Years Ago...
Dreena's POV
Nakakatawa pero crush ko si Miguel Juan Reyes. Hindi ko alam pero tuwang-tuwa ako kapag nagpapasaway siya sa klase.
Lagi ko siyang sinusulyapan. Mas gwapo pala siya kapag seryoso. Kahit medyo pabaya si Migs, hanga ako sa galing niya sa Math kaya lang ang tamad niyang pumasa ng projects.
"Crush mo si Miguel, ano?" tanong ni Kyona sakin at pinanliitan ako ng mata.
Natawa ako, "Ha? Ba't mo naman nasabi?" tanong ko at nag-iwas ng tingin.
Nandito kami sa basketball court. Naglalaro si Migs at mga tropa niya sa court ng high school. Hinampas ako ni Kyona, "Asus, deny pa. Lagi kaya kitang nakikitang sinusulyapan si Migs." sabi niya.
Inirapan ko nalang siya. Palibhasa maaga siyang na-in love kaya ayan puro pag-ibig nalang ang bukang bibig. Grade 6 pa lang kami, at pag-aaral muna ang aatupagin ko.
Tsyaka ayoko ring malaman ni Kyona na may crush ako kay Migs kasi kilala ko si Kyona. Sigurado akong ilalakad niya ako kay Migs kasi wala namang hiya yan makipag-usap sa iba.
Alam ko na ang tungkol kayla Kram at Kyona. Magkaibigan ang mga magulang namin ni Kram kaya masasabi kong magkakilala naman kami ni Kram at nakakapagkwento naman siya sakin tungkol sa kanila at kung anong sinasapit niya sa Mommy niya.
Pinanood ko si Migs na ang gwapo gwapong maglaro ng basketball. Ang galing niya pero hindi man lang siya sumali sa basketball team.
Yung pawis niyang tumutulo sa mukha niya na ewan ko pero nakakapandagdag talaga ng kakisigan niya. Basa ang likod niya. Sana may baon siyang extrang damit.
"Kaya ba gusto mong magpahangin lagi pagkatapos ng klase kasi manonood tayo ng laro ni Migs?" tanong niya sakin.
Tinignan ko siya ng kunware nandidiri, "Alam mo? Nabaliw kana talaga. Ako magkakagusto kay Migs? Hindi mangyayari 'yun." napalakas ang sabi ko pero wala akong pakialam. Binalik ko ang tingin ko sa court.
Nagulat ako ng makitang dumaan si Migs sa harapan namin kasama ang mga tropa niya.
Napalunok ako. Alam na alam kong narinig ni Migs 'yun. Aish! Tsk!
Ngumuso si Kyona, "Okay..." sabi niya at ngumiting aso.
Napapikit nalang ako ng mariin. Simula nun nahihiya nakong tumingin kay Migs. Nahihiya ako dahil siguro iniisip niya na ayoko sa kaniya.
Ang totoo wala naman talaga akong dapat ikaproblema eh. Eh ano naman ngayon kung iniisip niyang ayoko sa kaniya? Para namang may plano akong magtapat diba? Crush lang naman e.
Haaay nako.
Pero kahit anong gawin ko. Napapatingin parin ako sa kaniya at hindi ko parin maiwasang mag-alala sa iniisip niya tungkol sa sinabi ko.
Isang araw, umuulan. Wala akong dalang payong. Wala parin ang driver ko kasi ang lakas ng ulan.
Bumuntong hininga nalang ako. Maghihintay nalang siguro ako dito hanggang sa dumating yung driver namin na hindi ko alam kung darating pa ba.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Binuksan ko yan at inaakalang driver na namin ang nagtext pero si Mommy lang pala.
Mommy: Commute kana lang pauwi, nastranded si Manong. Take care.
"Aish. Pano na'to wala man lang akong payong." sabi ko sa sarili ko.
5PM na at baka gabihin ako kung hihintayin ko pang tumila ang ulan. It's now or never! First time kong magpapaulan. Huhuhu! Tatakbo na sana ako sa ulan ng may pumigil sakin.
"Oh, gamitin mo..." sabi niya at binigay sakin ang payong niya.
Nung una nagulat ako dahil nasa harap ko siya. Ang bilis ng t***k ng puso ko.
Bumuntong hininga siya. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko para ilagay ang payong sa kamay ko.
"Haish, bakit ang cute niya." bulong niya at tatakbo na sana paalis pero nagsalita ako.
"Narinig ko yun." sabi ko kaya napalingon siya sakin. Binigyan ko siya ng seryosong tingin.
Gulat siyang napatingin sakin. "Ano? Anong narinig mo?" tanong niya.
Gusto kong ngumiti pero tikom lang ang bibig ko. "Sinabi mong cute ako." diretsyong sagot ko.
Nanlaki ulit ang mata niya, "Iniisip ko lang yun. Hindi ko yun sinabi. Wag kang assuming." sagot niya at napakamot ng ulo.
"Pero inisip mo parin...so cute ako sa paningin mo?" seryosong tanong ko sa kaniya na parang kinukulitis ko siya.
"Aish." bulalas niya at nag-iwas ng tingin at napahilamos.
"Gusto mo ba 'ko?" di ko alam pero bigla ko nalang itinanong yun sakaniya.
Umiwas siya ng tingin, "Hindi ko alam pero ang alam ko dapat kanang umuwi kasi baka mas lumakas pa ang ulan." sagot niya at aalis na sana pero hinila ko siya.
Nagulat siya sa ginawa ko, "Sabay na tayo para di ka mabasa ng ulan." sabi ko at bahagyang ngumiti.
Hindi ko alam bakit ayaw niyang aminin eh halata naman, pero okay nayun kaysa naman kung umamin siya tapos iwasan ko siya.
Napaawang ang bibig niya na parang di makapaniwalang ngingitian ko siya. Bakit pakiramdam ko mas gwapo siya sa malapitan?
Ang mga singkit niyang mata na parang walang mata ay di mo aakalaing may mata din naman pala.
Habang naglalakad kami ni Migs sa gitna ng ulan, hindi ko alam pero ang saya saya sa pakiramdam na parang gusto ko ganito nalang palagi.
Simula nung araw nayun. Pasekreto kaming nag-uusap ni Migs. Minsan tinatakasan ko si Kyona kapag lunch break. Alam ko namang may taguan sila ni Kram kapag kakain lunch.
Ang kinakabahala ko lang ay ang baka magkita pa kami dahil pareho kaming nagtatago sa mga tao.
Isang taon na. First year high school na kami pero hindi na kami magkaklase.
Magkaibigan parin kami ni Migs. Wala naman siyang sinabing gusto niya ako at hindi ko rin sinabing gusto ko siya.
Kwinekwentuhan niya ako ng mga nangyari sa buhay niya. Minsan seseryoso nalang siya tapos magbibiro. Ang abnormal ng lalakeng to, seryoso. Pero napapasaya niya ako ng sobra.
Hindi nahahalata ni Kyona dahil busy sya sa love life niya kay Kram. Nandito lang naman ako sa kaniya at nagiging magkaibigan narin kaming tatlo kaya minsan magkasama na kami pero di kami nagpapahalata.
Napag-alaman kong magkaibigan ang mga magulang nila ni Kyona kaya magkasundo naman sila.
Nandito nanaman kami ni Migs. Nag-uusap sa likod ng school.
"Yung kapatid kong babae? Nung nadulas siya sa sahig imbis na tulongan ko, pinagtawanan ko. Alam mo ba kung anong ginawa sakin ni Mama? Pinalabas niya ako sa bahay. Kaya ang ginawa ko para papasukin nila ako ay nagpanggap akong aso. Kahol lang ako ng kahol." sabi niya at tumawa ng malakas.
Natawa narin ako. Ang cute cute niya talaga.
"Alam mo bang ang ganda ganda mo kapag tumatawa?" seryosong sabi niya.
Nabulunan ako sa sinabi niya. Binigyan niya ako ng tubig kaya agad ko naman itong tinanggap.
Nang mahimasmasan ako ay tinitigan niya ako. Sobrang nakakailang ang pagkakatitig niya.
"Alam ko yun, Migs." sagot ko at nag-iwas ng tingin. Sinusubukan kong wag mailang para walang tensiong maganap.
Napatawa siya, "Kaya ang daming nagkakagusto sayo, eh. Pasalamat sila di na tayo magkaklase." sagot niya at sinuntok ang palad niya.
Ngumiti ako, "Bakit, bawal ba magkagusto sakin?" tanong ko sa kaniya.
"Bawal kasi dapat ako lang!" sabi niya at tinuro ang sarili niya.
Nanlaki ang mata ko. "Ha?" tanong ko.
"Dapat ako lang kasi ako lang dapat. Yun na yun, Dre. Wag ka ng magtanong" sabi niya at tumawa.
Napakagat labi ako. Gusto kong ngumiti pero pinipigilan ko.
"Okay, sabi mo eh..." sabi ko at binigyan siya ng nakakalokong tingin.
Umiling-iling si Migs nang nakangiti. Kinikilig ako at masama to. Di kaya mas lumalalim ang pagkagusto ko sa kaniya?
Ano kaya ang gagawin ko kapag umamin na siya? Ano kaya ang isasagot ko sa kaniya? Gustong gusto ko na si Miguel, ano kaya ang gagawin ko?
Ilang araw narin ang nakakalipas. Maayos naman ang lahat. Maayos naman ang lahat sa amin ni Migs pero simula nung araw na makita ko siyang nakikipaglandian sa mga babae sa section three, nainis ako. Sobrang naiinis ako dahil simula nun hindi niya nako pinapansin.
"Ayaw mo naba ng french fries? Akin nalang, ah?" tanong ni Kyona at kinuha sa tray ko ang french fries ko.
"Geh." walang ganang sagot ko.
"Ano ba kasing problema? Upset kaba kasi may bagong babae si Miguel?" tanong niya.
Gulat akong napatingin sa kaniya. "Anong pinagsasabi mo?" tanong ko.
"Halata naman kasing gusto mo siya pero tinatanggi mo." sabi pa niya.
Ngumiwi ako, "Alam mo? Tigilan mo na ang pagbabasa ng mga pocket books at kung ano pa. Pati kami ni Migs, pinag-iisipan mo na may namamagitan..." sagot ko.
"Psh, bahala ka nga. Sige itago mo pa. Ayaw mo nun pareho na tayong magpupuntang seven eleven para tumago." natatawang sabi niya.
Pinanliitan ko siya ng mata, "Wag mo ko igaya sayo. Takot ko lang sa Mommy ko." sagot ko at nangalumbaba.
Alam naman ni Kyona ang tungkol kay Mommy. Hindi kami pareho ng magulang. Si Mommy sobrang strikta, pati narin si Daddy.
Ngumuso siya, "Okay...okay...sorry..." sabi niya at niyakap ako.
"Pero aminin mo...may feelings ka ano?" pangungulit niya pa at nginitian ako.
Napairap ulit ako, "Ang kulit mo wala nga. Diba nga sabi ko hindi ako magkakagusto kay Migs? Ever?" sagot ko sa kaniya at inismiran.
"Tssk. Hirap mo talagang paiminin. Hmmp!" sabi niya at tumahimik na sa cellphone niya, malamang katxt nanaman si Kram.
Pagkauwi ko ng bahay ay naabutan kong si Tita Jasmine, ang mommy ni Kram sa salas kausap si Mommy. Nag-uusap sila ng seryoso kaya hindi nako nag-abalang bumati sa kanila at umakyat sa hagdanan.
Paakyat na ako ng marinig ko ang pinag-uusapan nila. Hindi naman nila ako makikita nakikinig kasi nakatalikod sila.
"Seryoso kaba, Jasmine? May pruweba kaba na may kabit ang asawa mo?" tanong ni Mommy kay Tita Jasmine.
Narinig ko ang paghikbi ni Tita, "Oo, binalikan niya ang babaeng mahal niya noon. Ngayon ay siya pa ang tumutustos ng pag-aaral ng mga anak nito." sagot ni Tita.
May kabit ang daddy ni Kram? Alam naba 'to ni Kram?
"Susmayosep! Kilala mo naba ang kabit nu Tony?" tanong ni Mommy.
Umiling-iling si Tita, "Hindi. Hindi pa. At aalamin ko 'yun." sagot ni Tita.
At pagkatapos nun ay hindi nako nakinig pa sa usapan nila. Hindi ko alam pero hindi ako makatulog kakaisip sa nalaman ko.
Alam ko, mahal ni Kram ang mommy niya. Ang hindi ko alam, kahit mahal niya ang mommy niya nagagawa niya paring labagin ang gusto nitong wag muna mag-girlfriend.
Ang gusto ni Tita Jasmine ay maging successful na tao si Kram. Ayaw niyang lamangan siya. Gusto niya lang mapabuti si Kram, pero sa ginagawa niya pinapalayo niya si Kram sa kaniya.
Tulala parin ako sa school. Si Kyona masaya naman siya sa patagong relasyon nila ni Kram. Masaya na kong makita siyang masaya. Kahit, ako hindi na.
May gusto ako sayo. Yun ang gustong gusto kong sabihin kay Migs habang nakatingin ako sa kaniya ngayon habang nagrerecess kasama ang mga kaklase niya.
Bumuntong hininga ako dahil nag-iisa nanaman ako sa canteen. Eh paano naman? Hindi ko nanaman mahagilap si Kyona.
Wala talaga akong masasabing kaibigan bukod kay Kyona. Meron namang gustong makipagkaibigan at hindi ko naman yun tinatanggihan.
May biglang lumapit saking babae, classmate ko dati. Ngayon classmate na siya ni Migs.
"Dreena, may nagpapasabi nga pala na magkita kayo mamaya sa rooftop pagka-bell ng lunch. Importante daw kasi." sabi niya at ngumiti ng malapad sakin.
Nanlaki ang mata ko. "Ha? S-sino?" tanong ko.
Hindi ko alam pero bumilis ang t***k ng puso ko. Napasulyap ako kay Migs na ngayon ay nakatingin na sakin.
Nag-iwas agad ako ng tingin at tumingin sa babaeng nasa harapan ko. Napakamot siya ng ulo, "Eeh, ayaw niyang ipasabi. Ah sige! Babye!" sabi niya at kumaripas ng takbo palabas mg canteen.
"T-teka!" sabi ko pero di na niya ako nilingon.
Napabuntong hininga ako. Si Migs ba ang nagpapunta sakin sa rooftop? Napakagat labi ako. Ito naba ang araw na hinihintay ko? Ang magtapat siya sakin?
Ano naman kaya ang isasagot ko sa kaniya kasi di pa ko pwede? Ano friends nalang muna ganun pagkatapos itatanong ko sa kaniya kung pwede niya 'kong hintayin?
Haaaay, Dreena. Sa tingin mo ba mahihintay ka ni Migs ng ganun ka tagal? Hanggang kailan naman? Hanggang mag-college? Kapag mature na?
Ah, bahala na. Kung ano nalang ang lumabas sa bibig ko, at sa nararamdaman ko, yun na ang pagbabasihan ko.
Kabado akong umaakyat papuntang rooftop ng school. Hindi pa masyadong napapaganda ang rooftop na ito. Wala pang masyadong halaman, pero may mga nakatanim na mga bulaklak.
Sinilip ko kung meron ng tao pero mukhang nauna pa ko sa may gustong kumausap sakin. Sumandal ako sa railing ng rooftop. Mainit siya pero medyo natatakpan naman ng malaking halaman ang pwesto ko kaya hindi ako masyado nabibilad sa init.
"Dreena?" biglang may tumawag sakim kaya agad ko itong nilingon.
Halos magwala ang puso ko ng makita si Migs na nakatayo di kalayuan sakin.
Sinasabi ko na nga ba eh. Si Migs nga ang nagpapunta sakin.
Nilapitan ko siya at nginitian. Makikita mo, Migs. Kapag inamin mo na saking gusto mo ko isusumbat ko sayo ang mga babaeng nilalandi mo.
Hindi man lang siya ngumiti sakin kaya napawi ang ngiti ko at napalitan ng seryosong mukha.
"Anong kailangan mo?" tanong ko at humalukipkip.
Kumunot ang noo niya, "Wala. Wala akong kailangan sayo. Bakit ka nandito?" tanong niya.
Ngayon naman ay ako naman ang napakunot ang noo. Anong pinagsasabi niya? Siya ang nagpapunta sakin dito, diba?
"Anong pinagsasabi mo? Diba ikaw ang nagpapun--" di ko na natapos ang sasabihin ko nang may pumasok bigla sa pintuan.
Nang makita niya ako ay nginitian niya ako ng malapad pero ng makita niya ang katabi ko ay nailang siya.
"Kris? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Migs kay Kris at nilapitan ito.
Tama, kaklase pala ito ni Migs kaya naman pala pamilyar.
"Ikaw, bro. Bakit ka nandito?" tanong ni Kris kay Migs.
"Wala, gusto ko lang magpahangin..." sagot ni Migs at sumulyap sakin.
Hindi ko alam pero may kumirot sa puso ko. Ibig bang sabihin ay hindi si Migs ang nagpapunta sakin kundi si...
"May sasabihin lang ako kay Dreena. Pwede mo ba kaming iwan muna?" tanong niya kay Migs.
Nagtama ang mga mata namin ni Migs. Hindi ko maipaliwanag ang mga tingin niya. Nagulat ako ng ngumiti siya ng malapad at nagawa pa niya kaming tuksuhing dalawa.
"Wow, Kris at Dreena na pala? Kris and Dreena sitting on a tree, K-I-S-S-I-N-G!" panunukso niya habang nakatingin lang kay Kris.
Parang pinunit ang puso ko pero natili akong nakatingin sa kaniya, nagbabakasakaling titingin siya sa direksyon ko at makitang nasasaktan sa ginawa niya.
"Ulol, pasalamat ka may Lauren kana." tukso pabalik ni Kris sa kaniya.
Lauren? Sinong Lauren?
Umiling lang si Migs, "Sige, bro. Good luck!" sabi niya nalang at nakipag-apir kay Kris at saka siya tumalikod at lumabas ng rooftop.
Hindi ko alam pero nangingilid ang mga luha sa mga mata ko. Bakit ako nasasaktan ng ganito? Bakit kailangan kong maramdaman to?
Akala ko ba, siya lang ang dapat sakin kasi siya lang dapat? Bakit hinahayaan niya ako kay Kris?
Pinaasa niya ba ko? Masyado ba 'kong nag-expect na magugustuhan din ako ng taong gusto ko?
Tama talaga si Mommy. Hindi pa pwede. Hindi pa ako pwedeng magmahal sa murang edad kong ito. Kasi wala pa akong naiintindihan tungkol sa pag-ibig. Wala pa akong alam paano alisin ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Dreena? Bakit ka umiiyak?" rinig kong tanong ni Kris na nag-aalala.
Umiling lang ako sa kaniya at nginitian siya. "Sige na, sabihin mo na ang gusto mong sabihin..." sagot ko habang pinupunasan ang mga luha ko.
Hanggang dito nalang dapat. At kapag pakiramdam ko gusto nanamang bumigay ng puso ko? Hindi ko na ulit to susundin.