Years ago...
Dreena's POV
"Hindi ko maintindihan, Dreena. Nangyari na'to noon, bakit ngayon sumuko na siya? Nangako siyang hinding hindi kami paghihiwalayin ng mga magulang niya kaya bakit ganoon?" sumbong sa akin ni Kyona habang narito kami sa park malapit sa kanila.
Wala akong ginawa kung hindi himasin ang likod niya at yakapin siya. Gusto kong ilabas niya lang lahat ng nararamdaman niya. Ito lang naman kasi ang magagawa ko eh. Ang yakapin siya at ipadamang nandito lang ako sa tabi niya at hindi siya iiwan.
Nasasaktan akong makita siyang nasasaktan. Isa ako sa mga rason kung bakit siya nasasaktan ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako pa ang napili ni Tita Jasmine para sa anak niya. Masyado pang maaga para sa mga bagay na'yan.
At sa side ko, kayla Mommy at Daddy wala ako magawa dahil gusto din nila 'to. Gusto nilang maikasal ako sa tagapagmana ng mga Andremayo. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto nila. Ang mapabuti ang kinabukasan ko o ang mga kayamanan ng mga Andremayo na maipamana sa akin balang araw?
Bakit ganito ang mundo? Why is life so full of cruel people and sadly my parents are one of those people.
"Dreena, gusto ko na siyang kalimutan, pero kailangan ko ng rason! Nang tamang rason para kalimutan siya. Paano ko siya kakalimutan kung alam 'kong mahal niya parin ako? Na nararamdaman ko parin na mahalaga pa 'ko sa kaniya?" sabi niya at humagulhol ng iyak.
"Dito...dito kami unang nagkakilala. Dito nabuo ang pagkakaibigan namin na humantong sa pag-iibigan. Dito mismo 'yun Dreena..." sabi niya at tinuro pa ang kinauupuan namin ngayon.
"Kyona, bata pa tayo...siguro nasasaktan ka ngayon pero eventually makakalimutan mo rin naman siya." sagot ko.
Pinunasan niya ang luha niya, "Alam ko. At alam ko ring natural na ang masaktan kapag nagmahal ka pero hindi ko alam na sobrang sakit pala. Ang sakit sakit na hindi ka man lang niya matignan, hindi ka na niya pinapansin, hindi kana niya kinakausap, hindi na kayo nagtatagong mag-date, hindi ko na maririnig ang kakornihan niya. Sobrang dami akong ma-mimiss at sa sobrang dami hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisang kalimutan siya. Kahit lahat ng alphabet naalala ko siya..." sabi niya at tinakpan ang mukha niya gamit ang mga kamay niya.
"Bakit kasi ang aga mong nagmahal? Edi sana naghahabulan pa tayo ngayon..." nakangusong sabi ko.
Natawa siya sa sinabi ko pero saglit lang 'yun, "Minsan may sira karin." sagot niya at umiling iling.
Niyakap ko siya, "Don't waste your time crying for that guy. It's going to be useless." sabi ko at hinimas ang likod niya. "Alam mo? Mag-arcade nalang tayo para malibang ka." dugtong ko.
As expected. Lumiwanag ang mukha niya pero biglang ngumuso, "Libre mo?" tanong niya at nagpacute.
Pinanliitan ko siya ng mata, "Grabe? Oo na! Sige na, wag ka lang umiyak ng umiyak." sagot ko.
Ngumiti naman siya ng malapad. Sa totoo lang, hindi naman talaga mahirap pangitiin at patahanin si Kyona. Kailangan mo lang malaman lahat ng hilig niya. Mag-bake ng cookies, maglaro ng arcade at syempre kumain ng cake, huhulaan niya kung ano ang panakot nito, mag-drawing ng kung anu-ano at magsulat ng kung anu-ano narin.
Maraming talents si Kyona. Minsan ay ikwinekwento niya ang mga storyang sinusulat niya na sobrang nag-eenjoy siya at si Kram ang inspirasyon niya. Mahilig siyang mag-drawing ng mga bahay, pagkain at mga damit. Masasabi niya kaagad kung anong klaseng lasa ang mayroon ang isang dessert kapag nililibre ko siya sa cafè. And I want that Kyona to be back and that's my plan.
Nagpunta nga kami sa arcade at naglaro. Hindi naman ako boyish type of girl. May kaartehan din ako. I don't play arcade pero nang dahil kay Kyona gusto kong subukan. Tig-isa kami ni Kyona ng ring sa basketball. Marami na siyang na-shoot pero ako wala parin. Sobrang lampa ko.
Nagulat nalang ako ng may mga brasong pumaikot sakin na parang ikinukulong ako at hinawakan ang bolang hawak ko kahit hawak ko parin ito. Nakita ko sa gilid ko ang mukha ni Migs na seryosong nakatingin sa harapan namin.
Natigilan ako sa pwesto namin. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko kaya't bumilis ang t***k ng puso ko. Nagulat nalang ako ng maramdaman 'kong inangat niya ang kamay ko.
"Ganito dapat, Dre..." bulong niya at shinoot ang bola kahit hawak ko parin ito.
Natulala ako sa ginawa niya. Naramdaman ko nalang na umalis na siya sa likod ko at naa gilid ko na siya nag-sho-shoot ng bola. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko na halos makalimutan ko na. Na hindi pwedeng mapalapit pa 'ko sa kaniya dahil unang-una sa lahat hindi kami pwede dahil may itinakda na sakin at pangalawa, alam kong wala siyang gusto sakin.
Hinila ko na paalis si Kyona doon kahit di pa siya natatapos. Nagreklamo siya pero nagpatianod nalang siya sa kung saan ko siya dadalhin.
Lumipat lang naman kami kung saan walang Migs. Doon nag-racing kami ni Kyona at sobrang saya niya kasi nanalo siya sakin. Nagbaril-barilan din kami. Nakakapagod pero makita ko lang siyang masaya, ayos na.
Habang naglalakad kami ni Kyona dito sa mall para magmeryenda sa cafè biglang sumigaw si Kyona.
"Miguel! Yuhooo!" sigaw niya kaya naman napatingin ako kung saan siya tumitingin.
Nagulat ako ng makita si Miguel kasama 'yung babae sa library, pero kasama naman niya ang mga barkada niya. Mga walo sila, isa lang ang babae. At 'yun ay si Lauren.
Ito nanamang ang puso ko. Para nanaman akong kinukurot kapag magkasama sila. Hinawakan ni Lauren ang kamay ni Migs. Nagkatinginan kami ni Migs. Bakit ka nakatingin sakin? Dapat sa girlfriend mo lang hindi ba?
I'm so trying not to look at their hands holding each other. s**t!
"Kyona, tara na. Nagugutom nako." aya ko sa kaniya. Ayokong lumapit sa kanila. Ayoko na.
Ngumuso siya, "Teka lang, puntahan natin si Migs," sagot niya at lumapit kay Migs.
Napapikit ako ng mariin. Ang kulit talaga ni Kyona parang ayoko nalang siyang ilibre ng meryenda, ah? Wala akong nagawa kundi lumapit nalang sa kanila pero nasa likod lang ako ni Kyona.
"Uy, Migs, girlfriend mo?" tanong ni Kyona kay Miguel.
Umigting ang panga ko. What the f**k, Kyona? Do you really want to kill me here? Gosh.
Sinubukan 'kong tignan si Migs. Sasagot na sana siya ng inunahan siya ni Lauren kaya napatingin ako kay Lauren, "Oo, kami." nakangiting sagot ni Lauren.
"Ohhh?" sagot ni Kyona sabay sulyap sakin. Kumunot lang ang noo ko sa kaniya.
Nakakunot ang noo ni Migs at parang may sasabihin pa. Magsasalita na sana siya nang magsalita ako. I don't think I wanna hear his voice anymore.
"Alis na kami. Tara, Kyona." paalam ko sabay hila kay Kyona.
Sobrang hapdi ng mata ko. Tumingin ako sa taas para hindi tuloyang mahulog ang mga luha na gusto ng kumawala sa mga mata ko.
Bakit kailangan 'kong maramdaman to? Gusto kong sabihin kay Kyona ang nararamdamam ko kasi alam kong siya lang ang makakaintindi sakin pero ayoko ng dagdagan ang problema niya. Dapat ako ang malakas sa aming dalawa kasi, siya hinang-hina na.
"Kyona, ang sakit ng tiyan ko. Uwi nalang tayo..." sabi ni Kyona sabay hawak sa tiyan niya at ngumiwi.
Namilog ang mata ko, "Hala! Oh sige, ihatid na kita sa sakayan ng taxi. Ako ng bahala sa bayad." sabi ko at hinila na siya sa exit ng mall.
Tinawanan ko ang ekspresyon ng mukha niya. Namamawis na siya sa sobrang sakit ng tiyan niya. Gaganti nalang daw siya bukas sa pagtawa ko sa kaniya.
Nang ipinasakay ko na sa taxi si Kyona ay ako naman ang nag-abang ng taxi. Bumuntong hininga ako. Sana pala sumama nalang ako kay Kyona para di ako makaramdam ng lungkot habang nag-iisa.
Pumara ako ng taxi at sumakay na roon. Isasara ko na sana ang pintuan ng pumasok si Miguel sa loob. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.
"Anong ginagawa mo!?" gulat na tanong ko sa kaniya.
Nakangiti siyang sumakay at sinara ang pintuan ng taxi, "Manong, CHF Village po." sabi niya sa taxi driver kaya nag-drive na si Manong Driver.
"Anong ginagawa mo!?" tanong ko ulit sa kaniya at dinungaw ang sa labas at nakitang naroon si Lauren na mukhang nahuli na dahil nakasakay na siya. Bakit niya iniwan ang girlfriend niya?
Tinuro ko ang sa likod habang siya ay relax na relax habang nakasandal sa upuan, "Y-yung girlfriend mo...iniwan mo." sabi ko ng pabulong.
Napatingin siya sakin, "Hindi ko siya girlfriend, Dreena." seryoso niyang sabi.
Natigilan ako sa sinabi niya. Parang biglang nag-alab ang pakiramdam ko sa kaniya, "Anong hindi? Eh klarong klaro ang sabi niyang kayo." singhal ko.
Fuck. I sound like a goddamn jealous girl!
Ngumiti siya, "Sinabi niya lang 'yun..." sagot niya in a vey soft voice.
Nanliit ang mata ko. You freaking liar! But, I don't need to over react. He might think I like him or something! And there is no effin way I will tell it to him. Ngayon pang bawal na...hindi na talaga pwede...
Nag-iwas nalang ako ng tingin, "Whatever. I don't care..." sagot ko, trying not to sound so curious. Nag-iwas nalang ako ng tingin.
"Dreena, hindi kami ni Lauren." mariin na sabi niya.
Tumingin ako sa kaniya at seryoso siya, "What is it to me then? I don't care so you don't need to tell me that. Eh ano ngayon kung kayo? Eh ano naman ngayon kung hindi kayo? And I don't know why are you denying it anyway..." sabi ko, acting like I really don't care.
Bumuntong hininga siuya, "Hindi kami, dahil kung kami ako pa mismo ang hahawak sa mga kamay niya. Nang mahigpit, Dreena..." malambing na sabi niya at sinulyapan ang kamay ko pagkatapos bumalik sakin.
"...at isa lang naman ang kamay na gusto kong hawakan. At ipangalandakan sa lahat." dugtong niya.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Actually, kanina pa 'to nagpipigil ng hininga at kanina pa to tumitibok ng hindi normal. Ganito ang epekto niya sakin kaya kung itutuloy niya pa to ay baka bumigay ako.
Tao lang din naman ako. Babae din lang naman ako. Gusto ko siya at umaasa ako na ganun din siya sakin pero natatakot ako na maging totoo. Kasi kung gusto niya rin ako, pipigilan ko lang ang sarili ko kasi hindi pwede. Hindi na pwede.
"Manong para po!" sabi ko kaya naman hininto ni Manong Driver sa gilid ng kalsada.
"San ka pupunta?" tanong niya.
Inabot ko ang bayad ko sa driver at tumingin kay Migs, "Sa lugar na wala ka." mariin na sagot ko at lumabas ng taxi.
Narinig ko ang pagsara sa kabilang pintuan ng taxi. s**t! Bumaba talaga siya? Binilisan ko ang paglakad para di niya ko maabutan pero agad niya akong hinila.
"Migs, ano ba?!" sigaw ko sa kaniya.
Seryoso ang mga mata niya, "Galit kaba sakin? Galit kaba sakin dahil iniwasan kita?" tanong niya.
Marahas kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Right! I'm mad at him because tinalikuran niya ang friendship namin. That's a good reason. A reason that I know, that won't lead to a topic that I don't want to hear from him.
"Oo! Yun nga! Yun nga ang dahilan kung bakit galit ako sayo. Akala ko ba magkaibigan tayo? Tapos bigla kana lang hindi mamamansin, hindi magpaparamdam. Iiwas..." sabi ko at binulong ang huling linya.
Hindi ko alam kung tititig ba 'ko sa kaniya o ano kasi bakas sa mga mata niya ang pagkamangha pero at the same time parang nasiyahan sa isinagot ko.
"Dreena, kailangan 'kong gawin 'yun. Masyado na tayong close at ayokong..." tumigil siya at tumitig sakin.
"Anong masama sa pagiging close, Miguel? Alam mo, save it. Mag-iisang taon na." sagot ko at tinalikuran siya para umalis na.
Bakit pa ba ako makikinig sa kaniya? Ako lang din naman ang nananakit sa sarili ko mismo. Bakit ko pa siya pakikinggan? Ano pa ba ang kwenta ng explanation niya eh isang taon narin?
Hindi man lang niya ako tinawag. Hindi man lang niya ko pinigilan para makapag-explain siya. f**k. Ang gulo ko, grabe! I don't want him to chase me but deep inside I want him to explain to me everything and tell me he likes me too...
May tumulong luha sa mga mata ko kaya agad ko itong pinunasan. Bigla akong napatigil dahil may humarang sa dinadaanan ko. Namilog ang mata ko ng makitang si Migs 'yun.
Kabado ang kaniyang mukha, "Dreena Louise Guzman. Gustong gusto kita." seryosong sabi niya at unti-unting lumapit sakin.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi. Anong sabi niya? Gustong gusto niya ako? Parang gustong sumabog ng puso ko sa sobrang bilis ng t***k nito. Nahihirapan akong huminga dahil sa bigat na nararamdaman ko. Pinaghalong saya at lungkot.
"Alam ko, hindi mo ko magugustuhan kasi nung grade six pa lang ayaw mo na sakin, pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko para sayo. Nang mas makilala kita, alam kong wala na. Wala nakong kawala kasi Dreena, sayo lang ako..." sabi niya at hindi ko namalayan na malapit na pala siya sakin.
Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko, "Dreena, tiniis kong layuan ka. Nakipagkaibigan sa iba pang babae para maramdaman yung kakaibang feeling kapag kasama kita, pero Dreena wala...wala akong maramdaman sa kanila tulad ng nararamdaman ko para sayo."
Tumulo ang mga taksil na luha sa mga mata ko. Pinunasan 'yun ni Migs. Hindi pwede to! Hindi niya pwedeng maramdaman o makitang gustong gusto ko rin siya.
"Dreena, ayokong umasa at mas mahulog sayo kaya ako lumayo, pero ramdam ko...ramdam ko na mayroon akong pag-asa. At kahit konte lang 'yun, umasa ako. Bumalik agad ako sayo, nagbabakasakaling gusto mo narin ako. Na pwede mong magustuhan ang isang tulad ko..." sabi niya ng pabulong.
Kinagat ko ang labi ko at nag-iwas ng tingin. Unti-unti kong inalis ang kamay niya sa kamay ko. Nagulat siya sa ginawa ko. Yumuko ako at pumikit ng mariin. Hindi ko alam kung anong dapat kung isagot.
Dahil una sa lahat, alam kong may namamagitan sa kanila ni Lauren at hindi ko alam kung bakit nandito siya at sinasabing gusto niya rin ako.
"Hindi ko alam kung bakit sinasabi mong gusto mo ko, gayong nakita kitang kayakap mo si Lauren at gusto mo rin siya. Hindi ko alam kung anong laro to pero please wag ako ang paglaru--"
Nagulat ako sa pagyakap niya sakin. Sobrang higpit na konte nalang mararamdaman niya na ang puso ko at malalamang pareho kami ng nararamdaman....kung totoo ngang gusto niya ko.
"Dreena, ikaw ang gusto ko! Nang makita kita sa rooftop. Naghihintay kay Kris. Sobrang natakot ako na baka magustuhan mo siya, maunahan niya pa 'ko. Alam kong hindi mo ko gusto, ilang beses ko na bang malalaman 'yan kay Kyona? Marami na. Alam ko kasing hindi ka maglilihim sa kaniya kaya hindi na'ko umasa sa'yo." mas hinigpitan niya pa ang yakap sakin.
"Pero ngayon, dahil kay Lauren...umaasa ako na nagseselos ka. Umasa ako na may gusto karin sakin. Oo, gusto ako ni Lauren, pero nung nasa library...iklinaro ko na sa kaniya na hindi ko siya gusto." dugtong niya.
Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sa mga sinabi niya. "Pero niyakap mo siya..." bulong ko.
Kinalas niya ang pagkakayakap sakin at tinitigan ako na para bang umaasa siyang pareho kami ng nararamdaman. Hinaplos niya ang baba ng aking mata. Hindi ko namalayan na naiyak ako.
Naiiyak ako sa saya pero naiiyak din ako sa lungkot. Lungkot at paghihinayang. Wala nakong magagawa kahit gustuhin ko man siya. Nakatali na ang kapalaran ko. Wala nakong magagawa.
"Dreena, gusto mo rin ba ako?" seryosong tanong niya.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya pero hinawakan niya ang panga ko para iharap ulit sa kaniya para magtama ang mata namin.
"Tignan mo ko, Dreena. Gusto mo rin ba ako? Pangako, aayusin ko ang sarili ko para sayo." malambing na sabi niya.
Kinagat ko ang labi ko. Migs, oo gusto din kita. Gustong gusto. Pero hindi pwede. Kung alam mo lang kung bakit takot na takot akong suwayin sila.
Umiling ako habang nakatitig sa kaniya. "Hindi...hindi kita gusto." sagot ko sa kaniya at inalis ang kamay niya sa mukha ko.
Napaawang ang bibig niya sa sinagot ko. Bakas sa mga mata niya ang pagkabigo. Gusto kong bawiin ang sinagot ko pero takot na takot ako.
"Sorry..." yun nalamang ang isinagot ko bago siya talikuran. Hindi pa ko nakakalayo ng sumigaw siya pero di ko siya nilingon kahit tumigil ako sa paglakad.
"Dreena, hindi ako susuko sayo. Gagawin ko ang lahat para magustuhan mo ko!" sigaw niya. "Dreena Louise Guzman, liligawan kita araw-araw hanggang sa magustuhan mo ko. Liligawan kita kahit ayaw mo." dugtong niya.
Hindi ko parin siya nilingon. Naglakad nalang ako hanggang sa makapara ako ng taxi at makasakay roon. Hindi ko tinignan ang nasa likod ko, pero hindi naman ako pinalampas ng luha ko. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa makauwi ng bahay.
Days after what happened with me and Migs, nagulat nalang ako nung umuwi ako sa bahay galing school na nakatanggap ako ng sampal galing kay mommy. Wala si daddy sa bahay.
"Hindi kita pinalaking malandi!" sigaw ni Mommy.
Nakahawak ako sa pisnge kong sinampal niya. Sa sobrang gulat ko ay halos maiyak ako.
Dinuro-duro niya ako, "Ang bata mo pa pero lumalandi kana! Hindi ka man lang nahiya? Si Jasmine pa ang nagsabi sakin na nakita ka niyang may kayakap na lalake!" sigaw ni mommy saka ako sinabunutan hanggang sa napaupo ako sa carpeted floor namin.
"Mommy tama na!" sigaw ko at sinusubukang alisin ang kamay niya sa buhok ko. Agad niya naman itong inalis at hingal na hingal na lumayo sakin.
"Sino ang lalakeng 'yun? Siya ba ang balasubas na anak sa kabilang kanto ng village? Nako, Dreena. Sinasabi ko sayo..." pagbabanta ni Mommy at tinalikuran ako.
Agad akong dinaluhan ng mga katulong namin. Itinayo nila ako habang umiiyak parin. "Tahan na po, Miss Dreena." sabi ng isa nakig katulong na si Ate Ding at ang anak niya.
"Salamat po..." yun nalamang ang sinabi ko. Mabuti pa sila maayos ang pakikitungo sakin, pero ang sarili kong ina? Para akong bagay na pwede niyang ibigay. Parang alipin na pwedeng diktahan.
Pagkapasok ko ng kwarto ay dumapa ako sa kama at doon umiyak ng umiyak. Umilaw amg cellphone ko at nakitang may nagtext na unknown number. Agad ko itong binuksan.
Hi, Dreena. This is your future boyfriend! Miguel Juan Reyes.
Napapikit ako ng mariin. I don't have such time for love, heartbreaks from him and expectations, cause I had enough of my life full of dictations.
But, still I hope...maybe if we have the chance...if I have the chance to show him my true feelings, he still feels the same.
Because, I think it will be impossible.