Chapter 4 - The Promise

2422 Words
Years Ago... Nagmamadali akong sumakay ng bus. Buti nalang at maluwag pa kaya nakaupo ako sa upuan... Napangiti nalang ako ng maalala ko ang laging ginagawa sakin ni Kram kapag siksikan na sa bus. Over protective siya na baka hipuan ako. Ilang minuto pa ay nakarating din ako sa school. Sobrang traffic kaya late ako, pero okay lang dahil school festival ngayon. Hindi nga ako nasundo ni Kram dahil meron silang maagang training. Binilisan ko ang pagtakbo papuntang H.E room, may niluto ako kahapong cookies na paborito niya. Humingi naman ako ng pahintulot sa teacher namin na iwan ko muna doon sa ref nila pagkatapos ko siyang bigyan ng konte sa niluto ko. Ininit ko muna ito sa oven ng ilang minuto at sinalin sa tupperware. Iiwan ko lang naman 'to sa locker niya, eh. May susi naman ako sa locker niya dahil minsan iniiwanan ko siya ng malamig na tubig sa locker niya kapag may maaga silang practice. Dumiretsyo ako pagkatapos sa GYM. Nakikita kong may iilang tao na nanonood ng training ng basketball players. Tinignan ko ang taong nakajersey'ng blue na number 14. Maliksi itong nakikipaglaro sa mga team niya. Pawisan na siya pero gwapo parin. Naalala ko 'yung time na pumasok siya sa basketball, kami na nun. Pinili niyang number ang 14 dahil 14 ko rin siya sinagot. Yun ang araw ng monthsary namin. Napangiti nalang akong dumiretsyo sa mga lockers nila. Laking pasasalamat ko na walang tao sa loob kaya pumasok ako at binuksan ang locker ni Kram gamit ang susi ko. Nilagay ko sa loob 'yung tupperware tsyka tubig narin na malamig. Ngingiti-ngiti akong lumabas ng locker room ng harangin ako ng isang grupo ng babae. Sophomore ang mga ito alam ko. Kung minamalas ka nga naman. Nakita pa nila akong lumabas sa locker room ng mga players. Naka-cross arms silang lima at nakataas ang mga kilay nila. "Anong ginagawa mo sa loob, ah?" tanong nung babae sa gitna. "What are you up to, freshmen?" tanong ng isa pa. Kahit kailan bullies talaga ang mga higher years pero hindi ako papatalo sa kanila, "Anong paki niyo?" matapang na tanong ko. Napa-smirked naman 'yung babaeng nasa gitna, "Aba't palaban ka, ha! Alam naming may ginawa kang kalandi-landi sa loob. May nilagay ka sa locker nila nu?" tanong niya at tinulak ako ng marahan kaya't napaupo ako sa sahig. "Ano bang pinagsasabi niyo!?" sigaw ko sa kanila at akmang tatayo ulit ng itulak ulit ako ng isang babae kaya napaupo ulit ako. "Hindi ka dapat basta-basta pumapasok sa locker room ng mga players!" sigaw nung isang babaeng mataba. Ano bang pakialam nila? Ah alam ko na. Sila siguro 'yung mga babaeng nagpapadala ng palihim sa mga kasama ni Kram sa basketball. Karamihan kasi sa mga basketball players masasabi mong artistahin ang mga dating. Lalo na sa mga seniors, pero papatalo ba ang Kram ko? Hindi syempre. Kaya ki nga nalaman dahil may mga natatanggap din siyang love letters kaya ako tagabasa. "Sino ang gusto mo sa kanila, ha? You sneaky b***h!" sigaw nung parang leader nila. Nanliit ang mata ko at marahang tumayo. Tinuro-turo ko pa sila, "Kayo siguro 'yung mga sneaky bitches! Masyado kayong makaluma na ilulusot 'yung mga love letter na sinulat niyo sa lockers ng mga crushes niyo! At para sabihin ko sa inyo, hindi ako katulad ninyo." matapang na sabi ko sa kanila na may pandidiri sa mukha. Totoo naman. Boyfriend ko na kasi 'yung crush ko. So bakit pa? Nagulat ako ng sugurin nila ako at sabunutan sa dami nila napaupo ako. Daing ako ng daing pero di man lang sila natigil. Kahit lumaban ako di ko parin sila kakayanin. Dalawa ata mataba sa kanila. "Hoy! Anong ginagawa niyo!" Tumigil sila ng may mga sumigaw na lalake. Gulo-gulo ang buhok ko kaya kailangan ko pang hiwain ang buhok para makita ang nangyayari. Nanlaki ang mata ko ng makita ang mga lalakeng nakasuot ng blue jerseys. Nanlaki din ang mata ni Kram ng makita niya ako. Akmang lalapitan niya sana ako ng maunahan siya ng isang sophomore na ka-team niya. Sa pagkakaalam ko Benjamin ang pangalan niya. Sikat siya dahil gwapo na magaling pang mag-basketball pero syempre walang wala 'yan kay Kram. Nakatingin nalang si Kram sakin na may pag-aalala. Hindi niya ako malapitan. Baka mabuking kami. "Anong ginawa niyo sa kaniya?" tanong ni Benjamin at lumuhod sa harapan ko. Nakita kong umigiting ang panga ni Kram ng hipuin ni Benjamin ang balikat ko. "Ayos ka lang ba?" tanong niya kaya naman tumango nalang ako at sumulyap ulit kay Kram. "Mapangahas ang babaeng 'yan, Benj! Pumasok siya sa loob ng locker niyo. Malay mo may ginawa siyang kalokohan sa loob." sabi nung nasa gitna at inirapan ako. Wow! Coming from you b***h! Tinutukoy ata nila 'yung sarili nila. Hindi siya pinansin ni Benjamin at bumaling sakin, "Saan masakit, Kyo? Marami sila kaya malamang nasaktan ka talaga." nag-aalalang sabi niya. Medyo na weirdohan lang ako sa inaasta niya. Ano bang ginagawa ng lalakeng 'to? Masyado siyang concern kaya di ko maintindihan 'kong nang go-good time lang siya, e. Nagulat ako at kilala niya ako. Well, kilala ko siya dahil sikat siya. Benjamin Poe. Gwapong Sophomore. Tumango ako, "Okay lang talaga ako." sagot ko at nginitian siya pabalik. Inalalayan niya akong tumayo at nagtama ang mata namin ni Kram. Ang sama ng tingin niya sa amin ni Benjamin. Yan ang disadvantage ng forbidden love namin na'to. Hindi niya ako matutulongan pagdating sa ganito. Hindi kami dapat magkaroon ng anomang komunikasyon sa school kung ayaw namin maghiwalay ulit. "I can't believe you, Benj? Why can't you ask her what she did inside the locker room?" sabi ng babae. "Ano bang problema ninyo kay Kyona? Malay niyo naman may tinignan lang pala sa loob for her reasons. Wala na kayong pakialam kung ayaw niyang sabihin sa inyo. Now get lost girls." maawtoridad na sabi ni Benjamin sa kanila. At hindi niya rin ako maipagtanggol gaya ng ginagawa ni Benjamin. Padabog na umalis ang mga babae pero binunggo pa nila ako. "Psh! Mean girls talaga." sabi ni Benjamin. "Ayos 'tol ha! Para-paraan, ha!" sabi ng isang player. Nakatingin lang si Kram na walang emosyon. Kram with his cold expression nga naman. "Ano bang ginawa mo sa loob, Kyo?" tanong niya. Namula naman ako. Hindi ko dapat sabihin dahil mabubuko kami ni Kram. "Ahh..may tinignan lang. Ahh sige! Alis nako." sabi ko at akmang aalis na ng hilahin niya ako. Awtomatikong napatingin ako kay Kram at umigitng nanaman ang kaniyang panga. Hindi niya kayang i-express ang galit niya kapag nagagalit siya. "Benjamin Poe, second year HS. Can we be friends?" tanong niya habang nakangiti. Gwapo si Benjamin at napakagwapo niyang ngumiti. Umalingaw-ngaw naman ang kantyawan ng mga players. Keso pumaparaan daw, keso dumadamoves daw. Tumango ako. "Ah sige! Alis nako, ha. Good luck sa game mamaya." sabi ko at tumingin kay Kram. "Manood ka, ha. Cheer mo kami." sabi niya. Tumango nalang ako dahil ramdam ko ng pinapaalis nako ni Kram. Ayaw niyang makita ang nakikita niya. Walang klase as usual dahil School Festival. May mga booths na inihanda ang mga iilang section. Magkasama kami ni Dreena na pasukin lahat ng booths na hinanda ng mga seniors, juniors at freshmens. Pagpunta namin sa booths ng mga sophomores ay ang huling napasukan namin ni Dreena ay ang section 1 at bumungad samin ang grupo ni Benjamin. Ang booth nila ay isang Cafè booth. "Oh, lover boy! Andyan na ang crush mo." rinig kong tukso ng kaibigan ni Benj sa kaniya. Hindi sumagot si Benjamin sa halip lumapit ito sa amin ni Dreena. "Hi, Kyona." nakangiting bati niya habang napakamot sa batok niya. Ngumiti rin ako, "Hi!" bati ko rin sa kaniya. Tumingin ako kay Dreena, "Ahmm, Si Dreena nga pala. Bestfriend ko." pagpapakilala ko kay Dreena. Tumango lang si Dreena at nginitian lang siya ni Benjamin. "Buti at napadpad ka sa booth namin. Try mo ang milk shake namin. Total, bawal pa tayo sa kape." sabi niya sabay kindat. Naramdaman ko ang kurot ni Dreena sakin sa likod. Halatang kinilig sa kindat ni Benjamin. Tumango lang ako at sumunod kami sa kaniya sa isang lamesa. "Grabe, ang gwapo niya.." amaze na bulong ni Dreena sakin. Tumango nalang ako dahil gwapo nga naman talaga si Benjamin, pero hindi naman ako manhid na may gusto siya sakin. Halos isampal na sakin ng mga barkada niya, eh. Ilang minuto pa ng bumalik na si Benjamin sa table na may dalang tatlong milk shakes. Lumapad ang ngiti ko, "WOW! Mukhang masarap, ah!" di ko mapigilan mamangha. Mukhang masarap kasi! Bahagyang napatawa si Benjamin, "I didn't know mababa lang ang kaligayahan mo Kyona. Hindi ako nagkamaling magkagusto sayo." sabi niya ng nakatingin lang sa akin. What? Anong sinabi niya? "A-ano?" tanong ko. Don't get me wrong. Gwapo si Benjamin at isa siya sa mga kinahuhumalingan ng mga babae sa Wadeford, pero di uubra ang kagwapuhan niya sakin dahil may boyfriend na'ko. Hindi ko alam kung paano siya kokomprantahin na may boyfriend nako. Ano nalamang ang isasagot ko kapag tinanong niya kung sino ang boyfriend ko? Hayy. Kram kung alam mo lang kung gaano ko ka gustong hindi na maging forbidden ang love natin. Ngumiti siya. "Can I court you, Kyo? I know it's not the right time to say this kasi kakakilala pa lang natin kanina. Pero, nung first day pa lang ay attracted na ko sayo. I like you, Kyona Penesa. And sorry for being a stalker." humalakhak pa siya. Biglang bumukas ang pintuan ng ginawang booth nila. At dumating si Kram at si Zander pati ang iba niyang kasama sa basketball. Pakiramdam ko ngayon naiipit ako sa sitwasyon. Paano ko sasabihin na may boyfriend nako? Haaaay! Bawal ngang sabihin diba? Bawal ipaalam sa iba na kami diba? At kung sasabihin kung oo, hindi ko naman masasagot na si Kram 'yung boyfriend ko. Kaya mas mabuti nalang na malaman nilang wala. "Sorry kung sisingit ako sa usapan niyo, ha? Pero kasi...hindi mo ba tatanungin ang bestfriend ko kung may boyfriend na siya?" malakas ang pagkakasabi niya kaya alam kong rinig 'yun ni Kram. Biglang nag-ingay ang mga tao doon. Sikat nga pala si Benjamin kaya maraming nakakakilala. Nanlaki ang mata ni Benjamin sa sinabi ni Dreena. "Sh*t! May boyfriend kana ba, Kyona?" gulat na tanong niya. Dumapo kaagad ang tingin ko kay Kram na nakatingin sakin. Ano kaba! Baka may makahalata na tinutunaw mo nako sa mga titig mo. Kram ano ba ang dapat 'kong isagot? Do you want me to tell them? Bumalik ang tingin ko kay Benjamin, "W-wala pa.." sagot ko. Nag-ingay ang mga kaklase niya pati narin ang kasama ni Kram. Gulat na gulat ang mukha ni Kram. Para bang hindi niya inaasahan na 'yun ang magiging sagot ko. Ano naman ang isasagot ko? Pinagpapawisan na'ko ng bongga. Lumabas na si Kram kaya naman ang iba ay na kay Kram na ang atensyon. Sumunod ang mga kasama nito sa kaniya. Gusto ko sanang habulin si Kram ngunit pinigilan ako ni Dreena. Tinignan ko siya, nginuso niya ang lalakeng nasa harapan ko. "Talaga, Kyo? Wala ka pang boyfriend?" tanong ni Benjamin ng nakangiti. Umiling ako, "Wala pa, pero may nag mamay-ari na ng puso ko. " seryosong sagot ko. "Excuse me..." sabi ko at umalis na doon. Nakita 'kong napawi ang ngiti sa labi ni Benjamin. Kailangan 'kong habulin si Kram. Takbo lang ako ng takbo habang may tumutulong luha sa mga mata ko. Nasaan na si Kram? Nasasaktan ako dahil sa galit sa mukha niya kanina. Tumigil ako sa school garden. Hingal na hingal na ako. Nilibot ko na lahat pero di ko siya makita. Umupo muna ako sa baba ng puno. Mabuti nalang at mahangin dito. Pinunasan ko ang luha ko. Kram naman, e! Nakakainis! Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa ilalim ng puno. Nang magising ako ay halos orange na ang langit. Sinipat ko ang orasan ko at 5:30 PM na. OMG! Wala man lang gumising sakin? Tsk. Ano ba 'yan! Sino nga naman ba ang mang-gigising sakin eh lahat ng estudyante kanina nasa gym o kaya naman sa mga classrooms. Walang mapapadpad na estudyante dito dahil School Festival. Ni ang janitor di maoobligang maglinis dito. Tumayo na ako at nagpagpag ng suot ko. Di pa ako tuloyang nakakaalis sa puno ng biglang may yumakap sakin mula sa likod ko. Sa amoy pa lang ay alam 'ko na kung sino. Bigla akong naiyak, "Kanina pa kita hinahanap..." bulong ko. Pinaharap niya ako sa kaniya. Kahit medyo madilim na kitang kita ko parin ang pag-aalala sa mukha niya. "Bakit ka umiiyak?" tanong niya at pinunasan pa ang mukha ko gamit ng kamay niya. "Galit ka kasi. Gusto ko namang sabihing ikaw 'yung boyfriend ko, eh. Pero di ko magawa kasi nagtatago tayo, diba? Ayaw mong malaman na magkarelasyon tayo..." sabi ko at humihikbi parin. Inalis ni Kram ang kamay niya sa mukha ko. "Kyo, hindi ko gusto 'to. Hindi ko gusto na ilihim ang relasyon natin sa lahat ng tao. God knows I want to shout to the world that I love you. That you're my girlfriend. And, I'm so jealous that Benjamin can court you in front of everybody! And I can't do that! Naiinggit ako! Naiingit ako, s**t!" sigaw niya. Niyakap ko ng mahigpit si Kram. "Naniniwala ako sayo, Kram. Kaya natin 'to, ha? Pangako, Kram ikaw lang ang para sakin." sabi ko. Bahagya niya akong nilayo sa kaniya, "I promise that no matter what happen, my love won't disappear." sabi niya. Nagtitigan kaming dalawa. Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko at bumalik sa mga mata ko. Yung mga mata niya parang may gustong sabihin. Unti-unting nilapit ni Kram ang mukha niya sa mukha ko. Ipinikit ko ang aking mata ngunit naramdaman 'kong lumapat ang labi niya sa noo ko. Agad 'kong binuksan ang mata ko. Akala ko hahalikan niya ako. Naabutan ko siyang nakangiti, "So, I'm not the only one here wanted a kiss?" tanong niya na may pang-asar na tingin sa mukha. Ngumuso ako. "Come here..." sabi ni Kram at niyakap ako. "This is not the right time, Kryps. Give that to me if I'm manly enough to show the world you're mine" sabi niya. Humigpit nalamang ang yakap ko sa kaniya at bumuntong hininga. Kahit anong mangyari hindi kita susukuan, Kram. Hindi kita iiwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD