Years Ago...
"Hanggang kailan niyo itatago ang relasyon niyo ni Kram?" tanong ni Dreena habang nasa garden kami at nagpapahangin.
Dinala ko siya dito kasi gusto kong maalala yung eksenang hinalikan ako ni Kram sa noo. Sobrang sarap lang sa pakiramdam 'yun.
Nagkibit balikat ako, "Ewan ko. Kontento naman akong ganito kami. Naiintindihan ko naman, e..." sagot ko sabay bunot ng dahon sa kinauupuan namin.
Haaay. Miss ko na si Kramiel.
"Kontento? Sinong kontento sa patagong relasyon?" tanong niya. "Kapag ako nagkaroon ng boyfriend? I will shout to the world that I love him." dagdag pa niya at sinabog sakin 'yung dahon na binubunot niya.
Palaro ko siyang tinulak. Kainis, e! Pasabugin ba naman sakin 'yung mga dahon?
"Bwesit ka talaga!" singhal ko.
Tumawa siya, "Cheer up! Babalik na siya bukas. Wagas ka namang mag-emote diyan." sabi niya.
Ngumuso ako at sumandal sa kaniya, "Apat na araw na siyang di nagtetext o tumatawag sakin. Sabi niya, siya lang daw mauunang mag-text kaya di ko siya matext..." nalulungkot na sabi ko.
Alam ko namang natatakot lang si Kram na malaman ng Mama niya ang tungkol samin. Kinukumpiska kasi ng Mama niya. Minsan, masasabi ko nalang na sobrang higpit talaga ng Mama niya.
Hinimas ni Dreena ang buhok ko, "Malay mo walang load..." sagot niya.
"Imposible dahil naka-plan siya..." sagot ko.
"Malay mo nawala 'yung cellphone..." sabi niya.
"Imposible kasi uso namang makitext..."
"Oh baka naman di niya kabisado number mo..."
Napaupo ako, "Kinabisado namin pareho ang number namin kaya imposible..." nakangusong sagot ko.
"Oh baka naman...PINALITAN KANA AT NAKALIMUTAN KANA!" singhal niya sabay tulak pa sakin.
Nanlaki ang mata ko, "Wag naman ganyan, Dreena. Di magagawa 'yun ni Kram sa'kin..." nakangusong sagot ko.
"Yun naman pala eh! Eh ano pang ineemote-emote mo diyan?" sabi niya.
Bumuntong hininga ako. "Oo nga alam ko 'yun pero nakakatampo lang kasi..." sabi ko.
"Hay nako, i-chat mo nalang. Tara sa library, libre wifi." sabi niya sabay hila sakin patayo.
Tumakbo kami papuntang library pero sarado ito dahil lunch break.
"Paano na?" tanong ko.
"Ay, nakalimutan ko! Plan pala ako. Malakas ang data." sabi ni Dreena at tumawa.
Pinanliitan ko siya ng mata, "Wow, talaga lang, Dreena ha? Tumakbo tayo papunta dito tapos meron ka pala diyan." sabi ko habang dinudukot ang phone niya sa bulsa niya.
Habang hinihintay namin mag-log in 'yung f*******: account ko may mga grupong babaeng dumaan sa amin.
"Oh talaga? Sila na ni Milka Colis?"
"Yeah, I saw it from facebook."
"Hashtag KraMilka. Mag-tweet din tayo. Doon sila nagpapalitan ng sweet tweets."
Nagkatinginan kami ni Dreena. Ano ang pinagsasabi nila? Hindi naman siguro yun si Kram pero sumasakit 'yung damdamin ko at may kutob ako.
Agad namang binuksan ni Dreena ang twitter app niya. Wala akong twitter kaya wala akong kaalam alam sa twitter nayan.
"OMG!" bulalas ni Dreena at tinignan ako na may pag-aalala.
Bigla akong kinabahan.
"Anong nabasa mo? Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko.
Pinakita niya ang cellphone niya sakin.
@IAmMilkaaa: @AndremayoKR. I love you a bunch ????
Napatingin ako kay Dreena, "AndremayoKR? Username yan ni Kram?" tanong ko.
KR? Eh, Kyona Reccess 'yun e. Imbis na mainis ako eh kinilig ako. Siya umimbento nung KR, e.
"Oo! Nagbabasa kaba? Si Milka yung nag-tweet! Nag-i love you pa siya kay Kram!" pasigaw na sabi ni Dreena.
Kahit nainis ako sa Milka nayun, may tiwala parin ako kay Kram. Nag-I love you lang naman yung babae, hindi naman yun si Kram.
"Bakit nagreply ba si Kram sa kaniya? Asa pa siya!" confident na sabi ko sa kaniya.
Nakakunot ang noo ni Dreena na tumingin sakin pagkatapos pinakita sakin ang reply ni Kram.
@AndremayoKR @IAmMilkaaa I love you too. See you tomorrow ?
@IAmMilkaaa @AndremayoKR Expect me to come, babe. ????
Para akong nanigas sa kinatatayuan ko habang binabasa ang mga iba pa nilang pagpapalitan ng sweet tweets ika nga nila.
At nakita ko na ito ang mga araw na hindi man lang nagapaparamdam sakin si Kram.
At meron pang picture doon na nakatalikod si Kram tapos kinuhanan siya ni Milka tapos meron pang nakaupo ata silang dalawa at kinuhanan niya nanaman si Kram na nakashades tapos nakatingin sa malayo.
Hindi ko alam kung anong dapat kung maramraman. Alam kong nasasaktan ako pero alam ko din namang may tiwala ako kay Kram. At hindi ako basta-basta mag-iisip ng kung ano-ano, pero matapos kung basahin yung mga pagpapalitan nila ng tweets? Sobrang sakit lang sa pakiramdam.
"Anong r-relasyon nila? Diba bawal pa? Bakit ganun? Sila ba?" tanong ko at napaupo sa sahig.
"Hindi ko alam...baka naman..." bakas sa boses ni Dreena na may sasabihin siyang di ko gustong marinig.
"Hindi! Hindi yun magagawa ni Kram sa'kin!" singhal ko.
Bigla nalang may tumulong luha sa mga mata ko. Ang sakit sakit sa pakiramdam. May tiwala ako kay Kram pero sa nakita at nalaman ko? Ewan ko pero parang tinibag yung malaking pader ng tiwala na meron ako kay Kram.
"Try texting him, Kyo. Text mo na siya." sabi ni Dreena.
Napatingin ako sa kaniya. Wala naman sigurong masama kung itetext ko siya diba?
Agad kong dinukot ang cellphone ko.
To: Krypton ❤
Kramiel, mag-usap tayo. Kailangan nating mag-usap. Nakita ko ang tweets nyo ni Milka. Anong ibig sabihin nun?
Iyak ako ng iyak habang tinatype ko ang text ko kay Kram. Para na'kong tanga dito sa hallway dahil sa kakaiyak.
Niyakap ako ni Dreena, "Tama na yan. Tama na yan. Baka may rason lang si Kram, okay? Tahan na." sabi ni Dreena at hinimas himas ang ulo pati balikat ko.
Ibinaon ko ang ulo ko sa dibdib niya. "Ang sakit talaga, Dreena. Ang sakit talaga." sabi ko habang umiiyak. Pinupunasan ko yung mukha ko pero parang wala naman kwenta kasi agos parin ng agos yung luha ko.
Hanggang sa makauwi ako ng bahay namamaga parin ang mata ko. Buti nalang wala si Mama kaya dirediretsyo ako sa kwarto ko at nagkulong.
Kanina ko parin inaantay ang reply ni Kram, pero gabi na wala parin siyang reply. Kung di pa ko tinawag ni Mama na kumain di pa ko titigil sa pag-iyak.
Nang matapos akong kumain, muntik nang pansinin ni Mama ang mata ko. Sabi ko nalang ay nanood ako ng nakakaiyak na movie.
Kailangan ko ng distraction. Dinampot ko ang notebook ko. Hinanap ko kaagad ang ginawa kong short stories.
Ito ang story na ginawa ko dahil inspired na inspired akong gumawa nang dahil kay Kram. Tsk! Wrong move! Si Kram padin ang naiisip ko sa notebook.
Biglang tumunog ang cellphone ko kaya bigla akong kinabahan. Si Kram na kaya yung nagtext? Alam kong hinihintay ko ngang magreply si Kram pero kinakabahan ako...baka masaktan ako. Natatakot ako.
Tinignan ko ang nagtext. Napabuntong hininga ako ng makitang si Dreena yun.
From: Dreena Guzman
Kram tweeted. Nasa Cebu na sila. And also, Milka tweeted too. Magkasama pala sila sa Manila at sabay din silang umuwi. I don't want to hurt you, but I want you to know and I don't want you to look stupid. I love you, okay? Be strong. I'm always here for you.
At ito nanaman ang pesteng luha sa mga mata ko. Ang sakit sa pakiramdam. Yung puso ko? Para siyang hinulogan ng maso sa sakit.
Hindi ako naka-reply kay Dreena. Agad akong nagtype ng text kay Kram.
To: Krypton ❤
Bakit hindi ka nagrereply? Ano na, Kram! Bakit magkasama kayo ni Milka? Kayo na ba? Kapag siya, hindi mo tinatago. Diba bawal pa? Bakit ganun! Kram magreply ka naman!
Iyak lang ako ng iyak. Hanggang sa tumunog ang cellphone ko. Nang makita ko kung sino ang nagtext ay ang kabang nararamdaman ko kanina ay mas matindi. Natatakot ako. Natatakot ako sa irereply ni Kram.
Matapang kong binuksan ang message niya. At halos malaglag ang cellphone ko nang mabasa ko ang reply ni Kram.
From: Krypton ❤
Makulit ka rin ano? I'm breaking up with you. Milka is more worth it to be my girlfriend. You're just an experience.
Bigla akong natulala. Naramdaman ko nalang na umaagos na ang mga luha sa mukha ko. Tinakpan ko ang mukha ko at humagulhol ng iyak.
Bakit? Bakit parang ang bilis naman? Bakit, Kram? Bago ka umalis, mahal na mahal mo ko. Tapos ngayon? Bakit ang bilis?
Kinabukasan ay sobrang sakit ng ulo ko. Kakaiyak at kakaisip ng kung ano. Pagbukas na pagbukas ng mga mata ko, napaiyak agad ako. Sobrang sakit nanaman.
Nakipagbreak ba talaga si Kram sakin kagabi o biro lang yun? Nagbibro lang siya diba? Palabiro naman talaga si Kram e.
Sinabi ko kay Mama na masama pakiramdam ko kaya di muna ako papasok. At meron naring nag-uudyok sakin na wag pumasok.
Nakahilata lang ako sa kama at pinipigilang umiyak. Biglang may kumatok sa pintuan. Pagkabukas ay pumasok si Mama na may dalang pagkain.
"Alam kong umiyak ka buong gabi. Bakit?" seryosong tanong niya.
Napakagat labi ako at umiling. "Kasi, Ma. Ang dami kong pinanood na movie kagabi. Tapos sumakit yung ulo ko. Kaya ang sama ng pakiramdam ko..." sagot ko at umiwas ng tingin.
Ma, please...wag ngayon.
Bumuntong hininga si Mama, "Okay. Ah, siya nga pala. Si Kram, yung kababata mo nasa labas." sabi ni Mama.
Nanlaki ang mata ko. Bakit nandito siya? Anong ginagawa niya dito?
Tinignan ko si Mama at halata niyang nagulat ako.
"Siya ba ang dahilan kung bakit ka umiyak? Break na kayo?" tanong ni Mama.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mama. Paano niya nalaman?
"Alam ko. Pinagbreak kayo diba? Pero alam ko namang matitigas ang ulo niyo at alam kong puso parin ang gagamitin niyo kaya magbabalikan din kayo. Wala nakong magagawa..." nakangiting sabi ni Mama at niyakap ako.
"Pero, Ma break na kami..." naiiyak na sumbong ko.
Tinapik niya ang likod ko, "Baka nauntog lang siya kagabi. Ayan na siya sa labas oh?" sabi ni Mama.
"Hala, sige! Maghilamos kana at magpalit ng damit. Basta, walang halikan! Okay lang yakapan!" dugtong ni Mama.
Tipid akong ngumiti. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
Paglabas ko ng bahay nakita ko kaagad si Kram. Hindi siya nakasuot ng uniform at halatang di rin siya pumasok.
Nginitian niya ako na parang walang nangayari. May dala-dala siyang tatlong paper bags.
Nakakunot ang noo ko. Anong ibig sabihin nito. Bakit siya nandito matapos siyang makipag-break kagabi?
"Good morning, Kryps! Happy to see me?" nakangiting sabi niya at itinaas pa ang dala niyang paper bags.
Hindi parin ako nagsasalita hanggang sa makalapit ako sa kaniya.
Kumunot ang noo niya, "Aren't you happy to see me?" tanong niya.
Tragis! Matapos mo kong saktan kagabi? Ngingiti ka na parang ang saya kagabi?
Humalukipkip ako, "Ano to Kramiel John Andremayo? Bakit ka nandito? Ano pa ba ang gusto mo? Bakit ja nakangiti matapos mong saktan ako kagabi" singhal ko sa kaniya.
Ngayon naman ay nawala ang ngiti sa mga mukha niya. Nakakunot ang noo niya na parang wala siyang alam sa sinasabi ko.
"Anong pinagsasabi mo Kyona Reccess Penesa-Andremayo?" seryosong tanong niya sakin.
Kinuyom ko ang kamay ko sa inis. "DIBA BREAK NA TAYO? BAKIT KA PA NANDITO! ANO GUSTO MO PERSONAL BREAK UP KAYA KA NANDITO? ABA, LALAKE KADIN PALA! TAPOS BAKIT NGUMINGITI KA NA PARANG DI MO KO SINAKTAN! NAPAKA! NAPAKA MO!" sigaw ko sa kaniya at pinaghahampas sa dibdib.
Hinawakan niya ang kamay ko at pinigilan.
"Anong pinagsasabi mo? Break up? Ako nakipag-break? Why the f**k will I do that, Kryps?" singhal niya.
Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam pero humagulhol ako ng iyak at hinampas hampas pa siya. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Nagtext ka sakin kagabi sabi m--"
"Damn it! How can I text you if my phone is missing since I got to Manila? Sobrang miss na kita and you're not even replying. Nakikitext ako, Kyona." seryong sabi niya.
Kumunot ang noo ko, "Wala akong natatanggap na text, Kram. Wala!" iritadong sagot ko.
"f**k! Oo nga pala! Nagpalit nga pala tayo ng number! I didn't memorize my number, it was only yours I know." sabi niya at muli akong niyakap.
"Sorry, Kryps. That persob who broke up with you wasn't your boyfriend. It wasn't me. I wasn't me..." bulong niya sa tenga ko at hinigpitan ang yakap sakin.
Umiyak ako habang tumatango sa kaniya. Umiiyak ako sa saya. Parang binunutan ako ng malaking tinik sa puso ko. Akala ko tapos na. Akala ko break na talaga kami, pero hindi.
May gustong sumira samin. At aalamin ko yun.