Chapter 24

1824 Words
BRIELLE POV Nakauwi na ako sa aming bahay, mabuti nalamang at pinayagan na ako ng doctor na lumabas. Nag volunteer naman si Rael na susunduin kami kaya ang nangyari lahat ng mga kaibigan ko sumama ng lumabas ako ng hospital. Mabuti na lamang at week end kaya tumambay pa sila muna sa bahay. Pinag handa naman sila ni Tita Marie ng masarap na meryenda. “Briee… tingin mo makakaattend ka ba ng prom..?” tanung ni Kiara. “Hindi ko pa sigurado ei.. tsaka isa pa wala pa akong susuoting damit.” Sabi ko sa kaniya. “Damit lang ba…?!!, kami na ang bahala jan ni Nicky..! wag mo nang problemahin yan..” nakangiting sabi ni Kiara.. at nag high five pa sila ni Nicky. “Pumunta ka na Briee.. don’t worry kung wala kang partner…. Nandito naman kaming mga guwapong leading man mo..” Pabirong sabi ni Rael. Marahan naman itong hinampas ni Nicky sa balikat. “Puro ka biro…?!!” saway ni Nicky dito. “Seryuso kaya ako…!!” sabi naman ni Rael  na nagseryuso ang mukha. “Seryuso ka jan..!!” irap naman ni Nicky dito. “Seryuso naman talaga ako sa’yo ei..!!” sabi ni Rael,  Gulat naman kaming napalingon dito. Maniniwala na sana ako ng bigla itong ngumiti at nag peace sign. “Bwesit ka talaga..!!” gigil na sabi ni Nicky at hinampas ito ng unan..Kaya ang nangyari naghabulan silang dalawa sa loob ng kuwarto ko. Maya-maya tumayo si Nate at may inabot na mga papel. Nagtatakang kinuha ko ito at binasa… Napangiti ako ng mabasang mga notes ito ng bawat subject namin. “You really made this..?” hindi makapaniwalang tanung ko dito. Si Nate pa, he was too lazy to write his own notes nga ei. “I made him do that…actually dalawa sila ni Vince ang gumawa niyan..?” nakangiting sabi ni Kiara.. “Really..?!!, thank you guys ha…” nakangiti kung sabi mga ito. “Wala  yun Briee…kisa naman makatikim kami ng batok mula sa isang masukista dito..” parinig ni Vince kay Kiara. “Sinung masukista ang sinasabi mo ha..!!” at kinuha din ni Kiara ang isang unan at marahang hinampas si Vince. “Oh..tignan mo…hindi ba pwedeng magsalita lang.. kailangan bang manghampas agad..!!” reklamo naman ni Vince. “Tsee..! pag hindi maayus ang pagkakasulat mo at bumagsak si Briee sa exam… malalagot ka talaga sa akin..” irap ni Kiara dito. “Hala..bat ako..! mas marami namang sinulat na notes si Nate nuh..!buti na lang masarap tong meryenda ni Tita Marie, worth it ang pagkapagod ng mga kamay ko… pinge pa Briee ha…!!” nakangiting sabi ni Vince. “Hayss..basta pagkain talaga..!” yamot na sabi ni Kiara. KIARA POV Kinabukas bumalik ulit kami sa bahay nila Briee.. alam kung mas malulungkot si Briee pag mag isa lang siya.. kaya habang hindi pa niya kayang lumabas ng bahay madalas namin siyang binibista ni Nicky. Halos Isang linggo nading hindi siya pumapasok sa school. Mas lalong naging aloof naman si Zacc sa amin.. at naririnig ko sa kabilang section na madalas din daw itong absent. Ano ba talaga ang nangyayari kay Zacc ngayun..? Excited kami ngayun ni Nicky dahil magsusukat kami ng gown na gagamitin namin sa Prom. May mga dala din kaming gowns para kay Briee. Nadatnan namin si siyang nagbabasa ng mga notes sa kuwarto nito. “Briee…!!” masayang bati namin ni Nicky sa kaniya. Ngumiti naman siya pero alam kung hindi padin abot sa kaniyang mga mata. “Look at this.. ang gaganda di bah…” excited na sabi ni Nicky habang pinapakita ang mga gown. Nakakatayo naman na si Briee ngunit kailangang dahan dahan lamang itong kumilos.. apat na araw na lang bago ang Prom kaya natutuwa kami sa mabilis na recovery niya. “Try this Briee…” inabot ni Nicky ang isang blue dress kay Briee . May pagka fitted iyon kaya for sure…lalabas ang hubog ng katawan ni Briee. Tinulungan naming ipasuot kay Briee ang gown…and to our surprise it really looks good on her.. “You look like a real lady…Briee..!” Natutuwang sabi ko sa kaniya. “Hindi ba mukhang too revealing sabi ni Briee..” dahil nakalabas ang mga balikat nito.. “No..!! okay lang yan…, hayaan mung maglaway sayo ang Zacc na yun..!” sabi ni Nicky.. ng bigla itong matigilan dahil sa pagbanggit nito kay Zacc. “Oppsss Sorry...!!” sabi ni Nicky na nag peace sign. “It’s okay..” sabi ni Briee habang pilit na ngumiti. Alam kong mahal ni Briee at Zacc ang isa’t isa pero paano namin sila matutulungang magkabalikan. Kailangang kung gumawa ng paraan para malaman ko kung hindi na nga ba mahal ni Zacc si Briee.. Hayss paanu..? Maya-maya may kumatok at pumasok si Tita Marie.. Nakapag palit nadin kami ng mga damit pagkatapus naming magsukat. “Briee may bisita ka..Si Dom..” sabi ni Tita Marie. Nagkatinginan kami ni Nicky.. at sa isang iglap merong ideyang pumasok sa isip ko at alam kung malaking tulong ang bisita ni Briee.. Nadatnan namin na nakaupo sa sala ng bahay nina Briee si Dom at may dalang snacks. Agad itong tumayo pagkakita nito sa amin. “Briee…! May mga bisita ka pa pala… baka nakakaesturbo ako…ahm babalik nalang siguro ako…” nahihiyang sabi ni Dom. “No it’s okay…. Mabuti nga at nandito ka..” nakangiti kong sabi. Nakakunot naman ang noo ni Nicky at Briee sa sinabi ko. “Ihahanda lang namin tong snacks na dala mu ha… usap muna kayo ni Briee..!” sabi ko at kinuha ang mga dala nitong snacks.. seninyasan ko din si Nicky na sumunod sa akin sa kusina. “Nicks.. alam ko na kung paano tayo makakatulong kina Zacc at Briee…!” nakangiti kung sabi. “Talaga…!!Tell me..!” excited namang sabi ni Nicky at ibinulong ko sa kaniya ang plano ko. “Si Dom..?!!..sigurado ka bang papayag si Briee..?!!” nag aalala nitong tanung. “Ako ng bahala dun…” sabi ko sa kaniya. “Sana naman hindi sila lalong masaktan sa pinaplano natin..” worried na sabi niya. “We don’t have a choice Nicks.. ito lang ang alam kung paraan para magkaayus ang dalawa.. pero kung anu man ang mangyayari after nito… well baka yun na talaga ang nakatadhanang mangyari..” I sighed. Nang makabalik kami ni Nicky sa sala. Enjoy namang nag uusap ang dalawa. May pagka jolly na tao sa Dom at may sense of humor kaya napakagaan nitong kausap, napapansin ko din na madalas na nakangiti si Briee pag kausap ito. Inilapag namin ni Nicky ang snacks at nagsimula na ulit kaming magkuwentuhan. Nalaman ko din na He came from a family of Doctors. Dahil taga kabilang bayan pa si Dom parang hassle talga para dito na madalas puntahan si Briee..ramdam ko na hindi lang isang kaibigan ang nararamdaman nito para kay Briee.. It’s more than that… “Ahm Dom…pwed ba kitang makausap kahit saglit lang..? Briee…okay lang ba..?” paalam ko sa kanila. Naisipan kong kausapin si Dom dahil may mahalaga akong sasabihin dito. “Sure..” sabi naman ni Briee.. Nagtataka namang sumunod si Dom sa akin sa labas ng bahay. “I just want to tell you something…it’s about Briee..and I need your help..?” I told Dom. “Help… what is it..?” interesadong sabi naman ni Dom. Hindi naman nagtagal bumalik nadin kami sa loob. “Sorry guys ha.. nagpasalamat lang ako kay Dom sa kabutihang ginawa niya para sa’yo Briee..” I told them. Nakangiti naman si Dom. Saglit pa kaming nagkuwentuhan at nagpaalam na kami ni Nicky kay Briee. “Ah Briee..total nandito na si Dom.. mauuna na kami ha…”paalam ko kay Briee..at marahan kung hinatak  si Nicky. “Wait paano ang gowns…?” takang tanung ni Briee. “Ah… babalikan nalang namin tomorrow..” sabi ko kay Briee at mabilis na kaming lumabas ni Nicky sa bahay nila. “Sigurado ka ba sa plano natin Kiara..” tanung ni Nicky ng makalabas na kami. “Oo naman… ako pa bah..?” nakangiti kong sabi. “Pumayag ba si Dominick..?” excited na sabi ni Nicky. “Yap…. And I know his so willing to do it..” I smiled. Haysss nakasalalay nalang talaga kay Dominick ang lahat. BRIELLE POV Nagtataka ako kung bakit bigla nalang umalis sina Kiara at Nicky. Pero ipinag kibit balikat ko nalamang ito. “ I heard malapit na ang prom niyo..” Dominick said. “Ah..Oo.. malapit na nga…” mahina kong sabi.. dahil nakakalungkot lang isipin na baka hindi ako makapunta. “Bakit parang hindi ka excited..  halos lahat ng mga estudyante hinihintay ang ganitong event.” Sabi ni Dom. “Nahihiya nga akong sabihin kina Kiara na baka hindi ako pumunta..” malungkot kung sabi. “Bakit naman..?! ito na yung last prom mo sa high school sayang naman kung hindi ka pupunta..” he said. “ Magiging pabigat lang naman ako doon sa kanila… Paano sila mag eenjoy kung iniisip nila ako di ba.. tsaka isa pa.. hindi pa ako ganun kabilis maglakad.” “That’s why I’m here…I’ll help you..!” “No.. I’m okay… masyado na akong nakakaabala sa’yo ei..” nahihiya kong sabi. “Wala ka naman dapat  ipag alala Briee, I told you before that you’re one of my special friend so..i didn’t mind helping you.. “nakangiti nitong sabi. “Gusto ko din nman sanang umattend kaya lang..baka magiging pabigat lang ako doon kila Kiara.. busy pa naman sila that day…tapus hindi man lang ako makatulong…” malungkot na sabi ko. “Then… what if I join you…?” he said. Napaangat ako ng tingin kay Dom..“What do you mean..?” “I can be your prom date.. if you’d like Briee…!” He said seriously. I was stunned and speechless for a while. I guess that’s a better idea. I smiled at Dom. DOMINICK POV Wala akong hilig umattend ng JS Prom lalo na sa school namin.. kaya last year hindi din ako umattend at wala din akong balak sumali this year. Pero pagkatapua naming mag usap ni Kiara kanina and she’s asking for my help.para mapasaya sa Briee. Hindi ako nagdalaeang isip pumayag. Basta para sa ikakasaya ni Briee I’m willing to adjust… Agad namang umalis sina Kiara at Nicky kanina para bigyan kami ni Briee ng time para makapag usap. I talked to Briee gusto ko ding malaman kung gusto din talaga nitong umattend ng prom nila.. dahil ayaw ko naman na ayain ito at mapipilitan lang itong sumama. But I can feel na gusto din nitong umattend..so I suggest na samahan ito sa prom nila.. I offered to be her prom date. Bahagya ding nagulat si Briee ng sinabi ko ito at hindi nakapag salita. But after a while she smiled.. And I know… she likes the idea. I’ll do anything for Briee.. and pag dumating ang tamang panahon I’ll tell her the truth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD