Years Ago...
Dreena's POV
Pakiramdam ko sobrang gulo na ng mundo ko. Apektado ako sa lahat ng nangyayari sa palibot ko ngayon.
First, Kyona is depressed na hindi na siya halos pumapasok because of their break up ni Kram. Second, my parents are monsters that they want me to be perfect in everything and the last one....Miguel doesn't like me.
That's why I didn't want to be in the first section. I don't to be manipulated by my parents to befriend those and these. Lahat ng nasa first section ay ang mga bigating tao and they want me to fit in.
Obviously, they didn't want me to befriend Kyona. Kyona is....average. Hindi. Mas malala pa nga doon. Low-class ika ni Mommy. I was so mad about their opinion in her. I don't want to hear that. Kyona is family. Her family is my family too.
My life is full of s**t right now na wala na akong pakialam kung sino ang tinitibok ng puso ko. Kung ano na ang nararamdaman ng bata kong puso. I don't have time for love! But, why did I even felt this? At kay Migs pa. And now, I'm hurt even though he doesn't know I'm hurt because of him.
Nasa library ako at nagbabasa ng libro para sa quiz namin mamaya. Wala nanaman si Kyona. Kahit si Kram wala din. I was left alone. And I'm so worried about the two of them. I think I lost everything.
Bigla akong napatingin sa double glass door ng library. Maingay sila kaya mapapatingin ka sa kanila. Si Miguel ang nangunguna sa mga barkada niya. They're all laughing when they enter the library and because of that, the librarian shut them up.
Bumilis ang t***k ng puso ko. Bakit kailangan ko pang makita ang pagmumukha niya? Ilang araw ko na ba siyang iniiwasan?
Simula nangyari sa rooftop ay nagbago na. Hindi ko na siya nakikita at hindi ko na siya hinahanap, well it's not that easy at first.
Oh, come on, Dreena. Quit thinking of him and focus on your book! I don't have time for that moron.
Si Kris? Binusted ko siya at alam kong alam niya na'yun 'cause maybe Kris will tell him naman because they're friends. Ugh!
"Oh, Migs. Andyan pala ang crush mo!" rinig ko ang panunukso sa kaniya ng barkada niya.
Crush? Sinubukan kong tignan ang nasa gilid ko. It's a boy. At sa kabilang gilid ko naman ay isang babaeng naka glasses. Oh, it might be her. Sino nga 'yun? Si Lauren?
Well, I didn't know she likes nerdy one.
Wala akong oras para sa puso ko. And later I'm off to Kyona's house. My driver, Kuya Valdo is good to me kaya malaya ko siyang utusan pumunta kayla Kyona after class to check on her.
"Shut up!" bulalas ng isang pamilyar na boses. That voice who always complete my day.
And hell if I stay here maririnig ko lang ulit 'yun. How fast things changed nowadays. Back then his voice makes me happy but right now it just makes me so sad. Missing and incomplete.
Tumayo ako para ibalik ang libro sa shelf kung saan ko ito kinuha.
As I stood up sumulyap ako sa banda nila Migs but wala siya doon sa table nila. Nagkibit balikat nalang ako at tumungo na sa mga shelves.
Nang makarating ako shelf kung saan ko ibabalik ang libro ay may narinig akong usapan mula sa likod ng shelf na pagbabalikan ko ng libro.
"Gusto kita. Nung grade six pa. Gusto ko lang naman malaman mo, eh. Hindi naman ako umaasa." sabi ng isang babaeng boses. Napakalambing ng boses niya na kahit ako kung magiging lalake ay manlalambot.
"Ayos lang, Lauren. Alam ko..." malambing na sagot ng lalake.
Teka! Pamilyar sa akin ang boses na'yun. Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sakin para kunin ang librong pakiramdam ko ay pwed akong sumilip.
At hindi nga ako binigo ng instincts ko. Pagkahila ko ng libro ay agad kong nasilip ang dalawang taong nagyayakapan sa kabilang side ng shelf. Kitang-kita ko ang maamong mukha ni Miguel na nakapikit at dinadama ang yakap kay Lauren.
Parang kinurot ang puso ko at para bang namanhid ang buong katawan ko kaya't nahulog ang librong nahila ko. Agad akong tumakbo paalis ng library.
This is your cue, Dreena! It's time to stop hoping for Miguel Juan and move forward. I harshly wiped my face because of my tears. This is so disgusting. Broken hearted at the age of thirteen?
Now, I don't care anymore. Magsaya siya dahil sa tingin ko pagkatapos ng confession ni Lauren sa kaniya ay magiging sila na. Kung sana ay itinulak ko nalang ang buong shelf sa kanila. Ugh! Dreena you don't care anymore!
When I got home my mother told me that we're going to have dinner tonight kasama ang mga Andremayo. Well, I was excited because I can finally see Kram and punched his face for making Kyona broken. Iisipin ko nalang na si Migs din siya. Ohh, I can't wait to punch. I have so many questions!
Kramiel John Andremayo won't break up with his future wife! It's so impossible kaya naman nung nalaman ko 'yun kay Kyona ay hindi ako makapaniwala.
Nang makarating kami sa magarang restaurant hindi ko alam pero kinabahan ako. Mom keeps on telling me to agree whatever she says.
When we're all eating. My family and Kram's family. Our both parents are the one's who's talking. Mabuti nalang at naka-recover na si Tita. Kram and Ate Kiera is very worried about her.
"Balita ko ay marunong tumugtog ng piano si Dreena.." biglang sabi ni Tita Jasmine.
"Yes po, I can play but I stopped one year ago." sagot ko.
"Dreena is busy studying so hindi niya na pinagtuonan ng pansin ang pagtutugtog ng piano." sabi naman ni Mommy and look at me like she's saying that I need to agree with her.
"That's right po." sagot ko at ngumiti. Sumulyap ako kay Kram at tahimik siyang kumain pagkatapos dudungaw sa cellphone niyang umilaw sa lamesa.
"Kramiel, don't be rude. Keep your phone out on the table." sita ni Tita sa kaniya.
Sinunod naman kaagad ni Kram si Tita. Kram will always be a mother's boy hah? I have a hint kung bakit nakipag-break siya kay Kyona pero ayokong isipin na napakababa ng tingin niya sa relasyon nila ni Kyona.
Biglang tumahimik ang lahat kaya naman medyo nakakaramdam ako ng tensyon. Para bang maya-maya ay may sasabog na bomba sa harapan namin.
"Well, wag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Let's talk about what's this dinner all about" biglang sabi ni Tita Jasmine at pareho kaming tinignan ni Kram.
"Oh, yes. Dreena knows about this too and it's okay with her." sabi ni Mommy at tinignan ako like she wanted me to agree with her again but I was only looking at her with a questioned look. Mom, what's this we didn't talk about this!
Bahagyang nanlaki ang mata ni Tita Jasmine at ngumiti ng malapad, "Really? You're so lucky to have an understanding daughter. I hope Kramiel would understand too. I know Kramiel won't disappoint me again. Right, Kram?" tanong ni Tita Jasmine kay Kramiel na ngayon ay nakakunot ang noo.
Hindi niya rin alam? f**k. Pinaglalaruan ba kami ng mga nanay namin. Daddy and Tito have their own business naman kaya di sila nakikisali sa amin. Ate Kiera and Kashmere are only eating and waiting for our mothers to speak.
"What is it, Mom?" tanong ni Kram, naguguluhan parin ang mukha.
Tumahimik lang ako at tumungo. Kinakabahan ako pero hindi ko alam. At hindi nga ako nagkamali sa inisip ko. Hindi lang bomba ang sumabog sa gabing to. Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko.
Tinignan ako ni Tita Jasmine. Ngayon naman ay sila Tito Tony at Daddy ay nakatingin narin sa akin.
"Ngayong bata pa lang kayo, we decided na ipaalam na kaagad sa inyo ang plano namin ng Mom mo noon, hija. You and Kramiel will be engaged when you both turn eighteen. And we want you two to get along habang maaga pa. We are not manipulating your will, we just want the best for the both of you." nakangiting sabi ni Tita.
Biglang napatayo si Kram, "What!?" gulat na tanong niya
Nanlaki ang mata ko pero hindi nila nakita ang gulat sa mukha ko nang dahil kay Kram. Tumingin si Mommy sakin at tinulisan ako ng tingin. Alam ko ang gustong niyang ipaabot. She wants me to agree with her again but I shook my head.
No, please. Wag si Kram.
"Kramiel! Sit down!" galit na sigaw sa kaniya ni Tita. Bigla namang napahawak ng dibdib si Tita kaya naman nataranta kaming lahat at kahit si Kram na kanina ay galit ay biglang napawi.
"Kram! Wag mong galitin ang Mommy mo!" sigaw ni Tito Tony.
They we're like this. Umiyak si Kashmere dahil sa pagkatarant ang tao. Si Ate Kiera at ang yaya ni Kashmere ang tumahan dito.
"Kram, please maghinay-hinay ka lang sa boses mo. You know how sensitive Mom is when it comes to you." malambing na sabi ni Ate Kiera kay Kram.
Pinainom ng tubig si Tita Jasmine at nang mahimasmasan siya ay tumingin siya kay Kram. "We have talked about this before, Kram. Don't forget about what you promised to me." may halong pagbabanta ang boses ni Tita Jasmine.
Tumingi ako kay Kram na ngayon ay nakaupo na at sinusubukang pakalmahin ang sarili niya. Now, how will I punch his face after what happen right now.
My life is full of bullshits. Ang bata ko pa para sa mga ganitong bagay. I don't want this. Alam 'kong masasaktan si Dreena pagdating ng panahon.
Matapos ang dinner ay iniwan kaming dalawa ni Kram and that's my chance to talk to him.
"Kaya ba hiniwalayan mo siya?" tanong ko sa kaniya.
Tumingin siya sakin at kitang-kita ko kung paano nag-aalab ang mga mata niya, "You agreed to this? Kahit alam mong....shit! Wala na nga pala..." frustrated na sabi niya at ginulo ang buhok niya.
Humapdi bigla ang mata ko, "Kram, hindi ko din alam. Hindi totoong alam ko..." sagot ko at pinunasan ang luha na tumulo sa pisnge ko.
"I don't know either, Dre. I don't know what to do. Mom manipulated me to broke up with her alam 'kong nangyari na'to pero iba to ngayon...iba. This is way different than before but I can't tell you why because it's like taking you to hell." sabi niya at bakas sa boses niya ang maiiyak na. Tinakpan niya ang mukha niya.
Damang dama ko ang nararamdaman ni Kram ngayon pero ayoko namang pilitin siya.
"I love her very very much, Dreena. But, I love my family more. So please, help me. Help Kyona to forget about me. Help her." sabi niya at tumingin sa'kin. Namumula ang mata niya at bakas sa mukha niya ang pagmamakaawa.
Umiyak narin ako at saka tumango. Niyakap ko siya. "Tutulongan kita, Kram. Malalampasin rin na'tin to. Wag kang mag-alala." sagot ko at mas hinigpitan ang yakap ko sa kaniya.
Wala akong nararamdaman para kay Kram. Ang tanging nararamdaman ko lang sa kaniya ay awa. Magkaibigan kami at mahal siya ng bestfriend ko na itinuri ko ng kapatid ko dahil nag-iisa lang akong anak.
If Kyona will know about this she'll be so broken and I don't wamt that to happen.
Where in our second year in high school and still I balanced my grades para manatili ako sa section 2. Mom can't do anything about that so she can't scold me all she wants but never in my life I will let myself be manipulated again. Dadating ang araw na matuto rin akong tumayo mag-isa at lumaban.
Okay na si Kyona, pero alam 'kong nasasaktan parin siya sa tuwing nakikita niya si Kram. Kung bakit di nalang siya lumipat para matapos na ang paghihirap ni Kyona. But then again if Tita Jasmine will transfer him, automatic ako din ita-transfer. And I don't want Kyona lose someone again. Alam 'kong ako nalang ang nasasandalan niya.
Oh, how I miss that old silly her. Unti-unti naman 'yung bumabalik nang maging magkaibigan na talaga sila ni Migs. Migs and his friends are always in our table kapag recess at wala akong magawa kundi pakisamahan sila.
Migs would look at me at mag-iiwas ng tingin. What now? Where's your Lauren? I think they're going strong. Like I care.
"Dreena, sino nga ba 'yung gwapong kaklase mo?" biglang tanong ni Kyona habang kumakain kami sa canteen.
Itong isang to. Nabarkada lang talaga kay Migs at nawalay lang sakin nadagdagan ang kapilyahan. Ramdam ko ang titig ni Migs sakin kaya naman ay taas noo akong sumagot.
"Si Richard Marquez, 'yun. Pogi." sagot ko kay Kyona at sumulyap kay Migs na ngayon ay nakatingin na sa likuran ko. Why do I even care what will he react?
Bigla namang may kumalabit sa akin at pagkalingon ko ay nakita ko kaagad si Richard. Ngumiti siya ng malapad sa'kin, "Hi, Dreena. Can I sit here next to you?" tanong ni Richard sakin sabay turo sa tabi ko.
Ngumiti ako sa kaniya at tatango na sana ng biglang may umupo sa tabi ko na bakante. Pareho kaming napatingin kay Migs na kumakain lang na parang wala siyang inagawan ng pwesto.
Nang maramdaman niyang tinitignan siya naming lahat ay inosente siyang napatigin sa akin. "Bakit?" tanong niya.
Umirap ako, "He wants to sit there..." sagot ko sa kaniya.
Tumingala siya at bahagyang nanlaki ang mata kunwari. Kilalang kilala kita Miguel Juan.
"Oh? Nabasa kasi 'yung upuan ko kaya lumipat ako dito. Sensya, brad. Next time kana lang tumabi kapag wala na ako pero sensya kana forever nako dito." sabi niya at ngumiti ng nakakaloko kay Richard.
Fuck. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Ano bang ginagawa mo sa akin Miguel Juan Reyes? I know I don't have to feel this way anymore! I don't have to feel this! Kung si Kram nga ay hiniwalayan pa si Kyona para sa kagustuhan ng parents namin para sa aming dalawa tapos itong maliit na nararamdaman ko para kay Migs di ko pa kayang iwasan?
No way, Miguel. Wala ka nang babalikang Dreena na nagkagusto sayo noon. Oh, what am I thinking? He didn't even know I liked him before!
Kyona's POV
Second year high school na kami. Hindi na kami classmate ni Dreena kasi nababa ako sa section 3. Napabayaan ko ang pag-aaral ko ng dahil sa nangyari samin ni Kram.
Si Kram? Dito parin siya nag-aaral. Section 1 siya at hanggang ngayon hindi parin kami maayos.
Hindi ko alam pero matagal na kaming hiwalay. Magtatapos nanaman nga ang taon ko sa high school hindi parin kami magkaayos. Hindi man lang niya ako tinitignan o kaya naman kinakausap.
Araw-araw akong pinapatay. Araw-araw akong nasasaktan at inaalala ang mga masasayang sandaling meron kami ni Kram.
Lahat 'yun binasura ni Kram. Lahat 'yun binalewala niya. Lahat 'yun tinalikuran niya nalang bigla.
Ang sabi niya, lalaban kami. Ang sabi niya, hindi niya ako iiwan kahit kailan. Masyado nga ba kaming bata para sabihin 'yan?
Habang naglalakad ako palabas ng gate ng school. Umuulan at wala akong payong pero tinakbo ko palabas dahil baka mahuli ako sa jeep. Habang tumatakbo ako ay bigla akong natalisod sa isang bato kaya nadapa ako. At kung minamalas nga naman ay doon pako sa putikan lumanding!
Nakita ko ang ibang tao na nanonood sa akin na tumatawa. Hindi ko alam kung saang parte sa nangyari sa akin ang nakakatawa. Basang basa na nga ako ng ulan, basang basa pa ako ng putik! Tsk! Bahala na nga lang kung pagtinginan ako ng mga tao.
Sinubukan kong tumayo pero nakaramdam kaagad ako ng sakit sa tuhod ko. Nang tinignan ko 'yun ay mayroon akong sugat. Naramdaman kong biglang tumigil ang ulan pero sa nakikita ko sa iba malakas parin kaya paanong di nako nababasa.
"Stand up, Kyona." rinig ko sabi ng isang malamig na boses.
Tumingala ako at nagulat ako ng makitang si Kram 'yun may dalang payong.
"K-kram..." pabulong na sabi ko. Biglang sumakit ang puso ko pero may parte saking sobrang saya dahil tinignan niya ako ulit...kinausap niya ako ulit...
"Stand up." utos niya at nag-iwas ng tingin.
Tumango ako at sinubukang tumayo pero nadulas ako. Ang akala ko ay magkakaroon ulit ako ng sugat pero nahawakan ako ni Kram sa kamay pati narin sa bewang ko kaya nabitiwan niya ang payong na dala niya.
Nagkatitigan kaming dalawa. Miss na miss ko na ang mga titig niya na parang ako lang ang pinakamagandang babae sa mundo, pero ngayon...iba na. Nag-iwas kaagad siya ng tingin at saka ako pinatayo tapos pinulot ulit ang payong.
Binuksan ni Kuya Driver ang pintuan ng backseat. "Sumakay kana. Ihahatid kana namin." malamig na sabi ni Kram.
Napakagat labi ako dahil nangingilid ang luha sa mga mata ko. Umiling ako, "Wag na, Kram. Mababasa ko lang ang sasakyan niyo. Magta-tricycle nalang ako." sagot ko pero agad bumuhos ng malakas ang ulan.
"Sumakay kana, gabi pa titila ang ulan." sagot niya at hinila na ako papasok sa back seat kung saan siya na ang naunang sumakay.
Napayakap ako sa katawan ko dahil sa lamig nag aircon. Pinatay ni Kram an aircon kaya naman di nako nilamig. Binigyan niya ako ng towel at jacket.
"S-salamat..." sabi ko.
Ilang buwan na ang nakalipas. Gusto kong magalit sa kaniya pero ito ako natutunaw nanaman para sa kaniya. Sa mga ginagawa niya ay mas lalo akong umaasa na babalik pa siya sa'kin.
"Kram..." tawag ko sa kaniya at medyo suminghot ng dahil sa sipon ko. Napatingin siya sakin.
"Kram bumalik kana sa'kin please...." naiiyak na sabi ko.
Hindi ko alam pero 'yun ang nasabi ko. Yun ang lumabas sa bibig ko. Gustong gusto kong magalit sa kaniya, sampalin siya, suntukin siya dahil sa pananakit sakin pero mahal ko siya. Ayokong mawala siya.
"Kyona, I don't want to repeat what I've said months ago at the hospital. Please just forget about me." sabi niya at nag-iwas ng tingin.
"Kram alam kong mahal mo pa ko pero bakit mo ko ginaganito? Bakit mo pinipigilan? Kung dahil to sa Mommy mo, nalampasan naman natin to dati diba? B-bakit?" tanong ko at pumiyok.
"Because, I realized loving you was just a childish thing. I know better now. And I'm happy now without you in my life. Kyona marami pang iba. Why stuck with me? Why don't you focus on your studies first?" sagot niya na parang kinukutya ako.
Umiling ako, "Nag-aalala ka parin sakin kaya alam kong mahal mo pa 'ko! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Napabayaan ko na ang lahat dahil sobrang nasasaktan ako!" sigaw ko at tuloyan ng umiyak.
Iritado siyang tumingin sakin, "I still care for you, yes! But, it won't be the same anymore." seryosong sabi niya nag-iwas kaagad siya ng tingin. "And being hurt is part of our life! Kaya nga may moving on." dugtong niya.
Humagulhol ako ng iyak at umiling. Napapikit ako ng mariin. Mata pa lang niya ay sinasaktan na ako. Lahat-lahat sa kaniya nasasaktan ako.
"Ikaw ba hindi nasasaktan? Kram kasi hindi kita makalimutan..." pabulong na sabi ko.
Tumigil ang sasakyan at pagkatapos bumukas ang pintuan malapit sakin. Bumungad si Kuya Driver na may dalang payong.
Tinignan ko si Kram at nakatingin lang sa bintana sa tabi niya. Hinihingal ako sa sakit ng nararamdaman ko habang nakatingin sa kaniya. Hanggang dito nalang ba talaga?
"...pero kung hanggang dito nalang ang lahat. Sige, pero hindi kita mapapatawad." matigas na sabi ko at lumabas na ng kotsye.
Sinulyapan ko ulit siya bago isara ang pinto, "Salamat sa paghatid ninyo." sabi ko sabay sulyap kay Kuya Driver.
Nang tuloyan ko ng isara ang pinto ay bumuhos ulit ang luha ko. Makakaya ko ba?