E L I N N E T H PAG GISING ko nakita ko si Axel nakaupo habang ang ulo niya nasa higaan ko, tulog ata siya. Hindi ko napigilan himasin ang ulo niya. Bakit ginagawa mo to sa akin, Axel? Lately, mukhang naguguluhan na ako. Inaalis ko yung kamay ko nung napansin ko gumalaw siya. "How are you?" Yan agad ang bungad niya sa akin. "Okay lang." "That's good to hear. Paano mo nagawan lahat ng ito? I mean, kahit na masaktan ka o mamatay okay lang?" Tumango ako. "Bakit pinasok mo ang mundong mafia?" "Dahil sa pagmamahal ko sa pamilya ko." "I don't get it." "Dahil sa pagiging mafia, guminhawa ang buhay ng pamilya ko." "My dad paying you?" Tumango ako. "At nung protektahan kita, bayad din yun. Lahat naman ng utos niya bayad parang trabaho na din namin to." "Madami pang ibang trabaho dya

