Elinneth
Mayaman pala talaga ang anak ni Boss, baka sa ina ang University na ito, impossible kay Boss dahil lahat ng business niya ay may konektado sa mafia.
Napatingin ako kay Seth ng umiling ito sa akin, kaya hindi ako nagpahalata na kilala ko si Axel umurong nalang ako ng upuan.
Kaya nahulog naging katabi ko sila.
Napakunot noo ako ng mapansin kong nakatingin ang mga babae sa akin, doon ko na pagtanto na ako lang pala ang babae na nakaupo sa likuran na kasama sila Axel.
I sigh. Pakiramdam ko may mali akong nagawa para tingnan nila ako ng masama, parang gusto ko na lang ibigay kay Luna ang mission na ito.
Pagpasok ng isang prof doon pa nila inalis ang mga tingin nila sa akin.
Nung tawagan ako ng prof, kinabahan ako dahil hindi ako sanay na mag pakilala sa harap ng mga ibang studyante. Elementary graduate lang ako kaya hindi ko alam kung ano mga ginagawa sa school, pero ito mag pakilala sa harap ng kaklase alam ko ito dahil ito lagi ni rereklamo ng kapatid ko na babae na si Trina.
Huminga muna ako ng malalim bago tumayo, napatingin ako kay Seth kaso seryoso lang ang mukha nito.
Pag tapak ko sa harap ng kaklase ko napalunok ako, ganito pala ang pakiramdam ng isang studyante, nakakakaba lalo na mga tingin ng mga babae parang gusto ako kainin ng buhay.
"Please introduce yourself." Sabi ng guro sa akin.
"Ehem." Bigla silang tumawa, napailing nalang ako; wala naman kase nakakatawa sa ginawa ko. "Ako pala si Elinneth Francisco," Pagpapakilala ko sa sarili ko.
"That's it?" Tanong ng guro sa akin, tumango ako kaya na puno muli ng tawa ang classroom. "Take your sit."
Kaya nagmadali ako ng lakad pabalik sa upuan ko.
"Stupid." Narinig kong sabi ni Axel nung dumaan ako sa harap nila.
I sigh. Kalma lang Eli, dahil kung hindi baka mapatay mo na pa ang anak ng amo mo.
Kaya umupo nalang ako at nakinig sa guro para sabihin mabait akong studyante, nakakahiya naman kase kung boba kana tapos may ugali pa.
Habang nakikinig ako sa guro namin doon ko narealize na maganda pala mag aral pero huli na ako para mag aral pa muli, okay na din yun atleast mapagtapos ko ang mga kapatid ko.
Paglingon ko sa pwesto nila Axel, naabutan ko nakatingin si Seth sa akin, kinindatan niya ako.
Kita mo itong loko na to, hindi man lang sinabi na kaibigan niya pala ang anak ng Boss namin. Mamaya makakatikim yan sa akin ng suntok.
Pagkatapos ng klase namin, kinuha ko ang schedule ko para makita kung anong oras pa bago next subject namin.
Isang oras pa, saan kaya magandang tumambay? Hindi ko naman malapitan si Seth baka mahalataan kame.
Tumayo na ako ng makaramdam ako ng gutom, tumawa ang mga babae ng dumaan ako sa mga upuan nila.
Napailing nalang ako, naalala ko tuloy ang mga kapatid ko, sana hindi sila ginaganito ng mga kapwa studyante.
Pagdating ko sa Cafeteria hindi ko inaasahan na madami palang studyante dito buti nalang malaki ang lugar kaya hindi nagsisiksikan mga studyante.
Paglapit ko kung saan ang mga pagkain, tinanong ko ang babae doon kung magkano ang ulam.
Nagulat ako ng mag si tawa ang mga babae sa likod ko kaya napalingon ako dito ng makita ko mga mukha nila, nakilala ko sila mga kaklase ko nakasunod pala sila sa akin.
"Poor you! This is a prominence University, hindi ka makakapasok dito kapag hindi ka mayaman kaya lahat ng nasa loob libre because your parents pays big for this University." Sabi ng isang mestisa na babae na feeling ko leader nila.
Teka ano daw sabi niya? Anong prominence? Ang naintindihan ko lang libre ang lahat ng nasa loob ng University eh.
"Maybe she's newbie, Stella. She don't get what you said, look at her." Sabi naman ng kasama niya.
Aaah si Stella pala ang name niya, okay noted.
Umiling si Stella. "Maybe your right, nag sayang lang ako ng laway dito. Let's go!" Sagot naman ni Stella. "Wait! Where is she?" Nakatingin lang ako sa kanila.
"I called her, sabi niya masama daw ang pakiramdam niya."
"That bicth!" Pagkasabi niya yun umalis na sila sa harap ko, napailing nalang ako.
Pagharap ko muli sa babae na tinanong ko kanina, tinuruan niya ako.
Kaya sinunod ko lahat ng utos niya, kinuha ko ang tray at pagkatapos ako na namili ng pagkain na ilalagay nila sa tray ko.
Pagkatapos naghanap ako ng mauupuan, nakita ko muli ang grupo nila Seth kasama nila sila Stella.
Hindi ikinwento ni Seth sa amin na may mga kaibigan pala ito dito sa school, wala naman pala kame pakialamanan hanggat hindi namin kusa ikwento.
Kumuha ako ng pwesto kung saan makikita ko lang si Axel para mabantayan ko siya, wala naman ata panganib sa school na ito, bakit pa kase pinaaral ako ni Boss pwede naman ako mag manman sa labas ng University.
Ang boring naman ng mission na ito.
Habang kumakain ako nagulat nalang ako na naliligo na ako sa juice kaya agad akong napatayo at hinarap ko ang gumawa sa akin nun.
Si Stella pala, nakita ko nasa likod si Seth at umiling ito sa akin napa-kuyom ako ng kamao ko dahil sa inis.
Akmang bubuhusan ako ni Stella ng pagkain ng pigilan siya ni Seth. "That's enough, Stella."
"What's wrong with you Seth? Bakit nangingialam ka ngayon sa ginagawa ko?"
"Hindi ako nangingialam, nakakahiya lang ang ginagawa mo nagmumukha kang bata." Pagkasabi ni Seth nun iniwan na niya kame.
Padabog na lumapit si Stella kay Axel. "Let's go, babe."
Napatingin ako kay Axel naabutan kong nakatingin siya sa akin, ini-snob niya agad ako.
I sigh.
Tangina! Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Si Luna talaga ang nag isip na mag nerdy look ako, pangalan ko naman mismo ang ginagamit ko haaays.
Umalis ako at dumiretso ako sa parking lot, pagsakay ko pinaandar ko agad ang kotse at umalis ako sa lugar na yun.
Pagkatapos ko umuwi sa apartment ko para magbihis dumiretso agad ako sa headquarters. "Oh napaaga ka?" Takang tanong ni Luna sa akin.
"Parang gusto ko na bumack-out." Inis kong sabi
Umupo na muna kame. "Bakit naman? Nakita mo ba si Seth doon?"
"Isa pa yun eh, kaibigan niya pala ang Axel na yun hindi man lang nagsabi."
"There's a lot Satillan in this world."
Napalingon kame sa nagsalita. "Seth." Sambit ni Luna. "Napaaga ka din ng uwi?"
"Nakita ko kase si Eli umuwi kaya umuwi na rin ako." Tiningnan niya ako. "Are you alright?"
"Hinde. Hindi ko kaya na inaapi ako lalo na alam kong kaya kong lumaban." Inis kong sagot, umupo siya sa tabi ko.
"Ano ba ang nangyari?" Takang tanong ni Luna.
"Someone's bullied her."
Tumawa si Luna. "Sana nag aral din ako dahil chance ko na yun awayin si Eli ng hindi lumalaban." Natatawang sabi ni Luna
"May galit ka ba sa akin?" Tumawa lang silang dalawa. "Teka bakit kilala mo yung Stella na yun?"
"Girlfriend siya ni Axel."
"No way. Eli taken na siya wala ka ng pag asa."
"Ano ba yang pinagsasabi mo, Luna? Wala akong balak magkagusto sa lalake."
"Sa babae lang?"
Hindi ko na lang sila pinansin, iniisip ko na naman ang magiging buhay ko bukas sa school. Kainis naman bakit kase may mga taong ganun?
Sabagay ako nga pumapatay ng tao, sila pa kaya bumubully lang.
"Teka, diba kaibigan mo si Axel? Ikaw nalang kaya ang mag bantay sa kanya?"
"No way."
I sigh.
Mukha wala akong choice, matawagan nga sila mama.
Tumayo ako at kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko sila mama.
Ilang ring lang ng sagutin ni Mama ang tawag ko. "Hello ma, kamusta dyan?"
"Okay lang nak, nagkalagnat si Trina kaya hindi siya nakapasok sa school."
"Hinihika na naman ba siya ma? Baka kailangan natin dalhin siya sa hospital."
"Pinapunta ko ang Doctor ni Trina kanina dito, okay naman daw yung heart niya kaya huwag daw mag alala dahil nilalagnat lang daw talaga siya".
Nakahinga ako ng malalim. "Salamat naman, ang mga boys Ma musta?"
"Nasa school pa, okay naman din sila. Tinatanong nila kung kailan ka makakauwi."
Lumongkot ako sa narinig ko kay Mama. "Baka hindi muna ako makauwi Ma ngayon."
Narinig ko yung pagbuntong hininga ni Mama. "Sige ma, kailangan ko ng ibaba ito."
"Sige nak. Mag ingat ka."
Huminga ako ng malalim nung binaba kona ang cellphone.
Kaya nagpursigi ako sa pag ma-mafia ko isa na doon ang rason dahil sakitin si Trina, may deperensya ang puso niya kaya sinubukan ko maghanap ng trabaho na madali lang ang pera dahil kailangan ko din ipaaral ang mga kapatid ko.
°
Maaga ako nagising dahil maaga ang subject class ko ngayon. Pagkatapos ko maligo at magbihis, dumiretso na ako agad sa dining hall.
Napalingon sila Seth at Luna sa akin, gulat ang mga mukha nila. "Oh bakit ganyan suot mo?" takang tanong ni Luna sa akin.
"You look gorgeous." Saad ni Seth.
Natawa ako, dahil ngayon lang ako magbibihis pang babae, hindi tulad nung nakaraang araw parati akong leather pants, white shirt and leather jacket, yan lang kase yung parati kong ginagamit. Pero ngayon, dahil sa mission ko kailangan ko magpakababae.
"Shut up, Seth!" Sigaw ni Luna kay Seth, tumayo si Luna at lumapit siya sa akin. "Ipapahamak mo ba ang sarili mo?"
Umiling ako. "I can handle this, ang hindi ko lang ma-handle, eh yung mabigat na eyeglass at yung bangs na nilagay mo sa akin."
Luna sigh. "Fine, just becareful."
Ngumiti ako. "I will."
"Maupo na nga kayo at kumain." Singit ni Seth, kaya sinunod na namin yung sinabi ni Seth.
"Oh my favorite trio." Napalingon kaming tatlo sa nagsalita, nung makita namin si Boss nakatayo entrance ng dining hall napatayo agad kami.
Sinignal niya kame na umupo lang, kaya napaupo kame ulit, lumapit siya sa amin.
"How's your day?" Tanong niya sa amin.
"May mga iba nagback-out nung sinabi ko yung rules." Saad ni Luna, napatango si boss sa sinabi niya.
"Its okay, Light. At least they know what they're doing, right? As long as we do not force them and they voluntarily join our group." Sabi niya kay Luna, pagkatapos nun lumingon siya sa akin. "So how's your mission?"
Nginitian ko si boss. "Okay lang naman."
He tap my shoulder. "I know you can do it." Tinalikuran na niya kame.
Pero bago pa siya lumisan sa lugar na yun, nagsalita siya muli. "Ligh, Dark, Shadow. Clear your schedule later evening. I want you to protect our cargo later, dahil darating na yun mamayang gabi."
Hindi na namin kailangan sagutin si Boss sa sinabi niya, hindi niya naman kame tinatanong kung pwede ba kame mamaya, ang gusto niya lang ipahiwatig sa amin ay ang maghanda para sa mamaya na possibleng mangyari.
Nagpaalam na kame sa isa't-isa pagkatapos namin kumain.
Hindi ako pwedeng sumabay kay Seth dahil mahahalataan kame pagnagkataon.
Pagsakay ko sa kotse, inantay ko na muna makaalis si Seth, nung nakaalis na ito inandar kona ang kotse ko at lumisan na sa luvar na yun.
PAGKARATING ko sa university, pinark ko agad sa parking area ang kotse ko. Pagbaba ko ng kotse, pinagtitinginan ako ng mga ibang studyante, napakunot noo ako dahil mukhang may dumi ako sa mukha kung makatingin sila sa akin.
Hindi ko nalang sila pinansin, pagdating ko sa room, nagtaka muli ako dahil mga mata ng kaklase ko nasa akin.
Pati na rin sila Axel, mukhang gulat sila nung makita ako.
"Do we have new classmate?" Rinig kong tanong ng isang kaklase ko.
Pag upo ko, naalala ko bigla na hindi pala ako nakanerd look, bumalik pala ako sa totoong kong look pero yung babaeng babae talaga, dahil kailangan ko parating magmukhang mahina sa mga mata na nakapaligid sa akin.
Pagpasok ng prof namin, doon lang nila binawi mga tingin nila sa akin.
Paglingon ko sa pwesto ni Seth, napansin kong nakatingin si Axel sa akin.
Pinaghihinalaan na ata niya ako? Napailing nalang ako, kinindatan muli ako ni Seth.
Hindi na ako nagreact para hindi nila malaman na magkakilala kame ni Seth.
"Are you new here?" Tanong ng prof, sabay tingin sa classbook niya.
Hinanap ko pa kung sino yung tinatanong niya. "You, the girl beside Cody."
Sino si Cody? Nagulat ako ng sikuan ako ng katabi ko, kaya napalingon ako dito.
Habang nakakunot noo ako nakatingin sa lalaking katabi ko. "I am, Cody." Sabi nito.
"I am-" napatigil ako nung marealize ko yung sitwasyon, kaya napatayo ako at humarap ako sa prof namin. "Hindi po ako bago, ako po yung kahapon nagpakilala, Elinneth Francisco?" Parang hindi pa ako sure sa pangalan ko.
"Really?"
"s**t! She's gorgeous!"
"Nakakaloka, ang ganda niya pala talaga."
Rinig kong sabi ng mga kaklase ko, napakamot nalang ako ng ulo ko sa mga pinagsasabi nila.
Umupo agad ako, nung pinaupo na ako ng prof namin.
~
Straight 3 subject kame ngayon, kaya nung natapos na kame sa huling subject para ngayon umaga, dumiretso na agad ako sa Cafeteria, gutom na talaga ako.
Habang kumakain ako, umupo sa harap ko si Stella kasama mga alipin niya.
"You're still ugly in my eyes, kaya huwag na huwag kang gagawa ng kung ano na ikakagalit ko. Kung ayaw mo mahirapan sa university na to"
Pagkasabi niya yun tumayo na sila at umalis na sa harap ko.
Kung sila kaya pahirapan ko sa labas ng university? Akala mo naman madadala nila ako sa takot sa mga pinagsasabi nila.
Baka sila pa yung matakot kapag sinabi ko sa kanila na madami na akong napatay, bala gusto nila dagdagan yun?
Napangiti ako sa iniisip ko, na babaliw na siguro ako.
I sigh.
Kamusta na kaya si Trina? Teka, saan pala yun nag aaral? Alam kong second year college na yun.
Napailing ako, sa sobrang busy ko pati paaralan ng Kapatid ko hindi ko alam saan. Haaaays.