E L I N N E T H Habang hinahanda ko ang gamit ko para mag overnight sa bahay ni Axel, lumapit si Seth sa akin. Tinulungan niya ako sa pag ayos ng gamit ko. "Hindi ka sasama?" "Luna need me. Kagabi may napansin si boss na sumusunod sa kanya kaya kailangan kami ni Boss." "Sasama ako." "Hindi na kailangan, para mabantayan mo ang anak ko, parang may hinala ako na hindi lang ako sinundan kahapon. Mukhang gusto na nila akong patumbahin kasama ang anak ko kaya gusto protektahan mo ang anak ko, Shadow." Singit ni Boss sa usapan namin ni Seth, kakarating niya pang kasama si Luna. "Sige boss. Kung ano man tawagan niyo agad ako, Light." "Mag ingat ka din." Sabi ni Luna sa akin. "Kailangan na natin umalis, Seth." Pagkasabi nun umalis na sila at iniwan ako. Sakto nakatanggap na din ako ng text

