E L I N N E T H Hindi ko na alam kung may pag asa pa bang makalaya ako sa kamay ni Draco dahil mukhang si Owen wala ng balak sagipin ako dito. Habang nakatayo ako sa terrace ng kwarto ko narinig kong bumukas ang pinto, hindi ko na ito pinansin pa dahil alam kong pagkain lang ang dala nito. "Pagbigyan kita na lumaya muli dito sa kwarto mo.-" lumingon ako nung marinig ko yun. "Basta't siguradihin mo lang puputulin mo na ang ugnayan niyo ni Axel, kahit sino sa kanila. Dahil kung hindi, pamilya mo ang kapalit, alahanin mo may mga mata nakatingin sayo kahit saan ka man magpunta." Pagkasabi niya yun, lumabas na siya ng kwarto, sakto pag labas niya pumasok din sa kwarto ko si Owen. Lumapit agad siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Sinaktan ka ba niya?" Umiling ako. "Where have you been

