Chapter 17 - Happy

2629 Words
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa sinabi niya sa lalake. Anong hindi ako available? Anong karapatan niya para sabihin 'yun! Halata namang I am 100% available pero hindi sa mga manyak syempre! Tumulong na ako sa pag-awat kay Kram palayo sa lalakeng binubugbog niya, "Kram, tama na!" sigaw ko. Tumigil naman siya. Maraming umaawat sa kanilang dalawa at mukhang lalaban pa sana 'yung isa ng hilahin na siya mga bouncer. "Damn it!" mariin na sabi niya at marahas na inalis ang mga kamay nang humihila sa kaniya. Agad siyang lumapit sakin ngunit napaatras ako nang makitang madilim ang kaniyang mga mata. Hinawakan niya ang braso ko at hinila. Marahas ang kaniyang pagkakahila, "K-kram, teka muna si Dreena naroon pa sa dance floor!" sabi ko. Tumigil siya at tumingin sakin. Unti-unting nawala ang dilim sa kaniyang mga mata. Unti-unti siyang huminahon nang marinig niya ang pangalan ni Dreena... "P-puntahan mo na siya. Doon lang ako sa table namin," sabi ko at tinuro ang table sa dulo. Aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko, "Hindi kita iiwan, Kyona, sumama kana sakin..." seryosong sabi niya at hinila ako pabalik sa dance floor. Nagpatianod nalang ako sa kaniyang paghila sakin. Habang nakatingin ako sa kaniya biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Bigla nanamang nagwala ang mga puso ko na parang nakikilala nila ulit ang dating may-ari nito... Sana...sana noon pa hindi mo ko iniwan, Kram. Kasi kahit pilit akong sumasama sa'yo noon, hindi kita mahabol. Hindi na kita naabutan. Nang makita namin si Dreena sa dance floor nakikipagsayawan sa mga lalake ay hinawi lang ni Kram ang mga lalake at binuhat si Dreena yung pang-briday style. Parang kinurot ang puso ko habang seryoso lang si Kram na buhat si Dreena. Tumingin siya sakin, "Humawak ka sa laylayan ng tshirt ko. Ayokong mawala ka. Baka maligaw ka sa paglabas..." seryoso niyang sabi habang nakatitig sakin. Napaawang ang bibig ko. Bakit pakiramdam ko lahat nang sinabi niya ngayon ay may iba pang kahulugan. Ayokong umasa pero bakit sa mga oras na ito yun ang naiisip ko? Ang umasa na baka mayroon ulit, pero ayoko na. Matagal nakong sumuko. Matagal nakong tumigil. Lalo na't nandito na si Dreena... "Hindi na ako bata, Kram. Hindi ko na kailangan pang umasa...hindi ko na kailangang iasa ang sarili ko sa iba para makalabas lang dito," seryoso kong sagot at nauna na sa paglakad. Shit. Bakit parang mas halata ang pag-hugot ko? Aish. Bakit ganoon pa kasi ang sinagot ko? Ayan tuloy! Baka isiping, bitter ako! Isinakay ni Kram si Dreena na ngayon ay tulog na sa backseat ng kaniyang sasakyan. Ayokong mang makipag-usap pa sa kaniya pero kinakailangan dahil kaming dalawa lang naman ang gising. "Paano ang sasakyan ni Dreena?" tanong ko sabay turo sa sasakyan nito sa kabilang parking space. Sinarado niya ang pintuan ng backseat at tumingin sakin. Tsk! Bakit kanina pa siya tumitingin sakin. Hindi man lang ba siya naiilang sakin! Tsk! Binuksan niya ang frontseat, "Ipapakuha niya 'yan bukas sa driver niya," sagot niya at nginuso na ang frontseat, "Sakay na," utos niya at umangat amg kaniyang labi bago umikot sa driver's seat. Shit! Bakit dito ako uupo? Pwede ko namang samahan si Dreena sa likod? Tsyaka isa pa, bakit naman ako sasama pa? Hindi ako magpapahatid kasi hindi niya obligasyon 'yun dahil si Dreena lang ang obligasyon niya. Hindi ako pumasok sa frontseat. Nagtaka siya nung pumasok siya sa driver seat ng makitang di pa ako pumasok, "Pasok na," sabi niya. Tipid akong ngumiti, "Wag na, ihatid mo nalang si Dreena. Kaya ko ang sarili ko. Salamat nalang," sabi ko at sinara na ang pinto. Pero bago pa ako makatalikod narinig ko na ang malakas na pagsara nang pintuan sa kabilang side. Bumaba si Kram para harapin ako. "Ihahatid na kita, Kyona. Wala nang matinong sakayan sa mga oras na to. Sumakay kana.." Umiling ako, "Pero kaya ko naman ang sarili ko, Kram," mariin na sagot ko. Umigting ang kaniyang panga, "Ihahatid lang naman kita, Kyona. What's wrong with that? If you don't want to talk to me, then don't talk to me the whole ride. I just want you safe home, because if for you, you don't treat me as a friend, but for me I treat you like that. So, get in." mariin din na sagot niya at hinila ako palapit sa pintuan. Napairap ako sa inasta niya. Tsk! Bakit ba mapilit siya!? Sumakay nalang ako para matapos na to. Nang makasiguro siyang di na ako lalabas ay umikot na siya sa driver seat. Hindi ko siya kakausapin. Hindi ko siya kikibuin buong byahe. At anong kaibigan? Psh. f**k, friends... Tahimik kaming dalawa. Tanging ang music lang sa sasakyan niya ang naririnig namin. Kanina pa ako nakakaramdam ng kakaibang tensyon sa pagitan namin. Parang nagpapakiramdaman kami. Sinusulyapan ko siya minsan pagkatapos titignan ko si Dreena sa likod. "You idiot! I care for you!" biglang sigaw ni Dreena sa likod. Sabay kaming napatingin ni Kram kaya muntik ng bumunggo ang mukha namin. Nagkatinginan kami tapos binalik niya ang tingin sa kalsada. Ayoko man siyang kausapin pero kating kati na akong itanong to sa kaniya one year ago... "Kung ano man sana ang problema niyo ni Dreena, ayusin niyo na..." biglang sabi ko habang tumitingin kay Dreena. Natutulog si Dreena pero nagsasalita siya mukhang may pinagdadaanan. Mukhang may away sila ng syota niya. Tsk. "I don't know what your saying...we're fine," sagot niya at seryosong nakatingin sa kalsada. Napalunok ako ng dalawang beses. Bakit bigla nalang akong kinabahan? "Eh, bakit siya nagkakaganyan? Ikaw lang naman ang naiisip kong dahilan," sabi ko at tumingin na sa kaniya. Naramdaman niya siguro ang pagtitig ko sa kaniya kaya sumulyap siya sakin. Umawang ang bibig niya pagkatapos bumalik ang tingin sa kalsada. "It's not me, maybe a friend of her? Family problem..." sagot niya na parang walang pakialam. Napapikit ako ng mariin at napailing. Edi hindi. Ayoko ng mangulit pa. Bakit parang wala naman siyang pakialam sa sinasapit ng girlfriend niya? Hindi man lang nga niya sinuntok yung limang lalakeng nakikipagsayawan kay Dreena kanina na mukhang ang mamanyak. Haaaay. Siguro ayaw niya nalang ng gulo. "Sana alagaan mo ng mabuti si Dreena. Wag mo siyang sasaktan..." seryosong sabi ko nang makita na ang gate namin sa labas ng bintana. "I will...don't worry..." mahinang sagot niya at tinigil ang sasakyan sa harap ng gate namin. Napatingin ako sa kaniya at nagulat ako dahil malungkot ang kaniyang mga mata. Binuksan ko ang pintuan at unti-unting lumabas, "S-sige, salamat sa paghatid. Ingat kayo--" Hindi ako nakatapak sa apakan pababa tapos madulas kaya nahulog ako. Bat kasi di ako tumingin sa binababaan ko? Bigla kong narinig ang boses ni Jett, "Kyona!" sigaw niya at humahangos na tumakbo palapit sakin. Galing siya sa bahay namin. Dinaluhan niya agad ako. Nakita kong nakababa na pala si Kram sa sasakyan niya. Napalunok ako. Nag-alala ba siya? Pinatayo ako ni Jett. Pwet ko lang naman 'yung masakit, mabuti nalang at walang sugat. "Ang lampa mo talagang payatot ka!" sabi ni Jett at ginulo ang buhok ko. Napatingin siya kay Kram dahil doon ako nakatingin. "Salamat sa paghatid. Ingat kayo sa pag-uwi," yun nalamang ang sinabi ko. "Sino siya?" tanong naman ni Jett sakin. "Ah! Jett, si Kram nga pala...b-boyfriend ni Dreena. Kram, si Jett nga pala, kaibig--" Hindi ko na napatapos ang sasabihin ko ng akbayan ako ni Jett. Seryoso siyang nakatingin kay Kram at naglahad ng kamay, "Special friend ni Kyona," masiglang sabi niya. Bakas sa mga mata ni Kram ang pagkairita. Dumilim ang kaniyang mga mata gaya ng mga mata niya kaninang galit sa bar. Ibinaba ko ang kamay ni Jett dahil mukhang hindi yun tatanggapin ni Kram. "Sige na, Kram. Good night!" sabi ko at hinila na si Jett papasok sa gate at iniwan si Kram doon. Mukhang may nakakita pa sa kaniyang mga kakilala niya noon dito kaya tinawag siya. Hindi nako nag-abalang lingunin siya. Sumusobra kana, Kyona kung gagawin mo pa yun. "Siya yung ex mo, hindi ba?" tanong ni Jett nang makapasok kami sa bahay. Alam naman ni Mama na gagabihin ako dahil si Dreena na ang nagpaalam sakin na gusto niya akong maka-bonding kasama si Kirt. Tumango lang ako sa kaniya. Nagtimpla ako ng gatas para mawala yung ininom kong alak kanina. Konte lang naman pero ang panget sa pakiramdam. "Uminom ka ano? Okay lang yan...experience." sabi ni Jett habang kumukuha ng tubig sa ref namin. Pumamewang ako, "Ba't nandito ka pa? Gabi na, ah? Tulog na nga si Mama at Khrisa." tanong ko. "Syempre, pinahintay ka ni Tita. Alam mo namang malakas sakin si Tita kaya sumunod naman ako..." sagot niya. Pinanliitan ko siya ng mata, "Nandito na ako, bakit nandito ka pa?" tanong ko ulit. Pinanliitan niya rin ako ng mata, "Edi uuwi na..." mariin na sagot niya at kumaway na sakin. Umirap nalang ako. Kung tutuusin din na nga ako sanay na walang Jett na panggulo sa buhay ko, e. Tsk. Mabuti nalang nga at nandiyan si Jett. Nakakalimutan ko na may palpak pala akong love life. (Gaya ni miss author, charot!) Kinabukasan, nagpa-enrol na kami ni Jett sa W.U. Sabi ko nga kay Mama kahit sa ibang school nalang ako para di kami masyado gumastos pero sabi niya doon daw ako magtatapos. Ayoko nalang siyang pilitin. Alam ko namang may inipon si Mama para sa tuition ko, e. Dala-dala namin ni Jett ang laptop namig dalawa dahil plano naming tumambay sa isang coffee shop na treat niya daw at mag-chill. Stress siya kasi malapit na ang pasukan. "Sana magkapareho na tayo ng schedule ngayon para mainis kita araw-araw..." sabi ni Jett. Sinamaan ko siya ng tingin, "Araw-araw mo na kaya akong bwinibwesit!" sagot ko. Nagkibit balikat siya at ngumiti, "Edi, oras-oras hanggang sa magsawa ka," sagot niya at kumindat. Ngumiwi ako sa kaniya, "Sawang sawa na po ako," sagot ko at umiwas ng tingin. Bigla niyang binunggo ang balikat ko, "Kyona, kwento ka naman. Tell me about Dreena..." sabi niya. Napatingin ako sa kaniya. Tinaas baba niya lang ang kilay niya at may malaking ngiti sa labi. Pinanliitan ko siya ng mata, "May boyfriend na ang tao, ano kaba!" sita ko sa kaniya. "Alam ko, bakit sinong nagsabing aagawin ko? I'm just going to make her my character. Malisyosa ka masyado!" nakangiwing sagot niya. Umirap ako at saka ngumuso, "Edi! Mabait! Sweet, matalino, nasa kaniya na! Lahat-lahat!" sigaw ko at naunan ng maglakad sa kaniya pero naramdaman ko ang malalaking hakbang niyang nakasunod sakin. "Lahat-lahat. Pati si Kram, diba?" tanong niya mula sa likod. Natigilan ako sa sinabi niya, pero nang makita ko na ang registrar ay agad akong tumakbo at pumila. Hindi ko nalamang siya sinagot. Siguro ay may ideya na siya. Alam niyang ex ko si Kram at ngayon alam niyang boyfriend ni Dreena ang ex ko. "I don't know if I will make her the protoganist or the antagonist of my story..." sabi niya at napaisip. Sumimangot ako, "Ano, story niyong dalawa? Edi, protoganist!" sagot ko. "Hindi ko siya gusto," tanggi niya. "Sus! Ang sabihin mo, type mo talaga si Dreena! Diba gandang ganda ka doon?" tanong ko sa kaniya at umirap. Humalakhak siya at umakbay sakin. Nagulat ako nang ilapit niya ang mukha ko sa mukha niya, "May iba akong type..." bulong niya at seryosong tumitig sakin. Nang magtama ang mga mata namin ay biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam pero halos lumuwa ang puso ko nang bumaba ang kaniyang tingin sa mga labi ko. Ako na mismo ang tumulak sa kaniya at sinamaan siya ng tingin, "Edi hindi, alam ko naman mga type mo, e. Yung mga jologs, mga pabebe, yung ---" "Yung marunong magbake, magluto, mabait, cute, mapagmahal sa pamilya..." dugtong niya sa sinasabi ko. Napaawang ang bibig ko sa sinagot niya. s**t! Ako lang ba o pakiramdam ko ako yung tinutukoy niya. Inirapan ko lang siya. Nang matapos kaming mag-enrol, hinanap ko si Kirt sa building nila. Sabi niya ay magpapa-enrol din siya ngayon pero may dinaanan lang siya sa dean niya kaya nauna nako. Nagpapasama siya sakin, pero alam ko namang magkasama sila ni Dewlon pero ang sabi niya kasama niya si Dreena kaya susunduin ko sila ngayon kaya nandito ako sa building nila. "Kyona! Nandito kami" rinig kong tawag sakin ni Dreena sa may dulo ng hallway na kinakawayan ako. Nang makita ko si Dreena ay agad akong naglakad palapit sa kaniya pero habang naglalakad ako ay may namataan akong mga tao sa isang kwarto. Marami sila at isa lang ang nakapukaw ng atensyon ko. Si Kram na may dalawang kaakbay na babae sa magkabilang gilid niya. Ang isa ay binubulongan niya ang isa naman ay nakayakap sa kaniya. Binibigya ng halik ni Kram ang babae sa pisnge nito. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Nang makita niya ako ay nanlaki ang mata niya at napatayo bigla kaya yung isa ay nangudngod at yung isa nagtataka. Nang makita ko si Dreena na papalapit ay tumakbo ako papunta sa kaniya. "Oh bakit?" tanong niya at sumulyap sa likuran ko. "Kram?" tanong niya sa likod ko. Nilingon ko si Kram sa likod ko, "Bakit ka tumatakbo, Kyona?" tanong ni Dreena sakin at may pag-aalala sa kaniyang mata. Sasabihin ko ba kay Dreena? Sasabihin ko kayang nambababae si Kram. Ayoko na ng lihim. Ayoko nang magkaroon ulit ng lamat ang pagkakaibigan namin ni Dreena. Ayos na kami, at ayoko ng dagdagan pa. Siguro hahabulin niya sana ako para hindi ako magsumbong kay Dreena. Pero hindi ko muna aamini kay Dreena. Gusto kong siya mismo ang makahuli sa ginagawa ni Kram. Sa tingin ko ay hindi niya ako paniniwalaan. "Naka-enrol kana ba, Kram?" tanong ni Dreena. Tumango ito at sumulyap sakin pero bumalik ulit ang pagsulyap kay Dreena, "Tapos na, ikaw?" tanong niya kay Dreena. Pakiramdam ko ay isa akong sagabal dito sa kanilang dalawa. Feeling ko hindi nila magawa yung mga sweet gestures nila dahil nandito ako. Naiilang sila....bakit kailangan ko pang maranasan ito? Hindi naman sa sobrang nasasaktan pa ako, medyo nalang naman, e. "Sige, balikan ko muna si Kirt sa loob. Ikaw, Kyona? Sasama ka pa ba o uuwi na kayo ni Jett? Diba magkasama kayo?" tanong ni Dreena. Tumango ako, "Oo, hahanapin ko nalang siya. Hindi na ako sasama sa inyo." sagot ko. Ngumiti si Dreena, "Oh siya sige na, magdate na kayo ni Jett," panunukso ni Dreena at mahina akong tinulak paalis. Hindi ako umimik at hinayaan siyang manukso. Ayokong isipin nilang patuloy parin akong nasasaktan. Hindi parin ako nakakamove on. "Sige mauna nako..." sagot ko at naglakad na paalis sa kanila. Ang bigat sa pakiramdam habang naglalakad ako palayo sa kanila. Parang gusto ko silang lingunin kong masaya naba sila na umalis ako pero hindi ko magawa. Tama na, Kyona. Tama na ang kaunting kirot. Bukas wala na ito, pero ito nanaman ako, nilabag nanaman ang isip ko. Nilingon ko sila at naabutan kong ginugulo ni Kram ang buhok ni Dreena at si Dreena naman ay tinampal ang kamay ni Kram. Bakas sa mga mukha nila na masaya sila. Parang biniyak ang puso ko sa nakikita ko. Parang binagsakan ng langit at lupa. Agad akong naglakad ng mabilis para makaalis na doon. Nang lumiko ako ay huminto ako para sumandal sa pader. Ang sakit. Ang sakit sakit palang makitang sobrang saya na nila. Sobrang saya nila habang ako patuloy paring nasasaktan. Trap parin sa nakaraan. Alam kong matagal ko nang tinanggap. Alam kong handa na akong kalimutan si Kram pero bakit masakit parin? Bakit sobrang sakit parin na parang yung two years ago, parang kahapon lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD