Chapter 5

2284 Words
Pagkatapos ng klase namin, kinuha ko muna ang phone ko para tawagan sila mama pero hindi natuloy nung mapansin ko ang grupo nila Seth na kasama ang anak ng boss namin na si Axel. Nag pakabusy ako habang nagkukunwari nagbabasa ako ng libro para madinig ko yung pinag uusapan nila. "Bakit ba lagi kang busy?" tanong ni Cody. "I told you I'm not into night club," rinig kong sagot ni Seth, napangiti ako sa sinabi niya. "Really? Baka naman aswang ka, lumalabas ang mga bangkil mo kapag gabi." Natatawang sabi ni Cody. Gusto kong matawa sa biro ni Cody kay Seth. "Mas malala pa diyan sa sinabi mo." Nawala yung ngiti ko sa labi ko nung marinig ko yung sinabi ni Seth. "Your serious?" Takang tanong ni Axel. I sigh, hindi pwede sabihin ni Seth na isa siyang Mafia, dahil madali kame mahanap ng kalaban kung ganun. Pagdating ng prof namin binaba kona agad ang book, dahil tumigil na din sila magchismis. * Pagkatapos ng klase namin, dumiretso na agad ako sa HQ dahil may mission kame binigay ni boss. Kasunod ko lang dumating si Seth, inabangan na kame ni Luna sa HQ. "Buti naman maaga natapos yung klase niyo, anyway we should be ready."  Pagkasabi niya nun, pumasok na kame sa loob. Nagkanya kanya na kame pumasok sa mga kwarto namin para humanda. Mga ilang minuto lang din ang pag reready namin, pagkatapos nun dumiretso na kame sa garahe para pumili ng masasakyanan. "Leon, alam mo na ba saan tayo pupunta?" Tanong ko sa driver namin. Tumango ito. "Good, so let's go." Sabi pa ni Seth. Inaayos na namin mga baril, para kung may haharang man atleast handa kame. Mga ilang minuto lang nung narating na namin ang pantalan. Andun na yung cargo ni boss, kaya pinalagay na namin sa sasakyan na gamit namin. In-on kona ang earpeace ko. "Clear the way." "Copy." Sagot ng isnag tauhan namin. "We're done here?" Tanong ni Seth. "Yes. Let's go" sagot naman ni Luna. Habang sa byahe kame, mga tingin namin nasa labas ng daan, hanggang hindi pa namin na lalampasan ang isa sa tauhan namin ibig sabihin hindi pa kame safe. Kaya kailangan Alerto kame, dahil hindi namin alam kung ano yung nakaabang sa amin. Dumaan ang kalahating oras, sa wakas na daanan na namin ang isang tauhan namin. Nakahinga na kame ng malalim. Pagdating namin sa isang wearhouse ni Boss, nilapitan at tinulungan agad kame ng mga trabahante doon sa wearhouse ni boss. "Siguraduhin niyong walang nakasunod sa amin." Sabi ko sa isang tauhan namin. Tumango ito at sumakay na sila sa sasakyan para idouble check kung may nakasunod sa amin. "Oh siya, balik na kayo sa mga trabaho niyo." Pagkasabi ni Luna nun, sumakay na kame muli sa kotse. Biglang tumawag si Boss sa akin. "Boss." Sambit ko "Everything under control?" "Oo naman boss. Pabalik na ulit kame sa HQ." "Good." Pagkasabi niya nun, binabaan agad niya yung tawag. * Pagdating ko sa school, dumiretso agad ako sa cafeteria dahil hindi ako kumain pag alis ko sa bahay.  Maaga din umalis si Seth, si Luna naman busy i-train ang mga newbie. "Look who's here." Napalingon ako sa nagsalita. Binawi ko ang tingin ko ng makita ko sila Stella lang pala yun. Umupo sila sa bakanteng umupuan sa harap ko. "Siya ang next target ko, kapag hindi pa nagpakita ang bruhildang yun." I just rolled my eyes. "Girl, she came." Sabi ni Sia habang nakatingin ito sa phone niya. Nawala yung ngiti sa labi ni Stella. "Let's go."  I sigh. Kung hindi lang to mission baka kinitil ko na ang mga buhay nila. Pagkatapos ko kumain, dumiretso agad ako sa room namin. Andun na din pala si Seth kasama ang anak ng boss namin, umupo na ako sa upuan ko. Masayang pumasok sila Stella sa loob ng room namin, mukhang may pinagtripan na naman sila. "She think makakalimutan natin siya sa ilang araw niyang pag absent." sabay tawa ng kaibigan ni Stella. "Then she thinks wrong, she will be our ally forever." nakangiting sabi ni Stella. Napailing nalang ako sa mga pinagsasabi nila. Ganito ata talaga ang buhay ng mga mayayaman, masaya na sila kapag may tao silang inaapakan. Ilang minuto lang din nagsimula na ang klase namin, sinubukan ko nalang makinig sa professor namin. Nakapagsisi tuloy, imbes ginamit ko nalang yung wig at eyegass ni Luna yan tuloy pinagtitinginan pa rin ako ng iba.  At dahil sa tigas ng ulo ko kailangan kong magsuot ng pang babae, langyang buhay to. Dahil sa kakaisip ko hindi ko napansin ang oras, tapos na pala klase namin. Tumayo na ako at dumiretso sa cafeteria. Gutom na talaga ako. Habang pumipila ako nagulat ako sa babae na tumba banda sa paanan ko. "You think, you can scape from hell?"  Napatingin ako sa nagsalita. Si Stella pala yun, mukhang hindi na tumba yung babae, mukhang tinulak siya ni Stella. Tinulungan ko yung babae tumayo. "Next time, dahan-dahan sa paglalakad para hindi ka madapa." Sabi ko sa babae kahit alam kong tinulak siya ni Stella, pagtingin ko sa babae, lumaki mata ko nung makilala ko kung sino ito. "Trina.." parang bulong nalang ang pagkasambit ko sa pangalan niya. Pati siya nagulat nung makita ako. "Huwag mong ipakita na kilala mo ko" Biglang tumawa sila Stella. "Look at them, they look great together. They both fit to be our minions." Dahil sa galit ko hinarap ko sila Stella, malapit ko na ipakita ang tunay na ugali ko, buti nalang andyan si Seth. "Let's go!" Sabi ni Seth at kinaladkad niya si Stella palabas ng Cafeteria niya. Kaya hinarap ko ulit si Trina. "Huwag tayo dito." At kinaladkad ko siya patungo sa openfield, pagdating namin doon hinarap ko siya. "Bakit mo hinahayaan na apihin ka nila?!" Galit kong tanong sa kanya. Yung ibang tao pinoprotekhan ko pero sarili kong kapatid hindi ko magawan protektahan. Niyakap niya ako. "Atee hindi mo naman sinabi na nag aaral kana pala din." Masaya niyang sabi. "Kailan ka pa nila binubully? Mukhang sanay kana?" Inis kong tanong  Kumalas siya sa pagyakap sa akin. "Nung first year college palang ako." "Trina naman! Dalawang taon mona ito tinitiis? Diba may hika ka? Bakit hinahayaan mo lang? Dapat sinumbong mo sila sa taas-taasan na tao dito." "Ate." Sambit niya. "Ganito sa college, dapat mismo sarili mo alam mo paano mag survive, dahil hindi sila ang tutulong sayo kundi sarili mo lang." Niyakap ko siya muli. "Ts. Gusto mo magtransfer?" "Ate. Okay lang ako." "Mayaman na tayo, Trina. Kaya hindi mo kailangan mag alala sa gagastusin." Hinawakan niya kamay ko. "Sasabihin ko lang sayo ate pag hindi kona kaya." Napa buntong hininga ako. "Fine. Huwag mo akong tawagan ate, pangalan ko nalang muna. Dahil bawal, inaalagaan ko kase ang anak ng boss namin sa company, baka makilala ako matanggalan ako." Pagsisinungaling ko. "Sino binabatayan mo, at- Elinneth pala." Ginulo ko buhok niya. Muli namin nilakaran pabalik ang cafeteria. "Si Axel." Bulong ko  Napatakip siya ng bibig. "Buhay pa ang daddy niya?" Tumango ako. "Goodluck." Nakangiting sabi ni Trina. S T E L L A Pabagsak niyang binitawan ang kamay ko, sinampal ko siya ng malakas sa ginawa niya. "How dare you!!" "What are you doing, Seth?" Sia ask him. "Aren't you tired for being s**t of this school?" Galit na tanong ni Seth. Napakunot noo ko. Magsasalita pa sana ako ng dumating si Axel, kaya nilapitan ko agad siya. "Asshole!" Sigaw ni Axel kay Seth. "Ano bang problema mo? You didn't bother with what Stella was doing then uh." Hindi sumagot si Seth. "Tell us, Seth. Stop being mystery here! You've been our friends since day one. But your still mysterious to us." "What do you need to know?" "The whole you, asshole." "Then you just answered your question. I am just an asshole here, Stell." "Oh shut up!" Singit ni Sia. "Do you like me?" Biglang tanong ko. Lahat sila na patingin sa akin. "What I am just asking." "I like Elinneth." Lalo kaming nagulat sa sinabi ni Seth. "That loser?" "Really , Seth?" Axel asked. Did I just saw him grinning? C O D Y "Dude, Stell is inlove." Natatawang kong sabi. "For the first time." Ngayon ko lang nakitang umibig si Seth eh, mapaglihim kase yun at ngayon lang siya nagshare sa amin nun. "Your right. And I think, I need to do something." "Woah. What are you thinking, man?" Tanong ko, parang may binabalak si Axel sa mga salita niya palang. "I want to see him mad." "So?" "I would make Elinneth fall in love with me, then I gave him reason to get mad at me." Hindi pa kase namin nakikitang nagagalit si Seth, kay Stella lang to nagalit. At ngayon lang yun uh dahil sa new student. Matagal na din gusto makipag suntukan ni Axel kay Seth. Para kay Axel kase mas lalong tumitibay ang friendship niyo kapag naranasan na ang bawat isa kamao. "So childish. So what are you gonna do to your girlfriend, Stella?" "Ts. Girlfriend? We're just dating." Oo nga pala. Nagdadate lang sila dahil sa family nila kaya tinitiis ni Axel si Stella, si Stella lang naman to nag iisip na into relationship na sila ni Axel. "Are you sure about it?" Tumango si Axel habang nakangiti sa akin. Napailing nalang ako sa kanya. E L I N N E T H Nasa terrace ako ng HQ namin, inisip ko ang sitwasyon ng kapatid ko. Kung hindi pa ako nag aral doon sa university na yun, hindi ko pa malalaman na binubully na pala ang kapatid ko. "Eli." Napalingon ako, nung marining ko boses ni Luna kasunod niya si Seth. "What's wrong?" Tanong ni Seth. Napansin siguro nila na malalim ang iniisip ko. "Seth." Sambit ko sa pangalan ni Seth, nakatingin lang ito sa akin, inaantay ang sasabihin ko, hindi ko napigilan ang pagbagsak ngluha  ko. Huli akong umiyak nung nagte-training ako dito. "What's wrong?" Nag aalalang tanong ni Luna nung makita niyang bumagsak ang luha ko. "Kapatid ko siya, Seth." Sabi ko. "Hindi ko siya magawan protektahan, sa kamay nila Stella. Kase kung nagkataon man baka mapatay ko lang sila." Niyakap ako ni Luna. "Bakit ano nangyari." Kiwento ko kat Luna ang nangyari. "Kaya pala, kapatid mo pala yun. Iba kase yung galit ng mga mata mo kanina kaya hinila kona paalis si Stella sa harap mo bago ka magawa ng ikakasisi mo." Napangiti ako kay Seth. " Buti nalang andyan ka." "Tayong tatlo lang din  naman ang magtutulungan sa bandang huli." Sambit ni Seth at niyakap niya kaming dalawa ni Luna. "That's your last cry, because no one can see that we are weak or we have a weakness because that is what will ruin us." Tumango kame sa sinabi ni Seth. "Don't worry I'll try my best to protect your sister." Kung sa mata ng iba na pa ka cold ni Seth, pero sa amin ganyan siya. Kaya trato sa kanya na parang kapatid ko na din, tulad kay Luna trato ko sa kanya kapatid na din. ° Wala kame klase ngayon, kaya pinapanood ko lang si Luna tinitrain ang mga bago, si Seth sumama kay bossing. "Nagkamali po ako! Gusto ko ng umatras!" Naiiyak na sabi ng lalaki. Hinablot ko ang baril ko, bago pa siya hahakbang inunahan ko na barilin kung saan siya hahakbang. Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Niloloko mo ba ako?!" Galit kong tanong. "Itong babaeng nagtitrain sa inyo, hindi niyo ba alam ilang dugo nawala sa kanya para lang makapasok dito?! Ilang pagkakamali ang nagawan niya pero ni isang beses hindi lumabas sa bibig niya ang katagang yan!" Lahat sila napaluhod. "Hindi na po mauulit." Napansin kong napaihi na yung lalaki sa takot. "TAYO! ANG HIHINA NIYO! ALAM NIYO BA ANG UNANG RULES DITO SA PAGSALI NIYO." "If you leave, you'll die." Sagot ng babae mukhang matapang. "Second?" "WE HAVE NO FEAR!" sabay sabay nilang sigaw. "Good. Kaya magtrain kayo ng magtrain! Making mistake is part of learning." Sabi ko. Pagharap ko kay Luna gusto nitong tumawa. "Oh diba, nahawa na ako sa kaka-english ni Seth." Bulong ko Ngumiti siya sa akin. "Thanks, Eli. Kahit ako gusto ko nang sumuko sa kanila, pero sa sinabi mo, it makes realized na ang haba haba na ng presisyon na nilakaran ko ngayon pa ba ako susuko?" Mahina niyang sabi. I tap her shoulder. "Ikaw yung pinakamalakas at matapang na natrain ko, Luna. Kaya alam kong kaya mo yan." Pagkatapos nun, iniwan kona siya doon. Kailangan ko muna tingnan tauhan namin kung ano na ba ang ganap. Nilapitan ko si Sniper at Hunter, yan kase sila magaling kay yan na ang tawag namin, dahi sila din yung leader ng mga magaling rin sa pag hunt at sniper. "Anong ganap natin?" "Anak na ni Draco yung humahawak sa mga tao nila." Napaisip ako. "Wala sana problema kung hindi sila nagsimula diba? Ano kaya ang ikinagagalit ng grupo na yun kay bossing?" Nagkibit balikat sila. "Alamin niyo kung saan magaling ang Owen na yan, para alam natin kung paano siya labanan kung nagharapan man tayo sa grupo nila." "Copy, Shadow." Shadow is my codename here. "Lahat huh." Dagdag ko pa. "Shadow, andito na si Bossing." Sabi ng isang tauhan ni bossing paglapit sa akin. Tumango lang ako dito. Naalala ko ulit si Trina, klase na naman bukas. Ibig sabihin impyerno na naman ang buhay ni Trina, hindi ko parin akalain na ganyan magyayari kay Trina. Hindi lang pala pera ang solution para maging maganda ang buhay mo, dapat pala pinanganak kang mayaman, hindi yung naging mayaman ka lang bigla.  Hindi ko alam kung hanggang saan ko kayang tiisin si Stella, pero hindi ko mapapangako dahil alam kong darating ang araw ay makakatikim din siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD