Years ago...
Mabilis ang panahon at lumaki na ako. Masasabi ko namang minsan nakakalimutan 'ko rin si Kram. Masisisi mo ba 'ko kung... ilang taon narin ang nakakalipas? Pero never akong nagkagusto sa iba. Si Kram lang ang iniisip ko. Si Kram lang ang tanging lalake na gugustuhin ko. Kahit batang isip ang puso ako at wala pang karanasan sa pag-ibig alam 'kong para kay Kram lang ang puso ko.
May mga pagkakataon namang umuuwi sila ng Pilipinas para magbakasyon at laking tuwa ko na hindi naman pala ako nakalimutan ni Kram. Pasko o kaya naman bakasyon ay dumadalaw siya.
Nakakalungkot dahil babalik nanaman siya sa ibang bansa pagkatapos. Minsan naiisip ko kung ano kaya kung hindi na siya umaalis? Hindi ko rin maipagkakailang may pagbabago sa itsyura niya kapag umuuwi siya. Mas lalo siyang nagiging gwapo at nakakahumaling.
Hanggang sa nabalitaan 'kong dumating na sila ulit. Nagulat nalang ako ng puntahan niya ako agad sa bahay. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko at nung sabihin niyang dito na siya ulit mag-aaral.
Sobrang saya 'ko at doon umpisang tumibok ang puso ko na nagpagulo sa isip ko.
Nagkita kami sa park malapit samin. Kung saan kami nagkitang dalawa nung mga bata pa lang kami. At ngayong GRADE 5 ay dito na ulit siya mag-aaral.
Niyakap niya ako ng mahigpit. "Kyona is this really you? I really really miss you."
Hinigpitan ko ang yakap sa kaniya, "Oo ako 'to, Kram. Miss na miss na din kita." sagot ko.
Marami kaming napag-usapan. Kaya naman pala ang taas taas niya dahil goal niya daw 'yun. Gusto niya kasing maging sikat na basketball player. Ikwinento niya lahat ng karanasan niya sa ibang bansa. Lahat ng mga nagkagusto sa kaniya at lahat ng mga naging rewards niya sa school.
"Nagkaroon kaba ng crush doon?" tanong ko at tumitig sa kaniya.
Iniisip ko palang na mayron ay nasasaktan nako.
Ngumiti siya, "Yes..." agad na sagot niya.
Parang may kung anong kumirot sa puso ko. Pilit akong ngumiti sa kaniya at nag-iwas ng tingin. Bakit ang daya? Ako hindi man lang ako lumingon sa iba. Hindi ako nagkagusto sa iba kasi alam 'ko kay Kram lang ako.
Pero bakit nga ba hindi ako nagkacrush sa iba? Bakit ako nasasaktan?
"Yes, I have a crush doon. There's a lot of Hollywood actresses there Kyo. They're so beautiful! I really wanted you to see them too! Sayang dahil hindi kita kasama..." bakas sa boses ni Kram ang pinaghalong saya at lungkot.
Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong hindi naman dapat ikalungkot ang sinabi niya. Napangiti ako. So, hindi siya nagka-crush sa normal na bata? Kundi artista pala?
Tumawa ako, "Ganun ba? Akala ko nagkaroon ka ng crush sa mga magaganda mong classmates, eh."
Tumawa si Kram at kinurot ang pisnge ko, "Kaya ba pagkasabi 'kong yes, bigla kang nalungkot dahil akala mo meron akong ibang crush? Sorry pero meron nga!" sabi niya ngumiti pa ng malapad.
Ngumuso ako at kumunot ang noo, "Uy hindi, ah! Pero, sino naman 'yun? Maganda ba siya?" mapait na tanong ko at umiwas ng tingin.
Ang lapad lapad ng ngiti niya. Ang saya saya niya sa tinatawag niyang crush niya. Ito nanaman ulit ang puso ko. Masakit nanaman. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong sakit. Nakakapanibago.
Nakakapanibago na iniisip ko ngayon na baka ako lang ang umasa sa kaniya. Baka ako lang ang may gusto. Dahil ano bang alam ko? Bata palang naman kami. Hindi naman niya sinabing crush niya ako?
"Oo, magandang maganda. At ang cute cute pa! Siya si Krypton." sagot niya at ayun nanaman ang malapad niyang ngiti. Siyang siya sa pagbanggit sa pangalan ng crush niya.
"Ah..." tugon ko. May pangalan pa.
Tumawa si Kram ng malakas kaya kumunot ang noo ko at tumingin sa kaniya, "Bakit ka tumatawa diyan? Para kang baliw." inis na puna ko sa kaniya.
Tawa lang siya ng tawa habang ako naman ay nakabusangot na. Parang aliw na aliw talaga siya na naiinis ako.
"Inis ka ba sa kaniya?" tanong niya at sinundot ang tagiliran ko.
Umiling ako bilang sagot. Inis ako sa'yo.
"Weeeh? Halata sa mukha mo." pang-aasar niya.
"Hindi nga sabi. Bakit naman ako maiinis? Di naman ako inaano..."
"You want to know about my crush? Siya lang naman si Kyona Reccess Penesa." seryosong sabi niya. Ramdam na ramdam ko ang sinseridad sa boses niya pero bakit ganun? Bakit kasali pa'ko? Pinagloloko niya ba ako? Uso ba 'yun sa ibang bansa?
Napatingin ako sa kaniya. Seryoso nga talaga ang mukha niya. Ang gwapo talaga ni Kram. Bakit ang unfair? Alam kong maramig nagkagusto sa kaniya doon.
Umirap ako, "Ang dami mong crush. Sinama mo pa 'ko." sabi ko at umiwas ng tingin pero hindi ko ma-deny na masaya ako sa sinabi niyang crush niya ako pero totoo ba?
Pwede pa lang magkaroon ng dalawang crush. Sana pala ginawa ko na...
Tumawa siya at tumingin sakin, "Isa lang naman ang crush ko, a?" patanong na sagot niya.
Umirap ako, "Sino? Si Krypton? Tapos ako? Kailan pa naging isa ang dalawa?" tanong ko. Medyo nagugulohan na ako sa kaniya ha?
Tumawa siya pagkatapos tumango tango. Noon, kapag ngumingiti si Kram ang saya sa pakiramdam pero ngayon bakit parang iba na sa pakiramdam?
Nag-iwas nalang ako ng tingin. Tumayo nalang ako at lumapit sa swing dito sa park. Siguro itatago ko nalang 'tong feelings ko kay Kram. Tutal, ang tagal narin din naman kasi naming di nagkakasama at naglalaro. Siguro, gusto niya na talaga si Krypton na'yun. Baka blonde hair pa 'yun at englishera.
Baka nga siya na ang gustong pakasalan nito pagdating ng tamang panahon.
Ramdam ko ang pagsunod ni Kram sa likod ko. "Eh ikaw? Nagkaroon kaba ng crush dito? Classmate mo?" tanong niya.
Umupo ako sa swing at ganun din siya sa kabilang swing. "Meron." sagot ko para makaganti.
Sasabihin ko nalang na meron kaysa naman sa maging kawawa ako na ako lang ang may gusto.
Biglang napatayo si Kram sa swing. Nagulat ako sa ginawa niya at halata namang ganun din siya kaya napaupo siya ulit pero inilapit niya 'yung swing sa tabi ko.
"May crush ka!? Sino?!" di makapaniwalang tanong niya.
Hala! Bakit ganyan ang reaksyon niya? Anong akala niya sakin? Hindi magkakaroon ng crush!? Na maghihintay talaga sa kaniya? Na siya lang ang gugustuhin?!
Tss... Oo! Oo tama ka, Kram! Kaya nga nakakainis!
Nag-iwas ako ng tingin, "Oo, bakit masama? Ikaw nga nagkaroon." proud pa na sabi ko.
Dumistansya na si Kram sa akin at kahit di ko siya harapin ay nakikita ko sa gilid ng mata ko na para siyang nalungkot sa sinabi ko.
"Ikaw pa naman ang crush ko...." bulong niya pero saktong maririnig mo lang.
Hinarap ko siya, "Sabi mo isa lang crush mo? 'Yung Krypton tapos sasabihin mong ak--"
"Krypton is you! I was just fooling around just to tease you. Your face was priceless, Kyo. Super cute!" nanggigigil na sabi niya at gusto niya sana akong kurutin sa pisnge pero pinigilan niya ang sarili niya at nag-iwas nalang ng tingin at ayan nanaman ang malungkot niyang mata.
Lihim akong napangiti. "Kailan pa naging Krypton ang pangalan ko?" suplada kong sagot.
Napatingin siya sakin. "While looking at the table of elements. I saw KR on the table. It says Krypton ang mean nung KR sa Table of Elements. I was interested because when I'm bored I think of you..." napabulong siya sa huli at napakagat labi.
Ang cute ni Kram! Ang cute niya. Namumula kasi siya at ibig sabihin nun ay nahihiya siya. Ganito talaga si Kram minsan sa sobrang kahiyaan namumula talaga ang tenga niya.
Imbis na mahiya din ay kinurot ko ang pumupulang pisnge niya at tumawa. Nagulat siya sa ginawa ko at bumusangot. "Bakit ka tumatawa? I didn't know confessing is so hard." sabi niya at napakamot ng batok.
Tumawa ako, "Oh edi ikaw naman nahirapan! Pinahirapan mo pa 'ko sa Krypton na'yan!" sabi ko sabay suntok ng mahina sa balikat niya.
Kumunot ang noo niya ng tignan niya ako. "What do you mean?" tanong niya na bahagyang ngumiti.
Ngumiti ako ng malapad, "Nag-jo-joke lang naman ako na may iba akong crush, eh. Akala ko kasi iba 'yung crush m--" di ko napatapos ang sasabihin ko nang halikan niya ako sa pisnge.
Halos natulala ako sa ginawa niya habang hawak ang pisnge ko. Ngumisi siya ng malapad kaya nahawa ako. Halos dumugo na ang labi ko sa pagkakagat dahil sa sobrang kilig.
Hinawakan niya ang kamay ko. "Kyona Reccess Penesa can you be my girlfriend pagtungtong ng Grade 6? My classmate said that it's fine to have a girlfriend when you're in Grade 6." masayang tanong niya.
Tumawa ako at tumango sa kaniya. Sobrang saya ko. Magiging boyfriend ko na si Kram? At magiging girlfriend niya na'ko. Ang sabi ni Ate Mimi ang ginagawang boyfriend ay yung lalakeng gusto mong pakasalan.
Sabi nga nila, bata ka pa lang at wala kang kaalam alam sa mga pinag-gagawa mo at ang mga desisyon nililiha mo. What I didn't know is being his girlfriend at that age wasn't that easy. Having a relationship at such a young age is not right, because what do you know about love?
What do you know about being in a relationship? Wala. Kaya kapag nasa bingit na ng problema. Mabilis bitiwan. Mabilis talikuran. Mabilis itapon.
Pagtungtong namin nang Grade 6 ay naging kami nga ni Kram. Hindi uso ligaw dahil buong Grade 5 niya naman ako niligawan. Inilihim namin sa mga magulang namin at kahit na kay Ate Kiera at sa lahat ng nasa paligid namin. Kahit gusto ni Kram ay ayoko dahil pakiramdam ko pipigilan kami.
Natatandaan ko pa ang bilin ni Mama...
"Kyona, anak. Tandaan mo, bawal muna mag-boyfriend. Pag-aaral muna, ha?" sabi ni Mama bago ako umalis papuntang school.
Nakasanayan na'kong sunduin nila Kram at Ate Kiera sa bahay namin para ihatid kami sa school sa Lukefore Academy.
Hindi ko parin makalimutan ang bilin ni Mama. Ayokong malaman niya dahil ayokong mawala ang tiwala niya sakin pero mahal ko talaga si Kram. Marami naman akong nababasang mga pocket books at sobrang kilig na kilig ako at mula narin sa mga telenobela sa TV na napapanood ko; doon ko rin nalaman ang obligasyon ng isang girlfriend.
Habang iniwan kami ni Ate Kiera sa mall pagkatapos ng klase nandito kami nakaupo sa upuan sa gitna ng mall at kumakain ng ice cream.
"Okay ka lang ba. Kram?" tanong ko sa kaniya dahil nahalata 'kong tulala siya.
Umiling siya, "Wala naman..." sabay tingin sa sapatos niya.
Bahagya ko siyang hinampas, "Asus, sabihin mo na... nililihim pa, eh" pilit ko.
Bahagya siyang tumawa at napailing. Tumingin siya sakin at kinurot ang ilong ko kaya naman nahampas ko ulit siya sa sakit.
"Ano ba!" sabi ko sabay kurot din nang braso niya. Nakikipagharutan nanaman siya.
Tumawa kaming dalawa dahil nagkilitian lang kami na parang baliw. Nang punain kami ng matanda doon sa gilid namin ay tumahimik kami. Agaw eksena na daw kasi.
"Ano na kasi! Tinatago pa..." pamimilit ko.
Bumuntong hininga siya, "Kasi, Kryps..." pag-uumpisa niya at napakagat labi.
"Mom doesn't like me to be on relationship yet." malungkot na sabi niya at tumingin sakin. Bakas sa mga mata niya ang lungkot.
"But I don't want us to broke up, Kryps. I dont... want that to happen..." malumanay na sabi niya at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.
Pinaghalong saya at lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Malungkot ako dahil malungkot siya, at masaya ako dahil mahal niya talaga ako.
Hinigpitan ko din ang hawak sa kamay niya, "Ganun din si Mama, Kram. Ayaw niya pa kasi bata pa tayo..." sabi ko sa kaniya. "Pero ayoko din... ayoko dahil kahit mag-break tayo ngayon hindi parin magbabago ang nararamdaman ko. Ganun padin ako sayo at ganun ka padin sakin kaya wala namang magbabago. Kaya para saan pa ang break up?"
Ngumiti siya ng malapad. Bumitiw siya sa paghawak sa kamay ko at ginulo ang aking buhok. "Where did you get that line, Kryps? Hopeless romantic kana ngayon?"
Tumawa nalang kaming dalawa. Sobrang saya ko lang talaga. Sobrang saya kapag kasama mo si Kram, sobrang saya kapag mahal ka ng mahal mo. Ganito pala talaga ang feeling ano? Sana hindi na'to magbago.
Nag-break kami ni Kram no'ng akala ko pinatulan niya 'yung babae sa f*******: sa ibang bansa na kaklase niya noon sa school niya dati. Matagal din 'yun dahil nilihim ko kay Kram. Alam ko kasi ang f*******: password niya kaya malaya 'kong nabubuksan ang account nito. Hindi niya alam, pero nahalata niya dahil iniiwasan ko siya.
Nag-aaway din kami dahil sa pagseselos ko at minsan siya rin sa mga nakikipagkaibigang lalake sa'kin. Hindi na kami nagkabalikan dahil sa pagtatampo ko at dahil narin sa nalaman ng mga magulang namin na may relasyon kaming dalawa. Ang dahilan ay sinumbong kami ng Yaya ng kapatid na bababe ni Kram na maliit na si Kashmere.
Pinaglayo kami ni Kram pero ayos lang naman si Mama dahil mabait na tao naman si Kram at kilala niya naman ito pero wag daw muna. Kasi bata pa... at naiintindihan ko.
Pero ang magulang ni Kram? Ayaw nila sakin. Ayaw nila sa pamilya ko. Ayaw nila. Pero tiniis ko 'yun. Ang akala ko wala na talaga. Ang akala ko susukuan na ako ni Kram. Pero binalikan niya ako. Bago mag-first year HS, binalikan niya ako at naging kami ulit.
Pinaintindi niya sakin lahat.
Hinawakan ni Kram ang magkabilang kamay ko, "I won't leave you just because my parents told me so. Hindi nila hawak ang puso ko, Kryps. Mahal kita, wala silang pakialam. Sana, ganun ka din. Sana walang magbago." seryosong sabi niya sabay yakap sakin.
"Promise, Kram. I won't." sagot ko at gumanti ng yakap sa kaniya.
Noon, I find Kramiel as a transparent person. Minsan lang siya malabo. He was the best boyfriend you know. He won't just leave you. He won't just break a promise. He won't just break your heart for no reason.
Akala ko noon, kahit hindi kami marunong sa pakikipagrelasyon dahil bata pa kami ay malalampasan namin ito kung wala kaming ibang gagawin kung hindi ang mahalin at intindihina ng isa't-isa.
I thought it was perfect. Dahil bata palang kami, kaya na naming ipaglaban ang nararamdaman namin. Pero ang lahat nang 'yun, panandalian lang pala...
Panandaliang kasiyahan na sana noong mga bata pa kami sinulit ko na. Kasi ngayon, habang inaalala ang nakaraan hindi ko na magawang ngumiti dahil sobrang sakit parin na hindi ko na siya pagmamayari.