Chapter 3 - Little Secret

1823 Words
Years Ago... "Swerte mo Kyo at ang gwapo gwapo ng boyfriend mo." manghang sabi ni Dreena sa gilid ko at tinusok tusok pa ang tagiliran ko. Napangiti ako, "Ano kaba! May makarinig sayo diyan." puna ko sa kaniya. Nandito kami sa hallway at papunta na kami sa classroom namin. First year HS nako at laking pasasalamat ko at magkaklase kami ng bestfriend kong si Dreena. Section 2 kami at Section 1 ang boyfriend ko. Magkatabi lang ang room namin ni Kram. Walang nakakaalam na boyfriend ko siya. Tatlo lang kami ang may alam. Si Dreena, ako, at syempre si Kram. "Uy, Dre! Si Migs, oh! Diba crush mo 'yun?" tanong ko sabay turo sa lalakeng pumasok sa room ng section 3. Classmate namin si Migs nung elementary. Hanggang section 2 lang kasi sa elementary department kaya magkaklase kami. "Eew! Hindi na nu! Kaka-turn off kaya siya." tanggi niya. Nagkibit balikat nalang ako dahil totoo nga namang nakaka-turn off ang pangungulangot ni Migs sa klase, pero kasi lagi kong nahuhuli si Dreena na nakamasid kay Migs tapos tatawa nalang bigla o mapapangiti. Baliw rin, e. Napadaan kami sa Section 1. Sinilip ko kung nandoon si Kram at naroon siya nakikipagkwentuhan sa mga kaklase niya. Nagtama ang tingin namin. Nginitian ko siya, pero hindi niya ko nginitian pabalik sa halip ay iniwas niya ang kaniyang tingin. Naiintindihan ko naman si Kram. Ayaw niyang malaman ng iba ang relasyon namin. Bawal pa kasi. Pero, aaminin ko. May time na nasasaktan ako kapag di niya man lang ako mangitian gaya ng pagngiti niya sa ibang babae. Lalampas na sana kami ni Dreena sa kwarto nila ng may humarang sa daanan namin. Classmate namin to sa Section 2, at dahil magkatabi lang ang classroom namin di ko napansin na nakasilip sila sa kwarto ng Section 1. "Ngingiti-ngiti mo kay Kram?!" asik ni Candy. Tinaasan ko siya ng kilay, "Bakit? Masama ba?" mataray na tanong ko. "Ay sige okay lang. Total di ka naman pinapansin, eh. Tara na sis!" aya niya sa kapatid niyang si Cassey na nakasilip parin sa kwarto. Crush ni Candy si Kram samantalang crush naman ni Cassey si Zander Alcantara. Isa rin siya sa mga kaibigan ni Kram pati narin 'yung Nicaela Pederon. Yung kinaiinggitan ng kababaehan sa buong Wadeford Academy dahil close siya sa dalawa. Si Zander ata ang gusto nun dahil si Kram ay sa akin na. Hindi naman kami close ni Nicaela kaya bakit pa? Nang makaalis sila ay narinig ko ang bulong ni Dreena sakin, "Bakit ba ayaw pa ni Kram ipagsigawan na kayo na? Nakakainis siya! Dapat turuan ng leksyon ang mga bruhang 'yun!" inis na sabi nya. "Okay lang. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon namin ni Kram, eh. Masyado pa kaming bata sa relasyon pero ito kami magkarelasyon kaya itatago muna namin. Lalo na sa parents niya na pinapriority ang pag-aaral niya bago sa isang relasyon." sabi ko at giniya na si Dreena papasok ng room. Pero ang totoo niyan. Ayaw lang talaga siguro sakin ng magulang niya. Pagkatapos ng klase nakatanggap ako ng text ni Kram. From: Krypton ♥ Kryps! Sorry kanina, ah! :( Antayin mo ako sa Ministop ulit. Pupuntahan kita doon at ihahatid sa inyo. I love u! ♥♥ Napangiti naman ako sa text niya. Kahit kailan talaga ay sweet siya kahit nagpapanggap kaming di magkakilala sa loob ng school. To: Krypton ♥ Okay lang yun, Kryps! Naiintindihan ko naman, eh. Sige, antayin nalang kita doon. See ya! I love u too! ♥♥ Krypton na ang tawagan namin ni Kram. Sabi niya nga diba? Kyona Reccess is KR. Ang dalawang letters naman na umpisa ng name niya ay KR. Kaya nung nag-aral siya sa Table of Elements ay nalaman niyang Krypton ang mean ng KR sa TOE. Ano pa bang aasahan ko sa boyfriend kong genius, diba? "Dre, una nako. Magkikita kami ni Kram sa Ministop." sabi ko sa kaniya. Tumango siya at nagbeso kaming dalawa bago umalis. Pagkarating ko sa ministop ay pumasok ako at bumili muna ng pwede naming imeryenda. Dito sa ministop ay malayo na sa school. Nagtricycle pa ko bago makarating dito. Kaylangan naming gumastos para magkaroon ng time para sa isa't-isa. Halos kilala na kami sa ministop dahil kada end of class ay dito kami nagkikita ni Kram. Nanlaki ang mata ko ng may mahagip akong taong pareho ng uniform namin sa Wadeford na mga babae. Isa din itong freshmen at hula ko ay Section 3 ang mga ito. Madalas ko silang nakikitang tumitili kapag dumadaan sila Zander at Kram. Anong gagawin ko? Baka makita nila kami! Agad kong dinukot ang phone ko para matext si Kram pero huli na ng makita ko siyang papasok sa shop. OMYGOD! Agad kong tinap ang call button sa ilalim ng number niya sa phone ko. At laking pasasalamat ko ng makita ko siyang kinapa ang phone niya at nilagay sa tenga niya. Agad kong narinig boses niyang musika sa tenga ko, "Hello? Nandito nako sa loob nasan ka--" "May taga Wadeford dito. Uuwi nalang akong mag-isa baka makita ka pa nila na kasama ako. Sige na." sabi ko ng pabulong. Kahit gusto ko pa siyang makasama ngayon ay ipagpapabukas nalang dahil nga baka mahuli kami. Nagtama naman ang mga mata namin. Nginuso ko ang mga kababaehang nasa counter. Agad niya namang na-gets kaya agad siyang lumabas. Napabuntong hininga ako. Muntik na'yun. Bakit ba nandito ang mga 'yan? Naramdaman kong umupo sila sa banda ko, "Asan na ba si Kram? Diba balitang may ka-meet up siya ditong taga-Wadeford din?" rinig kong sabi ng babae. Napapikit ako ng mariin. Lagot! Wala nga naman talagang sekretong di nabubunyag, pero iba tong sekretong ito. Kaylangan itong itago. Lumabas ako pagkailang minuto sa ministop. Buti nalang at di ako napansin ng mga babae kanina. Baka magtaka 'yun na nandito ako dahil minsan lang napapadpad ang mga students ng Wadeford dito. Paglabas ko ay nakita ko si Kram na nakasandal siya sa isang taxi sa gilid ng ministop. Pagkakita niya sakin ay agad siyang pumasok sa taxi. Sinenyasan niya akong sumakay doon. Umiling-iling ako habang nakangiti. May isang salita talaga si Kram. Kung sinabi niyang ihahatid niya ako, ihahatid niya talaga ako. Luminga-linga ako sa paligid kung saka-sakaling may makakita pero wala naman akong nakita kaya dali-dali akong tumakbo doon at sumakay. "Wooooh! Kamuntik na!" sabi ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko. "I think we need to find another place.." sabi niya at pinunasan ng panyo niya ang pawis sa noo ko. Kahit kailan talaga! Napaka-caring ni Kram! Lalo akong naiinlove! Bakit napakaswerte ko? Hihihi! Hininto niya na ang pagpunas, "Kuya, sa 7Eleven nga po diyan sa paliko." sabi niya kay Manong Driver. "Uwi nalang tayo, Kram. Baka meron din doong mga estudyante." sabi ko. Ngumuso naman siya, "Ayaw mo bang makipag-date sakin? Di na nga tayo nagpapansinan sa school, eh." sabi niya. Kita mo to! Napaka-snob sa school pero napaka-childish naman sa labas. Kinurot ko naman ang pisnge niya, "Ikaw talaga! Sige na nga! Libre mo, ha!" sabi ko at muling pinisil ang pisnge niya. Napadaing naman siya sa sakit. Ginantihan niya ako ng kurot din sa pisnge. Nakatawa kami habang nagkukurutan ng pisnge. "I NAMYO, YONA!" "I NAMYO TOO, RAM!" Mahal ko talaga si Kram kahit bata pa lang kami. Ayokong magkahiwalay pa kami. Hindi ko yata kakayanin. Laking pasasalamat ko ng konte lang ang tao sa 7Eleven at yung konteng yun ay hindi naman kami kilala kaya okay kami doon. Umorder siya ng salty ice cream. Alam niyang paborito namin 'yun. Bumili din siya ng slurpee at hotdogs. "Gusto mo ng donuts? Bili din ako." tanong niya sakin pagkalapag niya ng mga pagkain sa lamesa. Tumango ako, "Syempre naman!" sagot ko at habang dinidilaan ang ice cream ko at iniinom din ang slurpee a the same time. Ginulo niya naman ang buhok ko, "Ang cute mo talagang payatot ka. Bakit di ka tumataba, ha?" tanong niya. "Masaya nga 'yun eh!" sabi ko at ngumiti ng malapad sa kaniya. Kapag kasama ko talaga si Kram sa lamunan ay sobrang saya ko. Umalis siya at pagbalik niya may donuts na siyang dala. Linantaka naming dalawa ang mga pagkain. Dumighay pa ako ng sobrang lakas. Nagkatinginan kami ni Kram. Napatingin ako sa mga tao sa loob ng shop at nakatingin sila sakin. Bumalik ang tingin ko kay Kram at tumawa kaming dalawa. Ang sarap talaga sa pakiramdam na wala kang pakialam sa mga tao sa paligid niyo na malaya kayong gawin ang gusto niyo. Paglabas namin ay magkaakbay kami. Kaya lagi kong inaabangan ang end of afternoon class dahil magkasama kaming nagmemeryenda ni Kram sa ministop at ngayon sa 7Eleven dahil may nakaalam na doon kami nagkikita. "Sorry nga pala, Krypton ha. Di kita pinapansin sa school." sabi niya habang nakasakay kami sa bus. Pauwi na kasi kami at ihahatid niya ako. "Naiintindihan naman kita. Pero, ngumiti kanaman ng konte sakin. Pampagana man lang ng araw, nu!" sabi ko. "Sige na nga! Para sa krypton ko." sabi niya at kinurot ang pisnge ko. Ano ba'yan! Halos wala na nga akong laman sa pisnge kinukurot pa! Hindi naman malayo sa bahay niya ang bahay namin. Meron siyang driver pero tinatakasan niya lang at nagrereason na pumupunta kayla Zander para mag-aral. Lagi akong hinahatid ni Kram sa apartment at sumasakay kami parati sa bus. Kilala siya ni Mama at sinabi kong nililigawan ako ni Kram. Okay lang naman kay Mama wag lang muna sagutin pero nasagot ko na siya.Pasaway na bata! Wala kaming maupuan kaya tumayo nalang kami dahil siksikan. Mabuti naman at walang students ng Wadeford ang nakasakay. Alam talaga ni Kram kung saan walang makakakita samin. Nakahawak kami sa hawakan sa bus para hindi matumba kung sakaling pumreno. Nasa likod ko siya at parang kinukulong niya ako dahil yung isa niyang kamay ay nakahawak sa magkabila kaya parang kinorner niya ako. Namula ako sa kakiligan. Medyo napapangiti yung ibang pasahero sa amin ni Kram. Siniko ko naman siya, "Anong ginagawa mo? Porket maliit ako sayo ginaganyan mo lang ako?" biro ko. Matangkad siya sakin kaya malakas ang loob ng mokong. "Maraming nagkalat na bastos ngayon kaya aagapan natin..." sagot niya at tinaas baba pa ang kilay niya. "....tsyaka ano namang masama sa ginagawa ko? Girlfriend naman kita at karapatan ng isang boyfriend na pangalagaan ang kaniyang girlfriend." dugtong niya. Oo nga. Wish ko sana hindi na matapos ang araw na'to. Sana lagi nalang hapon para magkasama kami lagi ni Kram. Kung sa school nakikita ko naman siya pero di ko naman siya makausap. Oo at sinabi kong naiinitindhan ko si Kram. Bata pa lang kami. Pero may parte parin dito sa puso ko na gustong-gusto ko ng ipagsigawan sa lahat na kami na ni Kram. Nakakapagod din kasing magtago pero maladas naman masaya dahil hindi nagkukulang si Kram sakin. Mahal na mahal ko talaga si Kram.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD