Snow's POV Naglakad-lakad kami ni Mikaella at ewan ko ba dahil parang inuulan kami ng suwerte ngayon at nakahanap kami kaagad ng trabaho. Isa itong kaninan simple pero sikat. Isa kami sa mga waitress. Noong una ay talagang nganga ako dahil wala akong alam sa mga pinanggagawa ko pero itong si Mikaella eh ang galing galing kaya halos maubusan ng pasensya yung boss namin sa akin. Sinigawan pa ako na kung hindi lang daw ako maganda ay sinesante na ako. Kaya naman todo effort yung pagtuturo ni Mikaella sa akin dahil baka masimut na talaga yung pasensya ni Boss at masesante ako. I loose a bit as well. Hindi na ako kagaya ng dati. Somehow, I am slowly adapting with the environment na kahit pag-uugali ko ay naiiba na rin. Hindi ko nga alam kung san ko natutunan ang mga ito pero kusang lumalabas

