Sa buhay ng tao hindi kumpleto kung walang pagmamahal. Kasi bago tayo isinilang sa mundo, nabuo na tayo dahil sa pagmamahal.
May iba't-ibang pagmamahal: may galing sa Diyos, sa pamilya, sa magulang, sa kapatid, sa kaibigan, sa matalik na kaibigan at sa isang espesyal na tao.
Halos lahat nang pagmamahal ay naranasan ko na. Isa nalang ang hindi ko pa nararamdaman. Yun ay magmahal ng isang taong espesyal. Sabik akong maramdaman ito noong bata pa ako dahil sa kagustuhang maranasan ang lahat.
Bata pa lang ako nagmahal na ako ng isang lalakeng hindi ko inaasahang makikilala ko. Minsan naisip ko kung pagmamahal na ba 'yun o nabulag lang ako sa kagustuhang maranasan ito? Paano ba nagagawang ipaliwanag ng isang bata ang kaniyang nararamdaman?
Dahil ang tanging nasa isip ko lang noong nakilala ko siya ay hindi ang pagtibok ng puso ko kapag kasama ko siya. Kung hindi kakaibang saya na hindi maipaliwanag kapag kasama siya.
Ano nga ba ang alam ng isang bata sa wagas na pag-ibig? Ano ang laban ng isang bata sa mga may alam na pilit inilalayo ang kasiyahang maagang naranasan? Tama nga bang magmahal kung ika'y bata pa?
"Mama! Makikipaglaro lang po ako sa labas!" paalam ko kay Mama habang nagwawalis siya.
Tapos nakong magwalis sa kwarto namin at magtupi ng damit namin ayon sa utos ni Mama.
Ngumiti si Mama, "Oh sige basta hanggang doon lang kayo kayla Selda. Wag kang tatawid ah?" habilin ni Mama.
Ngumiti ako, "Opo, Ma. Bye!" paalam ko at tumakbo na paalis ng bahay.
Pagkalabas ko ay sinalubong kaagad ako ng mga kalaro ko. May mga hawak silang manika at mga gamit pang bahay-bahayan.
"Tara doon tayo sa park maglaro!" aya ng kaibigan ko.
"Tara!" sabi namin sabay takbo papunta doon.
Malapit lang naman ang maliit na parke sa bahay namin kaso nga lang lagpas na kay Manang Selda. Alam kong bawal lumagpas pero minsan lang naman.
Naglaro kami ng bahay-bahayan doon sa parke. Meron kasing parang bahay doon pero may slide.
"Kyona, asan na ang manika mo?" tanong ni Sarah.
Umiling ako, "Wala naman akong manika eh." malungkot na sagot ko.
Hindi ako nagpapabili ng manika kay Mama dahil alam kong mahihirapan siya. Tsyaka hindi ko naman kailangan 'yun dahil ang gusto ko lutu-lutuan at bahay bahayan lang.
"Eh pahiram mo nalang sa kaniya si Betina, Sarah. Marami ka namang manika eh." sabi ni Lea sabay turo sa isang manika na dala ni Sarah.
Kumunot ang noo ni Sarah, "Ayoko nga!" tanggi niya.
"Dapat hindi ka nalang sumama samin, Kyona. Wala karin lang naman palang manika." iritadong sabi ni KC.
Parang may kung anong sakit ang bumalot sa puso ko. Hindi ko alam pero naiiyak na ako. Minsan na nga lang ako payagang makipaglaro itataboy pa nila ako.
"Umuwi kana nalang, Kyona. Kami nalang ang maglalaro." taboy sakin ni Sarah.
"Sorry, Kyona ah? Isa lang kasi manika ko." malungkot na sabi ni Lea.
Ngumuso ako at tinalikuran silang nagbabadya ang luha. Gusto ko lang namang maglaro ng bahay-bahayan? Sa bahay meron akong ginawang doll house na gawa sa box. Nagustuhan nila 'yun kaya pinahiram ko sa kanilang mag-pinsan pero hindi na nila 'yun naibalik kasi nasira na daw.
Bakit ganon? Hindi naman ako nagdamot, pero pinagdadamutan ako.
Umupo muna ako sa gilid nang kalsada at bumuntong hininga. Kinusot kusot ko ang mata ko dahil kumati. Bigla akong nagulat ng may bolang tumama sa ulo ko.
Nasapo ko ang ulo ko sa sakit. Nakita kong may tumakbong batang lalake sa direksyon ko. Kinuha niya lang ang bola at umalis nang hindi man lang ako tinignan.
"Hoy!" sigaw ko sabay takbo palapit sa kaniya.
Tumigil siya at nilingon ako. Bahagya pang nanlaki ang mata niya.
"B-bakit?" gulat na tanong nito.
"Hindi kaman lang ba mag-sosorry? Inaway na nga ako ng mga kalaro ko na hindi kailan man nag-sosorry kahit ang dami na nilang atraso sakin, dadagdag ka pa?!" galit na sabi ko sa kaniya.
Kumunot ang noo niya, "Bakit naman ako mag-so-sorry? Wala naman akong atraso sayo, ah?"
Humalukipkip ako, "Anong wala!? Tinamaan ako niyang bola mo, oh!" sabi ko sabay turo sa hawak niyang bola.
"Wala naman akong tinamaan ah!" depensa niya.
"Bulag kaba? Hindi mo ba ko nakitang nakaupo doon?" galit kong sabi.
Bakas sa mukha niya na galit na siya. "Hindi kita inano! Wala akong atraso sayo! At higit sa lahat, hindi ako bulag." sigaw niya at halos itulak pa ko.
"Anong nangyayari dito?" biglang may babaeng dumating.
"Ate Kiera, pinagbibintangan niya akong may atraso sa kaniya." sumbong niya sa babae.
Ngumuso ako. Sumbungero. Bakla.
"Tinamaan kaya ako ng bola mo." iritadong sagot ko.
Hindi naman talaga nang-aaway. Kung nang-aaway ako edi sana inaway ko na sila Sarah kanina.
"You really must have been hit her accidentally, Kram. She's so little that must be the reason why you didn't saw her." sabi nung babae at nilapitan ako at hinawakan ako sa braso ng nakangiti.
Bahagya siyang umupo para pumantay sakin, "What's your name?" nakangiting tanong niya.
"Kyona Reccess Penesa po." sagot ko.
Sabi ni Mama, full name daw dapat ang isasagot ko kung itatanong ang pangalan ko.
Kinurot niya ang pisnge ko. "Ang cute mo naman? Ako nga pala si Ate Kiera at siya naman si Kram." sabi niya sabay turo kay Kram na ngayon ay hindi na nakasimangot.
"Now say sorry to Kyona, Kram." malambing na sabi ni Ate Kiera kay Kram.
Tinignan ko si Kram. "Sorry, Kyona." seryosong sabi niya at alam kong totoo yun.
Ngumiti ako ng malapad. "Okay lang! Bati na tayo!" masiglang sagot ko.
"Taga saan ka, Kyona?" tanong ni Ate Kier.
"Taga CEBU po!" sagot ko.
Natawa sila ni Kram, "Pareho pala tayo, eh!" sabi ni Kram.
Tumango-tango ako. "Ayos! Pwede tayong maglaro nang sabay!" sabi ko sabay approve sign sa kaniya.
Tumawa ulit si Ate Kiera, "Alam mo ba kung paano umuwi?" tanong ni Ate Kier. "Ilang taon kana ba?" dugtong niya.
"Opo, marunong po ako. 8 years old na po ako." masayang sagot ko sabay tingin kay Kram.
"8 years old din ako! Tara layo tayo ng bola ko, Kyona." aya sakin ni Kram sabay hagis ng bola sakin.
Agad ko naman itong nasalo. Ngumiti ako at hinagis ulit pabalik sa kaniya para makipaglaro.
Pagkatapos naming maglaro ng bola, naghabulan kami at nagbato-bato-pik. Marami kaming nalaro at ibang-iba sa mga nilalaro namin nila Lea. Ngunit mas masaya dahil walang arte si Kram. Kahit gumulong pa kami sa lupa sa habulan, ayos lang sa kaniya.
Nang mapagod kami ay nagyaya si Ate Kiera na mag-meryenda muna. Nagpunta kami sa MCDO para mag-meryenda. Habang nasa counter si Ate Kiera ay nag-usap muna kami ni Kram.
"Kanina sabi mo may kalaro ka pero may atraso sila sayo tapos di nagsosorry?" tanong niya.
"Ah 'yun? Mga kalaro ko na tinaboy ako dahil wala akong manika." malungkot kong sagot at napanguso.
"Manika? Kailangan pa ba talaga no'n bago sumali ng laro?"
"Ewan ko sa kanila. Gusto ko lang naman makipaglaro ng bahay bahayan eh."
"Wala ka bang manika?"
Umiling ako. "Wala eh... di naman kailangan." malungkot na sagot ko. "Tsyaka, ayokong magpabili kasi hindi kaya ni Mama."
"Gusto mo ba ng manika?"
Ngumuso ako, "Gusto po, meron naman akong paper doll." nakangiting sagot ko.
"Paper doll?" tanong niya.
"Yup! Yun yung nabibili ko sa canteen na laruan. Tig-six pesos lang. Tapos may dala pang damit." sagot ko at tumawa.
Tumawa siya, "Hindi ko alam 'yan. Ate Kiera has lots of dolls in our house. Barbie, Polly pocket and even Bratz."
"Diba, Ate Kiera?" tanong ni Kram kay Ate Kiera pagkalapag niya ng isang tray sa lamesa.
Magkatabi kami ni Kram ngayon. At kaharap namin si Ate Kiera.
"Ang ano?" tanong ni Ate Kiera.
"That you have so many dolls in our house. Kyona doesn't have one so please give her some."
"Oh sure!" sagot ni Ate Kiera at nilapag ang mga pagkain sa harap namin.
Lumapad ang ngiti ko. "Talaga!? Wow!" sabi ko sabay tingin kay Kram pagkatapos kay Ate Kiera.
"Thank you po!"
Pagkatapos naming kumain ay hinatid na nila ako sa amin gamit ang sasakyan nila. Sinabi ko sa kanila kung saan kaya nahatid narin nila ako.
Sinamahan nila ako sa bahay namin. Pagkapasok ko ay halos nagulat si Mama.
"Jusko po! Kanina pa kita hinahanap na bata ka!" nag-aalalang tanong ni Mama sabay yakap sakin.
"Mama, kasama ko po sila. Mga bago kong kaibigan." sabi ko sabay turo kayla Ate Kiera at Kram sa likod ko.
Tinignan ni Mama ang mga kasama ko. "Hi po! Ako po pala si Kiera Andremayo at ang kapatid kong si Kram." sabi ni Ate kay Mama.
Ngumiti si Mama, "Hello. Ako ang Mama ni Kyona." sabi naman ni Mama.
Kwinento ni Ate Kiera kung saan kami nagkita. Kaya naman pinagalitan ako ni Mama dahil lagpas na daw yun kayla Manang Selda, pero dahil nandyan sila Ate Kierra ay mild lang ang galit.
Nang papaalis na sila Kram ay hinatid ko sila sa labas.
"Ate can we go back here tomorrow?" tanong ni Kram kay Ate Kiera.
"Of course nang maibigay ko narin kay Kyona ang manika niya." nakangiting sabi ni Ate Kiera sakin.
Ngumiti ako. Bumaling sakin si Kram. "Rinig mo 'yun, Kyona? Babalik kami dito bukas. Hintayin mo ako, ah?" sabi niya at nag-approve sign.
Tumango ako at nag-approve sign din sa kaniya.
"Byeee!" paalam ni Kram. Kumaway din ako sa kaniya. "Byeeee, Kram!"
Pero nagulat ako ng bumalik si Kram at tumigil sa harap ko. Nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa pisnge.
"Bye!" sabi niya ulit at kumaway.
And that day was the day I met my first love. I didn't know until I reach High School. Ano nga ba ang alam nang bata? Ang tanging alam ko lang ay pakikipaglaro. Ang tanging alam ko lang masaya akong kalaro ang batang si Kramiel.
Who would have thought that he would be the person who will hurt me the most? Who would have thought that he will be the person who will crash me the most?
Bumalik nga si Kram kinabukasan. Dala-dala niya ang isang karton na mga manika. Nakipaglaro siya sakin gamit ang mga laruan niyang robots. Masaya kaming naglaro ng bahay-bahayan bagay na alam niyang gustong-gusto kong laruin.
Hanggang sa araw-araw. Buong summer kaming naglalaro. Ginawan pa kami ni Mama nang bahay bahayan namin. Nagdrawing kami at siya naman tinuturuan ako ng mga colors at mga math problems.
Marami ng nakakakilala kay Kram sa baranggay namin. Marami kaming naging kalaro, hindi man bata pero masasaya silang kasama. Sila Kuya Ronald at Ate Mimi. Marami kaming napuntahan ni Kram nang dahil sa kanila. Nagsasayawan sa zumba ng mga bading kasama ang mga bata sa lansangan.
Kahit bulag si Kuya Ronald, ang sweet sweet nila ni Ate Mimi. Kaya kung anong ginagawa ni Ate Mimi, ginagaya ni Kram sakin.
"I love you, Kyona..." nakangiting sabi ni Kram sakin at pinunasan ang pawis ko.
Ito ang ginawa ni Ate Mimi kay Kuya Ronald pero hindi ko narinig na nag-i love you ito sa isa't-isa.
Ngumiti ako ng malapad, "I love you rin, Kram." sagot ko at sinubuan siya ng stick o.
Masaya kami ni Kram lagi pero halos mawasak ang puso ko ng malamang pupunta na siya ng ibang bansa para mag-aral. Masakit pero kailangan kong tanggapin na si Kram ay aalis na. Wala na akong magiging kalaro.
"Before I leave, I want to marry you." sabi ni Kram sabay hawak ng dalawa kong kamay.
Umiyak ako at gano'n din siya. "I want to marry you rin, Kram." sabi ko sabay yakap sa kaniya.
"But I dont know how to get married yet..." naiiyak na sabi ni Kram at hinigpitan ang pagkakayakap sakin.
"Me too.." sagot ko habang umiiyak parin.
Kumalas siya sa pagkakayakap sakin, "Promise me when we know how to get married we will marry soon, okay?" tanong ni Kram at inangat ang kamay para ipakita ang kaniyang pinky finger.
Tumango ako at pinagsiklop ang aming pinky finger, simbolo ng pangako.
"Promise!"
If only I can turn back time when we are still little and innocent. No conflict and the only problem we had is how to get married. We don't know anything but to love each other.
But, it was only a childish puppy love that soon faded.