Chapter 6 - Break Apart

2962 Words
Years Ago... Napag-alaman ni Kram na kinuha ni Milka ang phone niya habang natutulog sa airplane. Hindi naman sila magkatabi kaya hindi niya ito pinagdudahan. Si Milka ay isang family friend sabi ni Kram. Hindi nga alam ni Kram na may gusto pala sa kaniya si Milka. Ayon, kinausap niya si Milka sa school tapos nakita ko nalang na umiiyak si Milka sa room nila. Galit na galit nga si Kram kasi nga pinagkakalat pala ni Milka na sila tapos ako itong sinasaktan niya. Pati twitter ni Kram pinapakialaman. Yung stolen pictures niya ay pinilit silang magsama kaya nakuhaan siya ni Milka ng pictures. Kaya para di na siya mabadtrip. Nandito nanaman kami sa patagong dating place namin na malayo sa school. Sa 7/11. Habang umiinom kami ng slurpee ay napaghalataan kong kanina pa tumutunog ang phone niya. "Di mo ba sasagutin?" tanong ko sabay nguso sa phone niya sa lamesa. Hindi siya tumutunog pero umiilaw ito. Nagkibit balikat siya at sumipsip sa slurpee niya. "Baka importante..." pamimilit ko. Yung Mommy niya kasi yung tumatawag. Pinindot ni Kram ang end call, "Nothing important, Kryps. Dalian mo na kasi pupunta pa tayo sa arcade." nakangiting sabi niya at tinago na ang phone niya. Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Napagdesisyunan namin ni Kram lakarin lang ang Mall kasi malapit lang naman. Malayo-layo na 'tong lugar nato kaya wala kaming schoolmates pero pinagtitinginan parin kami ng iba pang mga estudyante. Baka kilala nila si Kram at ipagkalat nila? Pero hindi naman siguro. Pakialam ba nila? Naglalakad kami sa park ng marami kaming nadaanang mga lovers na naka-holding hands at nag-aakbayan pa. Mukhang napadpad ata kami sa lovers lane. Napatingin ako kay Kram. Seryoso lang siyang naglalakad. Kanina parin siya pinagtitinginan ng mga estudyante pero wala lang siyang pakialam. Kahit parang naiinggit ako sa mga lovers dito sa park ay alam ko namang hindi pa muna kami pwede ni Kram diyan. Tsyaka isa pa, baka mahuli kami. Nagulat ako ng hawakan ni Kram ang kamay ko. Gulat na gulat ko siyang nilingon. "Why are you so shocked? Girlfriend naman kita." sabi niya. "Eh diba nga Kram, bawal pa tayo ng ganito? Baka mahuli ka..." sabi ko at sinubukang alisin yung kamay niya pero mas hinigpitan niya pa. "Anong ako lang? Tayo..." pagtatama niya pero ngumisi lang siya. Ngumiti ako. Hindi ko pa pala nasasabi kay Kram na, okay na kay Mama pero wala lang halikan. "Okay na tayo kay Mama. Wala lang daw halikan..." natatawang sabi ko sa kaniya. Nanlaki ang mata niya, "Talaga?!" tanong niya. Tumango ako sa kaniya habag nakangiti. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "Oh ano pang ginagawa natin? Tara na sa arcade tapos punta tayo sa bahay niyo! Miss ko na si Tita!" masayang sabi niya at kumalas ng yakap pagkatapos ay hinila na'ko. Ngumiti ako ng malapad at nagpadala nalang sa kaniya. Nang makarating kami sa Mall ay nagulat kami ng may nakita kaming schoolmates namin. Omygoddd! Agad 'kong hinila si Kram para magtago. "May mga schoolmates tayo. Marami sila. Baka makita nila tayo." tarantang sabi ko kay Kram. Walang bakas na pagkataranta sa mukha ni Kram. Tumatawa pa siya. Tinampal ko ang braso niya kaya napaungol siya at hinima ang braso niya. "Ano? Anong plano? Sibat na tayo?" tanong ko sabay turo sa exit door. "No way. Mag-aarcade tayo." sagot niya at hinila ako sa isang malapit na boutique. "A-anong gagawin natin dito?" tanong ko sa kaniya habang pumipili siya ng mga damit. Teka magsusuot ba kami niyan? Wala akong perang dala dito. "We're playing spies, Kryps. Magdidisguise tayo!" excited na sabi niya. "Talaga? Gusto ko yan!" excited din na sagot ko pero bigla akong nanlumo. "Pero, Kram? Mukhang mahal dito, wala akong pera!" nakangusong sabi ko. Biglang may pinakitang card sakin si Kram. "We'll use this! Don't worry!" sagot niya at ginulo ang buhok ko. Tumango lang ako at ngumiti sa kaniya Naghanap na kami ng mga damit namin. Kumuha ako ng isang pantalon at magandang tshirt tapos jacket. Binuhaghag ko ang buhok ko at kumuha din ng shades. Pinilian din ako ni Kram ng magandang doll shoes. Nang mabayaran namin ni Kram yung napili namin sa boutique. Pumasok na kami sa dressing room. Pagkalabas ko ay hindi pa nakakalabas si Kram. At nang lumabas si Kram ay nagposing pa. Nakasuot siya ng pantalon at isang itim na polo tapos jacket narin. Naka-suot siya ng shades at may mask siyang itim. Hinagisan niya rin ako ng mask na itim kaya sinuot ko ito. Nag-pose din ako nang kagaya nang pose niya na 'mr. pogi' pose. Magkahawak kamay kami ni Kram sa mall. Para kaming malaya dahil nakakapit na ako sa braso niya at mukha talagang kaming couples sa mall. Nag-arcade kaming dalawa tapos kumain sa mamahaling restaurant kaya pwede na naming alisin ang shades at mask namin. Nakakain kami doon dahil sa card na dala ni Kram tapos kung anu-ano pa ang binili namin. "Baka maubos yan ah..." banta ko sa kaniya. Umiling siya, "I wont, Kyona." sagot niya at inakbayan ako. Bumili kami ng pasalubong kay Mama at sa kapatid ko ng mga pagkain. 4PM na nang pumunta kami sa bahay namin. Medyo kinakabahan si Kram pero wag daw akong mag-alala. Bumaba kami sa taxi ni Kram sa tapat ng bahay namin. Sinalubong kami ng mga tambay sa kalsada namin. Squarters area kami kaya maraming tambay. Well, lahat ng tambay kaibigan namin ni Kram. Nakipag-apir kami ni Kram sa kanila tapos sinalubong pa kami ni Kuya Ronald. Si Kuya Ronald ay bulag pero kinukulit pa si Ate Mimi at inaasar kaya si Ate Mimi bwesit na bwesit sa kaniya. Halata namang may feelings sila sa isa't-isa. "Aba, Kram naunahan mo pa ko. Liligawan mo na ang Mama nitong si bantot!" sabi ni Kuya Ronald sabay gulo ng buhok ko. Kahit bulag, alam kung saan ang ulo ko. Lumayo nalang ako sa kaniya at kinurot ang braso niya. "Ikaw kasi, Kuya! Ligawan mo na para kasal agad." sabi ni Kram. Tumawa si Kuya pero biglang sumeryoso ang mukha, "Bulag ako, di ako mamahalin nun. Di siya mabubuhay sakin..." malungkot na sabi ni Kuya Ronald. Pasimple kong sinuntok si Kuya sa braso, "Si Kuya naman masyadong nega! Wag kang mawalan ng fighting spirit! Sige ka ibang spirit sumama sayo." pagbabanta ko. Kinurot naman ni Kuya ang pisnge ko. Omg! Bulag ba talaga si Kuya kasi alam niya kung saan ang pisnge ko. "Okay fine!" sabi nalang ni Kuya. "Kyona? Ikaw na ba yan?" bigla kong narinig ang boses ni Mama. Nilingon ko si Mama at karga karga si Khrisa ang kapatid kong babae. Nagulat siya ng makita si Kram pero agad siyang ngumiti at sumenyas na pumasok. "May bisita ka pala. Pasok kayo..." sabi ni Mama at pumasok na sa loob ng bahay. Nagkatinginan kami ni Kram. Yung mukha niya pinagpapawisan. Pinunasan ko ang noo niya gamit ang kamay ko. "Pinagpapawisan ka. Wag kang kabahan, wala naman akong Papa para kabahan ka." sabi ko at ngumiti. "Bakit? May pagkakaiba ba sila?" tanong niya. "My Dad isn't strict, but because he loves Mom. He let her do her thing." dugtong niya. Hinawakan niya ang kamay ko, "Let's go." sabi niya at siya pa ang humila sakin papasok ng bahay. Pagkapasok namin ay tumakbo kaagad sakin si Khrisa. "Ate Kyona siya ba si Kuya Kram?" tanong niya sabay tingin kay Kram. Kinawayan siya ni Kram, "Hi, Khrisa! Natatandaan mo pa pala ako." sabi ni Kram at niyakap si Khrisa. "Oo naman, Kuya! Love ka ni Ate, e!" sabi ni Khrisa at gumawa pa ng puso gamit ang dalawa niyang kamay. Tumawa si Kram at ako naman ay ngumuso, "Saan mo naman natutunan yan?" tanong ko sa kapatid kong nahawaan ata ng mga bata sa labas. "Syempre kay Mama! Sabi niya ganyan daw kayo..." sagot niya at ginawa ulit yung puso sa kamay niya. Napangiti ako si Kram naman tumawa na ng malakas. Kinilig naman ako kay Mama. Sure na sure nang approve na siya samin kahit bata pa kami. Habang nakaupo kami sa salas at nakikipaglaro si Kram kay Khrisa lumabas ng kusina si Mama na may dalang apat na juice sa tray at biscuits. "Oh, meryenda muna." sabi ni Mama sabay lapag sa maliit na lamesa sa salas. "Salamat po." magalang na sabi ni Kram. Kumuha siya ng juice at biscuit. Umupo si Mama sa katapat na upuan namin. Lumapit si Khrisa kay Mama para makahingi ng biscuit. "Kilala na kita, Kram kaya alam kong mabait kang bata." pag-uumpisa ni Mama. Ngumiti si Mama, "Natatandaan ko pa kung paano naging masaya si Kyona habang nandyan ka. Nakalimutan niya na yung pagkakamatay ng Papa niya." sabi ni Mama. Napatungo ako. Tama si Mama. Sa mga panahong yun ay unti-unti pa lang kaming naghihilom sa pagkawala ni Papa samin. Namatay ang Papa ko dahil sa isang car accident. Isa siyang seaman ay may mababang posisyon. Nakaipon na sana kami pero agad nawala si Papa. Kaya ang natitirang pera ay para sa pag-aaral nalang namin ni Khrisa. "Pinayagan ko na yang si Kyona pero ang usapan wag muna touchy touchy." sabi ni Mama at tumawa. Tumawa kaming dalawa ni Kram at tumango. Alam naman namin na nagyakapan kami kani-kanina lang. "Salamat po, Tita Kara. Umasa po kayong di ko yan susuwayin!" masiglang sabi ni Kram. Biglang may bumusina ng napakalakas sa labas. Lahat kami ay napalingon sa labas. Sinilip ni Kram ang bintana at nanlaki ang mata niya. Tumingin siya sakin at tila gulat na gulat. "Bakit, Kram? Sino ang nasa labas?" tanong ko at sisilip na sana ng isara niya ang pintuan. "S-sasakyan namin ang nasa labas..." sagot ni Kram at napatingin sakin. "Wag mong sabihing ayaw parin ng Mommy mo Kram? Akala ko ayos na yan kaya kayo na ulit ng anak ko..." sabi naman ni Mama. Napapikit ng mariin si Kram, "She's so hard headed." sagot ni Kram at lumabas ng bahay pagkatapos siyang nag-excuse. Lumabas din ako ng bahay kasama sila Mama. Nagulat ako ng may dalawang lalake na nakasuot ng parehong polong puti na hinihila si Kram. "Kram!" sigaw ko at tumakbo palapit kay Kram. "Kyona!" sigaw niya sakin at pilit kinakalas ang pagkakahawak sa kaniya ng dalawang lalake. Habang nakikita ko si Kram ay nasasaktan ako. Umiyak ako habang nakikita siyang kinukuha palayo sakin. Tutulongan ko na sana si Kram pero hinila ako ni Mama. "Pauwiin mo na siya. Magagalit ang Mommy niya sayo kung di mo siya hahayaan." sabi ni Mama. "Kyona magkita nalang tayo bukas! Sa school! I love you!" sigaw ni Kram at hinayaan nalang ang sarili niya sa dalawang lalake. "Mahal din kita!" sigaw ko pabalik at pinunasan ang luha sa mga mata ko. Pagkapasok nila sa sasakyan. Bumukas ang bintana, "Wag kang umiyak! Magkikita pa tayo!" sigaw niya at kumaway sakin. Sana...sana walang mangyaring masama. Sana kami parin bukas at sa susunod na bukas. Kinabukasan ay inabangan ko si Kram sa classroom nila ng palihim pero time na ng klase namin at hindi ko siya naabutan. Baka na-late siya. Ano kaya ang nangyari? Si Dreena absent rin. Kating-kati na talaga ako sa impormasyon pero wala ang mga taong pwede kong pagkuhanan. Mag-isa akong kumakain ng recess ko. Oo mag-isa kasi hanggang ngayon wala parin si Dreena. Hindi ko pa nasabi sa kaniya sa nangyari sa bahay kagabi. Iyak lang ako ng iyak kagabi kahit ayaw ni Kram na umiyak ako. Paano kung pagpahiwalayin nanaman kami ng Mommy niya, at hindi yun malabo. Bakit ba ayaw ng Mommy niya sakin? Si Mama bakit hindi naman ganyan ka higpit sakin partida at babae pa ako at si Kram lalake. Namataan ko ang grupo ni Milka na papasok sa canteen. Hindi ko sila pinansin pero dadaanan nila ako. Ewan ko pero alam kong may galit samin si Milka pero bakit nililihim niya ang nalaman niya? Bakit di niya ipakalat na kami para makahiganti siya? Siguro dahil ayaw niyang mapahiya kasi ang akala ng lahat, sila ni Kram. Huminto ang grupo ni Milka ng huminto siya. Hindi naman talaga siya ang leader leader ng grupo nila. Tumingin siya sakin. May sinabi siya sa mga kasama niya bago siya lumapit sakin. Umupo siya sa harapan ko at tinignan ako ng seryoso. Ako naman ay nakatingin lang sa kaniya at inaabangan ang sasabihin niya. "Anong kailangan mo?" tanong ko dahil mukhang magtititigan lang kami. Bumuntong hininga siya, "I just want to stare at you. Maybe I would know if what Kram sees to you...and I guess, he likes simple one." sagot niya at nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam pero ang dating sakin ay pinupuri niya ako. Bakit? Simple lang naman talaga ako, ah? "Alam ko kung bakit niyo tinatago ni Kram yung relasyon niyo. Tita Jasmine won't let him. She's so strict and she wants her unico hijo to be the most outstanding bachelor one of this day...well, that's what she said to me. Kaya ako pinalayo niya rin kay Kram. But, Tita Jasmine is in the hospital right now. So as Kram. Binabantayan siya ni Kram ngayon. And even the Guzman family where there in the hospital." mahabang litanya niya. Guzman? Kaya ba wala si Dreena? Alam kong family friend nila Dreena sila Kram pati narin sila Zander at Nicaela. Sila yung mga mayayaman. "Naglayas si Kram kagabi pagkatapos siyang hanapin ng mga tauhan ni Tita Jasmine. Nang madala siya ay bigla nalang nagkaroon ng heart attack si Tita kaya nasa hospital. And Kram really felt guilty. Sinisisi siya ng Daddy niya. I was there." naiiyak na sabi niya. Parang binagsakan ng maso ang puso ko. Hindi ko maimagine kung anong itsyura ni Kram sa hospital. Kung paano niya sinisi ang sarili niya kung paano siya pagalitan ng Daddy niya. "Andun parin ba sila? Saang ospital?" tanong ko sa kaniya. Nanlaki ang mata niya. "Oo nandun pa sila. Pupunta kaba?" tanong niya sakin. Tumayo ako, "Oo, pupuntahan ko siya. Kailangan ako ni Kram sa oras nato. Anong silbi ko kung tatanga tanga lang ako dito." seryosong sagot ko. Ngumiti si Milka, "Matapang karin ano? Sige sa Miller Hospital. Good luck!" sagot niya. Tumakbo kaagad ako para makalabas sa school. Nang makarating ako sa ospital nayun ay agad akong nagtanong sa lobby kung saan may mga nurse. "Nasa room 509 si Mrs, Andremayo, Jasmine." sagot ng Nurse sakin. Agad akong nagpasalamat at sumakay sa elevator. Alam kong ang bata ko pa pero ganito na ang ginagawa ko sa buhay ko. Dapat nga magpakasaya muna ako pero maaga akong nakaramdam ng ganitong feelings. Pagkarating ko sa tamang floor ay agad kong hinanap ang kwarto. Alam kong ayaw sakin ng Mommy ni Kram pero ipaglalaban ko kahit mga bata pa lang kami. Nang lumiko ako ay may pamilyar na mukha akong nakita. "Papa?" tanong ko sa sarili ko. Lumabas ito galing sa CR ng mga lalake. Hahabulin ko na sana ang nakita kong si Papa pero agad lumabas si Kram sa banyo na pinagmulan ni Papa o si Papa nga ba yun o namamalikmata lang ako? "Kyona? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Kram sakin. Nilingon ko siya. Hindi ko maipaliwanag ang mukha niya. Halatang pagod na pagod siya at kulang sa tulog. Agad ko siyang nilapitan. "Ayos ka lang ba? Nabalitaan ko ang nangyari sa Mama mo. Okay na ba siya?" tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam pero parang di siya masayang makita ako. Parang ayaw niyang makita ako. Winala ko nalang sa isipan ko si Papa kasi baka namamalikmata lang ako sa nakita ko. Yayakapin ko na sana si Kram pero pinigilan niya ako. Lumayo siya sakin ng kaunti. Nagulat ako sa ginawa niya. Nag-iwas lang siya ng tingin sakin. Parang may kung anong kumirot dito sa puso ko. "A-anong problema?" tanong ko sa kaniya. Umiling-iling siya. Ano ka naman, Kyona. Tinutupad lang ni Kram ang gusto ni Mama na wala munang touchy touchy. Over acting lang ako. Tumawa ako, "Oo nga pala walang touchy touchy sabi ni Mam---" "Tama na Kyona...wala na..." sabi niya habang nakayuko. Kumunot ang noo ko, "Ano? Anong pinagsasabi mo diyan?" medyo natawa ko pang tanong. Alam kong iba na ang nararamdaman ko sa sinabi niya at sa kinikilos niya pero binabalewala ko yun. Ayokong mag-isip ng kung anu-ano na ayoko namang mangyari. "Kyona, tapusin na natin ang meron tayo. Tama si Mommy, bata pa tayo. Marami pa tayong makikilala along the way. Mali kasi tong ginagawa natin. Mali to kasi bawal pa." seryosong sabi niya at tumingin sakin. Kumikinang ang mata niya na parang galing sa pag-iyak pero di namumula. Nangingilid na ang luha saking mga mata. "Matagal na tong bawal, Kram...wala tayong magagawa kasi mahal natin ang isa't-isa. Kahit maghiwalay tayo wala ding kwenta kasi may nararamdaman pa tay---" Hindi niya na pinatapos ang sasabihin ko at masama akong tinignan. Sa pamamagitan ng tingin niya ay ito ang nagudyok sakin na umiyak. "Hindi mo ba naiintindihan, Kyona? Bawal nga at kailangan na nating maghiwalay at kalimutin ang kung anong meron tayo. Bata pa tayo kaya kalimutan mo nako, Kyona. Maraming naapektuhan. Kalimutan na natin ang isa't-isa. Sorry!" sigaw niya at tumakbo paalis at iniwan ako. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa makaramdam ako ng pagod at napaupo sa sahig. Tinakpan ko ang mga mukha ko at humagulhol ng iyak. Ang sakit sakit. Alam kong naramdaman ko na kung ano ang pakiramdam ng break up, pero ito ang pinakamasakit sa lahat. Simula nung araw na tinapos ni Kram ang namamagitan samin ay hindi na kami muling nag-usap pa kahit gustuhin ko man. Simula nun, hindi na bumalik ang Krypton ko sa buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD