Chapter 18 - Different World

2560 Words
Nag-umpisa na ang unang araw ng unang semester. Ang akala ko ay aalis na si Dreena sa pasukan pero magtatagal siya dito, at masaya ako. Hindi lang naman siguro ako ang masaya, diba? Masaya din si Kram at sana naman wag na niya akong bigyan ng dahilan para isumbong na talaga siya kay Dreena. Bakit hindi ko siya isusumbong? Dahil ayoko din masaktan si Dreena. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ni Dreena, noon. Matatanda na kami at maiintindihan na namin ang lahat. Ngayon alam ko na at ngayon mas klaro na sa akin. Kaya ako nalang ang iiwas at magtitiis. Ipapakita kong wala na talaga akong nararamdaman. Hindi ako magpapaapekto. "Nakuha mo na schedule mo?" tanong ni Jett sakin. Tumango ako, "Oo, okay nga eh kasi pwede pa 'kong rumaket sa hapon," masiglang sagot ko. "Patingin nga ng schedule mo? Tignan ko lang kung may pareho tayong subject..." sabi niya kaya agad ko namang pinakita sa kaniya ang copy ko sa cellphone. "Tsk! Swerte mo lang walang manggugulo sayo...sa Bible lang tayo classmate," disappointed na sabi niya sabay balik sakin ng cellphone ko. "Mabuti nga 'yun..." sagot ko at tipid na ngumiti, pero ang totoo niyan ay malulungkot din ako dahil medyo sanay na ako sa presence ng ungas. "Mamaya pala, magkasama kami ni Kirt, sama ka?" tanong ko sa kaniya. Alam ko naman na ayaw niya sa mga kaibigan ko kaya hindi ko na siya pinipilit. Ayaw niya daw makipag-plastikan. Edi, hindi. Nung una kasi hindi naman kami close talaga kaya hinayaan ko nalang siya sa sarili niya, pero ngayon parang iba na, e. Tumango siya, "Sige, sasama ako. Meron kasi akong research at mamaya nga pala samahan mo ko sa convention center may exhibit tayong pupuntahan. Raket 'yun! Dalawa tayo!" aya niya. "Exhibit ng mga ano?" tanong ko. "At wow ha! Sasama ka?" di makapaniwalang tanong ko. "I want to feel how to be plastic..." sagot niya. "Mga paintings! Magiging usher tayo roon. Malaki ang bayad dahil bigating tao ang pupunta," manghang sabi niya. "Bigating tao? Wow, baka gumuho nalang bigla ang mundo!" biro ko pero seryoso niya lang akong tinignan. "Ba't di ka tumawa?" tanong ko at pinanlisikan siya ng mata. Kumunot ang kaniyang noo, "Paano ako tatawa eh wala namang nakakatawa," sagot niya at nanatiling pokerface. Inismiran ko siya at kinurot sa tagiliran. Tawa ako ng tawa. "Tsyaka, hoy! Wag ka nalang sumama kung makikipag-plastikan ka lang sa mga kaibigan ko, ano! Napangiwi siya at napahimas sa tagiliran niyang kinurot ko, "Joke lang naman! Hindi ako plastic nu! I just want to be friends with your friends..." seryosong sabi niya. Pinigilan ko ang ngumiti at nanatiling seryoso ang mukha, "Bakit naman?" tanong ko. Tinitigan niya lang ako kaya umiwas ako ng tingin, "Tara na nga! Baka ma-late pa ako!" sabi ko at tinalikuran na siya pero bigla ba naman akong akbayan. "H-hoy! Ano ba!" sita ko sa kaniya kasi ang bigat eh. Nasa hallway na kami kaya maraming nakakakita samin, pero itong isa parang walang pakialam, ah! Mamaya niyan ma-issue kaming dalawa. Nakaakbay parin siya at ako naman kinukurot yung kilikili niya. Bigla kong nakita si Dreena at si Kram na papalapit sa direksyon namin. Agad kong inalis ang braso ni Jett sa akin pero nagmatigas ito kaya siniko ko na talaga siya sa tagiliran kaya napangiwi nanaman siya. "Nakakadalawa kana, Kyona Reccess Penesa!" medyo pagalit na sabi ni Jett at kukutosan na sana ako ng makitang papalapit sila Dreena sa amin. Yung crush niya, kunwari pa siya... "Hi, Kyona! Hi, Jett!" bati ni Dreena habang nakangiti ng malapad na parang may meaning. Meaning, mapanukso ang kaniyang mga ngiti. "Hi, Dreena..." bati ni Jett pabalik ang tipid na ngumiti. Napairap ako dahil kunwari cool lang siya pero kilig na kilig na inside? Sus, Jettro Ramirez. Asa ka pa! May Kram na'yan... Hindi ko maiwasang wag mapatingin kay Kram. Nakatingin siya kay Jett at kung ako si Jett ay feeling ko patay na ako dahil sa paninitig ni Kram. Damn! s**t ka, Jettro! Napaghalataan kana ni Kram na may crush ka kay Dreena. "Nahanap niyo na room niyo?" tanong ni Dreena samin. Umiling ako, "Hindi pa nga, eh, pero hahanapin na namin ngayon. Sige, mauna na kami sa inyo..." sabi ko nang nakangiti at hinila si Jett na sinusundan parin ng tingin ni Kram. Nagtitigan na kasi silang dalawa, ano 'yun? Bromance? Nang makalayo na kami sa dalawa ay biglang nagmura si Jett, "Gago 'yun, ah? Ba't ganoon makatingin 'yun?" iritadong sabi niya. Umirap ako, "Baka kasi nahalata kanang may crush sa girlfriend niya. Ikaw kasi, wag kang pahalata..." sabi ko sa kaniya at umiwas ng tingin. Bakit lahat nalang ng lalake may gusto kay Dreena? Oo at maganda siya, sexy, mayaman, may ibubuga. Pero cute naman ako? Payat nga lang at madali lang buhatin, magaling naman akong sumulat ng stories? May ibubuga naman ako, pero bakit? Haaay. Bigla akong pinaharap ni Jett sa kaniya, "Ilang beses ko bang sasabihin sayo, Kyona? Hindi ko nga gusto 'yung bestfriend mo na may gagong boyfriend. Ba't mo pa naging ex yun? Napaka-gago nun!" iritado niyang sabi at napailing at nagsimula ng maglakad ulit. Hinabol niya ako, "Hoy ano nga, bakit mo ba nagustuhan 'yun?" tanong niya. "Bakit ba sobrang curious mo? Para nanaman ba 'yan sa story mo? Wala nang agawan ng plot kaya magdusa ka!" sabi ko habang naglalakad at tinatanaw ang mga room. Napahilamos siya, "Hindi naman ako mang-aagaw ng plot! Curious lang nga ako. Sabihin mo na kasi, Kyon!" pangungulit niya sabay kurot ng pisnge ko. "Ano ba!" singhal ko sa kaniya. "Kanina ka pa, ha! Gusto mo sigurong makatikim sakin ng gulpak ano?" banta ko sa kaniya. Biglang may kumwelo kay Jett. Nakatalikod ito sakin kaya hindi ko makita ang mukha, "Ginugulo ka ba nito, Kyona?" tanong nito sabay lingon sakin. Oh my. Si Gian pala, ka-teammate ni Kram sa basketball noong HS. Yung nanlibre sakin ng noodles sa seven eleven? Tumango ako, "Oo, kanina pa!" sagot ko. Mas hinigpitan ni Gian ang pagkakakwelo niya kay Jett. Walang bakas na pagkatakot sa mukha ni Jett. Sa halip ay tinitigan niya lang ako. Umirap ako. "Wag na wag mo ng kukulitin si Kyona, pare kung ayaw mong masaktan." pagbabanta ni Gian. "Paano kung sabihin ko sayong wala kang pakialam dito? Sino kaba? Boyfriend kaba?" matapang na tanong ni Jett at marahas na inalis ang kamay ni Gian sa kaniyang kwelyo. Tumawa si Gian, "Kyona is my friend and I am assigned to take care of her mula pa noong high school. At ako ang tagapagtanggol niya sa lahat ng nambwebwesit sa kaniya dito sa school!" masiglang sagot ni Gian. Napakunot ang noo ko. Ano daw? Assigned? Sino naman mag-aassign sa kaniya na alagaan ako? Tatanungin ko na sana kung sino yung uma-ssign sa kaniya ng magsalita si Jett. "You don't need to take care of her, kasi ako na gagawa nun simula ngayon..." seryosong sabi ni Jett at hinila na ako paalis doon. Kumaway nalang ako sa natigilang Gian. Agad siyang tumakbo paalis. Ngek? San pupunta 'yun? Baka naman pinagti-tripan nanaman ako ni Gian? Nang matagpuan ko na ang room ko agad akong pumasok. Mayroon nang prof sa loob pero nginitian niya ako para pumasok. Pakikilala lang sa bawat isa ang ginawa namin, ano pa nga ba, diba? First day of school, e. "I'm Kyona Penesa," tipid na pakilala ko. Biglang nagbulongan ang mga babae sa gilid ko. Ang isa ay pamilyar at mukhang naging kaklase ko ito noon. Pumanget kaya di ko nakilala. Puno ng make up ang itsyura. "Diba siya yung classmate mo noon?" "Oo, si Kyona. Sabihin ba namang ex niya si Kram Andremayo?" "Napaka-ambisyosa naman..." Kalma, Kyona. Kalma. First day of school at first subject pa lang naman ito. Pagka-break time dumiretsyo ako sa canteen. Bwesit! Ngayon ko lang na-appreciate na sana magkaklase kami ni Jett. Bwesit talaga yung mga inggrata, chinimis nako sa lahat ng kaklase ko kaya ayun wala akong friend. Habang naglalakad ako sa hallway may pamilyar na lalake akong namataan. Nang makilala ko ay agad ko siyang nilapitan kahit may mga kasama siya. Nang papalapit ako ay unti-unti kong narealize na parang may nagbago. "Migs!" tawag ko sa kaniya. Nakasuot siya ng puting polo bilang panloob sa leather jacket niya at idagdag mo pa ang itim niyang pantalon at ang kaniyang itim na cap. Ganoon din ang suot ng mga kasama niya ngunit mas angat parin ang mukha ni Migs. Wow, ang pogi niya, alright. Parang bad boy na bad boy... Seryoso niya akong nilingon at hindi ko alam pero parang may nagbago sa aura niya. Yung ibang tao ay nakatingin sa kaniya na parang manghang mangha sa itsyura nito. Nginitian niya ako ng makita ako. Parang nabuhayan ako. Hindi ko na kasi nakikita si Migs last year dahil naging busy ako sa trabaho pero nagkikita naman kami pero ibang-iba na siya ngayon. "Kamusta first day? Parang may bago sa'yo, ah?" tanong ko at sinipat ang suot niya. Mas lumapad ang ngiti niya, "Bakit, gwapong gwapo na ba?" tanong niya at tinaas baba ang kaniyang kilay. Tinaasan ko siya ng kilay, "Feeler ka parin, ano?" sarkastikong tanong ko at inismiran siya. Humalakhak siya, "Ikaw, may nagbago sa'yo..." sabi niya. "Walking skeleton kana..." pang-asar niya. Sinuntok ko ng malakas ang braso niya kaya napaatras siya pero imbis na siya ang masaktan, yung kamao ko pa yung nasaktan. s**t! Biglang may humawak sa mga braso ko kaya nagulat ako, "Ano, boss? Anong gagawin namin dito sa nanakit sa'yo?" tanong ng mga lalakeng kasama niya. Nanlaki ang mata ko kasi para akong kriminal na nasa likod ko ang dalawa kong kamay. "Bitiwan niyo nga siya, kaibigan ko 'yan." seryosong utos ni Migs at agad naman yung sinunod ng lalakeng nakahawak sakin. Tumakbo ako palapit kay Migs, "Sino sila? Ano mo sila?" tanong ko at pinasadahan ng tingin ang limang lalakeng mukhang mga siga. Umangat ang labi niya, "They're my gang." sagot niya. Kumunot ang noo ko, "Gang? Gangster ka?" tanong ko. Umirap siya, "Obviously," supladong sagot niya. "Ba't english ka ng english. Asensado, ah?" biro ko at pasimpleng kinurot ang balikat niya kaya nagulat yung kasama niyang isa na handa nakong resbakan sa ginawa kong pagkurot sa boss nila. "Ikaw yung boss nila? Ano naman pinakain mo sa kanila? Ang o-OA ng mga ka-gang mo," sabi ko. "Wala eh, kailangan nilang protektahan ang taong prumoprotekta din sa kanila..." sagot niya. Tumango nalang ako sa kaniya. "Alam mo samahan niyo nalang akong kumain dahil gutom na'ko," sabi ko at hinila na siya. Habang naglalakad kami papuntang canteen at nakasunod lang sa amin yung lima. "Dumating na siya, diba? Ayos na kayo?" tanong niya habang di nakatingin sa'kin. Ngumuso ako, "Okay na kami, ikaw?" tanong ko at tinignan siya. Gusto ko sanang tanungin kong si Dreena parin ba. Kung gaya ko meron pa pero tanggap na, pero hindi naman kasi naging sila ni Dreena kaya papaano? "Okay ako. Maraming babae sa mundo, Kirt. Hindi lang siya ang pwede kong magustuhan, at nakikita kong nakahanap kana nga ng pamalit," sagot niya pero hindi siya makatingin sakin. Napakagat labi ako. Buti pa siya nakalimot na. Buti pa siya ayos na, pero yun ang akala ko dahil nang dumating si Dreena sa table namin ay parang apektado parin siya. Pareho parin pala kami. May epekto parin pero unti-unting inaalis. Ganyan talaga, Migs. May proseso... Pagkatapos kumain ay bumalik nako sa pagiging alone ko. Mabuti pa nga si Kirt at may dalawang bagong kaibigan. Ako kaya? Loner forever? Papasok na sana ako sa next class ko pero may humila sakin at tumakbo kami. Likod pa lang kilala ko na, "San mo ko dadalhin. uy!" tanong ko sa kaniya. "Sa convention!" sagot niya. Nang tumigil kami ay napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pagkahingal. "Siraulo ka ba!? May pasok ako!" singhal ko sa kaniya. "First day pa lang naman! Kikita tayo ng pera dito kaya sayang naman. Kaya halika na!" sabi niya at hinila nanaman ako papunta sa sakayan ng jeep. Napairap nalang ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Edi go! Okay narin siguro to para hindi na ako manghingi ng baon kay Mama. Nang makarating kami sa Convention Center na sinasabi niya. Agad kaming dinaluhan ng isang babaeng medyo ka-edad lang namin at nakasuot siya ng formal attire. "Bihis na kayo, Jett." nakangiting sabi nung girl. "Thanks, Faye." sabi ni Jett at hinila ulit ako. Nang makapagbihis na kami ni Jett para maging usherette ay luminya kami kasama ng iba pa. Nakasuot kami ngayon ng puting polo at naka-tack in sa itim na pencil skirt tapos nakatali lahat ang buhok namin. Mabuti nalang at may extrang itim na heels si Faye. Plinano na pala ito ni Jett kaya nakadala siya ng extra. "Bakit parang bongga yung exhibit nato?" tanong ko kay Faye na katabi ko. "Mayayamang tao ang bisita tapos may kainan pa para sa kanila dahil may gagawing bidding. Sikat na painter, architect, engineers at mga businessman ang dadalo," sagot niya. Tumango ako. Wow, edi ibig sabihin nito tiba-tiba ako sa sweldo ko dito? Sinenyasan na kaming maghanda dahil nakalinya kami sa gilid ng red carpet. Mayroon ng mga media at mga reporters. Mukhang mayayaman nga ang dadalo. Pagkailang minuto ay nagsidatingan na ang mga bisita at kahit exhibit lang to ay napakabongga ng mga damit nila. Masisilaw ang kanilang mga alahas at kumikinang ang kanilang mga damit. Mga sopistikadang mga tao at matataas na ranko sa lipunan. Nakakasakit na sa mata ang mga camerang kumukuha sa bawat taong dumadaan sa gitna ng red carpet. Nang tumingin ako sa double door ay nagulat ako sa dalawang taong pumasok. Nakasuot si Dreena ng isang pulang off shoulder lace dress. Nakatali ang kaniyang buhok at lahat napapatingin sa kaniya at kahit kaonti lang ang alahas na suot niya ay lumiliwanag ang kaniyang ngiti sa camera. Nakasukbit ang kaniyang kamay sa seryosong si Kram na nakasuot ng isang itim na suit. Halatang pilit lang ang kaniyang mga ngiti sa camera. Napakagat labi ako. Parang may kung anong kumurot sa puso ko. Na parang isang malaking rebelasyon ang nalaman ko ngayong gabi. Habang pinapanood silang iniinterview ng mga reporters ay isa lang ang narealize ko. Marami pala akong hindi alam years ago. Malaki ang agwat ng buhay ni Kram sa akin. Na sobrang taas pala niyang tao tapos ako nasa ibaba lang niya. Hindi kami bagay, hindi kami para sa isa't-isa kaya hindi kami nagtagal. Para kasi siya kay Dreena. At sobrang bagay nila. Pareho silang mayaman, kilala ang pamilya nila, kapag naging sila walang kumplikasyo, lahat boto sa relasyon nila. Pakiramdam ko nga ay tinutulongan na ako ng tadhanang magising na talaga at tuloyan ng kumalimot. At tinadhanang mapunta ako dito at marealize itong lahat. Kapag idinikit mo silang dalawa ay para silang ginto at kapag dumikit sakin si Kram ay para lang akong isang basahan. Nang papalapit na sila sa banda ko ay yuyuko na sana ako pero nagtama ang mata namin ni Kram. Nanatili nalang akong nakatingin sa ibaba. Bisita sila dito habang ako tagasilbi nila. Magkaiba. Magkaibang-magkaiba ang mundo naming dalawa at isa yun sa panghahawakan kong dahilan para kalimutan na si Kram. At alam kong malapit na malapit na'yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD