laway na ngayon si Dreena kasi sobrang gwapo na ni Migs.
Hinanap ko sa phonebook ni Dreena ang numero ni Kram. Kram lang talaga ang name niya at wala ng iba. Wala man lang heart heart or babe or baby ko. Wala ba silang tawagan? Yung kagaya nang krypton? Ugh! Bakit ko ba iniisip yun?
Labag man sa kalooban ko ay tinext ko si Kram, gamit ang phone ko. Nagbago na nga ang kaniyang number, e.
Ako: Kram, sunduin mo si Dreena dito sa *toot* acoustic bar. Si Kyona ito.
Ayoko na sanang magpakilala pero baka isipin niyang binibiro lang siya or something. Nagulat pa nga ako dahil agad itong nagreply.
Kram: Is this really you, Kyona?
Napanganga ako sa nireply niya. Nagpakilala na nga diba? Halata naman diba? Ugh!
Ako: Oo nga. Pakisundo nalang si Dreena dito kasi lasing na siya.
Nagreply pa siya pero di na ako nagreply lalo na ng sabihin niyang papunta na siya. Abot-abot nalang ang aking kaba ng sabihin niyang papunta na siya. Medyo may kumirot din sa puso ko na kapag si Dreena na, mabilis siya.
Niyaya akong sumayaw ni Dreena kasi banda na ang sumunod at may maliit na espasyo doon para sumayaw kaya nakisabay kami sa mga taong naroon.
"Woooh, party!" sigaw ni Dreena habang nakikipagsayawan sa mga lalake. s**t! Kailan pa kasi dumami ang mga tao dito sa acoustic bar?
Bakit bigla bigla nalang naging club?
Hinihigit ko siya palayo sa mga lalake kasi may boyfriend na siya. Hindi niya da---kunsabagay ay ganoon din naman si Kram.
Hay nako! Ano ba yang relasyon nila? Bakit ganyan? Hindi ko maintindihan! Hanggang ngayon sila, pero seryoso ba?
Hindi ko siya naagaw sa mga lalakeng sumasayaw sa kaniya. May mga lalakeng nakisayaw narin sa akin kaya nawala na siya sa paningin ko. Hanggang sa lumakas ang kanta kaya mas dumami ang tao.
May humaplos sa mga binti ko kaya sinampal ko ang gumawa nun. Umangil siya at hinawakan ang dalawang braso ko para ilapit sa kaniya pero pilit kong inaagaw ang sarili ko.
Hanggang sa may humigit sakin at niyakap ako. Hindi naman yun talaga yakap. Hinigit niya ako papunta sa katawan niya at niyapos ng isa niyang braso at humarap sa lalakeng nambastos sakin.
Tiningala ko ang itsyura nung nagligtas sakin at halos lumuwa ang puso ko nang makita kung sino.
"Touch her again and I'll punched your f*****g ass!" banta ni Kram sa lalakeng nambastos sa akin.
"Wag ka ngang madamot, Andremayo. Na sayo na si Dreena, wag pati ang chix nayan!" sagot ni manyak.
Biglang sinuntok ni Kram yung lalake gamit ang isa niya pang kamay nang lumapit yung manyak sakin. Yung pagyakap ng isa niyang kamay ay nasa bewang ko at nakatutok ang kaniyang kamao sa lalakeng manyak.
Inangat nung manyak ang kamay niya hudyat na siya ay sumusuko na. "Okay, fine. Basta bukas, akin na lang yang flavor of the night mo," sabi niya sabay kindat sakin pero biglang umalis ang kamah ni Kram sa bewang ko at sinuntok ng ilang beses yung lalake.
"f**k! She's not one of them! She's not f*****g available!" gigil na gigil na sabi ni Kram habang pinagsusuntok niya yung lalake.