Pagpasok ko ng room namin, pinagtitinginan ako nila Stella, tumatawa pa sila sa akin. Parang baliw, pag ibang tao to iisipin na takas mental sila.
Dinaanan ko nalang sila, baka kase mahawa ako sa pagiging loka-loka nila.
Nagtama ang mga mata namin ni Axel, nung dumaan ako sa harap nila. Nagulat pa ako kase siya yung katabi ko, diba si Cody yung katabi ko?
Napatingin ako kay Seth, hawak niya ang book niya habang nagbabasa.
I sigh.
Bakit kase kailangan niyang pumalit ng upuan? Napatingin ako sa direksyon nila Stella, galit siya nakatingin sa akin.
Oh ano na naman ba ginawa ko don? Kanina patawa-tawa ito ngayon galit na naman? May sira ba to sa ulo? Baka gusto niya barilin ko nalang siya para wala na siyang magiging problema sa ulo-
Bigla kong naalala na may something sila ni Axel, haaay kaya naman pala. Kasalanan ko ba?
Nairita ako sa skirt na ginamit ko, buti nalang naka cycling ako, kundi kita panloob ko pag nagkataon.
"Do you understand everything?" Tanong ng prof namin.
Hi-hindi pa sana ako kaso mukhang lahat sila um-oo, tangina naman. Bakit kase ang bobo ko? Takte, anong i-answer pagnagkataon nag quiz?
"Get one sheet of paper, tingnan natin kung may naiintindihan kayo sa tinuro ko ngayon."
Yun na ba sabi ko! Napalingon ako kay Seth, kaso mukhang hindi ako matutulungan ng mokong na yun, malayo siya sa akin.
Napatingin ako kay Axel, nakatingin lang ito sa prof namin. Mukhang hindi din ito makakatulong sa akin, tanginang bubay to oh.
Kumuha ako ng papel ko sa bag, tangina pati ballpen ko nawawala.
Ay oo nga pala nilabas ko pala yun.
Paglingon ko, wala doon yung ballpen.
"You need ballpen? Here"
Napalingon ako sa tabi ko. May inaabot siyang ballpen sa akin. "Salamat." Sambit ko.
Pagkuha ko sa ballpen nagulat ako ng makita ko ballpen ko yung binigay niya sa akin.
Napatingin ako kay Axel, natatawa ito habang sinusulat ang pangalan niya sa papel.
Napapikit ako sa inis. Ginagago niya ba ako? Napailing nalang ako.
Maliit na bagay lang yan Eli.
Sinulat ko nalang yung pangalan ko sa papel.
-
5minutes quiz lang yung binigay sa akin, pero mukhang isa lang ang nasagot ko uh?
Pinasa kona sa harap yung papel ko. "You can keep that ballpen." Sabi ni Axel sa akin nung huminto siya sa harap, pagkatapos niyang sabihin yun napatawa siya at iniwan na nila ako.
Pilyo pala yung anak ni Boss uh. Pasalamat siya binabayaran ako, kase kung hindi? Baka mabali ko na ang kamay niya.
Kinuha ko ang gamit ko sa upuan ko. Paalis na sana ako sa room pagkatapos ko kunin gamit ko ng harangin ako nila Stella. "Are flirting my boyfriend?" Taas kilay nitong tanong.
"Huh? Nakadrugs ka ba? Wala akong nilalandi, kaya pwede ba gutom ako kaya umalis kayo sa dinadaan ko."
Nagulat silang lahat sa sinabi ko, napakunot noo ako.
"Stella, she's not afraid of you." Natatawang sabi ni Sia.
"Shut up Sia!" Sigaw niya sa kaibigan niya, galit parin itong nakatingin sa akin. "And you!" Sabay turo niya sa akin. "Wait for my sweet revenge." Ngitian niya muna ako bago nila ako iniwan.
"Baka kako gusto niya ng blood revenge?" Bulong ko sa sarili niya.
Nagulat ako nagsisitakbuhan mga studyante parang may hinahabol ang mga ito, kaya pinigilan ko yung isang studyante para tanungin.
"Bakit kayo nag tatakbuhan? Anong ganap?" Tanong ko habang napatingin ako sa iba na tumatakbo.
"May laban sa laban ng Cafeteria."
"Tapos?"
"Bago kaba? Pag si Axel ang kasali, lahat na nonood dahil siya lang naman ang hinahangaan ng iba dito, lalo na magaling ito sa pakikipagsuntukan."
Binitawan ko na at sumunod na din ako sa mga tao nag susuntukan.
Nakisiksik ako sa mga studyante pagkarating ko sa Cafeteria, sinubukan ko pumwesto sa harap. Buti nalang maganda ako kaya bigay daan nila ako.
Nagulat akong makitang duguan ang kalaban nila Axel.
"They deserve it. They mess with the wrong group." Rinig kong sabi ng isang studyante na katabi ko.
"Hindi ba nila alam na wala pang nagpapatumba sa grupo ni Axel? Kahit tatlo lang sila."
Pati si Seth pala kasali, gago to kung binaril nalang kaya niya isa-isa ang mga ito? Edi sana tapos na ang laban.
Napansin ko na hindi tinitigilan ni Axel ang lalake sa pag susuntok, mapapatay na niya ito kung hindi niya pa ititigil ang pag susuntok.
Shit! Wala akong nagawa kundi lapitan siya, bago pa lumipad ang kamao nito sa lalake na nakahandusay, inunahan ko ng hulihin ang kamao niya.
Nagulat siya napatingin sa akin. "Mapapatay mo na ang lalaking yan."
Napatingin siya sa lalaki na sinusuntok niya kanina, pati siya nagulat kaya napatayo siya. Binitawan ko na ang kamao niya.
Napansin kong nakatingin na sa akin ang ibang studyante, kaya napayuko ako at aalis na sana ako sa lugar na yun ng may tumawag sa pangalan ko.
"Elinneth." Napahinto ako ng hindi siya hinaharap. " You're fast. How did you do that?"
Lahat ng mga studyante nagbubulungan dahil sa sinabi ni Axel, pero sa akin sila nakatingin.
"Wala pa ata ni isa nakapigil kay Axel, while catching his fist. Axel is fast, bakit nagawan niyang hulihin ang kamao ni Axel?"
Patay! Kaya pala, naku Eli, hindi ka nag iisip. Inis kong sabi sa sarili ko.
Dahan-dahan akong humarap kay Axel, nakatingin na din pala si Seth sa akin. "Hindi ko alam, natakot lang ako baka mapatay mo na yung tao." Kibit balikat kong sabi.
Kumunot noo niya. "I find you interesting." Nagulat ako sa sinabi niya.
"AXEL!"
Sabay kame lumingon sa sumigaw, si Stella pala yun. Kaya kinuha ko na ang pagkakataon na makaalis sa lugar na yun ng hindi ako mapapansin ni Axel.
S T E L L A
"Seriously Axel! Yan talaga ang nasabi mo sa harap ng ibang studyante?"
Andito kame ngayon sa hiding place namin, dito sa loob parin ng university. May abandon room kase dito, hindi siya nagmumukhang luma dahil pinaayos namin ito para maging malinis at pwede namin gamitin kapag wala pa yung next subject namin.
"What is wrong with what I said?" Takang tanong nito.
Aaargh! "Really? You have me! Tapos yan yung binitawan mong salita?"
"Yes. I am dating you! But that doesn't mean I can't stop liking other girls!"
Malakas na sampal ang binigay ko kay Axel. "You like, Eli?" Lahat kame napalingon sa kakarating lang ni Seth. "I told you, I like her."
"Kayo na ba? Hindi pa naman diba? So may pag asa pa ako."
"Asshole!" Yan lang nasabi ni Seth at iniwan na niya kame agad doon.
"Are you crazy, Axel?" Inis kong tanong sa kanya.
"Chill, Stell. I'll use Eli para painisin si Seth."
Napakunot noo ako sa sinabi niya. "Why?"
"Don't you understand? Ayoko sa ugali na pinapakita ni Seth! Look what he react? Kung gusto niya talaga si Eli, diba dapat suntukin na niya ako? Pero hindi."
Napailing ako sa sinabi niya. "But you guys are friends."
"His being mysterious, he doesn't want to go clubbing, I ask him to change Punch with. But he refuse! s**t! You know its irritating me!" Pagkasabi niya yun iniwan na niya kame doon.
"Just give him a try, Stell. His a man, ego niya na ang pinag uusapan dito eh. Kilala mo si Axel, bago ako naging kaibigan niya gusto niya, maglabasan muna ng galit but Seth? Obvious naman di bading si Seth, pero bakit parang may tinatago siya?"
Napaisip din ako sa sinabi ni Cody. "Cody was right, hindi natin masyadong kilala si Seth, pangalan niya lang ang alam natin" pag a-agree ni Sia kay Cody.
"Fine. Siguraduhin mo lang na hindi mahuhulog si Axel kay Eli, I hate to tell this but Eli is a fine woman. She's beautiful okay! Kaya natatakot ako na baka mahulog si Axel sa kanya."
Tumango lang si Cody sa akin.
Yes that's right. Maganda si Eli, she have a unique beauty with a strong feature. Bilang babae dapat mukhang fragile ka pero si Eli kabaliktaran siya, she's a strong woman.
Kaya nung sinabi ni Axel "I find you Interesting" natakot ako nun nung marinig ko yun.
Kahit ibang studyante, nahulog bigla kay Eli nung inalis niya ang wig at thick eyeglasses.
I sigh.
I love Axel, at ayoko may kaagaw sa kanya.
His mother promise me na ako lang ang papakasalan ni Axel kapag hindi nahulog sa iba si Axel.
Kaya hindi ko hahayaan na mahulog si Axel sa iba, not in my watch!
E L I N N E T H
"What are you thinking!?"
Napalingon kami ni Luna kay Seth, galit ito nakatingin sa akin.
"Huh?" Takang sagot ko.
First time kong makita magalit si Seth sa akin. "Earlier remember?"
Naalala ko bigla yung ginawa ko sa labas ng Cafeteria nung may gulo doon at kasali si Seth dun. Yung hinuli ko yung kamao ni Axel ata yung sinasabi niya.
"Hindi ko din alam." Sagot ko, totoo naman. Hindi ko din akalain na papakealaman ko yung gulo na ginawa nila.
"That's bullshit!" Sigaw ni Seth.
"Seth!" Suway ni Luna kay Seth kahit ako nagulat ako kay Seth.
"You're just putting yourself into a big mess!"
"Hindi kita naiintindihan, yun lang naman ginawa ko uh!"
"What's going on here?"
Humarap kame sa lahat nung marinig namin ang boses ni Boss.
"Ako na po ang gagawa sa mission ni Shadow, boss." Yun agad ang unang lumabas sa bibig ni Seth.
Kaya sinikuan ko siya, napatingin si Boss sa akin. "What's wrong, Dark."
Sinabi ni Seth yung ginawa ko kanina sa school. Nagulat ako nung pumalakpak si Boss. "Then that's good, nilayo niya sa kapahamakan ang anak ko" nakangiting sabi ni Boss kay Seth. "Nothing to be worry, Dark." Pagkasabi ni Boss nun kay Seth, sa akin na siya na katingin. "Great job, Shadow. Anyway, narinig mo na ba na ang anak na ni Draco ang humahawak sa grupo nipa?" Tumango ako. "Have you make any move?"
"Pinapaalam ko pa sa tauhan natin kung ano ang kaya ni Owen, Boss."
"Good. How about you light, how's your training?"
"They past on the second round sir."
"So nasa last round na sila, kayo parin ba ang sasama?" Tanong ni Boss sa amin.
"Mukhang ako nalang boss ang sasama, dahil baka hindi magawa ni Shadow ang duty niya kapag sumama siya."
"Okay that's good."
Iniwan na kame ni Boss. Hinawakan ako sa balikat ni Seth, pero tinanggal ko agad ito.
Hahawakan niya muli sana ako ng hinablot ko ang baril ko at tinutok sa kanya. "May problema ba tayo, Seth? Paano mo na sabi kay boss yun?!"
"Im sorry. Concern lang ako"
"Concern? Kilala mo sino ako! Ano kakayahan ko! Pinapahiya mo ako sa ginawa mo! Kayong dalawa nakakakilala sa akin, tapos parang kwinestiyon mo lang ako sa sinabi ko kay boss!?"
"Eli, huminahon ka muna. Madadaan naman to sa usapan eh." Sabi ni Luna sa akin, pilit niya akong pigilan.
"Tangina Seth!" Pagkasabi ko nun.
Binababa kona ang baril ko at iniwan ko sila doon. Sumakay ako sa kotse at nagmaneho ako pauwi sa amim.
Kalahating oras lang ang minaneho ko pauwi sa amin, bago ako bumaba pinalitan ko muna ang damit ko.
Pagkatapos nun, bumaba na ako sa kotse.
Sinalubong ako nila mama sa sala nung marinig nila ang busina ko.
"Ate!" Sigaw ng mga kapatid ko, masaya silang makita ako.
"Wala ka bang pasalubong?" Tanong ni Clinto nung makita niyang wala akong bitbit ng kung ano.
"Ton-ton! Ikaw, kakauwi lang ng ate mo yan agad bungat mo."
"Kaya nga po kakauwi lang kaya dapat may pasalubong."
Natawa ako sa sinabi ni Ton-ton, hindi ko naman inasahan na uuwi ako ngayon. Dahil lang to sa galit ko kay Seth, hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganyan eh.
"Hindi pa ba sapat ang pera na inuuwi ng ate niyo sa atin?" Sagot ni mama.
Napayuko si Clinton sa sinabi ni mama. "Pasensya na ton, saglit lang kase ako dito kaya minadali ko ang pag uwi kaya hindi na ako nakabili."
"O siya bumalik na kayo sa mga ginagawa niyo." Utos ni mama sa kanila, mukhang ginagawa nila mga assignment nila.
Masaya ako makita mga kapatid ko na pursigido mag aral, atleast hindi sayang ang sakripisyo ko sa buhay ko para patapusin lang sila.
Sinamahan ko si mama sa kasina, hinahandaan niya ako ng makakain.
"Narinig ko kay Trina na nag aaral ka."
Napasilip agad ako sa sala, minasamaan ko ng tingin si Trina. Nagpeace sign lang ito sa akin.
"Kailangan ko lang naman mag panggap na nag aaral ako para maalagan ko ang anak ng boss namin."
Nilapad na ni mama ang plato sa harap ko, may ulam at kanin na din ito. "Akala ko ba sa disenteng kompanya ka nagtatrabaho? Bakit mukhang katulong ang kalabasan mong yan? May tinatago ka ba sa akin, Elinneth!"
Nabulunan ako sa sigaw ni mama kaya inabot niya agad ako ng tubig. " Mama naman."
"Bakit mali ba ako? Kolehiyo yung binabantayan mo at babae ka, sa tingin mo hindi ako mag iisip sa sitwasyon mo?!"
Mali sigurong umuwi ako, baka malaman pa ni mama yung pinag gagawan ko. Patay si Trina sa akin mamaya, sumbungera siya!
"Matandang bata kase ma. Isip bata kumbaga kaya kailangan bantayan, ako yung pinapabantay kase ako lang may kayang hawakan ang ugali nung sutil na yun."
Nakahinga si mama ng maluwag. "Buti naman, ayoko lang na matulad ka sa-" napansin kong napatigil si mama sa sasabihin niya.
"Matulad kanino, Ma?"
Umiling si mama. "Matulad sa mga tambay ba dyan, sinasayang ang buhay nila."
Napatango-tango ako sa sagot ni mama, inubos ko na ang kanin. Nagpahinga lang ako saglit, nung umakyat na ang mga boys para matulog nagpaalam na ako na umalis.
Sinamahan ako palabas ni Trina, kinulipat ko siya sa hita niya. "Ikaw, manahimik ka nalang. Huwag mo sabihi kay mama mga ginagawa ko dahil ayoko mag alala si mama sa akin. Gusto mo ba magkasakit si mama ulit?" Umiling si Trina. "Kaya manahimik ka."
"Opo, Ate. Pero teka usap-usapan ka sa campus na may gusto si Axel sayo?" Sabay ngisi niya sa akin.
Napakunot noo ako. "Huh? Bakit panay ngisi mo dyan? Gusto? Tinulungan ko lang yung kalaban niya, papatayin na niya sana."
Napakamot ng buhok si Trina. "Ang ignorate ko ate sa mundo. Ingat nalang nga." Pagkasabi niya nun, pumasok na siya sa loob.
Lalong napakunot noo ako. "Ano ba kinakagalit nun?"
Ang gulo ng mga tao ngayon uh. Sumakay na ako sa kotse at nilisan kona ang lugar na yun.