"Tell me more about it, Kyon." pamimilit ni Jett sakin habang naglalakad kami papunta sa canteen. Binilisan ko nalang kasi di naman 'yan sasama sakin sa sa loob kasi kasama ko sila Kirt. Ayaw niya nga daw sa mga RK.
"Past time ko lang 'yun, Jett at isa pa hindi naman ako magaling." sagot ko at diretsyo ang lakad.
"Nabasa ko ang kalahati and I think you have the talent," sagot niya.
Sinamaan ko siya ng tingin bago umiling. Bwesit hindi naman siya pakialamero ano?
Ayoko na palang tapusin 'yun. Ayoko na. Kahapon narealize ko na parang ginagago ko 'yung sarili ko dahil ginagawan ko nang story ang sarili ko kaya naiisip ko na baka magkaroon naman kami ng happy ending ni Kram.
Hindi ko maiwasang isiping baka pwede pa? Pero ilang beses ko na ba 'yang inisip at pinaniwalaan noon? Ayoko na. Sobra-sobra na'to...
"Hindi ko talent 'yun..." sagot ko at hinarap siya, "Lubayan mo nga muna ako, Jett. Hindi ka pa ba nagsasawa sa pagmumukha ko? Kasi ako sawang sawa nako sa pagmumukha mo, tsss..." inis na sabi ko.
Napa-smirk siya, "At ikaw pa talaga ang nagsabi niyan. Bahala ka, gusto lang naman kitang tulongan." supladong sabi niya at saka nagmartsya palayo.
Ngumuso ako. Ano naman bang tulong 'yun? Psh. Ang kailangan kong tulong ngayon ay makalimutan na talaga ng tuloyan si Kram.
Pagkapasok ko sa canteen ay nakita ko kaagad si Kirt kasama si Zander at Nicaela. Hindi ko pa masyado close ang dalawang ito pero alam ko mabait si Zander. Si Nicaela? Ewan ko.
"Hi, Kyona! Dito ka!" sabi ni Kirt sabay turo sa tabi niya kasi magkatabi na sila Zander.
Tumango ako at ngumiti. Nginitian ko si Zander at pati narin si Nicaela. Ngumiti rin pabalik si Zander pero si Nicaela mukhang napilitan.
"I didn't know she's coming..." sabi ni Nicaela kay Kirt.
May kung anong dumagan sa puso ko. Ayaw niya ba sakin dito? Mas nauna akong kaibigan ni Kirt kaya siya ang dapat kung tanungin kung bakit siya nandito. Psh!
"Oo naman. Bestfriend ko 'to, e!" masiglang sagot ni Kirt.
Ngumiti ako sa kaniya. Buti pa 'to, energetic. Palibhasa, masaya na sa love life. Masaya ako kay Kirt kasi sa wakas, sila na nang taong mahal niya. At speaking of mahal niya, bakit wala si Dewlon?
"Why babe? Don't you like her? Kyona is a good girl, don't worry." sabi ni Zander kay Nicaela.
Aba't couples din pala itong dalawa! Mabuti nalang pala at wala si Dewlon, ano? Magmimistulang fifth will ako kung sakali.
"It's not that I don't like her kaya lang--" hindi na pinatapos ni Nicaela ang sasabihin niya nang may tinuro siya habang nakanguso.
Tinignan namin kung saan siya nakaturo at nanlaki ang mata ko nang makita si Kram na naglalakad palapit samin. f**k.
"I invited Kram to join us and I know they're noy in good terms, right?" pabulong na sabi ni Nicaela dahil malapit na si Kram.
"Hala..." bulong din ni Kirt at tumingin sakin ng may pag-aalala. Umiling lang ako at ngumiti ng pilit.
Mukhang hindi ako nakita ni Kram dahil busy ito sa cellphone niya. Ito nanaman ang puso kong naghuhumerentado. Kyona, hindi naman kayo magpapansinan dito, e. Chill ka lang.
"Dude, bili na tayo ng kakainin." sabi ni Zander kay Kram. "Babe, ano gusto mo?" tanong ni Zander kay Nicaela.
"Ahmm, sandwhich at orange juice, babe." sagot nito.
Tinignan kami ni Zander, "Eh kayo? Treat ko na." masayang sabi ni Zander.
"Spag lang sakin tsyaka orange juice narin. Thank you, Zander!" sagot ni Kirt.
"Ganun narin akin..." sagot ko sa mababang tunog.
"Okay, girls!" sagot ni Zander. Umalis si Zander hila hila si Kram na hindi parin inaalis ang atensyon sa cellphone niya. Para akong kinurot sa ideyang si Dreena ang katext niya.
"Tsssk, nabibitter tuloy ako! Wala akong jowang bibili sakin ng pagkain!" nakangusong reklamo ni Kirt.
Ngumiti ako, "As if naman ipagbibili ka nun?" sagot ko.
Sanay nakong kasama si Kirt at si Dewlon at kahit nabibitter ako ayos lang kasi hindi naman ako ino-OP ni Kirt.
Sarkastikong tumawa si Kirt, "Oo nga naman pala. Tsss.." sabi niya.
"Nasaan na ba 'yun?" tanong ko.
"Nasa New York sila ni Ninong. Isang buwan lang naman sila doon." sagot niya pero halatang malungkot siya.
"Kyona, I'm sorry for inviting him here. I didn't know you'll come...nakalimutan ko." sabi ni Nicaela sa mababang boses.
So hindi naman pala siya masama. Tumango ako sa kaniya at ngumiti, "Ayos lang, pwede namang magpanggap na wala siya." sagot at tumawa.
Umirap si Nicaela pero ngumiti din, "Girls are good at pretending they're fine, hah? Smiling but deep inside hurting. It's okay, been there, done that." sagot niya at tumawa.
Nang makabalik sila Zander, this time nakita na niya ako dahil nakatingin siya dito. Hindi ko siya tinignan sa mata. Ayoko na siyang tignan sa mata kasi hindi ko kaya. Hindi ko pa kaya. Nasasaktan parin ako kahit tanggap ko na.
Binigay na sa amin ni Zander ang kakainin namin. "Since, Dewlon is not here and Kirt is lonely. Why won't we party? Pwede naman tayong papasukin ni Kram sa bar nila..." sabi ni Nicaela sabay sulyap sa gilid.
"Is that why you invited me here?" malamig na tanong ni Kram.
Tinaasan siya ng kilay ni Nicaela, "Don't use me your cold tone, Andremayo." sabi ni Nicaela na may pagbabanta.
"Psh." yun nalang ang narinig ko galing kay Kram.
Nangangati akong tignan siya pero tiniis ko. Siguro ay titignan ko siya 'yung hindi magtatama ang mata namin.
"So, what do you think, girls? Let's party! At ikaw, Kyona may irereto ako sa'yo. Promise you'll like him!" masiglang sabi ni Nicaela.
Nanlaki ang mata ko, "Hah? Ah, eh...baka hanapin ako ni Mama." sagot ko.
Ngumuso si Kirt, "Kyona naman, e. Sama kana!" pamimilit niya.
Ngumuso din ako, "Alam mo namang di ako party girl, diba? Pasensya kana, Kirt. Wala kasing kasama sila Mama..." malungkot na sagot ko.
Ngumuso siya, "Sige na nga. Gala nalag tayo sa mall mamaya. Teka, diba kasama mo palagi 'yung kababata mo? Sama mo kaya!" sabi niya.
Umiling ako, "Kill joy 'yun." sagot ko at mahinang tumawa.
"So, gala nalang tayo mamaya. Sasama ka, Kram?" tanong ni Nicaela kay Kram.
"I won't. Kayo nalang..." malamig na sagot nito at narinig ko ang pagtayo niya at ang yapak niya paalis.
"Damn, guy..." bulong ni Nicaela at umirap. "Parang siya pa 'yung di maka-move on." dugtong niya.
Biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko. Unknown number ang tumatawag pero kahit unknown sinagot ko parin.
"Hello?" sabi ko sa kabilang linya.
"Kyona, ikaw ba 'yan? Si Ate Mimi to. Si Mama mo!" sigaw ni Ate Meme.
Kumunot ang noo ko at biglang kinabahan. "Ano? Anong nangyari kay mama!?" kinakabahang tanong ko.
"Si Mama mo nasa hospital! Bigla nalang nahimatay! Punta ka sa *toot* hospital. Ako na magsusundo sa kapatid mo sa school nila." sabi niya.
Tumango ako, "Sige, Ate! Pupunta na po ako! Salamat..." sagot ko at binaba ang cellphone ko.
Nakatingin sila sakin, "Alis na ako. Si Mama nasa ospital." sabi ko at tumayo.
Kumaripas ako ng takbo at naabutan ko pa si Kram na palabas pa lang ng canteen. Bat ang bagal nito maglakad kaya naman na-stuck ako sa likod niya. Marami din kasing papalabas.
"Excuse me!" pakiusap ko.
Nilingon ako ni Kram at saka nagtama ang mata namin. Hindi ito ang tamang oras para isipin ang nararamdaman ko. Bago niya pa ako bigyan ng daan biglang sumulpot si Jett.
"Nareceived mo text ko?" mabilis na tanong ni Jett at hinihingal pa.
Umiling ako bago pa ako makapagsalita ay hinigit na ako ni Jett paalis doon. Wala na akong pakialam kung naroon si Kram ang importante si Mama.
Tinext pala si Jett ng Mama niya na nasa ospital si Mama. Kasama ni Mama ang Mama ni Jett kaya gumaan ang pakiramdam ko. Pumunta kami ni Jett sa ospital kung nasaan si Mama.
Pagkarating namin sa ospital ay agad naming hinanap ang room number ni Mama na itinext ni Ate Mimi. Pagkahanap namin ay agad akong pumasok. Tumakbo kaagad ako kay Mama at yumakap.
Gising na si Mama. Hinimas niya pa ang likod ko, "Mama naman, e." naiiyak na sabi ko.
"Ayos na ako, Kyona. Ang kapatid mo?" tanong niya.
Umangat ang ulo ko kay Mama, "Sinundo na siya ni Ate Mimi." sagot ko.
"Bakit ka daw ba nahimatay, Ma?" tanong ko.
Ngumiti siya ng tipid, "Sa init tsyaka sa pagod daw..." sagot niya.
Ngumuso ako at kumalas sa pagkakayakap, "Mama naman wag ka ngang superwoman. Magtinda kana lang wag ka nang maglako. Marami namana kong vacant, ako na maglalako..." sagot ko.
Kung tutuusin ay wala talaga kaming pera para ipag-aral ako sa magandang school, pero sabi ni Mama may inipon na siya sa banko para sa pag-aaral namin ni Khrisa kaya wag daw kaming mag-alala.
"Ayos lang naman ako..." sagot ni Mama.
"Hay nako, Kara. Sabihin mo na sa anak mo. Malaki na'yan..." sabi ni Tita na Mama ni Jett.
"Na ano, Ma?" tanong ko kay Mama.
Napatingin ako kay Tita na bumuntong hininga, "Malala na ang diabetes niya. At kailangan ng maraming gamot. Itong Mama mo nahihiya sayo..." sagot ni Tita.
Sinamaan siya ng tingin ni Mama, "Gloria!" sita sa kaniya ni Mama.
Umirap si Tita, "Tutulongan ko si Kyona. Ang kailangan niya lang ay ang magtrabaho. Andyan naman si Jett para samahan siya. Wag ka nang mahiya kasi." pagkumbinsi ni Tita.
Umiling si Mama, "Ayokong magtrabaho si Kyona. Bata pa siya..."
"Mama naman, e! Kaya ko naman...kakayanin ko. Ibibili kita ng gamot mo. Kaya ko!" naiiyak na sabi ko at yumakap ulit kay Mama.
Narinig ko ang pagsinghot ni Mama, "Kaya mo ba? Patawarin mo ang Mama kung nagkasakit ako..." malungkot na sabi ni Mama.
Ano ba yan. Ang drama naman ng story ko. Si Mama kasi umiyak na kaya ito nag-iyakan na kami sa ospital.
Iniwan na namin si Tita at si Mama. Dumating narin si Ate Mimi kasama si Khrisa kasi pinabili kami ng makakain. Lalabas narin naman si Mama mamaya.
Tinext ko narin si Kirt kung anong nangyari kay Mama kasi nag-missed call siya.
"Buti may pambayad pa kami sa ospital, siguro ayos na ang 100 sa meryenda nu? " tanong ko sabay pakita ng 100.
Natawa siya, "You don't need to, ako na sa meryenda." sabi niya at hinila na ako papasok sa 7Eleven, pero hinila ko siya pabalik.
"Please, wag sa 7eleven...tsyaka sa ministop." sagot ko sabay tingin sa kabila na may ministop.
Kumunot ang noo niya, "Bakit?" tanong niya.
"Sabihin nalang nating bad memories..." sagot ko.
Mas kumunot ang noo niya, "Dahil ba sa ex mo?" tanong niya.
Nanlaki ang mata ko sa sinagot niya, "Paano mo nalaman?" tanong ko.
OMG! PAANO NIYA NALAMAM?
Natawa siya, "I'm just asking. Now I know it was your ex, bakit iniwan ka?" tanong niya.
Napaawang ang bibig ko sa itinanong niya at saka nag-iwas ng tingin. Kuhang kuha mo, Jett. Iniwan niya nga ako.
Naramdaman ko ang kamay ni Jett sa kamay ko at hinila, "You need to face the heartaches. At kung sino man 'yang ex mo? Gago 'yun at pinakawalan ka niya." sabi niya habang hinihila ako.
Napatulala ako sa likod niya. Ito ang unang beses na may lalakeng nagsabi noon sa akin. Bumilis ang t***k ng puso ko. Pakiramdam ko sobrang nasiyahan ako. Feeling ko hindi ako nag-iisa. Feeling ko may kakampi na akong bago.
--
Ilang linggo na akong naghahanap nang trabaho kasama si Jett pero wala parin akong makitang trabaho na sakto sa schedule ko sa school. Hindi ko naman pwedeng pabayaan ang pag-aaral ko kasi ito nalang ang pag-asa kong makaahon kami sa hirap nila Mama.
"Anak, kaya ko pa naman. Pinahiram naman ako nang Tita Gloria mo," sabi ni Mama habang naghahanda ng baon ni Khrisa.
"Makakahanap din ako, Ma. Chill ka lang, okay?" nakangiting sagot ko.
Binigyan lang ako ni Mama ng tipid na ngiti. Alam kong nahihirapan siya pero kakayanin namin to.
Palabas nako ng bahay nang makitang naghihintay roon si Jett. Pinanliitan ko siya ng mata, "Himala at di ka naki-almusal samin?" sarkastikong sabi ko.
Tinignan niya ako at ngumiti. Pinasadahan niya ang kaniyang buhok gamit ang kamay niya, "Magpasalamat kana lang. Tara na! May sasabihin pa ako sayo." sabi niya sabay hila ulit sakin.
T-teka! "Hoy! Hoy! Teka nga wag mo nga akong hilahin!" singhal ko sa kaniya sabay agaw ng marahas ng kamay ko.
Tinignan niya ako, "Pupuntahan natin si Mama. Kakausapin ka niya." sagot niya.
Pinanliitan ko siya ng mata at saka ako pumamewang, "Pwede mo namang sabihin sakin diba? Dapat hilahin talaga ako? Lagi mo nalang akong hinihila! Baka gusto mo pektusan kita, ha, bunot ka!" singhal ko.
Biglang sumimangot ang mukha niya at napalitan ng malamig na ekspresyon, "Bahala ka." sabi niya at nauna nang maglakad.
Umirap ako at umiling. Napaka-bipolar nang lakakeng to, promise! Bigla nalang magiging suplado pagkatapos magiging makulit. Hay nako.
Sumunod ako kay Jett papunta sa bahay nila. Nilakad nalang namin yun dahil malapit lang naman. Pagkarating namin sa bahay nila ay sinalubong kami kaagad ni Tita Gloria.
Sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya kaya naman lumapit ako. Sumenyas rin siya sa likod ko at nakita kong hindi na sumama si Jett sa amin. Iginiya ako ni Tita Gloria kung saan malayo si Jett.
"Sinabi sa akin ni Jett na nahihirapan kang maghanap ng trabaho kasi puro pang-umaga. So, naisip ko na baka pumayag ka sa offer ko tutal may umalis na at may slot na para sayo." sabi ni Tita sabay sindi ng sigarilyo niya.
Kinagat ko ang labi ko para maiwasan ko ang pag-ngiwi. Hindi ko kailanman naisip na humithit ng sigarilyo. At kahit si Mama ay ayokong naninigarilyo. Naisip lo tuloy...alam kaya ito ni Jett o hinahayaan niya nalang?
"Ano po ba 'yun, Tita?" tanong ko, kuryusado.
Inalis niya ang sigarilyo sa kaniyang bibig, "Gusto mo bang magtrabaho sa bar? Wag kang mag-alala. Isang high end bar naman at hindi isang pipityuging bar..." sagot niya at saka ulit humithit ng sigarilyo.
Nanlaki ang mata ko, "Ano po!? Sa bar? Ayoko po! Hindi ko po kayang maging pokpok!" sabi ko at umiling iling.
Umirap si Tita, "Sira! Hindi ka magiging pokpok doon. Para sabihin ko sayo, walang bayarang babae doon dahil sila pa mismo lumalapit sa mga lalake dahil puro mayaman!" sabi ni Tita. "Magbebenta ka lang naman ng sigarilyo, isang maliit na org na konektado sa Marlboro. Lima kayong i-a-assign sa bar na'yun. Isang libo isang gabi, dependi pa 'yan sa kikitain mo at sa tip na ibibigay sayo," pagpapaliwanag ni Tita.
Biglang lumiwanag ang mukha ko nang marinig ang halaga nang pera na kikitain ko.
"Isang libo, isang gabi? Talaga po? Kukunin ko na po! Magbebenta lang naman pala ako ng sigarilyo, eh! Marunong naman po akong mang-sales talk." masayang sagot ko.
Ngumiti si Tita, "Ok sige, mamayang gabi kana mag-umpisa. Basta magdala ka lang ng heels na itim kasi mag-susuot ka ng dress---"
Hindi ko pinatapos magsalita si Tita, "T-teka! Ano po? Magsusuot ako ng dress? Akala ko po magbebenta lang ako ng sigarilyo?" tanong ko.
"Outfit niyo 'yun. Isang pulang dress. Basta mamayang 9PM magkita tayo sa AK.Avenue. Doon na kayo magbibihis basta pagpunta mo roon magsuot ka ng something maiksi iksi, wag pantalon. Okay?" sabi niya at itinapon sa labas ang sigarilyo. Di kaya masunog ang mahulugan noon?
Napalunok ako, "Mga anong oras naman po matatapos?" tanong ko.
"Tapos na tayo bago mag-alas dose, wag kang mag-alala." sabi niya at tinapik ang balikat ko.
Pilit akong ngumiti. Kahit papaano ay malaki ang makikita ko sa isang linggo.
"At isa pa pala, Kyona..." sabi ni Tita sabay silip sa paligid at saka humarap skain. "Wag mong sasabihin kay Jett na ito ang inoffer ko. Ang sabihin mo lang ay tinanggihan mo ako..." dugtong niya.
Tumango ako. Bakit naman kaya?
--
Simula noong araw na nag-usap kami ay naging maayos naman ang unang gabing trabaho ko roon sa bar. Hindi man ako sanay sa napakaraming tsong nagsasayawan at mga taong halos kainin ang isa't-isa kung makipaghalikan at ang mga babeng halos kinulangan ng tela ang mga damit.
Kagaya nalang ng suot namin ngayon. Ikatatlong araw ko na to at buti naman at pumayag si Mama sa trabaho ko. Inilihim ko rin kay Mama dahil alam kong magagalit siya dahil delikado. Masaya si Mama dahil may inuwi akong 3000 sa unang gabi.
Paano ba naman? Isang libo ang isang gabi pagkatapos ay marami pa akong naibenta pagkatapos yung mga nabentahan ko madalas buo ang binabayad sakin at dahil nagsasayang lang sila ng pera tip ko nalang daw yun.
Maayos ang pakikitungo sakin ng iba kong kasama kaya naman ay maluwag na sa damdamin ko ang magtrabaho dito sa AK. Avenue. Medyo nasanay narin ako sa mga tao at nakikisayaw sa magandang tugtog ng DJ.
"Hey sweety, one case of black," sabi ng isang lalake na nabentahan ko narin kahapon. Ngumiti ako sa kaniya at binigay ang sigarilyo niya.
Binigyan niya ako ng 500, "Keep the change," sabi niya sabay kindat.
Ngumiti ako, "Thank you!" maligayang sabi ko.
Madali ko lang nakabisado ang mga uri ng sigarilyo dahil narin sa kulay ng kaha nito. Ang mga ibinebenta ko ay hindi isang pipityuging sigarilyo. Napag-alaman kong mga imported ang mga ito.
Habang naghahanap ako ng customer ay napadako ako sa nagkukumpulang mga tao. Mukhang nagkakasiyahan sila sa bandang roon.
Biglang may bumunggo sa balikat ko at nakita kong si Elena yun kasamahan ko. "Kyona, lapitan natin doon! Mukhang maraming customer." aya niya.
Tumango ako sa kaniya pero habang naglalakad kami palapit doon ay unti-unting lumuluwag ang mga tao kaya unti-unti kong nakikita kung ano ang pinagkukumpulan ng mga tao.
Nakaupo sa isang sopa si Kram na may kaakbay na babae at yung babae ay may nilagay sa labi niya na parang asin. Mabilis na ininom ni Kram ang isang shot glass at saka sumimsim ng lemon at nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Hinalikan niya ang babae ng matagal at mapusok.
Natigilan ako sa kinatatayuan ko. Bumigat ang bawat paghinga ko at parang may kung anong kumurot sa puso ko. Pakiramdam ko ay nawalan na ako ng lakas at nanghina ang mga tuhod ko.
Hanggang sa naiyak na ako ng pang-gigilan ni Kram ang babaeng kahalikan. Tumalikod ako at doon tuloyan ng bumagsak ang mga luha sa mga mata ko.
Bakit? Bakit kailangan pang masaktan ng ganito kasakit? Bakit kailangan ko pang masaksihan ang mga ganitong gawain niya? Bakit ba kahit saan ako pumunta, nandyan si Kram. Nandyan si Kram para saktan parin ako kahit wala na siya sa buhay ko.