Hindi ko pinapansin si Seth, habang may meeting kame para sa bagong leader ng kalaban.
Hinahayaan ko lang sila sinasabi ang mga nalaman nila tungkol kay Owen.
"Hindi ba natin sila susugurin?"
"Alam niyong hindi tayo ang sumusugod." Sagot ko sa tanong ng isang tauhan natin. "Mag dagdag pa kayo ng bantay ni Boss, dahil iba ang ikot ng isip ng anak kesa sa ama."
"Target nila ang anak ni Boss."
Tatayo na sana ako dahil akala ko tapos na ang diskusyon, pero napa-upo ulit ako dahil sa sinabi ng isang tauhan namin.
"Paano mo nasa sabi?" Gulat kong tanong.
"Pinaghahanap na nila ang anak ni Boss. Dahil nalaman nila na may anak si Boss."
Tama nga yung iniisip ni boss na malalaman at malalaman din nila na may anak si Boss. Kailangan ko na ata bantayan si Axel ng 24/7, pero sa laban ni Axel mukhang magaling naman siya, pero paano sa tulad namin? Na may mga armas kaya niya ata makipag laban?
Kailangan ko kausapin si Boss. "Dismiss na kayo!" Sigaw ko.
Nauna na akong tumayo sa kanila, paalis na sana ako kaso may pumigil sa akin, kaya napalingon ako kung sino ang humahawak sa kamay ko.
"Eli, pwede ba tayo mag usap?" Tanong ni Seth, nakatayo si Luna sa tabi niya.
Umalis na ang mga tauhan ni boss kaya hinarap ko si Seth. "Simulan mo na ngayon, dahil may kailangan pa akong gawin."
Hindi siya nakasalita kaya inalis ko ang pagkahawak niya sa kamay ko. "Mauna na ako."
"Sorry."
"Pinapatawad na kita." Sagot ko nang hindi sila nililingon.
Matitiis ko ba sila? Sila lang ang nagtatayong pamilya dito sa trabaho na to.
Pagkarating ko sa Office ni boss, pumasok na agad ako. "Boss."
"You can start what you wanna say." Sabi niya habang may hinahawakan itong papel, parang may pinipirmhan ito.
Kaya sinabi ko sa kanya ang diskusyon namin kanina, kaya napatigil siya sa ginagawa niya, umangat ang ulo niya para tingnan ako.
"You know what to do, right? I trust you, Shadow. Please protect my son."
"Copy boss." Pagkatapos kong sabihin nun.
Nagtungo ako sa kwarto ko at inayos ko ang sarili ko, kailangan nakatakip ang mukha ko para hindi niya ako makilala.
Ilang minuto lang ng matapos ko ayusin ang sarili, paglabas ko ng kwarto nagulat pa ako ng makita kong nakatayo si Seth sa pintuan ko at kakatok pa sana siya.
"Here." At may inabot siya sa akin. Isang Necklace colar ito, kaya napakunot noo ako sabay tingin kay Seth.
"Para saan to?"
"Change voice." Sagot niya. "When you use it-"
"Tagalog, Seth."
Napakamot ng ulo si Seth. "What I mean is pagsinuot mo ito, habang nagsasalita ka, hindi mo mismo boses ang lalabas."
"Gets kona. Kailangan ko to, thanks."
"Gusto mo samahan kita?"
Umiling ako "Samahan mo si Luna. Kailangan ka niya kesa ako, alam mo nangyari sa akin noon nung ginawa ko yung last round. Baguhan si Luna kaya kailangan mo siyang samahan."
"Okay, mag ingat ka."
Iniwan ko na siya, ibang kotse ang ginamit ko, yung hindi talaga namin masyado ginagamit para walang makilala sa akin.
Last round? Ito yung round na kung sino ang susurvive, sila lang makakasali sa grupo. Ang hindi masurvive malamang namatay sila habang pinoprotekhan nila ang mga sarili nila.
Nung una ako ang humandle nun, hindi ko kinaya dahil naging close ko na sila nun, kaya iyak ako ng iyak nung namatay ang iba.
Kaya sinabi ko sa sarili ko, hindi ako pwedeng maging mahina ito ang papatay sa akin. Kaya trinain ko sila ng hindi nagiging close sa kanila at naging malamig ang pakikitungo ko sa kanila. Kaya nga nag pasalamat ako nung nalaman kong nasurvive si Luna nung araw na yun.
Kalayuan ng bahay nila Seth ako pumwesto para hindi ako makilala.
May paparating na kotse kaya kinuha ko yung Telescope para makita ko kung sino.
Hmmm. Sila Axel lang pala, mukhang lasing siya uh dahil inaalalayan siya ni Cody.
Ang boring naman ng buhay nila, kung maging tulad nalang pala siya sa ama? Baka maging masaya pa ang buhay niya.
Tumunog yung phone ko kaya binitawan ko na ang telescope, sinagot ko ang tawag nung makita ko si Seth ang tumawatag.
"Seth."
"She needs you."
"Tapos na?"
"Patapos na, magagaling ang mga na train ni Luna."
"Sige. Aantayin ko kayo sa HQ."
"Paano si Axel?"
"Mukhang wala pa silang alam kung sino ang anak ni Boss, kaya pwede na akong umalis dito."
"Sige-sige."
Pagbaba ko sa tawag ni Seth inayos ko na agad mga gamit ko.
Tiningnan ko muli ang bahay nila Axel mukhang okay naman uh.
°
Kalahating oras pa ang ginawa kong paghihintay kila Seth bago sila nakauwi, nagready agad ako ng iinumin namin dahil alam kong kailangan ni Luna to.
Mugto mga mata niya. Pinaupo na muna namin siya, pagkalagay ko ng alak sa baso inabot ko ito kay Luna.
"Hindi mo pwede ipakita sa iba ang sitwasyon mo ngayon."
"How can you handle all those things?" Tanong niya sa akin.
"Hindi mo ba naalala naging ganyan din ako sa batch mo? Natakot ako na baka isa ka sa mga namatay dahil lahat naging malapit sa akin namatay. Pero hindi ibig sabihin na kinaya ko wala na akong puso, kinailangan lang Luna dahil yun ang nararapat." Sagot ko sa kanya. "Gusto mo ba hindi ka rerespetuhin ng mga na survive? Dahil yung trainor nila mahina?"
Umiling siya. "Listen to, Eli. She knows better."
Pagkatapos nun masaya na kame nag iinuman. "Ililihim mo ba talaga habang buhay ang trabaho mo, Eli?"
Napatingin ako sa tanong ni Luna. "Oo, hanggang sa kamatayan kona ito. Ayoko mamatay ang nanay ko sa pag alala sa akin kaya mas mabuti ng hindi nila alam." Sagot ko at tiningnan ko si Seth.
"Ikaw Seth? Wala ka na bang balak bumalik sa pamilya mo? Pang rerebelde parin ba nasa isip mo?"
Umiling siya. "They have their own family. I thought when I leave the house aayusin nila ang problema nila pero hindi nagkaroon na sila ng dahilan para maghiwalay lalo."
"Buti nalang pala ulila na ako, mahirap ang trabaho natin dahil hindi natin alam kailan tayo mamatay. Paano kung bukas o sa ibang araw huling araw na natin? Diba ang unfair sa pamilya natin."
Napaisip ako sa sinabi ni Luna, tama din yung sinasabi niya. Naalala ko sila mama, paano pag darating yung araw na yun? Paano sila?
Ngayon ko lang naisip ang ganing klaseng sitwasyon.
Pero wala na akong magagawa pa dahil andito na to, kesa aalis ako dito mamatay din ako.
°
Masakit ang ulo ko pag gising ko, na pa dami siguro yung inom namin kanina uh.
Nagulat ako kay Luna nakatingin lang ito sa akin. "Parang ang sarap ng tulog natin uh."
Napansin ko nakabihis ito. "Saan tayo lulusob?"
"Hindi tayo yung lumulusob, remember?"
"Oo nga pala. Bakit nakaganyan ka?"
"Sasamahan namin si Boss, anyway mag ingat kayo dahil may nag mamatyag daw kagabi sa atin dito."
Napatango-tango ako. "Teka bakit hindi ako kasama?"
"Late kana sa klase."
Ay gago. Nag aaral pala ako, langya. Hindi man lang ako ginising ni Seth, napatingin ako sa orasan. Mukhang hindi na ako makakapasok sa first subject.
Bumangon na ako, sa banyo agad ako dumiretso.
ILANG minuto lang nang matapos na ako magready.
Pagbaba ko, sinalubong ako ni Boss.
"Boss."
"Hindi na tayo magtatrain ng bago."
"Bakit boss?"
"Delikado, baka kalaban yung pinapapasok natin dito. Maging alerto kayo dito sa HQ dahil hindi ko inaasahan na mapadali yung last round nila kagabi."
"Sabi ni Dark sadyang malaka-" napatigil ako ng may marealize ako, sa ilang taon ko nag tatrain ng mga bago hindi ko pa naranasan na ganun ka dali matapos. "Gusto niyo boss ako na ang bahala sa mga bago?"
Umiling si Boss. "My needed you, trust your fellowship here. But don't trust the newbie, i-alerto mo ito kila Dark at Light, sayo ko palang ito sinabi at huwag niyong ipahalata na hinihinala niyo sila."
Tumango ako, pagkatapos nun umalis na si Boss.
Lumabas na ako sa HQ, napansin ko ang isang bagong member, isa siya sa nag babantay ng HQ.
Mukhang delikado ang buhay namin dito sa HQ uh.
Umiling ako, kailangan kong isipin na hindi totoo ang lahat ng iniisip namin. Sana nga hindi.
PAGDATING ko sa university sa Cafeteria agad ako dumiretso dahil kalahating oras pa bago ang next subject namin.
Nagulat ako pagdating ko sa Cafeteria, naabutan ko si Trina nasa sahig, basang basa ito.
Taranta akong lumapit sa kay Trina at tinulungan ko siyang tumayo.
Pagkatayo ko sa kanya hinarap ko si Stella. "Looks the two losers." Natatawa niyang sabi.
Lalapitan ko na sana siya ng may sumigaw sa pangalan ni Stella.
"Stella!"
Napalingon ako, kakarating lang din nila Seth, sabay pa silang sumigaw sa pangalan ni Stella.
"You gonna protect this b***h?!"
"Ikaw tong bicth!" Galit kong sabi. "Anong karapatan mong guluhin ang buhay ng isang tao? Bakit ikaw ba ang nagpalaki sa kanya?"
Dinikit niya yung hintuturo niya sa noo ko sabay tulak. "Sino ba kasi nagsabi sayo na makisali ka sa gulo? Naiinggit ka ba? Gusto mo ikaw nalang?"
"OO! AT TANTANAN NIYO SI TRINA!"
"Eli." Napatingin ako kay Seth nung sambitin niya pangalan ko.
Tumawa sila Stella. "Sure! Maybe this is your lucky charm, Trina." Stella said.
Hinawakan ko ang kamay ni Trina at umalis kami sa lugar na yun.
Pagdating namin sa cr ng mga babae may humawak sa kamay ko, paglingon ko si Seth lang pala. Tinadyakan ko agad paa niya ng makita ko siya. "Why?" Mahinang tanong ni Seth, habang nasasaktan ang itsura nito sa pag tadyak ko.
"Dahil hindi mo ako ginising." Bulong kong sabi sa kanya habang inis na inis sa kanya, napangiti lang siya sa akin.
Pumasok na kami sa cr ni Trina. "Close kayo?"
"Trina naman, may extra shirt ka ba?"
"Ate, close kayo?" Nakangiting tanong ni Trina.
Lumapit ako kay Trina at binulong ko siya "Oo, iisang work lang kase kami kaya huwag kang maingay."
Tumilo bigla siya. "Crush ko siya, ate."
"Isa pang ate at ikakalbo na talaga kita at nagawa mong tumilo sa harap ko."
Natawa lang siya sa sinabi ko, kaya hindi ko lang siya pinansin kaya tinulungan ko nalang siya sa pag linis sa damit niya.
°
Tapos na ang klase namin, 6pm kase last subject namin kaya gabi na ako ngayon umuuwi.
Napansin kong may lalaki dumaan sa harap ng kotse ko, nakaitim ang mga ito naging alerto ako nung may nakita akong kumikintab.
At alam kong kutsilyo yun, kaya kinuha ko sa backsit ang damit ko at ang mask atsaka ang collar necklace na binigay ni Seth.
Buti nalang tinted ang kotse ko kaya alam kong hindi ako makikita dito sa loob.
Pagkatapos ko magpalit, tinali ko na muna ang buhok ko bago ako lumabas.
A X E L
"No nigh club?" Tanong ni Cody sa akin.
Umiling ako. "My mom is worried sick about me yesterday."
"Dude, your the only child, she will understand you."
Umuling muli akom "Cody, she only have me. Kaya I need to make it up to her."
"Then maybe I'll go alone." Tumango ako. "So dude, see you tomorrow."
Iniwan na niya ako, nagtungo na siya sa kotse niya. Pagkaalis ng kotse ni Cody, pumunta na din ako sa kotse ko.
I-open ko pa sana ang pinto ng kotse ko ng may humila sa akin kaya nadapa ako sa ground.
Galit kong tiningnan kung sino ang nagtangkang guluhin ako ngayong gabi.
Dalawang malalaking lalaki ito at mukhang hindi studyante, tumayo ako. "Anong kailangan niyo sa akin?"
Ngumiti sila. "Buhay mo." Sagot ng isa.
I smirk. "Then try me."
"Matapang."
Sabay silang lumapit sa akin, buti nalang magaling ako sa pakikipagsuntok at mabilis ang mga galaw ko kaya hindi nila ako nadadale.
Lumayo sila sa akin. "Magaling, pero paano sa ganito magaling ka ba?" Bigla sila naglabas ng kutsilyo.
Hindi ko pinakita sa kanila pagkabahala ko, oo trouble make ako pero hindi sa ganun paraan. Kamao ko lang ang ginagamit ko at wala ng iba pa.
Mabilis ang galaw ng isang lalaki nagulat ako nasa harap kona siya at hawak hawak niya ang kwelyo ko.
"Nice try." Nagulat ako sa pag sulpot ng isang babae na nakamask. Napatingin ako sa baba, nakatusok na sana ang kutsilyo sa tagiliran ko kung hindi napigilan ng babae ang lalaki.
Sinipa nito ang tuhod ng lalaki kaya napaluhod ito, kaya nabitawan niya na ako. Inikot ng babae ang kamay ng lalaki kaya nabitawan niya ang kutsilyo, susuntukin na din sana siya ng isang kasama nito pero nasipa niya agad ito.
Mabilis ang babae mukhang nag ensayo sa mga galaw palang niya. "Sino kayo?" Tanong ng babae dito sa mga lalaki.
Nagulat ako nung may nilabas itong baril at tinutok sa kasama ng lalaki na sinipa niya, lalapit sana kasi ulit ito sa kanya. "Maling galaw mo lang, sa ulo mo ito sasabog." Banta ng babae. "Sino nagdala sa inyo?!"
Hindi sumasagot ang isa sa kanila, pero nagulat ako nung barili ng babae ang binti ng dalawang lalaki.
"Pakisabi sa boss niyo, nagkakamali siya ng binangga ka." Pagkasabi niya yun, tumakbo na mga lalaki ng paika-ika.
Pinulot ng babae ang kutsilyo ng lalaki, lumapit ako sa kanya. "Sino boss? At bakit kailangan nila ang buhay ko?"
"Malay ko."
Naguluhan ako, bakit may mga lalaki na kailangan kunin ang buhay ko? Aalis na sana ang babae kaya pinigilan ko siya. "Where do you think your going?"
"Uuwi malamang."
"So its not coincidence that your here?"
Labi lang niya at mata ang nakikita lahat nakabalot na. "Maybe?"
"Can I know your name?"
Tunalikuran niya ako. "Just think that I am your protector." Pagkasabi niya yun, umalis na agad siya.
"Wait-" pero nakalayo na siya.
Who is she? Bakit may dala siyang baril? Is she a gangster? Or what? Pero babae siya, bakit- Teka protector ko siya? Mukha bang kailangan ko ng protection? From a gril? Is she kidding me? Baka ako pa ang poprotekta sa kanya eh.
Napailing nalang ako at sumakay ng kotse, baka bumalik pa ang mga lalaking yun.