Snow's POV Bagsak ang aking mga panga sa aking mga nakikita. For the first time, ngayon lang ako nakakita ng mga ganitong klaseng istraktura. Nasanay ako dati na mga simpleng kubo at palasyo lang ang malaki pero ngayon, parang tatalunin pa ang palasyo sa taas ng mga buildings ba tawag dito? Yun kasi hula ko. "Snow! Tumabi ka!" Sigaw naman ni Mikaella sa akin at agad akong hinila. Nanlaki na lang ang aking mga mata dahil may dumaan na sasakyan na de gulong. Mabilis ang harurot nito. Bumusina pa nga ito habang papalayo. "Ano yun Mikaella?" Naitanong ko na lang sa kanya. Pakiramdam ko ay alam ko kung ano yun pero di ko mapangalanan. "Sasakyan tawag dun. Kotse. Car. Kaya di pwedeng tutunganga dito sa gitna ng kalsada kasi masasagasaan ka." Litanya naman ni Mikaella sa akin. Napanguso nam

