E L I N N E T H "Eli" Bumangon agad ako nung marinig ko boses ni Owen, lumapit agad ako sa kanya. Hindi ko mapigilang umiyak. "Get me out of here." "Sorry, for now wala akong magawa." Tiningnan ko siya habang teary eyes, hindi ko alam ilang araw na ako nakakulong sa kwarto. "Then save my family from your dad, Owen." Umiling si Owen. "Kung gagalaw ako ngayon, malamang pareho tayong kulong, kaya ngayon kailangan ko muna sumunod kay Dad para kahit papaano matutulungan pa rin kita dito." "Can I borrow your phone?" "Kinuha niya ang phone ko, Im sorry I need to go. Baka malaman ng mga bantay ni Dad na andito ako." Napatango ako, atleast alam kong kakampi ko si Owen. Mahirap na kung pati siya ay kaaway ko, baka hindi na ako makalabas ng buhay dito. Nagtataka ako bakit bigla nalang umib

