Snow's POV Nagising na lang ako dahil sa malakas na kalabog sa kabilang kuwarto. Napatingin naman ako sa wallclock at alas otso na pala ng umaga. "Snow! Gising na! Nandyan na ang sundo oh!" Sigaw naman ni Mikaella sa akin na kinatok pa talaga ang pintuan ko na nakalock. Napatalukbong naman ako ng kumot. God, gusto ko pang matulog dahil hirap akong matulog kagabi dahil paulit ulit kong naiisip ang nangyaring kapangahasan sa akin ng hindi ko kilalang tao. Kumikirot ang sentido ko at marahas akong napabangon. "Wag ka ng magdala ng mga damit dahil marami ka dun." Sigaw pa ulit ni Mikaella. Hindi na ako nagsalita. Bumangon na lang ako at pikit matang pumanhik sa banyo para maligo. Ewan ko basta tinatamad ako malamang dahil sa kakulangan ko ng tulog. Dati hindi naman ako ganito. Walang prob

