This is the last chapter ng mga flashbacks. See you in the present time!
***
Years ago....
Kyona's POV
Tingin sa kaliwa. Tingin sa kanan. Ang sakit sakit na ng eyeballs ko pabalik balik lang ang tingin ko kay Migs at kay Dreena. Si Dreena tahimik na nagbabasa ng libro si Migs naman nakapangalumbaba at nakatitig lang kay Dreena at ako naman kumakain kasi reccess?
Minsan na weweirdohan na talaga ako sa dalawang 'to. Hindi ko alam kung papaanong ganito na si Migs ka-showy sa nararamdaman niya kay Dreena. Madalas kasi akong kinukulit ni Migs kung ano ba talaga ang nararamdaman ni Dreena sa kaniya kung nagkwekwento ba sakin si Dreena kung may feelings ba ito sa kaniya.
Huminto na nga siya eh kaya nga nagulat ako ng sumama ulit ito sa amin at ito nga...grabe makatitig kag Dreena. Itong si Dreena naman ayaw parin talagang umamin sakin na may feelings din naman siya kay Migs. Eh, obvious naman na meron. Ayoko lang siyang pilitin kasi baka mamaya niyan mag-away pa kami.
Medyo nagtatampo ako kay Dreena kasi bestfriend niya nga ako tapos hindi man lang niya ma-i-share sakin yung mga ganung bagay pero syempre naiintindihan ko naman siya. Baka mamaya niyan ay nagsasabi naman talaga siya ng totoo. Wala naman mangyayari kung magkagustuhan silang dalawa, di rin naman ni Dreena syo-syotain. Takot lang niyan sa striktang mommy niya.
"Alis nako, Kyo. Bawal kaming ma-late sa klase." paalam ni Dreena at ngumiti sa akin. Hindi ako makangiti ng totoo pabalik sa kaniya kasi nga medyo iritado siya. Baka dahil kay Migs...
Nang makaalis si Dreena sinaman ko ng tingin si Migs, "Uy, nasabi mo na ba sa kaniya ang feelings mo? Nakakaramdam ako ng awkwardness." tanong ko.
Nangalumbaba lang si Migs at tumingin sa akin. Bakas sa mga mata niya na malungkot siya, "Alam niya na..." sagot niya at dumukmo ng tuloyan sa lamesa.
Ngumiwi ako, "Kaya naman pala, busted." sabi ko at umiling iling at patuloy na kumain.
"Kyona! Ano ng gagawin ko!? Ayaw niya ba talaga sakin? Pogi naman ako, ah? Mas gwapo pa nga ako sa lahat ng lalake dito. Yung Zander, yung Kram..." may idinugtong pa siya pero bigla nalang akong natameme nung binanggit niya ang pangalan ni Kram.
Tumahimik ako habang siya nagsasalita parin at nilalabas ang hinanakit niya.
Bumuntong hininga ako ng sobrang lalim. Ilang araw naba akong umiyak lang ng umiyak? Galit ako kay Kram. Naiinis ako sa kaniya at hindi ko siya kayang patawarin nalang. Bakit niya nagawa sakin to? Matapos niyang mangako na kahit Mommy niya di kami hahadlangan tapos ito hinahadlangan kami ulit at sumuko na siya.
Childish love daw. Oo ang babata pa namin pero sa mga oras na ito wala akong maisip na dahilan kung bakit mali ang umibig ng maaga. Hindi ko alam kung bakit 'yun ipinagbabawal kung ang sabi naman ni God mahalin ang kapwa.
"Kyona, nararamdaman kong pareho kami ng nararamdaman...kaya hindi ako susuko sa kaniya." determinadong sabi ni Migs at tumayo at umalis na.
Napangiti ako. Parang nakikita ko 'yung sarili ko kay Migs. Nakakatawa lang kasi kahit magkaibigan kami ni Migs at supportive naman ako sa kaniya kay Dreena....iniisip ko na masasaktan lang siya sa ginagawa niya. Nakakatanga talaga ang pag-ibig.
0Ang tanga ko nga eh. Kahit masakit, mahal ko parin.
Pwede mong ma-miss 'yung taong patay na, pwede mong ma-miss 'yung taong malayo na pero 'yung pinakamasakit na pagkamiss ay 'yung nakikita mo siya araw-araw pero parang ang layo layo niya sa'yo.
Dahil iniwan ako ni Migs nilakad ko mag-isa ang room namin. Dahil ang subject namin ay P.E kailangan pumunta ng gym sa mga locker rooms para magpalit ng P.E Uniform.
Habang naglalakad ako ay biglang may sumabay sa akin, "Hi!" masayang bati niya sa'kin.
Nanlaki ang mata ko ng makitang si Aeron 'yun. Kaklase ito ni Dreena at ito ang lalakeng natitipohan ko sa mga lalakeng pinapili sakin ni Dreena para pagtuonan ko ng pansin.
Napakagat labi ako, "H-hello! Kilala mo ko?" tanong ko sa kaniya sabay turo sa akin.
Ngumiti siya at tumango, "Oo, bestfriend ka ni Dreena, diba?" tanong niya.
Tumango ako, "Oo, bestfriend niya nga ako. Anong kailangan mo?" tanong ko pero malambing.
Napakagat labi sya, "W-wala naman. Pupunta ka ng gym diba? Hatid na kita." sabi niya at ngimiti sa akin.
Kahit naguguluhan ako ay tumango nalang ako sa kaniya. Baka mamaya nakikipagkaibigan lang sa'kin pero shet! Ang pogi niya talaga! May pagka-Kram kasi siya. Tsk!
Marami kaming napag-usapan ni Aeron habang naglalakad kami sa daan. Pinagtitinginan pa nga kami ng mga estudyante. Akala naman nila kung ano eh dyosa lang naman ang dumaan. Chos! Syempre gwapo 'tong kasama ko at syempre maganda ako.
Nakita ko pang nagbubulongan ang mga babae tapos titignan ulit kami. Siniko ko si Aeron, "Pinag-uusapan nila tayo. Obvious na obvious sila promise." pasigaw na sabi ko at tumingin sa mga nakatingin samin. Nag-iwas sila ng tingin lahat ng lingunin sila ni Aeron.
"They're what?" tanong niya.
Ngumiwi ako, "Masyado kasing maganda kasama mo kaya pinag-uusapan ka nila. Bilisan mo na nga!" sabi ko at naglakad ng mabilis.
Narinig ko naman siyang humalakhak at hinahol ang malalaking hakbang ko. "Tama ka. Tama ka. Kanina pa nga sila nakatingin sa atin. You're like an amazing art that people would like to watch," sabi niya.
Ngumuso ako, "Mambobola!" sabi ko at ngumiti pagkatapos umiling at inunahan na siyang maglakad at siya naman ay hinabol nanaman ang mga hakbang ko.
Nang makarating na kami sa gym naroon na sila Migs at nakabihis na. Nagulat ako ng may nakita akong mga basketball players. Teka!? May practice ba sila ngayon?
Nang makita ko si Kram ay halos lumuwa ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k nito. Ayan nanaman ang puso ko. Nakita lang ang amo grabe na makawala.
"Kyona, pwede ko bang makuha ang number mo? I just want to be friends with you because bestfriend ka ni Dreena," sabi niya at ngumiti ng malapad sa'kin.
Ngumiti rin ako ng malapad at sinuntok ang dibdib niya ng mahina, "Ikaw, ha. May crush ka kay Dreena, ano? Akin na nga 'yang cellphone mo..." sabi ko sabay hablot ng cellphone niya at nilagay ang number ko. Binigay ko rin ang cellphone ko para ilagay niya ang number niya.
"Wag mo munang sabihin, ah? Secret lang, ah? Naghahanap pa 'ko ng tiyempo." sabi niya pagkatapos ginulo ang buhok ko.
Tumango ako at kumaway na sa kaniya para magpaalam. Nagulat nalang ako ng lahat pala ng tao sa gym pinapanood kami. Yung mga kaklase ko naman ay sumigaw ng PBB TEENS? So ayun, kinantyawan kami.
Napatingin ako kay Kram na ngayon ay abala sa pagdri-dribble ng bola pero sobrang pwersado at pwersado ding shinoot sa ring pero sablay kaya naman yung bola kung saan saan tumama kasi sobrang lakas ng paghagis ni Kram.
.
Nagulat nalang ako ng tumingin si Kram sa akin bakas sa mata niya ang pag-aalala. Bigla siyang sumigaw, "KYONA, ILAG!" sigaw ni Kram. At pagkatapos nun biglang may tumama ng malakas sa gilid ng ulo ko.
--
Nagising ako sa ingay na narinig ko. Pagkamulat ko ay puting dingding ang unang nakita ko. Omygod! Nasa langit naba ako? Pero diba kapag nasa langit may clouds? Pero bakit may light bulb tapos...tapos bintana pagkatapos kurtina pagkatapos....tao pero nasa labas siya at may kasama.
"I just want to check on her, dude." rinig kong sabi ng isang lalake....si Aeron.
Bigla siyang tinulak nang nakatalikod na lalake sa pintuan na medyo pamilyar. Nasa labas sila pero si Aeron lang ang nakikita ko.
"She's fine now so you can get your f*****g ass out of here," malamig na sagot sa kaniya nung lalakeng nakatalikod.
Sinamaan lang ng tingin ni Aeron yung lalake, "Why are you even here, Kram? May gusto ka ba kay Kyona?" tanong sa kaniya ni Aeron.
Wait--what!? Sino daw?
"You don't care," sagot niya at humarap kaya naman namilog ang mata ko nang makitang si Kram nga 'yun pagkatapos pumikit ulit para magkunwaring tulog.
"You like her, dude! But, too bad you can't right? Too bad for you." sabi ni Aeron at bigla nalang umalis pagkatapos.
Sinilip ko si Kram na kinuyom ang ag kaniyang kamay at marahas na sinipa ang pintuan pagkatapos stress na stress na napaupo sa upuan at hinawakan ang ulo niya na parang masakit.
Pumikit ako ulit at nagkunwaring tulog. Paano pala kung malaman niyang gising nako, aalis na siya? Kahit na gusto ko na siyang kalimutan at hindi ko pa siya napapatawad mahal ko parin si Kram.
"f**k, he's goddamn wrong...it's more to that..." biglang bulong ni Kram pero rinig na rinig ko. Ang tahimik ba naman ng clinic. Anong oras na ba?
Ano ba ang ibig niyang sabihin? May alam ba si Aeron kung bakit bawal? Kung bakit hindi pwede? Ang alam ko lang ay hinahadlangan kami ng mommy niya pero naniniwala ako na mayroon pa. Mayroon pang ibang dahilan.
Napagdesisyunan 'kong magkunwaring kakagising lang pero hindi ko tinuloy nang maramdaman ko ang mga yapak niyang papalapit sa'kin. Naramdaman ko kaagad ang paghaplos ng mainit niyang palad sa pisnge ko.
"I'm sorry, Kryps. I hurted you so bad, I hurted you emotionally and now physically. How f**k up is that, right? I hope you can move on now..." malungkot na sabi niya pagkatapos naramdaman ko ang malambot niyang labi sa labi ko.
Shit. Sa labi? Sa lips? Omygod. At bakit niya ako pinapa-move on kung ginaganito niya ako? Binabaliw mo ko, Kramiel!
"Sorry, for stealing your first kiss, Kryps. I have to be the first one to take this..." sabi niya pagkatapos hinalikan nanamana ko sa labi.
Shit, second kiss!
"...and your second kiss...third and fourth. Damn it, I'm such a freaky stealer." sabi niya.
Pwede nakong mamatay! Kinuha niya na ang first, second, third and fourth kiss ko! Omygod! Hindi ko na talaga kaya! Gigising na talaga ako!
Nang maramdaman ko ulit ang labi niya sa labi ko ay tumugon ako. Naramdaman niya 'yun kaya napabalikwas siya. Gulat na gulat ang kaniyang mga mata habang lumayo ng konte sakin.
Nakaawang ang bibig ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Masaya ako pero at the same time nalilito. Ano ba talaga, Kram?
Gusto mo kong mawala sa bunay mo pero ito ka...inaangkin ako na parang iyo parin ako. Alam na alam mong sa'yo lang ako pero masyado mo ng kina-career pero 'tong pesteng puso ko sasama sama naman sa may-ari nito.
Matapos niya 'kong halikan...mali nakawin ang first to fifth kiss ko?
Hindi ko palalampasin 'yun. Dapat niya 'kong balikan.
"Kram...babalik kana ba sa'kin?" tanong ko na may halong lungkot sa boses ko.
Bakas sa mukha niya ang pagkalito. Nag-iwas kaagad siya ng tingin. "Gising ka pala..." yun lang ang sinabi niya. Malamig ang boses niya ngayon. Kram, nasaan na ang malambing mong boses kanina?
Biglang nag-alab ang ulo ko. "Kram, bakit ba pinipigilan mo!? Bakit mo 'ko gustong kalimutan ka kung mahal mo naman ako at mahal naman kita. Hindi ba pwedeng tayo nalang ulit?" tanong ko at nangingilid na ang mga luha sa mga mata ko.
Sumulyap siya sakin pero agad niya naman itong inalis. Ayaw niyang tumingin sakin.
"I'm sorry. I'm sorry for hitting you unintentionally. The nurse said you're fine now. Dreena will pick you up. I got to go..." sabi niya at lalabas na sana ng pintuan ng tumakbo ako para hilahin ang damit niya. No, Kram. Wag mo kong iwan na baliw na baliw na sa'yo.
Hinarap ko siya sakin. Tuloyan ng bumuhos ang mga luha sa mga mata ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa damit niya, "Kram, mahal mo pa ko diba? Hinalikan mo ko...nagsorry ka....kaya naman nating lampasan 'yung problema diba? Kaya naman natin, sabihin mo lang sa'kin." sabi ko at pumipiyok pa dahil sa iyak.
Ang sakit sakit ng puso ko. Parang sinasaksak ng literal dahil hindi man lang niya ako matignan ng diretsyo.
"Kyona, I told you...I'd had enough and this is just a closu--"
"Sh*t, Kram! Wag ka ng magsinungaling! Mahal mo pa ko! Ayaw mo lang akong balikan! Bakit? Duwag ka ba?" iritadong tanong ko kahit umiiyak ako.
Bumuntong hininga siya ng malalim at tumingin sakin, "Hindi mo rin naman maiintindihan. Ayokong masali ka pa..." sabi niya at inalis ang kamay ko sa damit niya.
"Kram..." umiiyak na tawag ko sa kaniya. Bakas sa boses ko ang pagmamakaawa.
"I'm so sorry..." sabi niya at tuloyan ng umalis.
Pakiramdam ko hinang hina ang buong katawan ko. Wala nakong maramdamang parte ng katawan ko kundi ang puso ko nalang na kumikirot.
Kram bakit ganito? Bakit ganito kasakit dapat? Hindi ko maintindihan ang lahat. Hindi kita maintindihan pero ayokong sumuko kasi mahal na mahal kita. Sobra.
Third Year High School na kami. At kung kamusta ako? Ito parin, mahal na mahal parin si Kramiel John Andremayo. Dalawang taon nang nagpapakatanga sa taong iniwan ako kahit mahal parin ako.
Kung tinatanong niyo sa akin kung naisip ko na ba na kalimutan si Kram? Oo, madalas. Marami ng pagkakataon na naisip kong lumet go kasi pagod na'ko.
Pagod na'kong intindihin ang taong hindi naman nagpapaintindi. Pagod na'kong maghintay araw-araw na bigla nalang siyang susulpot sa daan ko at sasabihing bumalik na'ko sa kaniya kasi sa totoo lang kahit ngayon pa...kunin niya ako pabalik sa kaniya, papayag ako. Ganun ako kadesperada.
Minsan naiisip ko rin na. Mahal ba talaga ako ni Kram? Mahal pa ba niya ako? Kasi simula nung nangyari sa clinic sa school? Hindi na kami muling nagkausap pero pinanghahawakan ko parin 'yung mahal niya parin ako at alam kong may pag-asa pa.
Oo alam kong ang tanga tanga ko pero wala akong magagawa kasi wala pa akong nahahanap na mas hihigit pa sa kaniya. At sa kasamaang palad, wala na ata mas better pa kaysa kay Kram. Si Kram lang ang para sakin at higit sa lahat feeling ko ang panget panget ko na kasi wala man lang nanliligaw sakin! Tss...
Si Dreena naman ay medyo naiinis na kapag si Kram na ang pinag-uusapan. Parang siya pa 'yung galit kay Kram, parang siya pa 'yung sinaktan, pero naiintindihan ko naman siya. Sino ba naman ang di maiirita kung 'yung bestfriend mo walang sawang nagpapakatanga sa taong di naman siyang pinahahalagahan.
Pero isa lang ang alam kong nagpapalakas sa akin ngayon para umasa at mahalin pa si Kram.
Naglalakad ako sa hallway nang mapansin kong maraming nakakalat na mga basura sa daan kaya naman pinulot ko 'to. May narinig akong grupo ng mga lalake na abala sa ginagawa nila sa loob ng room nila. Ayoko naman sanang makinig pero bigla akong nagkainterest ng marinig ko ang pangalan ni Dreena.
"Pare 'yung bestfriend ni Dreena kilala niyo? Yung si Kyona?" sabi ng lalake. Natigilan ako ng marinig ko rin ang pangalan ko.
"Oo, pre. Liligawan ko sana 'yun, e." sagot nung isang lalake.
Tumawa 'yung unang nagsalita, "Busted ka ano? Sabi ko na nga ba ako lang hinihintay nun!" sagot naman niya.
Umiling 'yung lalake, "Ay nako, pre. Wag kanang umasa. Yung mga naririnig kong gustong manligaw kay Kyona nagkakaroon ng black eye. Balita ko isa sa mga basketball player kasi naka-jersey daw 'yung nanuntok." sabi naman nung isa.
"Number 14 ba?" tanong nung una.
"Ewan ko." sagot naman nung isa.
Nang maramdaman kong aalis na sila ng room ay tumakbo ako palayo. Anong pinagsasabi nila? Sinong nanununtok?
Bigla akong napatigil sa malaking poster sa pader. Picture ng buong team ng basketball players ng school.
At doon sa bandang gitna si Kramiel John Andremayo. Number 14.
Shit. Siya ba yung nanununtok sa mga nanliligaw sakin?
Shit s**t s**t! Binabaliw talaga ako ni Kram.
At ito nanaman ako... umaasa sa kaniya.