Chapter 23

1757 Words
DOMINICK POV Kasama ko ang mga ka team mates ko na naglalakad dahil may pinuntahan kaming lugar malapit sa school nila Briee. Nangunot ang noo ko ng makita kong mabilis na tumatakbo si Briee sa gilid ng daan at parang umiiyak. Kaya nag paalam ako sa mga kasama ko na may pupuntahan lang saglit. Hinabol ko si Briee… Ngunit bigla nalang itong tumawid sa kalsada. Agad akong napalingon ng mapansin ang isang sasakyan na mabilis ang takbo papunta kay Briee. Ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso ko dahil sa kaba dahil sa bilis ng mga pangyayari. Tumilapon ang katawan ni Briee sa lupa ng tumama ito sa sasakyan. Agad akung tumakbo papalapit dito habang sinisigaw ang pangalan nito. Mabuti na lamang at nagkusa ang driver ng sasakyan na dalhin si Briee sa hospital. Agad naman kaming inasikaso ng mga nurse at dinala si Briee sa Emergency Room. Nangako naman ang driver na tutulong sa gastos sa hospital. Tinawagan ko si Tita Marie sa nangyari at ilang saglit lang humahangos na itong dumating sa hospital. “Anung nangyari..? Bakit…?” parang hindi ito makapag isip ng maayos habang umiiyak. “Tita..ginagawa na po nila ang lahat.. para kay Briee.” Sabi ko sa kaniya para hindi na ito masyadong mag alala. “Tulungan mo si Briee..! Hindi ko na alam ang gagawin ko pag may mangyaring masama sa kaniya..” Umiiyak padin nitong sabi. Kaya niyakap ko nalang siya. “Everything will be fine Tita… fighter si Briee alam kung hindi siya susuko.. “ Ramdam ko din ang pamamasa ng mga mata ko.. Isang beses na akong nawalan ng mahal sa buhay ng mawala ang pinakamamahal na Lola ko. Subrang sakit ang naramdaman ko noon at ilang buwan ang inabot bago ko matanggap na wala na siya. Kaya ngayun gagawin ko ang lahat para matulungan si Briee. Kanina tinawagan ko ang kaibigang Doctor ni Papa.. mabuti na lamang at malapit din ito sa akin kaya mabilis itong tumugon nung makiusap akong iligtas si Briee. I can’t afford to loose her…Ngayun pang ramdam kung espesyal siya para sa akin. Maya- maya lumabas si Dr. Molina mula sa emergency room at agad nami siyang sinalubong ni Tita Marie. “Kamusta ang pamangkin ko Doc..?” Worried na tanung ni tita Marie. “She’s fine now, may ilang fractures lang siya sa kaniyang braso at tagiliran pero hindi naman ganun kalala ,kailangan lang muna niyang itong ipahinga..para tuluyang gumaling..ililipat na natin siya sa kaniyang silid para doon tuluyang magpagaling.” Nakangiting sabi ni Dr. Molina at tinapik ako sa balikat. “You saved her..mabuti nalang at naidala siya kaagad dito sa Hospital.” sabi ni Doc. “Maraming salamat po Doc” sabi ni tita Marie. Tumango lamang ito at ngumiti. “So I have to go…just remember na hindi pa niya kayang kumilos mag isa so she needs your help.” Sabi nito at tuluyang umalis. BRIELLE POV Nagising akong puro puti ang nakikita ko sa kisame. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero hindi ko maigalaw dahil biglang kumikirot ang ilang bahagi nito. What happened..? Napaisip ako. Tsaka bumalik sa alaala ko ang lahat ng nangyari hanggang sa nabangga ako ng sasakyan. Mas nangibabawa padin ang sakit ng puso ko kisa sa nararamdaman katawan ko. Napatingin ako sa pinto ng may pumasok and to my surprise it was Dominick. Halata ang tuwa sa mukha nito ng makitang gising na ako. Halatang galing pa ito sa school nito dahil naka school uniform pa ito. “Briee… I’m glad you’re awake… kamusta ang pakiramdam mo..?” nag aalala nitong sabi at umupo sa upuan sa tabi ng higaan ko. “Ilang araw na akong natutulog..?” mahinang tanung ko dito. “Two days today..” sagot nito. Two days… at paano ang school ko. Did my friends know about what happened..? How about Tita Marie..? Napansin marahil ni Dom na nag iisip ako. “Don’t worry you are already excused, nainform na ng Tita mo ang Adviser mo na hindi ka muna makakapasok. Umuwi lang saglit si Tita Marie.. babalik din yun mamya..” sabi nito. Pumunta ito sa gilid ng table ko. At kumuha ng tubig. “Here drink this first..dalawang araw ka ng hindi kumakain.” Sabi nito. “I can’t move my body.” Nalulungkot na sabi ko. Nag isip ito at lumapit sa uluhang bahagi ng higaan ko at parang may inadjust lang ito at biglang umangat ang higaan ko. Ngayun para na akong nakaupo. “Thank you..“ sabi ko kay Dom. Ngumiti lang ito at kinuha ulit ang baso ng tubig at pinainom sa akin. “Baka nakakaabala na ako sa’yo Dom.. nakakahiya naman..” sabi ko sa kaniya. “Wag ka ng mahiya Briee magpasalamat ka nalang dahil niligtas ka ni Dom..” Napalingon kami sa pinto, nakabalik na pala si Tita Marie. “Alam mo bang si Dom ang nagligtas sa’yo siya din ang nagdala sa’yo dito sa hospital…at nakiusap pa siya sa kakilala niyang doctor na huwag kang pabayaan.” Kuwento ni Tita Marie habang nilalapag ang dala nitong mga prutas sa lamesita. Napatingin ako kay Dom na parang nahihiya at napapakamot pa ng batok. “Wala po yun Tita.. basta po para sa kaligtasan ni Briee..” nakangiting sabi nito. “Salamat Dom…tatanawin ko itong utang na loob..hayaan mo makakabawi din ako sa’yo..” nakangiting sabi ko. “Ngapala Briee… pumunta ako sa school niyo nakausap ko nadin ang advisor mo na hindi ka muna makakapasok.” Sabi ni Tita. “Alam po ba nila Kiara ang nangyari sa akin Tita..?” tanung ko. “Ah Oo.. nakita ko siya kanina dahil dumaan siya sa flower shop..nagtaka marahil kung bakit hindi ka nakapasok.. kaya sinabi ko sa kaniya na nandito ka.” Kuwento nito. Napabuntunghininga ako. Mabuti nadin itong nangyari at maiiwasan kong makita ang taong nanakit sa damdamin ko. Kinausap ni Tita Marie si Dom na umuwi na muna ito para makapag pahinga at makapag bihis nadin. Kaya nagpaalam muna si Dom na uuwi. “Briee.. alam mu bang hindi talaga umalis yang si Dom nung unang araw na dinala ka dito. Kung hindi ko pa siya pinilit na umuwi at magpahinga hindi talaga siya uuwi. Alam mo bang nagbihis lang siya ng damit at kinagabihan bumalik na naman dito.. para daw makaidlip din ako …napakabuti niyang bata..” nakangiting sabi ni Tita Marie. Napatango ako..alam ko naman yun. Kaya nahihiya ako dahil masyado na akong nakaabala kay Dom. Nagpaalan muna si Tita Marie at may kukunin lang daw sa nurse station. Nang bumukas ulit ang pinto ng kuwarto ay humahangos na dumating sina Kiara at Nicky. Bakas sa mukha nila ang pag aalala ng makita nila ako. “Briee…what happened..?” mabilis ang mga hakbang ni Kiara papalapit sa higaan ko.. Hindi nadin nito mapigilan ang mga luhang kumawala sa mga mata nito. “Briee.. Sorry ngayun lang kami nakadalaw.. hindi namin agad nalaman…” sabi ni Nicky na naiiyak din. “Sana pala hinabol nalang kita.., hindi sana nangyari sa’yo to..” sabi ni Kiara na umiiyak padin. “It’s okay… ligtas naman na ako.. medyo masakit nga lang ang katawan ko kaya hindi pa ako makakapasok.” Sabi ko sa kanila. Maya-maya pa pumasok din ang tatlong kaibigan naming lalaki. “Briee…are you okay…?”Worried ding tanung ni Rael. “Sorry Briee, we’re not there that day” sabi naman ni Vince. “Masasapok ko na talaga yang si Zacc!” seryusong sabi ni Nate. Natigilan naman kaming lahat at napatingin dito. Nagyun lang ito nakapagsalita ng ganun kay Zacc . Natatawang napapakamot nalang ng ulo niya si Rael. Nang makabalik si Tita Marie natuwa naman ito at may makakasama siya.. Aalis daw ulit ito para puntahan ang taong nakabangga sa kaniya. Naewan kaming magkakaibigan at ilang oras ding nagkukuwentuhan. Nang bumukas ulit ang pinto natahimik ang mga kaibigan ko ng makita nilang pumasok si Dominick. “Briee I brought you some….food..” natigilan din si Dom pagkakita sa mga kaibigan ko. “What is he doing here..?” seryusong sabi ni Rael. Dumeretso naman si Dom sa lamesita at nilagay ang mga dala nito. “Guys… si Dominick.. siya ang nagligtas sa akin.. siya din ang nagdala sa akin dito sa hospital.” Sabi ko sa kanila. Hindi naman nakapagsalita pa si Rael. Ngunit seryuso padin ang mukha. Agad namang lumapit si Kiara kay Dom at nagpasalamat. Pero ang mga boys halatang mabigat padin ang loob dito. Di nagtagal nag paalam nadin ang mga boys.. nagpaiwan muna sina Nicky,Kiara at Dom para magbantay sa akin. “Heto nga pala Briee I photocopied my notes para may mabasa ka dito at hindi ka mabored.” Sabi ni Kiara at inabot ang isang plastic envelope. “Thank you Kiara ha..! worried nga ako baka malaglag ako sa scholarship.” Sabi ko sa kaniya. “Of course hindi yan nuh..! akong bahala sa advisor natin.” Nakangiti nitong sabi. “So pano yan Briee..hindi ka na talaga niyan makakaattend ng prom..”?malungkot na tanung ni Nicky. “It depends kung magiging okay na ako bago ang prom” sagot ko. “Kaya nga magpagaling ka na.. eto oh.. kainin mo to…” sabay abot ni Kiara ng isang plate ng mga slice fruits. Natawa nalang ako sa kinikilos nito. Nang magpaalam si Dominick na lalabas muna umupo si Kiara sa higaan ko. “You know what Briee… I tried to talked to Zacc after what happened in the cafeteria. But he never listened.. AHH!! I hate him more…!!” reklamo ni Kiara. Malungkot akong ngumiti. Marahil hanggang dun nalang talaga kami. “Briee.. you are so lucky.. having him near you right now…” nanunudyong sabi ni Nicky na halatang iniiwas ang topic tungkol kay Zacc “Bakit mo naman nasabi..?” while I was frowning at her. “Ei kasi nga..di ba alam mo naman na subrang crush namin siya ni Kiara before..and even now naman.. I heard that Dom is really a nice guy.. a true prince charming indeed..” kinikilig na sabi nito pero maya maya nag bago ang expression ng mukha nito at malungkot na tumingin sa akin. “Do you still love him..?” She asked. I was taken a back… pumasok ulit sa isip ko ang nangyari bago ang aksidente.. Nakita ko ang galit sa kaniyang mga mata…habang tinitignan ko siya noon sa cafeteria.. it makes me weaker and it makes my heart turned into pieces and turned my hopes and dreams into nightmares. Mahal ko pa ba siya…?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD