Present Time
Hindi ba pwedeng kapag napagod, huminto na?
Hindi ba pwedeng kapag nasasaktan na, tumigil na?
Bakit kailangan pa ng PERO?
Pwede namang huminto kapag napapagod PERO kaya mo pa namanng tiisin.
Pwede namang tumigil kapag nasasaktan PERO mahal mo talaga siya.
Ano naman ang magagawa nang PERO kung halos unti-unti ka ng pinapatay sa kaloob-looban mo? Walang magagawa ang PERO dahil ginagawa ka nitong TANGA. Ang laki 'kong tanga para umasa at magtiwala. Umasa na babalikan pa ako ng EX ko at magtiwala sa kaisa-isahang bestfriend ko.
But, I learned to forgive kasi na-realize ko kung gaano ako katanga dahil sinira ko ang relasyon namin ni Dreena nang dahil lamang kay Kram. Nararamdaman ko ang unti-unting pag-mature ng utak ko. Ang pagiging mature ko sa bawat desisyon na ginagawa ko. Ang unti-unting pag-iintindi ko sa mga bagay bagay.
Tama nga si Kram, bata pa lang kami noon. Wala pa kaming alam. Masyado pa kaming bata. At ngayon naiintindihan ko na kung bakit. Kung bakit noon ay halos magpakatanga ako.
Ngayon, tanggap ko na. Tanggap ko na na kailanman hindi na babalik si Kram sakin at kailangan ko nalang ibalik ulit ang dating pagkakaibigan namin ni Dreena pero alam 'kong hindi 'yun magiging madali.
"Pakshet ka, Jett!" sigaw ko sabay hagis sa kaniya ng basura namin galign sa loob ng bahay.
Tumawa siya ng mailagan niya ang basura na hinagis ko sa kaniya. Sino ba namang hindi maiinis kung inubos niya ang cookies na binake mo pa sa school niyo para ibigay kay Aeron na kaklase ko dahil birthday niya. At nirequest niya talaga 'yun kasi idol na idol niya ang cookie recipe ko.
"Kay Aeron yan e!" sigaw ko.
"Kay Jett dapat to!" sigaw niya pabalik.
Napakamot nalang ako dahil isa ding adik si Jett sa mga cookies ko. Pumasok nalang ako sa loob ng bahay kaysa mahamugan pa ko sa labas. Gabi na kasi at ewan ko kung bakit tumatambay pa 'yan sa amin. Nasa kanto lang naman kasi bahay niyan kaya malakas ang loob.
Ramdam ko na sumunod siya. Bahala siya sa buhay niya kasi feel at home naman 'yan dito. Nakakabwesit nga eh kasi may kahati kami ni Khrisa sa meryenda ni Mama.
Naghugas nalang ako ng pinggan sa kusina kasi kakakain lang namin nila Mama at ni Khrisa pati narin siya sa hapunan. Kita niyo na? Wala talagang hiya. Palibhasa, magkababata kami noon hanggang sa tumira na talaga sila sa Manila.
Nang matapos ako ay dumiretsyo ako sala para tapusin na 'yung ginagawa kong research nang makita kong nakapwesto na si Jett sa harap ng laptop ko.
Nanlaki ang mata ko, "Hoy! Anong ginagawa mo, ah?" tanong ko sa kaniya sabay tulak sa kaniya sa harap ng laptop ko.
"I'm just helping you finish your research..." sagot niya at tinabihan si Khrisa sa sopa na nanonood ng TV.
Ngumuso ako, "Sure kang wala kang binuksan dito? Pakialamero ka pa naman," sabi ko habang nakatutok sa laptop at tinignan ang gawa niya.
Well, nadagdagan lang naman ng 2000 words ang research ko sa tulong niya. Kanina kasi 500 lang ngayon 2500 words na. Siya na magaling.
"Meron, konte." sagot niya.
Agad ko siyang sinaman nang tingin. "Anong kinalkal mo? May binasa kaba sa mga files ko dito?" tanong ko sa kaniya.
Tumawa siya, "THE ONE THAT GOT AWAY written by: Kyona...hmmmm. Writer ka pala?" tanong niya.
Kinuha ko ang unan sa tabi ko at hinagis sa kaniya, "Ughhh! Umuwi kana nga sa inyong, bunot ka!" singhal ko sa kaniya.
Sinamaan niya ako ng tingin, "Ikaw! Lumaklak ka lang ng conditioner gumanda na buhok mo!" depensa niya.
Tumayo ako para lumapit sa kaniya para hampasin siya, "Hindi lang ako marunong sumuklay! Ikaw nga parang bunot! Ang panget!" singhal ko at dinambahan na siya.
"Mama! Si Ate at si Kuya Jett, oh! Nag-aaway!" sumbong ni Khrisa kay Mama. Tumakbo pa siya papasok sa kwarto ni Mama.
Ngumuso ako nang marinig ang sagot ni Mama at lumabas nang kwarto, "Tama na nga 'yan at matulog na kayo. Ikaw, Jett umuwi kana sa inyo para makatulog na si Kyona. Bukas nalang kayo mag-ligaw--este mag-away." ngumisi pa siya ng nakakaloko.
"Mama, naman!"
"Sige po, Tita Kara! Bukas ulit sa agahan..." sabi ni Jett at humalik sa pinsge ni Mama.
Agahan? Oo, tama kayo. Bwesit nga e. Kulang nalang talaga dito na siya matulog. Kung wala siguro kaming pasok, dito din ata makikikain ng tanghalian, eh.
Kumaway sakin si Jett, "Bye, Author!" sagot niya at tuloyan ng lumabas sa pintuan namin.
Umirap lang ako at bumalik sa laptop ko. Naramdaman ko ang titig ni Mama sakin kaya tinignan ko siya. Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti.
"Anong tingin 'yan, Ma?" tanong ko at bumaling ulit sa laptop ko.
Ughh! Wala na tuloy akong alam sa mga pinaglalagay dito ni Jett sa research ko at hindi ko na tuloy alam kung anong idudugtong ko dito.
"Wala, naisip ko lang na mukhang maayos kana." sagot ni Mama.
Napatingin ako sa kaniya, "Maayos naman talaga ako, Ma, a?" tanong ko.
Seryoso niya akong tinitigan, "Totoong maayos kana kasi hindi kana nagpapanggap na maayos." seryosong sabi niya.
Natigilan ako sa sinabi niya, "Mabuti 'yan. Nagsusulat kaba? Writer kaba talaga?" tanong ni Mama.
Ngumuso ako at umiling, "Hindi po, Ma. Trip ko lang naman magsulat tsyaka pag-dradrawing ang major ko." sagot ko at tumayo na dala-dala ang laptop ko. Sa loob ng kwarto ko nalang tapusin ito.
Tumango si Mama, "Gawin mo lang ang lahat ng gusto mo, anak. Lahat ng gusto mo na magpapasaya sayo, wag lang ang mga bagay na masasaktan ka. Sige na, pumasok kana sa kwarto mo ako na magpapatay ng ilaw." sabi ni Mama at mahina akong tinulak apunta sa kwarto ko.
Sinunod ko nalang ang sinabi ni Mama. Hindi ko naman masisisi si Mama kung binibigyan niya rin ako ng advices na mga ganyan. Saksi siya kung paano ko iyakan si Kram noon. Saksi ang bahay na'to sa mga paglalarong ginagawa namin ni Kram noong mga bata pa lang kami hanggang sa ipakilala ko siya kay Mama bilang mahal ko.
Nilapag ko ang laptop ko sa kama at humiga nang pataob para humarap sa computer. Dahil tinatamad akong gumawa ng research ay inexit ko na ang Microsoft Words at pumunta sa mga folders ko.
Pinindot ko ang folder kung saan doon ko nilalagay ang mga stories na ginawa ko pero lahat nang 'yun walang ending. Hindi ko alam kung paano sila bigyan ng ending kasi hindi ko pa alam kung paano, kung ano sa feeling na maging masaya na talaga nang walang prinoproblema pa. Clinick ko ang file na binuksan ni Jett kanina.
THE ONE THAT GOT AWAY
Bumuntong hininga ako. Naalala ko nang gawin ko ito last year. Muntik nakong mabaliw pero dahil sa galit at sa malaking realiazation na tumama sakin nagbago ako. At nang dahil sa pagsusulat ng masayang kwento ay nagpapabawas ng sakit na nararamdaman ko.
Kapag nagsusulat ka kasi nakakalimutan mo ang totoong mundo. Kung ano na ang nangyayari. Wala kang pakialam. Kaya naman ginusto ko ang magsulat, madalas mag-bake tsyaka mag-drawing.
Nakatitig lang ako sa gawa ko. Nasa part na ako kung saan sinaktan nung lalake ang babae kaya naman ang babae natauhan na nang husto. Sa kwento ng buhay ko ako kumukuha ng ideya sa story na ginagawa ko. At itong story na'to, ito ang buhay ko.
Lahat nang nangyari sakin, lahat nang naramdaman ko, lahat nang pagmamahal ko ibinuhos ko dito. Ipapakita ko dito. At sa pamamagitan nito...mabibigyan ko ng happy ending ang sarili ko.
Napabuntong hininga ako at nagsimula na'kong mag-type nang maalala ko ulit ang araw kung saan sobra akong sinaktan ni Kram kung kaya't sumuko na'ko.
Sino ang hindi aasa kung ang taong mahal na mahal mo hinalikan ka? Sino ang hindi aasa na mahal ka pa niya kung lahat ng lalake na magkakagusto sayo hinaharangan niya? Umaasa ako. Umasa ulit ako. Nabuhayan ulit ako ng loob na babalik siya. Babalikan ako ni Kram kasi mahal niya ako.
Ngunit lahat nang 'yun nawala nalang bigla. Nawala nalang bigla ang pag-asang natitira sa akin na mahal niya rin ako. Matapos akong pahiyain ni Kram sa harap ng kaibigan ko at nang kaibigan niya. Matapos niyang itapon nalang ang cookies na pinaghirapan 'kong ipunin kahit namumulubi na kami nila Mama na wala na talaga ako ng pag-asa.
Akala ko kasi mayroon pa.
Seryoso ang mukha ni Kram. Walang bakas na emosyon na makikita sa kaniyang mukha. Nagulat ako ng tabigin niya ang tupperware at nahulog ito sa sahig.
Napakagat labi ako habang tinitignan ang cookies na nagkalat sa sahig. Ang cookies na ilang araw ko ding pinag-ipunan para mabili ang mga ingredients.
"Y-yung cookies..." pabulong na sabi ko at tumingin sa kaniya para malaman kung anong reaksyon niya. Nagdidilim ang kaniyang mata. Bakas sa mukha niya na galit siya, na ayaw niya sa cookies.
"Ilang beses ko na ba dapat sabihin sayo na hindi ako yung tipo na pinupulot ang mga binasura na." mariin na sabi niya.
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Halos wala na akong maramdamang iba kundi sakit lang. Lalong lalo na sa puso ko. Nag-iwas ako ng tingin.
"Are you really that desperate? Kyona, it's been three years hindi mo parin ba tanggap na wala na?!" singhal niya sabay sipa ng tupperware sa sahig.
Napasinghap ako. May luhang tumakas sa mga mata ko. Sobrang sakit. Sobrang sakit na ginaganito niya ako.
Bakit, Kram? Bakit kailangan mo pang iparamdam sakin ang dalawang bagay nayun. Ipinaramdam mong mahalaga pa ako sayo at ngayon pinaparamdam mo sakin na parang basura ako.
"Kram, dude! Tama na 'yan." awat ni Zander kay Kram sabay hawak sa braso nito pero tinabig lang ni Kram ang kamay ni Zander.
"No, dude! She needs to stop this bullsh*t already! Kaylangan niya ng magising sa katotohanan! At habang di siya sinasabihan ng masasakit na salita ay di siya matatauhan." iritadong sigaw niya.
Hindi ko na napigilan ang umiyak habang nakatungo. Pinunasan ko ang luha ko pero tuloy tuloy parin ang pag-agos nito.
Ipinagtanggol ako ni Kirt pero isinali pa siya ni Kram. Hindi ko na kilala si Kram, ibang iba na ang ugali niya sa Kram na minahal ko. Nagalit ako sa kaniya. Sumama na ang ugali niya. Hindi na siya amg Kram na nakilala ko. Pero s**t! Mahal ko parin siya kahit sinasaktan niya ako ng ganito.
"Do you know why I didn't came back for you? It's because I'm in love with someone else now, Kyona. Wag kanang umasa sakin. The care I'm showing you, it's because we've been friends too. And if you want me to still care, stop hoping I will love you again." mariin at malamig na sabi niya bago siya umalis.
Sobrang sakit. Sobrang sakit sa pakiramdam na sabihin niya mismo sayo, pero mas masakit pala na yung taong mahal ng mahal mo ay ang bestfriend mo.
Noon, akala ko sa teleserye lang nangyayari ang mga ganoong eksena, pero pwede din pala sa totoong buhay. Ngayon, naranasan ko na ang sakit na nararamdaman nila.
Kinalimutan ko ang pagkakaibigan namin ni Dreena. Nagtanim ako ng galit sa kanila. Nagpursigi ako sa pag-aaral. Kinaya ko nang dahil kay Migs at Kirt. At mas nagalit ako dahil pareho kami ni Migs ang pinahirapan, sinaktan, pinaasa nilang dalawa. Masaya sila habang kami ni Migs nasasaktan.
Pero isa lang ang ang dahilan kung bakit namanhid nalang ng tuloyan ang puso ko kay Kram para magpatawad.
Iyak ako ng iyak nang malamang aalis na ng bansa si Dreena. Humingi talaga ako ng pamasahe kay Mama para makahabol sa airport. Hindi kami ayos ni Dreena pero mas mahal ko siya kaysa kay Kram. Mas mahal ko ang pagkakaibigan namin kasi halos ituring ko na siyang kapatid ko. Handa na akong magpatawad sa kaniya.
Nang makarating ako sa airport ay naabutan ko siyang naroon...kasama si Kram at nakita ko rin ang Mommy ni Dreena. Si Kram ang nakakita sakin habang si Dreena naman ay nakatalikod.
Lalapit na sana ako ng hilahin ni Kram si Dreena para halikan sa labi. Natigilan ako sa ginawa niya. Kahit basag na ang puso ko ay pakiramdam ko mas basag na ito ngayon. Ang akala kong namanhid ko ng puso ay nakaramdam parin ng matinding sakit ngayon.
Habang nakalapat ang labi ni Kram kay Dreena ay nakatingin si Kram sakin. Kinagat ko ang labi ko at saka tumalikod para umalis. Dreena, I'm sorry. Masakit talaga. Masakit magpatawad sa taong hindi mo pa kayang patawarin. Sobrang hirap...
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisnge ko at saka ko sinave ang tinaype ko. Pinatay ko na ang laptop at itinabi sa lamesa. Hindi ko na kaya. Hinding hindi ko matatapos ang kwentong kapag sinusulat ko ay nasasaktan rin ako, pero masokista ata ako. Ako pa mismo ang lumilikha ng ikasasakit ng puso ko.
Gusto ko lang naman kasing sanayin ang sarili ko sa sakit. Gusto ko nalang mamanhid, pero hindi ko magawa. May space parin si Kram sa puso ko kahit tanggap ko nang wala na.
Kinabukasan, ginawa ko na ang pang-araw araw na routine ko. Ang gumising, maligo at mag-ayos ng sarili. Nasa lamesa na kami nila Mama nang marinig namin ang kalampag nang gate.
"Kyona andyan na si Jett. Buksan mo na." utos ni Mama.
Ngumuso ako kasi nandito nanaman ang bunot na'yun. Actually, hindi na siya bunot pero in my memories, parang bunot ang buhok niya noon.
Tinitigan kong mabuti si Jett habang papalapit sa gate namin para pagbuksan siya. Naka-half smile siya sakin at humalukipkip.
Ayokong i-admit na gwapo ang isang to, pero oo gwapo siya. Lalo na kapag ngumingiti. Mataas din siya at hindi gaano payat. Hindi din siya masyadong maputi pero bagay sa kaniya ang kulay niya. Mas nadadagdagan ang pagkalalake niya.
"Bubuksan mo ba ang gate o tititig kana lang?" tanong ni Jett kaya naman bumalik ako sa aking wisyo at pinagbuksan siya ng gate.
Pakiramdam ko ay namumula ako. Napatitig ba ako nang matagal? Tinalikuran ko nalang siya at bumalik sa loob. Tsk! Nakakahiya! Baka kung ano pa isipin nun.
Mabuti nalang at hanggang sa makarating kaming school wala siyang imik. Kung anu-ano lang ang topic namin. Sumakay lang kami ng jeep papunta sa school.
BSID or Bachelor pf Science in Interior Design ang kurso ko at si Jett naman ay Architecture. Iisang building lang kami at pareho kaming may 8am na pasok sa umaga kaya sabay na kaming dalawa.
Pareho lang kami ni Jett na average lang. Hindi sobrang yaman at hindi rin sobrang hirap. Ayaw na ayaw ni Jett sa mga mayayaman na puro gala lang ang inaatupag. At ayaw ni Jett sa mga kaibigan ko.
Si Kirt lang naman ang dala sakin sa mga kaibigan na mayayaman. Kung sino ang kaibigan niya, kaibigan ko narin. Mahal na mahal ko yang si Kirt at di kalaunan ay siya na ang naging bestfriend ko.
Kahit may Dewlon na siya, nandyan parin siya para sakin. Ako na nga yung nakakalimot sa kaniya kasi nga kung hindi pagsusulat inaatupag ko, nagdradrawing naman ako tapos tutulongan naman ako kay Mama sa pagtitinda niya.
May tumawag kay Jett habang naglalakad kami papunta sa building namin na mga kaklase niya kaya nagpaalam na siya na sasama na sa kanila. Hinayaan ko na siya at nauna na sa building namin.
Habang naglalakad ako sa hallway ay nakita ko si Kram kasama si Zander at Nicaela. Tumungo lang ako dahil mukhang dadaan sila sa daan ko. May iba pa silang kasama kaya tumabi nalang ako at nakisabay sa mga estudyanteng mas nauna sakin.
Hindi ako nagtatago o umiiwas. Gusto ko lang ang wag na siyang makita pa. Oo tanggap ko na pero hindi ko naman pwedeng ideny ang fact na nasasaktan parin ako pero konte nalang.
Hindi ko siya tinignan. Hindi ko na hahayaang magtama ang mga mata namin. Nasasaktan parin ako at pinapatay parin ako nito araw-araw kapag nakikita ko siya.
Nang dumaan na sila ng tuloyan ay doon ko narealize na kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga dahil sa kabang nararamdaman ko.
Bukas na bukas hindi na ako dadaan dito.