ZACCARY POV
Nakarating na kami sa Farm nila Briee at talagang maganda nga dito.. maraming puno ng mga mangga at buko meron din mga iba’t ibang bulaklak kung saan dito din kinukuha ang mga tinitinda nila sa shop nila sa San Isidro.
May mga alaga din silang mga baka at kambing, at mga itik.. May mga tao lamang silang pinagkakatiwalaan para mag asikaso sa kanilang farm.
“Magandang umaga po..!” bati sa amin ng isang lalaki.
“Magandang umaga din po sa inyo..ako po yung apo ni Lola Celia..” nakangiting sabi ni Briee dito.
“Ah oo iha..natatandaan pa kita kahit masyado ka pang bata ng umalis ka dito, ako nga pala si Guillermo, tawagin nyo na lamang akong Mang Gemo .” Nakakamot sa batok nitong sabi.
“Sige po Mang Gemo..salamat po sa aasikaso nitong Farm.. maglalakad lakad po muna kami doon..” paalam ni Briee sa matanda.
Masayang nag iikot ang mga kaibigan namin samantalang napansin kung tahimik si Briee.. Kaya nilapitan ko ito at sinabayan sa paglakad.
“Somethings wrong..?” I asked her. Lumingon ito sa akin at pilit na ngumiti.
“No- nothing.!..I'm fine..,..namiss ko lang itong lugar ..” sabi nito. Alam kung hindi malayo ang sinabi nito dahil dito ito lumaki ngunit meron pa akong nakikitang ibang lungkot sa mga mata nito at pakiramdam ko may iba pa itong iniisip.
Hinawakan ko ang mga kamay nito at magkahawak kamay kaming naglalakad sa ilalim ng mga puno.
“Guys do you wanna see a falls..?” maya maya ay tanung ni Briee..Halata namang naexcite ang mga kaibigan namin.
“Medyo madulas nga lang ang daan papunta doon..you sure you can keep up..?” nag aalaalang tanung nito.
“Of course Briee..kami pa bah..?” sagot ng mga babae.
Habang papasok kami sa magubat na daan nakaalalay si Rael kay Nicky at si Nate naman kay Kiara habang kami naman ni Briee ang nasa likuran.. si Vince ang nag lead sa amin habang chinicheck nito ang mga dadaanan namin.
“Guys.. its slippery here… tignan niyung mabuti ang mga dinadaanan niyo para hindi kayo madulas “ sabi ni Vince.
At bigla ngang nadulas ni Nicky. Mabuti nalamang at hawak ito ni Rael kaya hindi ito tuluyang bumagsak sa lupa.
“Be careful..!!?” sabi nito kay Nicky.
“Yeah.. thank you..” namumula ang pisngi ni Nicky at hindi makatingin kay Rael.
“Malayo pa ba Briee.?” Tanung ni Kiara.
“I guess malapit na…I can hear the water already..” sabi ni Briee.
Nang buksan ni Vince ang malalagong dahon.. natigilan ito.
“Wow.. its amazing…!! here it is guys..” sabi nito.
Sumunod naman kami sa kaniya at halos lahat kami namangha sa kagandahan ng lugar.
“Woww!!” sabi ng mga girls.
“But how can we get there ..?” tanung ni Nate.
“Kailangan nating bumaba jan..” turo ni Briee sa pababang daan..
“Hindi ba madulas..?” tanung ni Kiara.
“Wait I have an Idea” sabi ni Nate.
Kinausap niya kaming mga boys at agad naman kaming sumang ayun dito.
Nauna itong bumaba, humawak ito sa mga ugat ng malalaking puno. Nang makarating ito sa baba sumunod naman si Vince dito, Ganun din si Rael..at ako ang aalalay sa mga girls para makababa sa kinaruruonan ni Rael.
“You First…” sabi ko kay Nicky.
Hawak ko siya sa kamay at inabot naman ni Rael ang isang kamay nito para alalayan na makababa papunta kay Vince.. natuwa kami ng makarating itong ligtas kay Nate sa baba.. Sumunod si Nicky at ganun ulit ang ginawa namin..
Nang si Briee na ang bababa sinundan ko siya sa pagbaba hanggang lahat kami ay ligtas na nakababa. Nag high five kaming apat dahil sa ideyang iyon ni Nate.
NICOLE POV
It was really slippery habang papunta kami sa falls na sinasabi ni Briee,never pa akong nakakita ng falls kaya naexcite ako sa ideyang makakakita nadin ako nito.
Si Rael ang nakaalalay sa akin ng bigla akong nadulas kahit pa nagbabala na si Nate na madulas ang daan. Nasalo naman agad ako ni Rael at nakahawak ito sa beywang ko.
“Be Careful..!” worried na tanung ni Rael.
Biglang nakaramdam ako ng pagka ilang dito, at hindi ko napansin na namumula na pala ang pisngi ko.
Nang makarating na kami sa falls… namangha kaming lahat…ang ganda nito kahit hindi gaanung kataasan.
Gumawa ng paraan ang mga boys para makababa kami sa gilid ng Falls..
Inalalayan ako ni Zacc papunta kay Rael, mabilis namang inabot ni Rael ang kamay ko..at napakapit pa ako sa braso nito ng saluhin ako nito. I don’t know what’s with me this time at tila hindi ko na natatagalan ang mga tingin ni Rael. Dahil biglang kumakabog ang dibdib ko pag napapalapit ako dito.
Agad akong bumaba papunta kina Vince at Nate at nang makita nilang okay naman ang ideyang yun..sunod nading bumaba sina Kiara at Briee.
Ngayun nga ay masayang nagtatampisaw na sa tubig ang mga boys.. sa gilid lamang kami ng falls dahil hindi namin kabisado kung gaano kalalim ang tubig sa ilalaim ng nito..
Nag eenjoy sila sa tubig samantalang nakatingin ako sa kanila. Actually I am really afraid of the water. Lalo na sa malalalim na lugar kaya kahit sa mga swimming pool ay hindi ako gaanong naliligo lalo na pag alam kung malalim..
“Don’t you wanna go to the water..?” narinig kung tanung ni Rael. Nang galing ito sa likuran ko kaya nilingon ko ito.
“No..i’m fine here..” I said to him.
“The water is nice ..tsaka hindi naman malalim dito sa gilid, Don’t worry aalalayan kita..”He said with his charming smile
“Let’s go..” sabi ni Rael at inabot ang kamay nito. Masyadong nakakaakit ang mga ngiti nito ngayun, at nagiging marupok naman ang puso ko kaya kahit natatakot ako sa tubig hindi ko ito natanggihan.
“Wait...I’ll remove my shoes first..” tinanggal ko ang sapatos ko at inabot ang kamay ni Rael. Habang inalalayan ako nito na pumunta sa tubig.
The water is so cold, at ramdam ko ang pag agos nito sa mga paa ko. It's so refreshing.. But somethings hits me differently today…
This guy besides me who is smiling so brightly while he was looking at me, and his eyes na tila ngumingiti din pag nakangiti ito… I can’t help my self but to smile back at him too.
KIARA POV
We are enjoying the water.. its so cold.. gustuhin man naming maligo..ngunit wala kaming dalang pamalit so we decided na sa gilid nalang magtampisaw sa tubig.
Maya maya lumapit si Briee sakin at bahagya akong siniko sa gilid at tinuro niya sina Nicky at Rael.
Rael never leave Nicky’s side habang nasa tubig ang mga ito.. We all know na takot si Nicky sa tubig pero naaya ito ni Rael.
Sabay kaming napangiti ni Briee dahil mukhang may susunod sa mga yapak nila ni Zacc.
Hayss…ako nalang ba ang hindi nagkakalovelife dito..?
I was in a middle of this thought ng maramdamang kung may sumaboy ng tubig sakin.
“Oops sorry..!” bahagyang nakangiti si Nate na nakatingin sa akin habang nakataas ang dalawang kamay nito.
Is Nate really smiling at me..? Maliban kay Zacc na laging tahimik , ganun din naman si Nate..mas gusto nitong makinig lang ng music sa headset nito at hindi gaanong nagsasalita mas lalong bibihira lang din ngumiti.
Ngunit muli akong natamaan ng tubig..and this time galing naman kay Vince… natawa pa ito sa reaksyun ko.
Kaya uminit ang ulo ko at agad kumuha ng tubig at sinaboy sa dalawa..
Hindi man kami nakaligo, nabasa padin ang mga damit namin, pero this experience was really a memorable one for us.. We had so much fun,... enjoying the water.
BRIELLE POV
Pagkatapos naming magtampisaw sa tubig nagkayayaan na kaming bumalik sa farm.
Pero may napapansin din akong kakaiba, ang biglang pananahimik ni Nicky habang kasabay si Rael sa paglalakad. Hindi ko maiwasang mapangiti sa dalawa.
“What are you smiling..?” Zacc asked me.
“Ahh..nothing.. I just feel happy today..” nakangiti kong sabi dito.
He hold my hand at patuloy na kami sa paglalakad.
Nang makabalik na kami sa farm. Nadatnan namin na may inihanda silang mga prutas sa lamesa.. Mangga,buko at pakwan..
“Wow… ang sarap nito..para sa amin po ba to..” tanung ni Kiara na agad lumapit sa lamesang kawayan.
“Opo..para sa inyo yan…sana’y magustuhan niyo itong lugar namin.” Nakangiting sabi ng ni Mang Gemo.
Napansin ko din ang isang babae na halos kaedadan din namin na tumutulong sa paghahanda ng mga pagkain..
Halata ang pagpapacute nito kay Zacc.. ng umikot si Zacc sa lamesa malapit sa babae ,panay ang ngiti nito.. at nang may ibigay ito kay Zacc na prutas tinignan lamang ito ni Zacc at parang walang nakikita at umalis papunta sa akin. I saw her reaction… nalaglag ang mga balikat nito sa pambabalewala ni Zacc dito.
“Here… eat this..!” sabi ni Zacc ng makalapit sa akin.
“Thank you..” I said to him.
Kumuha ito ng isang slice ng pakwan at isinubo sakin.. Nakangiti ko naman itong kinain. So I also did it to him..pero mas malaking slice ng pakwan ang kinuha ko at binigay dito na tinaggap naman nito and we both laugh.
Napatingin ako ulit sa gawi ng babae na tila kay Rael na naman nagpapapansin.
Rael being so friendly agad itong ngumiti sa babae na tila nahypnotize naman sa charm ni Rael.
Ngunit ng mapansin ni Rael na nakatingin si Nicky sa kanila at naglakad palayo si Nicky..agad itong sinundan ni Rael.
“I think Rael likes Nicky..” sabi ko kay Zacc
“Yes ,He did…” parang wala lang na sabi ni Zacc .
“Really..? did he told you..?” gulat kung tanung.
“No… I just know it..” he grin at kumain ulit ng mangga.
“Why didn’t you tell me..” sabi ko dito sabay ng mahinang hampas sa braso nito.
“Its just a guess.. how can I tell you, when Rael himself didn’t realize it before..” paliwanag nito.
“Then what do you think about those two boys.. sinu sa kanila ang may gusto kay Kiara..?” curious kung tanung.
“Bakit mukha yatang naging concern ka na sa lovelife nila..?” seryusong tanung ni Zacc.
“Basta… sagutin mo nalang ako..” pamimilit ko dito.
“Yes.. I love you..” biglang sabi ni Zacc kaya bigla akung nabiluakan sa sinabi nito. Agad naman nitong inabot sa akin ang baso ng buko juice. Sabay hagod sa likuran ko.
“Wag mu nga akong ginugulat..” reklamo ko dito.
“You said ,sagutin kita d ba..” pilyong sagot nito.
“Hayss ewan ko sa’yo..!!” aalis na sana ako ng pigilan nito ang kamay ko.
“Okay…!Okay..! im serious now..” sabi nito. Kaya muli akong bumalik sa tabi nito. At naramdaman ko ang pag akbay nito sa balikat ko.
“Kailangan talagang nakaakbay kung nag uusap ..?” nakaingos na tanung ko dito.
“Gusto mu bang malaman or ayaw mo?” salubong ang mga kilay na tanung nito.
“Oo na sige na… sabihin mo na kasi..” talagang gusto nitong nakikitang naaasar ako. Ngumiti naman ito at bumulong.
“I guess.. both of them likes her..but it is just a guess .. okay..! so don’t mention it to Kiara…let’s just wait ,what will happen next..” seryusong sabi nito. Nanlaki naman ang mga mata ko at napatakip ako ng kamay sa labi ko… So walang kaalam alam si Kiara na siya ang pinaka maswerte sa aming tatlo..