Snow's POV Gusto ko naman awayin si Mikaella. Sekretong kinausap ko siya kanina dahil gusto kong makipagpalit ng mesa pero ang bruha hindi pumayag! Gusto ko sana dun na lang kina Avis magserve dahil hindi sila nakakailang pero ang Mikaella ayaw talaga makipagpalit dahil kung naiilang daw ako, ano na lang daw siya? Kaya ito at tiis tiis ako. Pilit ko iniiwas ang tingin ko sa kanila at hangga't maaari nakatungo lang ako. Gusto ko na nga mapairap dahil hindi ko talaga alam kung ano man ang trip ng prinsipe at parang lagi itong nakatingin sa akin. Feeling CCTV lang eh. Alam ko naman na maganda ako haha, pero wag naman sanang lantaran yung tingin sa akin, ako yung nahihiya eh. Papaserve na ang dessert dahil nagsign na si Gisel sa counter kaya naman yumuko ako sa prinsipe. "Let me change the

