"Kyo, hanggang kailan ka pa ba aasa? As your bestfriend, sobrang nag-aalala ako sayo." nag-aalalang sinabi ni Dreena, best friend ko.
Pumunta muna kami sa isang coffee shop pagkatapos ng klase. Ito kasing si Dreena mahilig talaga sa bubble tea at nahawa nalang din ako. Nakakasama rin namin minsan si Kirt dito dahil pareho silang mahilig sa bubble tea.
Dito narin madalas nag-aaral si Dreena kasi daw maganda 'yung ambience; relaxing at nakakagana mag-aral pero para sa akin parang nakakaantok lang tsyaka magastos. Hindi naman kasi ako kasing yaman nila para maglustay ng pera sa kung anu-ano lang.
Tsyaka isa pa, hindi naman ako studious.
"Dre, sinasabi ko naman sayo na may pag-asa pa. Binisita pa nga niya ako sa hospital na inaakalang malala na'yung kalagayan ko, diba?" natatawa kong sagot, positibo talaga ako na mahal parin ako ni Kram.
Kapag naaalala ko 'yung araw na'yun, parang gusto ko nalang magkaroon ng totoong sakit. Yung malubha. Kasi doon ko nalang talaga na realize na nag-aalala padin pala sakin si Kram. Ilang taon na ang lumipas pero ganito parin ako kabaliw sa kaniya. Nagbabakasakaling mabalik namin 'yung dating kami dahil nararamdaman ko parin na may pag-asa.
Bumuntong hininga ako at nangalumbaba sa lamesa. Miss na miss ko na talaga ang krypton ko. Namimiss ko na ang pangungulit niya, sobra. Krypton ang tawagan naming dalawa noong mga bata palang kami.
KR sa table of elements. Syempre, si Kram na'yun e. Matalino 'yun.
Bumuntong hininga rin si Dreena at malungkot akong tinignan, "I'm just concern about you, Kyo. Ayokong nahihirapan ka. Ayokong nakikita kang umaasa sa wala. Yes, maybe he still cares about you pero yung nararamdaman niya dati para sayo? Baka hindi na pareho sa nararamdaman niya ngayon para sayo..."
"...at higit sa lahat, ilang taon nadin ang nakakalipas. Don't you think he finally moved on? Don't you think may mahal na siyang iba?" dugtong pa niya.
Natigilan ako habang nararamdaman ang namuong kirot sa puso ko. Hindi totoo ang sinasabi ni Dreena. Mahal ako ni Kram. May ipanangako siya sakin, pero minsan naisip ko rin ang bagay na'yun. 'Yun nga lang ay hindi ko hinahayaang mamayani sakin ang isip na'yun.
Kilala ko si Kram. His action and words might be indifferent, but his eyes say the other wise. Nandoon parin ang mga tingin niyang nagpapatibok saking puso.
Umiling ako, "Dre, alam ko na meron pa... nararamdaman ko dito, eh." sabi ko sabay turo sa dibdib ko.
Humigop siya ng bubble tea niya at bumaling sakin. "How come that happens? It's not like he shows you every day that you're still the one. Alam mo, sinasaktan mo lang 'yung puso mo. Umaasa ka sa wala." giit niya.
Bumuntong hininga ako. Pakiramdam ko nangingilid na ang luha ko kaya tumingala ako para pigilan ito. Ang sakit talaga magsalita ng babaeng 'to. Ang sakit dahil alam kong tama siya. Umaasa ako sa wala, pero hindi naman siguro ako aasa kung walang dahilan diba?
"Hayy, Kyona..." bulalas niya at tumayo para yakapin ako.
Pinagdikit niya ang aming pisnge. "Gusto ko lang kasing tigilan mo na si Kram. He doesn't deserve you. Dapat sayo, minamahal. Dapat sayo hindi nagpapakatanga sa lalake."
Niyakap ko siya pabalik at suminghot. Pakiramdam ko mas lalo akong naiiyak sa yakap ni Dreena, eh. Napaka-swerte ko dahil may best friend akong inaalala ako, kahit sobrang tigas ng ulo ko.
"Mahal na mahal ko talaga siya, Dre. Hindi ko alam kung paano siya kalimutan. Dapat nga matagal nakong naka-move on kasi ang tagal tagal na. Pero bakit ganito? Siya lang talaga..." sabay iyak ko.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa loob ng coffee shop kaya hininaan ko nalang ang paghikbi. Ayoko namang maging usap-usapan. Minsan na kaming pinagkamalang lesbian couple nitong si Dreena, eh.
"You just need to think that, Kram isn't in love with you anymore..." malumanay niyang sinabi. "Because if you always think the otherwise, hindi ka makakaahon."
Paano ko gagawin 'yun? Hindi man palagi pero nararamdaman ko na mahal niya parin ako at mas napatunayan ko 'yun ng malaman kung sumugod siya sa ospital ng malaman niyang may sakit ako dahil sa oras na'yun iba ang naramdaman ko.
Naghiwalay na kami ng landas ni Dreena pagkatapos naming mag-drama sa coffee shop na para kaming couples na muntik nang maghiwalay. Nakakainis, ako pa ata 'yung iniisip nilang tibo kasi sobrang ganda ni Dreena.
Sa huli, aasa parin ako kahit anong gawin kong wag umasa. Hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko. Kapag iniisip kong mag-move on iniisip ko kaagad na pano kung malapit na....malapit ng dumating 'yung araw na babalik na ulit sakin si Kram at tutuparin niya 'yung sinabi niya nung mga bata pa kami?
Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada ay biglang bumuhos ang ulan kaya naman tumakbo ako malapit sa isang convenience store. Sumilong muna ako sa labas para magpalipas ng ulan kasama ng mga iilang taong wala ring payong.
Badtrip. Ngayon pa talaga umulan kung saan pauwi na ako?
Bigla akong nakaramdam ng pagreklamo sa friendship 'kong si tummybaby. Hay, tumz! Ginugutom ka nanaman ba? Pasensya na ha? Kailangan kasi nating magtipid para sa ingredients na bibilhin ko para makapag-bake ng cookies para kay Kram.
Paborito ng krypton ko ang cookies na iluluto ko. Naalala ko no'n, halos tumirik pa ang mata niya sa sobrang sarap. Para tuloy akong tangang ngingiti. Nahuli ko ngang nakatingin 'yung pulubi na kanina pa kinakausap 'yung sarili sakin habang nakakunot ang noo.
"Baliw." anito at pinagtawanan ako.
Napaismid ako. Ako pa talaga? Napailing nalang ako.
Napatingin ako sa aking likod kaya nakita ko 'yung mga taong kumakain ng noodles sa loob. Napakagat labi ako dahil mas intense ang reklamo ngayon ni tummybaby! Paano nato? Mukhang mamaya pa titila yung ulan? Gutom na gutom na talaga ako.
Hindi ko namalayan na nakatitig na ako masyado sa kumakain ng noodles. Nang makita ako no'ng kumakain ay ngumiti siya. Nag-iwas ako ng tingin dahil nakakahiya at nagpunas ng bibig baka may laway.
Ngunit nang sumilip ulit ako ay nakilala ko siya. Team mate ni Kram sa basketball. Hindi ko sila kilala sa pangalan, pero minsan ko narin silang nakahalubilo noon kapag nanonood ako ng practice at actual game nila Kram.
Nagulat ako ng kinawayan niya ako at inayang pumasok. Dahil makapal ang mukha ko kapag gutom, ngumiti ako at tumango. Malay ko kung kakausapin niya lang ako tungkol kay Kram or much better baka ilibre niya ko.
Pagkapasok ko ay nakita ko kaagad siya at laking gulat ko nang kasama niya ang iba niyang team mates sa basketball, kasama si Kram na parehong may kinakaing noodles sa kabilang lamesa kaya hindi ko nakita sa labas.
Lahat sila ay napatingin sakin. Medyo basa ako kaya bigla akong gininaw. Napatanong tuloy ako kung bakit ako pumasok, eh, hindi naman kami close? Agad akong binalutan ng hiya.
"Dito ka muna, mukhang mamaya pa titila ang ulan." sabi nung nag-aya saking pumasok.
Kinantyawan naman siya ng iba niyang kasama. Napatingin ako kay Kram na patuloy parin sa paghigop ng noodles niya, walang pakialam sa nangyayari.
"Back off, Gian. Si Captain ang crush niyan. Wala kang pag-asa." asar sa kaniya ng isa niyang kasama.
Binigyan nila akong ng upuan, sa tabi nong Gian. Nahihiya pa ako dahil medyo basa ako, pero sa huli umupo narin ako. Iisipin ko pa ba 'yung hiya ko, eh, nakakapagod tumayo?
Natawa si Gian, "Alam ko. Masama bang maging friendly?" patanong na sabi nito sa mga kasama niyang inulan siya ng asar.
Tipid akong ngumiti at sumulyap ulit kay Kram na ngayon ay nakatingin na sa akin na ikinagulat ko. Agad naman siyang umiwas nang tingin at bumaling sa noodles niyang tila sarap na sarap sa paghigop.
"Gusto mong noodles? Libre na kita." nakangiting sabi ni Gian sakin kaya naman napatingin ako sa kaniya.
Nahihiya akong ngumiti, "Nakakahiya naman. Di naman tayo friends, eh." natatawa kong sagot.
Tumawa siya, "Gian Tolentino, pwede ba kitang maging kaibigan?"
Ngumiti ako ng nakakaloko. "Pwede sa isang kondisyon..."
Bahagyang kumunot ang noo niya, "Ano naman?"
"Libre mo ko noodles." sagot ko at ngumuso.
Oo, alam ko. Makapal talaga mukha ko.
Tumawa silang lahat kaya nakitawa narin ako. "Yun naman talaga gagawin ko. Ang cute mo!" sabi ni Gian sabay kurot ng pisnge ko.
"Hokage!" kantyaw ng isang kasama nila.
Mga lima ata silang member ng basketball team ng school.
Umalis si Gian para bilhan ako ng noodles. Habang wala ito ay nagpakilala ang iba pa niyang kasama sakin. Yung isang mahaba ang buhok na nakatali ay si Juno. Yung medyo pandak naman na maputi ay si Cedie pagkatapos yung isa naman ay si Lex yung moreno. Lahat sila nakakatuwang kasama. Maingay sila habang kumakain kami. Sumasali din si Kram sa mga biruan nila, pero hindi siya tumitingin sakin.
Feeling ko tuloy ang swerte ko dahil kasama ko ngayon si Kram. Nakikita ko 'yung ugali ulit niya noon. Makulit at masiyahin. Mapang-asar siya kaya minsan napipikon ako, pero siya rin ang laging nagpapatalo para sakin.
Bumalik si Gian at tumabi ulit sakin. Sinulyapan ko ulit si Kram at nahuling nakatingin ulit. Halos mabaliw ang puso ko at sabay kaming nag-iwas ng tingin. Ito 'yung sinasabi kong hindi maintindihan ni Dreena. May nararamdaman akong hindi niya nakikita sa pagitan namin ni Kram.
Tapos na kaming kumain, hindi parin tumitila ang ulan. Ngunit napagdesisyunan na nilang umuwi dahil ala siete na ng gabi at mayro'n naman silang mga kotsye. Nakakatuwa dahil kahit may kaya sila sa buhay ay pinili pa nilang kumain ng instant noodles kaysa sa mamahaling ramen shop.
"Kyona saan ka umuuwi? Anong sasakyan mo?" tanong ni Gian.
"Ah, jeep lang ako. Medyo malayo layo lang dito."
Napayakap ako sa sarili ko dahil sobrang giniginaw na talaga ako. Bigla akong napabahing kaya napatingin sila sakin. Actually, si Kram at si Gian lang.
Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ng palda ko pero basa ito. "Aish." bulalas ko at binalik ang panyo sa bulsa.
Nakita kong kinapa ni Gian ang bulsa niya at malungkot na ngumiti. "Wala akong panyo..." dismayadong sabi niya.
Natawa ako pero napabahing ulit ako kaya tinakpan ko nalang ng dalawa kong palad ang ilong ko. Nahihiya akong tumingin kay Gian.
"Oh." rinig kong sabi ni Kram.
Inabot niya sakin 'yung panyo kaya napatingin ako roon. Ang giniginaw kong katawan ay biglang nag-init dahil sa puso kong naghuhumerentado nanaman.
"Kahit wag mo na ibalik." walang gana niyang dugtong at malayo ang tingin.
Nakangiti 'kong tinanggap ang panyo niya. "Thank yo--achoo!"
Napabahing ulit ako pero this time gamit ko na ang panyo ni Kram. Nanatili itong nasa ilong ko dahil inamoy ko ang panyo niya. Sobrang bango talaga. Hindi ko na talaga 'to ibabalik!
"Sabay kana samin pauwi, Kyo. Malakas pa naman yung ulan, mahirap makasakay" suhestiyon ni Gian.
"Onga, Kyo. Sabay kana kayla Kram. Dadaan naman yun sa daanan ng lugar niyo." sabi ni Juno dahil napag-usapan namin kung saan ako tumitira habang kumakain.
"Wrong timing naman. Di ko dala yung kotsye ko." bulong ni Gian.
"Mabuti ng di mo dinala baka mamaya masiraan kapa sa daan. Diba't luma nayun?" biglang sabi ni Kram habang nakahalukipkip.
Ngumuso si Gian, "Grabe ka naman, Captain. Mag-iisang taon palang 'yun."
Mayabang na ngumisi si Kram, "Ah ganun ba? Siguro di ka lang marunong magbilang." anito. "Tara na, baka mas lumakas pa 'yung ulan." dugtong ni Kram at tumakbo papunta sa kotsye niya.
"Problema nun? Bigla nalang nagyabang." bulong ni Gian kay Lex.
Tumawa si Lex at napatingin sakin, "Siguro, pakiramdam niya inagawan mo siya ng chics."
Tumawa sila Juno at tumakbo narin papunta sa ibang kotsye matapos magpaalam sakin. Siguro ay may sarili rin siyang kotsye.
"Kyona kay Captain kana lang sumabay. Kayo ni Cedie. Kayla Lex kasi ako sasabay, eh. Pasensya na ha?" sabi ni Gian.
Tumango ako at ngumiti sa kaniya, "Thank you, Gian ah. Makakabawi din ako sayo."
"Bawi? Sige, bukas."
Ngumuso ako, "Wag muna ngayon. May pinag-iipunan kasi ako, eh."
"Ano nama--" di na napatuloy ni Gian ang sasabihin niya ng may bumusina ng malakas sa harap namin.
Nagulat kaming dalawa nang makitang nasa harap na pala namin ang kotyse ni Kram.
"Sige na, kita nalang tayo bukas." sabi ni Gian at muling kinurot ang pisnge ko. Kumaway siya at tumakbo na siya papunta sa kotsye ni Lex habang nakatakip ang kamay sa ulo.
Tumakbo narin ako papunta sa sasakyan ni Kram, sinagad niya sa gutter kaya hindi ako naulanan masyado. Nakaramdam ako ng excitement at kaba dahil ito ang first time kong makasakay sa kotsye ni Kram at ihahatid niya pa ako.
Ano kaya ang sasabihin ni Mama kung malaman nilang hinatid ako ni Kram?
Bubuksan ko na sana yung pintuan ng ibaba ni Cedie ang bintana ng pintuan sa likod ng driver seat. "Doon kana sa front seat, Kyona." sabi niya.
Bumilis ang t***k ng puso ko. Mukhang ang swerte swerte ko talaga ngayong gabi kahit na umuulan ng malakas.
Sumakay nako sa front seat. Nakayakap ako sa sarili ko dahil naramdaman ko kaagad ang lamig ng aircon sa loob. Biglang hininaan ni Kram ang aircon niya kaya nagreklamo si Cedie sa likod.
"Shut up, Ced." kastigo ni Kram sa kaibigan.
"Tss... Diyan ka muna, Kyona. Matutulog kasi ako dito sa likod at ayaw ni Captain na ginagawa siyang driver." sabi ni Cedie at nakita kong pumwesto na siya nang higa sa likod.
"Ah... gan'on ba?" sabi ko at tumingin kay Kram. May nalaman nanaman akong bago.
Seryoso niyang pinaandar ang sasakyan. Habang ako naman ay nakatitig lang sa kaniya. Hindi ko talaga maiwasang mapatitig, sobrang gwapo lang talaga kasi ni Kram. Ang krypton ko.
"Ah, Kram..."
Gusto kong pag-usapan yung pagpunta niya sa ospital. Ikwinento kasi sakin ni Kirt na bigla siyang umatras sa field trip ng sabihin nitong naospital ako. Kasi, halatang nag-aalala siya pero hindi niya inamin.
Tumingin siya sakin na parang hinihintay ang idudugtong ko. Pinagsiklop ko ang dalawa kong kamay at napakagat labi.
"Paano mo nalaman na nandoon ako sa hospital noong araw na'yun?"
Alam ko ang sagot, pero gusto ko lang ulit malaman mula sa kaniya. Nagkaroon ako ng ulcer noong araw nung field trip. Sobrang nakakalungkot lang kasi na hindi ako qualified sumama Masaya sana 'yun. Kaya di ako nakain ng ilang araw kakaisip.
"Tsss, nakita ko Mama mong pumasok doon sa loob ng kwarto mo. Yung pinsan ko, na hindi mo kilala, nagkasakit kaya pinuntahan ko." supladong sagot niya.
Napaawang ang bibig ko. Ang talino talaga ni Kram. Dami niyang palusot na alam. Napangiti ako. "Talaga? Mahal na mahal mo siguro yung pinsan na pinuntahan mo doon sa hospital ano? Nagawa mo pa talaga bumack out sa field trip." natatawang sagot ko at tumingin sa kaniya.
Saktong traffic kaya huminto ang sasakyan. Tumingin siya sakin ng seryoso.
Umangat ang labi niya. "Mahal na mahal ko nga. Sobra..." makahulugang sagot niya na ikinatigil ko.
Ito nanaman ang puso kong naghuhumerentado. Bakit pakiramdam ko para sakin ang salitang 'yun? Isa ito sa mga dahilan kung bakit sobrang hirap siyang kalimutan. Ilang taon na ba ang nakakalipas, Kram? Bakit ganito parin ang epekto mo sakin? Ginawa ko na ata lahat ng magagawa ko para makalimutan ka pero ikaw parin...
Matipid akong ngumiti, "Swerte naman pala niya, 'no?" sabi ko at hinimas ang mga balikat ko.
Hanggang ngayon alam kong giniginaw ako pero dahil sa init ng presensya ni Kram ay nakakalimutan ko na ang lamig.
Biglang kinuha ni Kram ang jacket niya sa tapat ko. Binigay niya ito sakin. "Use it for the mean time. Mahaba pa ang byahe. Doon padin ba ang bahay niyo?"
Ngumiti ako at tumango. "Oo, doon parin." sagot ko.
Doon parin kung saan tayo naglalaro. Doon parin kung saan murin ako iniwan.
Tipid siyang tumango. Sinuot ko ang jacket niya at inamoy ito. Gusto kong umiyak at magsaya. Parang baliw lang, oo. Sobrang saya nang pakiramdam ko na parang ayoko nang umalis sa tabi niya. Gusto ko mag-usap lang kami kahit hindi na para sa amin kundi para sa ibang bagay na lagi naming napagkakasunduan.
Miss na miss ko na siya.
Himala nga at sinasagot niya ang mga tanong ko ngayon. Dati ay hindi niya ako pinapansin at sinusupladohan pa ng wagas. Ayokong umasa kanina pero pakiramdam ko ay ayaw niyang dinidiskartehan ako ni Gian. Pakiramdam ko gusto niya parin ako.
"Kram, naalala mo pa ba si Kuya Ronald?" tanong ko.
Bahagya siyang ngumiti, "Yung bulag? Oo naman." masiglang sagot niya.
Ngumiti ako ng malapad, "Alam mo bang nagkatuloyan na sila ni Ate Mimi? Mahal na mahal talaga siya ni Ate Mimi kahit bulag si Kuya Ronald." kwento ko sa kaniya.
"Talaga? Akala ko walang forever."
Biglang ako natawa."Pati ba naman ikaw di naniniwala?" tanong ko sa kaniya na nagpapawi ng ngiti niya.
Nagkibit balikat siya, "I just don't believe in forever. Don't get me wrong. I'm not bitter or what. I'm just stating a fact." mapaet niyang sagot at nagawa pang depensahan ang sarili.
Hindi daw siya bitter? So, wala lang ba talaga yung sa amin? Hindi ako naniniwala.
Tumango-tango ako. "Wala sigurong forever kasi di naman tayo forever mabubuhay sa mundo diba? Pero kahit walang forever, nag-eexist parin siya sa puso natin. Hangga't mahal mo ang isang tao at alam mong siya lang. Feeling mo forever na. Nakakalito pero para sakin merong forever. Forever ko na sigurong mamahalin ang taong 'yun...." sabi ko at tumignin sa kaniya.
Siya ang tinutukoy ko. Alam kong ramdam niya 'yun. Nagtama ang mata naming dalawa pero agad siyang nag-iwas ng tingin at nagtiim bagang.
Hindi niya nako pinansin buong byahe. Sinusupalpal niya akong manahimik nalang. Medyo nagbago 'yung atmosphere sa huling sinabi ko. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
Nagising nalang ako sa pagyugyog ni Kram sakin. "Gumising kana.." malumanay na sabi niya.
Nagising kaagad ako sa matigas na boses ni Kram. Tumingin ako sa labas at nakitang nasa harap na kami ng bahay namin. So, alam niya parin kung saan.
"S-salamat.."
Bumaba na ako sa kotsye at bumaling sa kaniya.
"Good night, Krypton. BYE!" nakangiting paalam ko kay Kram at tumakbo papasok ng gate ng bahay namin.
Hindi ko siya nilingon o ano. Dirediretsyo ako sa kwarto ko. Wala sila Mama sa salas kaya doon agad ako dumiretsyo sa kwarto ko. Ni-lock ko ang pintuan at sumalampak sa kama.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko ngayon. Gusto kong umasa. Gustong kong ipagsiksikan sa isip ko na mahal niya pa ako at may pag-asa pero ngayon ko lang narealize na....
Bakit di ko pa tinatanong si Kram kung bakit siya nakipaghiwalay? May alam ako pero bakit di niya ako binalikan? Oo bata pa kami kaya pinagpahiwalay kami, pero ngayon na parang pwede na? Wala namang perpektong tao. Hindi ko naman sinasabing wag niyang sundin ang magulang niya pero...
LOVE! Love can do anything even if it leads to disobeying your parents' command.
Pwedeng mag-risk ang isang tao para sa taong tunay niyang mahal. Naisip ko narin to. Naisip ko na mga bata pa kami para magkaroon ng forever.
Alam kong bata pa kami nang maramdaman namin na mahalaga kami sa isa't-isa. Kinukulit ko siya, oo. Umaakto ako na parang isang stranger na babae na nagkaka-crush kay Kram at hindi ex girlfriend niya.
Sino namang maniniwala? Halos ipagtabuyan niya ako. Kaya nga ako gulat na gulat ngayon dahil maayos ang pakikipagtungo niya sakin. Nakakausap ko siya ng maayos hindi tulad sa labas ng sasakyan niya. Para kaming isang estranghero sa isa't-isa.
Inaamin kong mapagpanggap akong babae. Nagpapanggap na malakas. Gusto ko lang naman siyang guluhin para hindi niya makalimutan na may Kyona pa dito. Yung ex mo...
Ano kaya ang magiging sagot niya? Nakakatakot malalaman ang sagot. Baka ito na ang ikawasak ng puso ko. Dahil nakakatakot isiping wala na siyang nararamdaman at ang ibig sabihin ng mga tingin niya'y pag-alala lang sa nakaraan.
Kailan ko pa kaya malalaman ang sagot sa mga tanong na'yan?
Ngunit lingid saking kaalaman, mas gugustiuhin ko pang mabulag sa nararamdaman ko kaysa malaman ang katotohanan. Dahil mahirap tanggapin na kung sino pa 'yung mga taong pinagkakatiwalaan mo, sila pa ang tatraidor sayo.
My ex-boyfriend and my best friend are both in love with each other.